Bago pa dumating ang pasyente sa trauma room ng emergency room, nakahanda na kami, naitawag na ito 15 minutes palang ng ambulance team. Naka ready na aketch. You know, gowns and everything....
Kasi alam ng lahat na kapag trauma code, lalo na pag aksidente sa daan, expect mo na, na madugo, malansa, mabaho, mabantot, maanta, mabaho, ay nasabi ko na pala un! in other words, madudumihan ka, e sayang naman ang ganda kung matatalsikan ka ng kung anik anik na galing sa pasyente da bah. :-)
Nagbiburuan pa kami ng mga nurses habang mega wait, isa sa mga yun si julius na taga davao may strong bisaya accent, aliw na aliw ako sa knya. My asawa at anak pero....wag kayo maingay, tingin ko bading siya! LOL. halos masira ang gaydar ko sa pag fluctuate e!
Tapos ayun dumating na ang isa, duguan, pero di pa daw ito un inaantay namin na team, e si Julius bilang nurse in charge, nagmamaganda , lumapit at mega interview sa pasyente:
"Whats your name brother? Do you have an ID?"
"yes, its in pocket" sagot nun biktima na mukhang palestinian
"ay potah!ang ang baho ng hininga nito, taena..."
sabay talikod ng Julius na ang mukha e matatawa ka sa pagka imbyerna! E nakatungo pa siya sa mukha ng patient habang tinatanung. Langhap na langhap niya! Pinigil ko na lang mababunghalit ng tawa kasi baka mapagalitan ako ng team leader na nerbiyoso!
Dumating ulit un iba, binibilang ko, unti unti napupuno ang room, maya maya lima na! Andami naman involved sa aksidenteng to!
Sabi ni cute na pinoy na kasama sa ambulance, nag karambola daw yun mga sasakyan kaya madami involved. Sabi ko: "ah ganun ba..." tumango tango pa ko, pagtalikod ni kabayan, sabi ko sa katabi ko: "ano ba yun karambola?" LOL!
Maya-maya dumating na ang main event! dala ng mga canadian! malala nga ang itsura ng patient hmpf! Toxic na naman ako nito sa isip isip ko!
Ang galing galing nun leader...habang tinatransfer nila un patient sa bed namin, nag eendorse siya with his super slang canadian accent ha, di ko nga maintindihan e! as in ang galing! saulado niya lahat ng ginawa at ibinigay nila with matching time ha!
Pagkalipas ng 30 minutes na stabilized na namin yun biktima, naibigay na mga gamot, nabutas na ng mga manggamot ang kabila niyang baga at nilagyan ng tubo, nasaksakan na din namin siya ng tubo sa ilong, sa bibig, at naikabit na sa monitor and machines.
Monitoring nalang ang ginagawa ko. So, nakahinga na kami ng maluwag. Sabi ko sa katabi ko na pinoy nurse,
"ate ano bang lahi to?"
"di ko din alam, unknown pa din siya till now, la makita ID"
"ah ganun ba, mukhang indian e..."
"hindi, parang somalian..."
"baka iranian..." sabat nun isa pa
Narinig ni Julius ang huntahan namin. Lumapit siya at sinabi:
"isa lang ang paraan para malaman natin ang nationality nito..."
"paano?" sabay sabay namin tanung.
" sa tite...tignan nyo sa tite..." seryosong sagot nya
Muntik na ko mapatambling sa sinabi nya! hahaha! kaloka! dahan dahan siya lumapit sa patient at pasimple sinilip, inalis niya ang kumot na nakataklob sa walang kamalay malay nilalang na ito! Mega abang naman kami sa makikita...chos!
Nun tuluyan na ma expose ang nakatagong laman na ito, bumungad saming mga mata ang maitim, mejo mataba taba na pag aari...ineksamin ang cut and itsura...
"ah, tuli siya...(isa pa ulit niyang tingin) ah, malamang egyptian..." pag kumpirma ni Julius:The Great!
Paglipas ng ilang sandali, nun may dumating na mga kasamahan, napag alaman namin na...tama nga siya!
Egyptian nga!
Showing posts with label hospital work loads. Show all posts
Showing posts with label hospital work loads. Show all posts
February 22, 2011
February 7, 2011
Pagtangis

Katatapos lang ng code namin, namatay yun matandang pasyente pagkatapos subukan i-revive for an hour. Nakakapagod pero keri lang, trabaho naman yun e. Naghugas na ko ng kamay at nagpahid gamit ang panyo ng nagmantikang mukha sa katoxic-an ko kanina.
Hay salamat, makakaupo na ulit...sabi ko sa sarili ko. Pumuwesto ako sa silya namin sa cardiac room-station sa Emergency room. Dito ako naka assign ngayon. Isa to sa mga paborito kong area. Andami kasing cute na nurses dito... na paminta! LOL!
Binubuklat buklat ko yun librong inumpisahan kong basahin bago magkanda busy-busy kanina. Nagsisimula na ko mag enjoy ng napatingin ako sa entrance ng room namin...
parang slow motion ang lahat sa akin... parang bumagal ang lahat, parang walang sound na marinig...
Nakatingin ang iba habang ang iba naman ay abala sa knya kanyang pasyente...kakaiba itong isang ito, ngayon ko lang nakita ang ganitong senaryo sa ER.
Humahangos na tumatakbo ang isang lalakeng arabo...
Wala siyang suot na pang itaas at nakapaa lamang...
Binabaybay nya ang kahabaan ng bay 1. Parang eksena sa pelikula.
Nasa mga bisig niya ang sanggol na hindi namin alam ang nangyari...
Sumisigaw siya. Help! Please help! help my child...
Nakatitig lang ako sa kanya habang palapit siya sa aming area
Kitang kita ko ang pag alala sa knyang mukha, isang wangis ng amang natatakot para sa kahihitnatnan ng kanyang anak....
Itunuro sa knya ng nurse na dun sa bakanteng kama sa kaliwa dalhin ang sanggol. Dun palang ako parang natauhan, dali dali akong tumayo at agad na tinignan ang pasyente. Nagkagulo na naman ang tahimik na kwarto, napaka unpredictable talaga ng ER kahit kelan, one minute halos para itong library sa tahimik, one minute para na naman itong palengke.
At ito ang gusto ko, magulo, palengke, sigawan, batuhan, talsikan!!
Pumuwesto ako sa dapat na puwestuhan ko, bilang therapist, alam na ng lahat yun, kasama ang partner ko'ng anesthetist, dun kami sa unahan para mag provide ng unang lunas, ang bigyan ng daan ang hangin sa baga ng pasyente.
Hindi na siya humihinga, inabot sakin ng nurse ang bag valve mask para pansamantalang tumulong huminga sa pasyente. Pero masyadong malaki ito sa para sa knya.
Please give me a neonatal size bag, sister this is too big hurry up, sabi ko.
Wala silang makitang size, antagal maghanap, taena! ako na hahanap, sabi ko sa sarili ko, ipinasa ko sa isa pang nurse ang ginagawa ko at pumunta sa drawer namin. Nakita ko naman agad muntik na akong matumba pagkatapos magkabanggaan ng isa pang nurse.
Nagsuction ako sa bibig ng sanggol, madaming gatas akong nakuha. Aspiration ang kaso. Napunta sa baga ang gatas na ininum nya hanggang sa malunod siya at hindi na makahinga.
Lahat mabilis ang kilos, halos maitim na ang sanggol. Kanya kanya kami ng ginagawa. May nag si-CPR, at may nagkakabit ng suwero sa magkabilang braso, at kami sa bandang ulunan, pinipilit bigyan ng daan ang papasukan ng hangin na siyang hihinga sa knya.
Di maka insert ng tube sa baga ang doctor ko, mahirap. Ako ang nag aasist sa knya, Ilang beses siyang nag try. Pero wala pa din. Nagpatawag ng pedia doctor. Pero sa isip, wala na, di na aabot, huli na para sa anghel na ito.
Napatingin ako sa paligid ko, andami namin, sampu ata kami dun, na bawat isa may role na ginagampanan, bukod ang mga usisero, pero kung iisipin mo, andaming tao na nagpapakahirap mailigtas at maitawid lang sa panganib ang buhay ng isang tao. Nakakataba ng puso minsan, na parte ako ng team na ito.
Tumulong na ako sa pag CPR sa isang buwan na sanggol na ito,pagod at masakit na kamay ng mga doctor, halata ko. Pero wala na, maitim na mga extremities at ulo ng baby...pagkalipas ng isang oras, umiling na ang doctor, wala na daw.
Time of death 5:16 pm.
Tinanggal ko na ang oxygen at hinugot ang tubo na ikinabit namin sa bibig nya. Lumayo na ako sa stretcher at nakita ko ang ina at ama ng sanggol na kanina lamang ay sinubukan namin ibalik ang buhay.
Napuno ng malalakas na iyak ang buong kwarto.Pagtangis ng inang hindi matanggap ang pagkawala ng munti niyang anghel.
Nakakaantig ang pag iyak nila. Unang anak pala nila ito. Ininimagine ko ang nararamdaman nun tatay habang nagda drive siya kalong ang anak na hindi humihinga. Marahil sari saring emosyon at worries ang nasa kalooban nya habang nagmamadaling makarating sa ospital...
Ito ay kapabayaan ng magulang. Ito ay maiiwasan. Sana bantayan nila ang sanggol nila lagi, wag padedehin ng sobra sobra at laging mataas ang ulo habang dumedede sila. Maaaring nadaganan din nila ito habang katabi sa kama pagkatapos dumedede, madaming pwdeng maging dahilan.
Madami na daw ganitong kaso dito.
Nakakalungkot.
January 23, 2011
Sleepy Sunday
Good morning guys! Its 10:00 am here and I just had my breakfast today, I had salted eggs and fried rice, and I poured in green tea with milk (labay-kape daw yun) on it and it tasted really good, felt like I'm having breakfast in the Philippines lang!
I did my 16hrs straight duty last night, from 2pm to 10pm to 6am!!!I'm so needing that sleep right now. Pero blog muna haha. I was so busy, calls here and there! I was literally visiting patients from all floors! I was so freakin' tired!
Anyway I will sleep the whole day today since it is my day off!
I did my 16hrs straight duty last night, from 2pm to 10pm to 6am!!!I'm so needing that sleep right now. Pero blog muna haha. I was so busy, calls here and there! I was literally visiting patients from all floors! I was so freakin' tired!
Anyway I will sleep the whole day today since it is my day off!
December 16, 2010
Nalaspag

Hindi pa nag iinit ang pwet ko sa pagkakaupo sa station namin sa emergency room ng tumunog ang bleeper ko.
"Trauma team is activated" 3 times ko narinig yun boses ng Pana'ng nurse!
Oh shit!!! Yun agad nasambit ko! ayoko sa lahat ang trauma case! (either mga road related traffic accident or mga nahulog sa building or anything na brutal, madugo, at kahindik hindik na maaring mangyari sa tao)
Una, nakakatamad magtrabaho. Wala lang, tinatamad lang ako nun araw na yun!LOL.
Pangalawa, masyadong madumi ang mga kaso
pangatlo, kaka-stress!!!
Malinaw ang bleep nila ngayon, inpernes. Kasi madalas nakakatawa pag nag be-bleep sila sa lahat ng kinauukulan, ganito nagiging sound:
"Trauma team is precipitated" or "trauma team is intubated" , or "trauma team is painted"! LOL
Ako lang ang nag iisang therapist sa buong emergency room. So hayun, takbo agad ako sa trauma room para mag respond. Andun na lahat buong team, nasa sampu ata. Mga doktor, mga nurse, mga aid, technicians at ang nag iisang star: AKO!
toink!!!
Nagsuot ako ng protective gears para di ako matilamsikan ng kung ano man na manggagaling sa pasyente'ng ewan kung ano kinasangkutan this time sa kalsada! Isang klase ng tilamsik lang ang type ko at alam nyo na yun!
Inasess ko ang patient, nabangga daw siya ng kotse, gising naman, nahinga pa naman, at yun sigaw ng sigaw! karindi! letse!
Mabubuhay pa to, base sa kakairita niyang pag ngawa! yun ang assessment ko!hahaha. Pag dako ng tingin ko pababa e naintindihan ko na bakit siya nasigaw...ah, eh, understable naman pala, sorry naman, my bad!
Putol pala kanan paa nya, at wasak lang naman binti! kita ko mga ugat, at buto na naputol, para lang sanga ng kahoy na naputol.
Napa-ewww! nalang ako ng sikreto, di pwdeng malakas na eww kasi baka masisante ang lola nya sa work!hahaha.
Nagpalinga-linga ako. Hinahanap-hanap ko kung asan ang naputol na paa nya. Pero, wala....Oo yun ang pinoproblema ko! LOL. Kaso itinabi na ata nun nurse, kainis di man lang pinakita sakin! hmmp!
Naka-stand by lang ako, at nakiki usyoso, kasi di pa ako needed, kasi nga nahinga pa naman patient! Anyway, tumawag na naman ambulasya at may darating na naman daw! 3 yrs. old na bata naman!
Napa-yes ako!!! peyborit ko ang pediatric case!
Naurungan daw ng sasakyan yun bata.
Handa na mga gamit at gadget ko sa sulok kung magkaka-gulo kami sa pasyente mamaya!
At tama ako, nagkagulo-gulo nga kami! haha
A little bit of shouting here, run run dun, roll-roll there, tambling sa sulok, sex sa gilid, ay! di pala kasali yun!LOL
Atribida pa yun partner kong mang gagamot! nag mamarunong! grrrr! pero nag relax lang ako at ginawa work ko. maya maya, lumapit sakin yun headnurse, bumulong: may cardiac arrest tayo sa Bay 1...
Napa-Oh, my gawd nalang aketch! Is this my lucky day or what! aba sunod sunod ang ka toxic-an ko ha! luge ata ako sa bayad ng ospital ngayong araw! Choz!
Nagpatawag pa ako ng isa pang kasamahan to respond dun sa isang pasyente kasi di na kaya ng powers ko pumunta sa dalawang magkaibang lugar at kaso! ano ko si darna?!
After 4hrs, natapos din ang lahat, muling tumahimik ang mundo ko at naupo sa upuan ko at nagbuklat ng libro ni Bob Ong.
Hay, this is life...sabi ko. Sana magtuloy-tuloy na to hanggang 10pm.
Kaso nabulabog ako sa isang pangyayari!
Karima-rimarim!
Hindi ko kaya i-ignore...
napa-mura ako!
Tumae yun isang pasyente!
Pagkabaho-baho! siyet!
Oh yun lang, dun nagtatapos ang entry na to!LOL :-)
Subscribe to:
Posts (Atom)