Showing posts with label emo. Show all posts
Showing posts with label emo. Show all posts

April 1, 2012

Sana Lang Ikaw Yun


Lagi siguro kita kasama every weekend, kumakain sa paborito nating restaurant...malamang hindi natin napapalampas lahat ng magagandang palabas sa sinehan at di ko bibitiwan ang mga kamay mo kapag nasa madilim nang bahagi tayo ng sine, oo korni na sa edad natin, pero I won't mind.

Paki nila? Masaya ko gawin yun e bakit ba? hehe. Alam ko papayag ka din, kasi korni ka din!

Tapos te-text kita na samahan ako mag shopping kapag mayroon sale, kahit ayaw mo dahil alam mong ang tagal tagal kong mamili! Pero mapapa-oo ka nalang kasi wala kang choice kundi samahan ako, kasi di mo ko matiis na umalis mag isa at magmukhang loser :-)

Siguro masayang masaya ka tuwing sosorpresahin kita sa uwian mo from work at makikita mong naghihintay ako sa may labasan para ihatid ka pauwi.

Siguro ang sarap sarap halikan ng mga labi mo sa tuwing may pagkakataon tayong mag make out...alam mong hinding hindi ko pagsasawaan ang matatamis mong mga labi...

Kahit wala ng sex...basta akap kita magdamag...basta lagi kong nadadampian ang mga labi mo...wala ng kapantay na kasiyahan ang maidudulot mo sa buong pagkatao ko...

Pero sige na nga, pwede din may sex kahit once lang kung mapilit ka! chos!

Iba siguro ang saya ko kapag lagi kitang kasama tuwing pasko...lagi lagi na kasi ako single at malungkot tuwing ganitong okasyon...

Siguro sa mga panahon na ito naipakilala na kita sa mga kaibigan ko, bilang siyang may hawak ng puso ko. Naks! Makata?

At kung masuwerte ka pagkalipas ng ilang buwan, naipakilala na kita sa kapatid at nanay ko...pero wag muna sa tatay ko ha? Baka di pa siya talaga ready e at atakihin sa puso! Knock on wood!

Siguro kasabay kita nagsisimba at humihiling na sana... patuloy mo akong mahalin pagkalipas ng mahabang panahon...

Siguro ang saya saya ko lagi...

Sana...sana...sana lang...

Maging totoo lang ang lahat ng mga ito...

Magkaroon ng katuparan ang lahat ng mga bagay na sa isipan ko lang tumatakbo...dahil sa mga ganitong pagkakataon na nag iisa ako sa loob ng tahimik kong silid...nag mumuni muni...naiisip kita...

Naiisip ko na nasa malapit ka lang...abot kamay ko...humuhiling na...

Sana lang may totoong ikaw ngayon...

Sana lang andiyan ako sa malapit sa yo ngayon...

Sana lang Ikaw 'yun...


***

June 22, 2011

Pansahod


Umuulan na naman...ilang araw ng ganito...peste lang di ba pampasira ng bakasyon ko! LOL

Di ako makarampa sa beach! siyet! kaya kinalimutan ko na ang karagatan! sinumpa ko nalang sa sarili ko na hinding-hindi na ko uuwi ng Hunyo! Evah!

Pag ganitong tag-ulan at nakadungaw lang ako sa bintana ng bahay...napapangiti nalang ako pag naalala ko kung pano ako pa-simple manood sa likod ng kurtina ng bintana sa mga binatang naliligo sa ulan noon....wala silang pang-itaas at puro naka shorts lang na bakat na bakat ang "bukol" nila pag nababasa...ang hot lang ng tanawin na yun! taena!

Madalas pinagti-trip-an ko mga kili-kili nila...at mga buhok sa pusod...fetish ko yun...andami ko naiimangine...hay....

Ingat pa ko nun kasi baka makita ako ng tatay ko na libog na libog sa panonood sa labas!LOL Ngayon kasi wala ng naliligo kasi hapon na, maginaw na!haha.

Pag ganitong malakas din ang buhos ng ulan, naalala ko kung pano maubos ang kaldero namin sa kusina pang sahod sa mga tulo ng ulan na galing sa bubong namin na butas-butas at kinakalawang...Edad kinse ata ako nun.

Maski sa kwarto kapag matutulog na, andun pa din ang tilamsik ng tubig ulan kapag malapit ng mapuno ang kalderong nilagay ko pansahod. Mahirap matulog :-(

Tanda ko pa noon kung pano halos liparin ng malakas na hangin ang bubong kapag may bagyo...itatali ng tatay ko ang bubong papunta sa puno na malapit.

Napapangiti nalang ako ngayon, tapos na kami sa kabanata na yun ng buhay namin...iginala ko ang paningin ko sa bahay namin ngayon...hindi ito malaki, pero ayos na ito, matibay at komportable.

Nakakatulog ng mahimbing ng walang alalahanin na baka may yero na matutuklap at liliparin ng malakas na hangin tuwing may bagyo...

at higit sa lahat...

Hindi na nauubos ang kaldero pansahod sa tumutulong bubungan...

May 8, 2011

Pagmamahal Mo


Lahat tayo may kanya kanyang love story na binubuo sa ating isipan...nangangarap...masarap mag wish na sana magkatotoo ang mga ito, na sana maranasan natin na magmahal at mahalin...alam natin na hindi ito ganon kadali.

Masakit magmahal. Masakit umasa at mabigo. Totoo yan.

Minsan magmamahal tayo pero di natin natatanggap ang pagmamahal na gusto natin in return...laging may kulang...

Pero kahit nam gusto mo pa din magmahal at mahalin kahit konti...

Mga tanong na nasa isipan mo ngayon, andami mga bagay bagay na humahanap ng sagot....Bakit nga ba mahirap humanap at makatagpo ng taong magmamahal satin?

Minsan naiisip mo, hindi ka ata karapat dapat mahalin?

Pero pano ka ba magiging karapat dapat?

Sa mundo na pagandahan at pisikal na anyo ang batayan, ano ang panama ng isang simpleng tao na gaya mo?

Susunod ka ba sa itinatakda ng paligid at babaguhin ang iyong sarili?

Ilan na ba ang nakilala mo na minahal ka ng dahil ikaw yun at tinanggap ka ng buo kung ano ang meron at kaya mong ibigay?

Marahil, masasabi mong meron naman...

Pero bakit ganun? pagkatapos ng pagkahaba habang proseso ng pag hahabulan at panahon na dumaan magkita at magtagpo ang inyong landas...

Kung andiyan na ang isat isa, abot kamay na ang ligayang matagal na pinangarap sa isipan lamang noon...hawak kamay mo na ang iyong love story...

Bakit hindi mo kayang panghawakan ang pangakong ibinigay nyo na magmamahalan kayo...bakit sa problema kay rupok nyo? bakit sa pagsubok kay dali nyo sumuko?

Ganun ba talaga ang pagmamahal? O sinabi lang nila na mahal ka nila at gayun ka din sa kanila? isang pagkukuwanri...pagbabalatkayo...

Minsan naiisip mo...Nakakaya ng iba di ba, marami kang kilala na tumagal ng mahabang panahon na matibay at matiyagang umaalalay sa isat isa...

Pero bakit di mo magawa?

Sana this time, ready ka na...matured to handle it differently.

Sabi mo hindi ka na naman naghahanap ng taong mamahalin, sa katunayan, andami mong kaibigan, masaya lagi, magulo, asaran. Okay ka na dun.

You are living your dream ika nga...maayos ang lagay mo, maayos na trabaho, kumikita ng tama lang sa pangangailangan mo...

Pero tao ka lang...may mga pangangailangan...malamig ang gabi...hinahanap mo ang pagmamahal na nalasap mo dati...

Mga halik at yakap na may assurance na mahal ka nya...

Minsan naiisip mo ayaw mo ng magising nang nag iisa, na sana pagmulat ng mga mata mo kasabay ng pagsikat ng araw, andiyan siya sa tabi mo...pinagmamasdan ka hanggang sa ikaw ay magising...nakangiti...

O di ba kay sarap lasapin ng ganun umaga...at maibubulong mo sa sarili mo na, this time:

mamahalin ko tong "gagong" to ng buong buhay ko...

ang taong ito na nakikita ako sa kung ano ako...sa kung ano meron ako at kung ano ang kaya ko ibigay....

Yun pera ko! charrr!

Kahit paulit ulit ka ng nabigo...paulit ulit na nasaktan...Naniniwala ka pa din na isang araw darating siya. Magmamahal...magiging matibay sa pagsubok...at hindi susuko sa pagmamahalan....ano ba ang sukatan ng pagmamahal? nasusukat nga ba ito?

Andami ng nagsabi na mahal ka nila, pero walang tumagal sa mga pagsubok na dumadating, lahat kay dali sumuko... naging marupok at naduwag...

Ikaw. Kaya mo ba?

December 23, 2010

Third In A Row


It was cold outside my window here, I was sitting on my couch, having my favorite chocolates and realized something....

this is actually my third Christmas with no boyfriend!

OMG! Third Christmas?!

Wala lang.

Just a thought lang...had boyfriends in between though, but always none during the month of December.

I just felt that it would be nice, kinda really-really nice if you have someone to hug or cuddled with, or would send you gifts or a call during these cold and special days...I've always been a sucker for something romantic! You know, its Christmas! :-)

Well, I guess I'm just being lonely tonight...

Anyway, I better go to sleep before I get too emo here! haha. Bye peeps!