
Parang kelan lang ako ang laman ng puso nya. Ako ang lahat lahat...
Parang kelan lang hindi lumilipas ang araw na di niya ako nasasabihan ng aylabyu. Hindi kumpleto ang araw nya kapag hindi nya naibahagi sa akin kung pano lumipas ang maghapon nya sa trabaho, kung ano ang nakakatawa at nakakainis na nangyari sa knya sa nagdaang araw.
Parang kelan lang halos maubos ang load ko kakareply sa mga text nya. Halos mapuyat ako makausap at maka chat man lang siya kahit sandaling oras. Halos maubos ang natitira kong allowance pang date, pang panood ng sine, at kain sa labas.
Nakakamiss yun mga sandaling nayayaya ko siya kahit ayaw nya sa sineng palabas tuwing huwebes...pero wala siyang choice kundi samahan ako kasi di nya kayang tiisin na manood ako mag isa at mukhang loser :-)
Halos maubusan na ng alibi sa kapatid or nanay ko makasama lang siya sa malayong lugar sa buong maghapon o kaya naman ay 12hrs na mag check in sa SOGO kapag kapos sa budget hehe.
Halos tiiisin na wag sumabay sa mga napapanood na porno sa internet kahit hirap na hirap na para makapag-save ng sperm at ng sa gayun ay madaming maiulan sa mga dibdib mo... LOL
Nami-miss ko yun mga araw na halos hilahin ko ang araw makauwi lang at makasama agad siya. Parang kelan lang ako ang laman ng puso nya. Parang kelan lang ako ang lahat-lahat sa kanya.
Nakakalungkot lang na ngayon....lampas-lampasan na siya tumingin. Di na nya ko nakikita. Di na mahalaga. Isa na lamang alaala.
Dahil ang katotohanan:
Di na nya ko kailangan :-(
Wala lang. Idagdag nalang ito sa listahan ng pag iinarte ko haha.
Dito kasi sa apat na sulok ng kwarto ko sa gitnang silangan, ngayong araw ng pahinga, parang kay sarap mag inarte lang, ganyan...
Parang kay sarap lang kasing alalahanin na may halaga ka sa isang tao bukod sa pamilya mo. Gusto ko ulit mabuhay para sa isang tao. Gusto ko ulit madama na kung pano maging masaya at excited araw araw kada gising na iniisip na malapit na kong umuwi at andun SIYA at nag iintay sa muli kong pagbabalik...
come over and have coffee with me haha. Panawagan ba itetch?
Pero ganun talaga, the right person will come at the right time. Sabi ng gasgas na kasabihan na ewan kung sinong hinayupak ang nagpauso! chos
Ampalaya!