June 29, 2009

Huling Hirit ng Kalandian!!!


Pagod ako ngayon. Galing Makati may inasikaso, at dahil pagod ako wala ako sa mood mag isip,tingnan nyo Tagalog.Kasi nga tamad ako LOL! Mag-Taglish nalang muna ako.Pasensiya na muna sa mga international readers ko haha.Naks! feeling sikat e noh!!!At dahil tungkol sa katalandian ito e, pipilitin kong tapusin ang post na 'to!haha

Anyway,sumakay ako ng bus sa terminal ng Sta.Rosa kanina pa-LRT Buendia/Lawton at baba ako sa Filmore sa Makati, halos puno na,yun nasa dulong rows nalang ang bakante, naupo ako sa tatluhan dahil wala dun ang araw,para di mainit sa tabi ng window,feeling eksursyonista ako lagi e pag nasakay ng bus gusto laging tabi sa bintana!LOL

Nakapikit ako habang antay mapuno ang bonggang bus.Namalayan ko nalang na may tumabi sa pwesto ko,medyo nakadikit sakin kahit na dalawa palang kami sa tatluhang upuan, napadilat ako at nilingon siya ng pasimple,binuksan ang aking third eye sa parteng tenga LOL! hmmm, may mga bakante pa kaya sa kabila bakit dito 'to naupo,sa isip-isip ko.

Maliit na guy, siguro mga around 5'4, naka-shades, semi-kalbo, may hikaw, ganda ng bag ha infairness haha. Di ko siya masyado ma-analyze baka mahalata na nakatingin ako.Impression ko: 18 years old na estudyante na papasok sa school ngayon.

Nakumpleto na kami sa upuan,tatlo na,lalo siyang napadikit sa 'kin, ramdam ko yun katawan niya at yun braso nya.Ang sarap shit!haha.Sarap kaya feeling ng may makinis na mainit init na balat sa braso ko. Dinedma ko nalang, kasi masikip talaga kaya ganun. Ayoko mag ilusyon.Habang nasa expressway,napapansin ko lalo siya napapadikit sakin,parang sinasadya,natakot ako baka mandurukot pala si student.

Inilipat ko yun bag ko sa kabilang side palayo sa kanya.Pero di naman siya mukhang mandurukot haha.Inunat niya yun braso niya at ipinuwesto sa may hita niya,kaya bale,nasa pagitan ng legs ko at legs niya yun braso at kamay niya,as if waiting for a holding hands from me.Halos nakapatong na sa right legs ko.

Shit,ano to...napapaisip ako,gusto ba niya na ganun din ko ipwesto braso ko?Nakiramdam pa ko,pero talagang nakadikit siya sakin ng todo lalo yun braso niya..."tinitigasan na ko...putcha!"hahaha.Deadma lang ako kunyari,nainip siguro binago niya pwesto niya.Ako naman ang nahinayang baka nga gusto nya hawakan ko kamay nya.E di mega gaya ako sa pwesto ng kamay at braso niya kanina.

Aba..ginaya niya din ako,super dikit mga braso namin na parehong nasa gitna ng right legs ko at left legs nya.Di ko magawang hawakan kamay niya, magkatalalikuran mga palad namin...nahihiya ako,baka mapahiya ako e,at isa pa ang bata pa nito!!!Ang tagal pa namin nagpapakiramdaman,jusko inip na inip na ako sa next move nya!haha

Nagpapanic na ko malapit na kasi ako bumaba e siya Lawton pa!Di ko pa alam name niya or number at nasususpense na ako sa kakahantungan nitong kiskisan namin ng balat LOL! Its now or never,since magkadikit at magkatalikuran pa din kamay namin,nilapit ko yun little finger ko sa daliri niya,as if kinukulbit ko sya gently...ay shit gumanti ng galaw ng daliri....hanggang sa halos magkaholding hands na kami...

Nung bumaba yun katabi pa naming isang guy,tinignan ko siya ng maigi,di na pala siya minor,he's an adult na hehe maliit lang siya talaga and baby face ng konti.Nasa may Fimore na yun bus,pero di ako makadecide kung bababa na ba or what di ko pa siya nakakausap,sayang din to noh!LOL. Sabi ko "hi,Filmore na ba to?" kunyari di ko alam pero nakailan balik na ako dun haha."Di ko lang sure...parang..." sagot niya, hmmm halata ko na PLU din siya.Nice!

Napansin ko super dikit pa din kami kahit dalawa nalang kami sa tatluhang upuan, as if he's wrapping his arms around mine. Jusko bus affair ito!!!Tinido ko na ang pakikipag usap "ano name mo?"

"Tommy,ikaw?" sabi niya na super lapit sa mukha ko, shit I wanted to kiss him...

"Im Mac. May bf ka na?" di ko alam bakit natanung ko yun haha

"Wala.Ikaw?" balik tanung niya, sinabi ko wala din haha.sayang aalis na ako sa wednesday!hmmpf!pero di ko yun sinabi sa kanya agad.

"San ka pupunta?what time ka matatapos dun?" ako ulit talagang tanungan to the max na!habang hinawakan ko na ang kamay niya na parang jowa ko siya, saglit lang daw siya sa lawton sa office nila, sabi ko ako din, pero di ko muna siya niyaya nahiya ang lola nyo haha.Super lapit namin nung nag uusap kulang nalang maghalikan kami!

Nilabas ko celphone ko at inabot sa kanya,"paki-lagay ng number mo.."kinuha niya at tinayp yung number niya sa phonebook ko.

"miscall mo ko,malapit ka na bumaba" sabi niya.Nagpaalam na ko kasi LRT na e haha.

Sumakay ako ng jeep pabalik ng Filmore haha.Magkatext kami habang nasa daan ako.sabi niya kung alam ko na ba daw ang pupuntahan ko, inamin ko sa kanya na nag alibi lang ako.Napag alaman ko na manager siya sa isang store outlet sa mall at na 29 years old na siya at nakatira sa bayan malapit sa min!ang saya!

"dinidikitan na nga kita e..parang umiiwas ka naman.Di mo ba naamoy na gay din ako?haha" reply nya sa text

After 30 minutes nagtext siya ulit na tapos na daw siya sa lakad niya,ako naman nasa office pa ng agency ko.Niyaya niya ko na baka gusto ko kumain at gumala kami and to talk a little bit more na din.Nagkita kami sa MOA. Ayun ang ending e nagkaroon ako ng date ng di oras haha masarap siya kausap,nag enjoy ako.

Di ako makapaniwalang I picked up a guy sa bus!!!haha

Kwentuhan to the max kami,nabanggit ko na paalis na me sa wednesday pa-qatar,napansin ko na medyo nadisapppoint siya....ako din nadisappoint,mejo I want to know him more e.He seems to be a nice guy.Maaga pa, nag stroll kami sa mall kasi 4pm ako kelangan bumalik s agency.Gusto ko sana magsine ng mahalikan ko naman ang mokong na to!LOL! Bumili ako ng ilan item at siya din, bad infuence daw ako haha.

Naghiwalay na kami nung 4pm kasi matatagalan pa ako sa briefing sa pag alis ko.Till now magkatext pa kami habang sinusulat ko to.Sayang di humantong sa kama!Kidding!!!!!!!!!!!!

13 comments:

LhanDz said...

haba talaga ng hair ni mac hehe..

Herbs D. said...

mag bus na nga rin ako ngayun haha etchosss

marvin said...

lols! anlande! ramdam na ramdam ko ang excitement sa bus. for sure pinagpapawisan! :-P

JIMG29 said...

true-lagang mahina pa kayo sa echosan, sayang talaga kung kailan pa-Q kana.
kung saken nangyari yan, haplusang kata-cute-tacute na ang event sabay liko sa motel para ma-pruwebahan. parang tumanggi kapa sa grasya.

sumakit lang tuloy ang mga matres nyo, LOL

blurosebluguy said...

UNA..GOOD LUCK SA FLIGHT MO..INGAT KA DON KAIBIGAN..
PANGALAWA, SAYANG PAALIS KA NA ...HAHAHAHAHA AT DI NA KAYO MAGKIKITA NI TOMMY..
THIRD,....GUD LUK NA LANG SA BAGO MONG ADVENTURE SA ABROAD..BALITAAAN MO KAMI HA!

Turismoboi said...

pavirgin pa? puke mo hahahaha! cheerz!

stainedheart said...

hoi, macario.. langya ka! mag bagong buhay ka na. hahaha. pero in fairness ha...npaka random ng experience mo...i like it. very eccentric.

Gusto ko rin ng ganyan... yung mkaka meet ka gaya ng mga fish ball vendor, yung mga mananadtad ng baboy...yung mga ganun. tapos may i-smile at mag twinkle yung mga eyes namin tapos yun na...landian na..hahahaha pero random pa din ha.. i like it dirty and kinky. lol

MANDAYA MOORE: Ang bayot sa bukid said...

wednesday ang alis mo. tuesday na ngayon. itodo na ang kalandian. go!

Ming Meows said...

kainis noh. mapagbiro talaga ang buhay.

Basyon said...

Hhhmm..Grabe to..hahaha Paging to all the people here, mag-bus narin kayo like Mac..lol.;D
Such a great experience, sayang nga lang at paalis kna.=(
Have a great workweek.;D

the geek said...

ang saya naman nito!!!!hahaha


uy, happy trip ha..ingat ka dun...

sapphire said...

Mobruk Mac! Your long wait is finally over, so tuloy na tuloy ka na pala tomorrow pa-Qatar. Panibagong yugto ng buhay mo. Take care.

Yj said...

malandi ka hahahaha natuwa ako....

kakakilig yang pakiramdaman na yan.... hihihihi