I love to smell good and for sure halos lahat naman tayo diba? every 2 or 3 hours ata ako nag-spray kaya lagi kong dala sa bag lalo sa duty sa hospital.
Angsarap lang kaya sa feeling kapag inaasked ka ng: "what scent are you wearing" nun mga tao na nakaaamoy. hihihi.
Last year nakailang bote din ako ng pabango, minsan bibili ako then turned out di pala siya tugma sa body chemistry ko after a few days, dahil hindi ganun ka amoy sa akin ang ending hindi ko na madalas gagamitin.
I mean hindi gaya nun iba na sadyang hiyang sa katawan mo na aabot ng ilang oras at kapag dumaan ka ay amoy na amoy nun mga nasa paligid mo. Naiinggit ako sa ganung tao!


Bvlgari. One of my fave, pero okay okay lang siya, maganda for day time use everyday ganyan

Guilty by Gucci. Madalang ko din gamitin itetch dahil masyado daw matapang sabi ng friends ko. Usually gamit ko to at dinners and party ganyan.

A&F. Pinabili ko sa New York dahil sad to say wala nito sa Doha, kalurkei. Madaling mawala ang amoy nito, so di ko bet masyado.
So kaya ayan dumami sila ng dumami. Oo, sayang sa pera. Aksayado. LOL
Lagi kong gamit itong Acqua Di Gio, nakaka tatlong bote na ako nito. Dahil mabango talaga ito. At talagang masasabi kong ito ang para sa akin. Pero jusme naman, nauumay na din ako na yun at yun nalang, kaya lagi akong in search of a new scent.
Pero lagi at lagi pa din ako bumabalik sa Acqua Di Gio kapag yun mga nasubukan ko ay hindi naman pala bagay sa body chem ko. Saklap!
Okay din yung Bleu by Chanel. Naubos ko na agad dahil halos ipaligo ko at naitapon ang bottle kaya ala ako picture. Pero ganito bottle niyan:
Lately I've been using the YSL: L'Homme, kaso paubos na. Kaya eto problemado na naman ako what to buy next. Kaloka. Ganito daw pag pronounce sa Yves Saint Laurent "Eve - Son - Lor- Ron
(Left) Le Male by Jean Paul Gaultier. (Right) L'Homme by YSL
Itong Le Male, di ko masyado bet, kaya eto halos puno pa. Baka bumalik ako sa One Million na super love ko din 2 years ago para safe at di masayang pera or mag try ng 212 ni ate Carolina Herrera na di ko pa nagamit ever haha pero magaganda naman reviews dito so ayun, sa off ko gogora ako sa mall.
Kayo whats your favorite scent so far?