A month ago, nagplano kami ng surprise birthday party sa aming friend na si Fatima, ang pasimuno ay ang kanyang hipag. Sa ilang taon kasing nakaraan lagi nalang sikreto ang bday niya, malalaman nalang namin sa FB at tapos na! kaazar davah? lol
Kaya naman nakipagsabwatan ako, kasama pa ang ilang kaibigan. Kami na ang sikretong nagpalaganap ng masamang plano haha! Nag imbita kami ng mga kaibigan na close sa knya. Isa sa mga pampalipas oras ng mga nasa gitnang silangan na pinoy ang mga private parties. Dito lang kasi halos nakakapag sama sama bilang busy na ang lahat sa knya kanya work at pamilya.
Yun hipag na ni Fatima ang sumagot sa lahat ng food na ihahain. Pero madami pa din ang nagdala ng foods like cakes and etc. Ako walang dala. Sarili ko lang. Sayang ala ako date. LOL
Kaso itong hipag ni Fatina na si Rowen ay pagkakulit kulit! jusko pag natawag siya sa kin sa telepono ay muntik na ko makatulog sa haba ng kwento! Minsan nga pinagtataguan ko na!
Sinadya ko mandeadma sa mga anumang plano ni Fatima sa bday nya, kasi nakita nya na lahat kami off nun araw na yun! kasi nga nag request na ang lahat ng OFF. kaya naman nag iisip siya magplano!at swimming party gusto ng lola nyo! patay!
Nag dahilan ako na di ako pwede dahil may date ako sa gabing yun. Na kinagat naman niya. At nakita ko na ampalayang ampalaya mukha niya! LOL
At kagabi nga, sabado, Oct 13, dumating na ang pinakaaabangan ng lahat. Andun lahat ng naimbita namin. Complete with props pa kami na pang kiddie party! kakaloka!
ako yan habang sumosolo sa event haha
Pinakamasaya nun nag re-rehearse kami kung paano namin siya susurpresahin. Pinatay ang ilaw, ang timing, ang mga cue, ang script ganyan. Ang saya lang. Para lang kaming mga bata na ke haharot at mga sira ulo.
Si Rowen ang susundo kay Fatima sa building nila sa hospital accommodation for girls.Kapag nagmisscall na siya kay Aileen ibig sabihin need na namin pumuwesto at magpatay ng ilaw.
At nung nag ring ang phone ni Aileen takbuhan na kami at nag panic! Yun pala ibang tao yun tumatawag kay aileen boylet nya ata! sarap lang nya sabunutan di ba? balikan na naman kami sa kulitan at lighst on. hihihi. Muntik na nga mapundi un ilaw kaka false alarm!
At dumating na nga ang takdang oras! Moment of truth!
Kaso palibhasa itong si Rowen ay nuknukan ng pasaway! Hindi sinunod script namin! lahat ng bilin namin wala siyang nagawa! anglakas ng kaba namin kasi feeling namin mabubuking kami! hahaha
Buti nalang nakisama ang pagkakataon kahit na palpak si Rowen ay naisagawa pa din namin ang masurpresa siya at hindi nya kami nahuli!
Success ang birthday party! nakita namin na masaya siya na andun ang mga friends nya na akala nya ay kinalimutan ang birthday nya.
Ayun mega kainan at inuman na ang lahat. At mawawala ba naman ang videoke? kaloka!
I love surprises!
And I love parties! hihihihi.
Here are some of the pictures:
the surprise!
best part: kainan!
nakikipagpatayan pa ko makapag papichur lang kami ni Wowie! *dakota siya*feeling ko* LOL! (busy yun misis niya sa loob! hihihihi! at si chris pala di ko alam na nasa likod! kaazar!)
. It was one of my closest friend's birthday party, Aimee, and everyone arranged their schedules to be there and have fun. I was one of them. I arrived a bit late and many guests are there already but I didn't mind. We're planning to stay late naman till the morning, iinom daw kami. I'll just hang in there and enjoy the party.
Its been weeks since I last went out. Its been all work and sleep for me recently. We've been doing 12hr shift almost everyday at work. Nakakapagod din pala yun walang diversion.
Its exciting to see my former colleagues from the general hospital. Nakaka-miss din sila! I wanna hug the celebrant for inviting those cutie nurses from the medical icu too! hahaha! Naconscious ako ng slight ganyan! I like Geoff and Mitchell!
But when Jordan started singing and dancing along with the videoke, I was on fire! damn! I love the way he swayed his hips! Nakakalibog ang bulge nya sa fitted maong nya!
My friends are laughing when I was the one choosing sexy songs for Jordan to sing! alam na! basta gusto ko yun gigiling siya! Toink!
I was talking to Dino and I thought, damn, his breath was awful! amoy tae! then I realized that the smell was coming from the Papaitan he's eating! napatawa naman ako! Ke-baho pala nun! LOL
Parang pinagbabaran ng isang linggong panty na ginamit ng celebrant ang amoy! I don't like it! ewwwww!
"Langya ka Mac, mabango hininga ko gago ka!" when I've told him what I thought of his breath.
Some of the guests are just beside the big tv screen and watching ASAP, how boring they look like! Walang tv sa knila? deprived?
Anywayz, I thanked Aimee for having my favorite Menudo at the table. She's really a sweetheart. I requested for it though and pinagbigyan naman nya ko! I missed it terribly! As in! At saka yun ginataang kuhol! hayyyy.....love! LOL
The party was a success! I thought the visitors are coming endlessly! But when the clock hits midnight, it was only us there! Our group! and the real party began!
We started drinking tequila, tagayan galore na, and Oden was slicing the lemon at the corner. He's drunk because he's using chopstick in eating the fish crackers na as in!
"hey Mac its your turn na!" Oden told me. Then I would gladly drink my turn. And with just seconds the shot glass was in front of me again! Nalingat lang ako, its my turn again? WTF!
"Whats this? is it my turn again?????"
"yeah! we did ours already! drink your's Mac, dont cheat!" it was chris.
So I would drink my glass of tequila and would go back flirting and talking to Geoff beside me and Oden would call me again and telling me its my turn again!
"We didn't see you drinking!"
"I did drink my shot last time!"
"No! maybe you gave it to Geoff!"
So ako naman iinumin...and huling huli ko silang nagtatalikuran tuwing iinom ako!
Mga walangya!
dinadaya ako!
di nga naman nila ko nakikita! kasi natalikod sila pasimple!
Napagbabatukan ko nga ang mga ugok!
I saw a bottle of Napoleon, me and Fatima poured a glass of it and drank a few. That's the time that I felt that I'm a bit dizzy! Nakakarami na ko ng naiinom!
Geoff was always on my side kaya naman siya lagi napapagtripan ko! I would ask him to remove his jacket and flex his arms for us...tapos his abs naman...ang hot lang!
I put a piece of fish cracker on my lips and told him that he should put the other end of it on his mouth! parang sa spaghetti lang ganyan, landian! hahaha
When he followed my instructions, I immediately ate the whole crackers and landing my lips on his lips!!!! Instant kiss on straight Geoff's lips!
Sa pagkabigla nya di nya malaman paano magre-react!!!
Tawa ako ng tawa! nakaisa ako!
Hindi matapos tapos ang pagpupunas niya ng lips nya when he realized what have just happened!
"Grabe ka naman Mac! Inisahan mo ko!" but he's such a good sport and we started drinking again!
I know that I'm drunk. Di ko na alam iniinom ko! jose cuervo pa ba or napoleon! kahit ano nalang! lagok kung lagok!
My face felt swolen and reddish...and I felt like sleeping na.
But I still continue on drinking and chatting and flirtin around! Mitchell was singing a song and holding my hand...I feel like melting right that moment! LOL
Few more minutes till I cannot handle it anymore! I went to the toilet and puke! waaaaaa! Sayang ang menudo!
I sat and asked my friend to go home. I told them I wanna sleep na and rest...I don't feel good at all. That's the time that they started teasing me na haha. Ako na ang pinagti-tripan! Mga gagong yun!
They took pictures of me wasted and drank! ginawa akong tourist attraction?
I was saying something when I felt like puking again! I ran to the toilet but couldn't make it! I saw the pre-digested food coming out of my mouth in front of my friends at the floor!!!!
I vomitted at the floor!
at the floor!
Please kill me now! LOL
The next day I had a bad hang over and checked facebook and saw my pictures!!!
shet!
Wag nyo ko husgahan! Oo nah! nakokowhiyaaaaaaaaa! LOL
Nag umpisang mag alarm ang cardiac monitor sa may ulunan ko. Lahat ng vital signs ng patient ko bumabagsak na!
Heart rate: 30 beats per minute nalang!
Putaena!
Napamura ko sa sarili ko nun mapatingin ako sa mga nag aalarm-an na monitor. Itinigil ko ang pag extract ng blood sample (ABG) sa braso ng pasyente ko. Paglagay ko ng takip ng syringe, sa pagmamadali, natusok ako ng needle!
Putaena! ulit kong bulong sa sarili ko.
Sumampa ako sa gilid ng kama at dali-daling inumpisahan ang pag si-CPR. Habang nagdudugo ang daliri ko.
One...and...two...and...three...and...four...and five... pagbibilang ko sa isip ko habang pina-pump ang dibdib ng pasyente sa may tapat ng puso nya...sinusubukan ko patibukin.
Nag iisa ako sa kwarto ng nepali kong patient. Nasa loob ng Cardiology ICU.
Parang slow motion ang lahat...
Saglit kong itinigil ang pag CPR at tumakbo sa may pinto at sumigaw sa unang nurse na nakita ko sa station. Kelangan ko ng tulong.
Parang eksena lang sa tv series...
"sister! come quickly! patient is bradycardic! I need a crash cart!" sabi ko sa Indiana'ng nurse.
Tapos tinutugtog daw yung kanta na "How to save a life..."
Echosera lang!
Saka ako nagmamadaling bumalik sa pag CPR! Tuluyan ng nag arrest ang patient. Wala na ko heart rate. Shit!
Tuloy pa din ako sa pag resuscitate. Nagdatingan ang back up ko. Sunod sunod na sila dumating. Dala ang emergency cart.
"Sister, get the bag and start bagging!" sabi ko sa isang nurse na lumapit.
Habang pinapaliwanag ko sa negro'ng doctor na dumating kung ano ang nangyari...
"Stop! Everybody stop. Patient is DNR (Do Not Resuscitate)!" narinig ko nalang na sabi ng nurse in-charge sa ICU.
Napa-Ngak! nalang ako! Sabay tigil nang ginagawa ko ng wagas na wagas!
Pumirma na pala ang relative na in case na mag arrest yun patient e wala na kami gagawin anything to save him. Hahayaan nalang. Kasi malamang napaliwanag na sa kanila na hopeless na.
Effort pa naman ako! hmmmp!
Fact: dapat kasi inaalam muna ang mga a-choo-choo-choo sa chart ng patient!
Oo! Ako na! lol
Bakit nga ba ako humantong sa sitwasyon na ito nang nag iisa?
Una, tinawag kami nun nurse na assign sa isang pasyente ng colleague at friend ko na si Fatima. We have to do APNEA TEST daw sa patient nya. Kasi kelangan ma-determine namin kung brain dead na ba siya. Para ma suggest sa mga kamag anak na baka gusto nila i-donate ang mga organs nya. Sayang nga naman at bata pa yun patient. 32 lang siya. Inatake siya sa puso last week at di pa siya gumigising till now. At wala improvement sa case nya.
O di gora naman kami ni Fatima since rumarampa lang naman kami dalawa kanina pa! at least may magagawa!haha
Pinakuha namin ng ice yun nurse at mga kelangan pang ek ek sa procedure. Sabi ko kay Fatima siya nalang ang mag record at mag monitor ng vital signs at ako na ang gagawa ng pinaka-procedure.
Nakita ko na may hawak na baso yun nurse na assign sa patient na gagawan namin ng test. Naawa naman ako kasi mukhang gutom na siya. Kaya sa halip na kasama namin siya mag monitor e sinabi ko nalang na we can manage the test alone.
Hindi na din ako nagpatawag ng doctor na dapat e andun sa duration ng test. Kasi nga delikado ito.
Nagmamaganda kasi. Ilang beses ko na kasi ito nagawa kaya naman confident ako.
Dapat within ten minutes tapos na ang apnea test. Kundi magiging false/positive ang result namin.
Tinanggal ko na ang life support ng patient. Wala ng makina'ng hihinga para sa kanya. Inilagay ko ang catheter na naka konekta sa 10 liters na oxygen papasok mula sa tubo sa bibig niya na diretso sa lungs. Inobserbahan ko kung nahinga ba siya sa sarili nya. Negative.
Dinidikta sa akin ni Fatima ang vital signs na nasa monitor. Ok pa. Keri pa daw sabi nya.
5 minutes later...
"mac, sats natin 75% nalang..."
"ok pa. acceptable pa yan. I need few more minutes" sabi ko.
"mac, its 60% nalang..."
"Ok! kukunan ko na siya ng blood... teterminate ko na tong test as soon as naka extract na ko ng blood sa artery sa braso nya"
FYI: Ang normal na sats e dapat 100%. At normal na heart rate at 80-100 bpm.
Nagmamadali ako. kelangan ma-hit ko agad ang artery in few seconds..
Tinusok ko na ang braso nya...sinusubukan hanapin ang artery... pero wala! shitness!!!
Hindi umaabot ang karayom ko. malalim ang ugat. I need a bigger needle Fatima! sabi ko sa kaibigan ko. Nagmamadali siya tumakbo sa stock room para kumuha. Naiwan ako mag isa.
Tumingin ako sa monitor 60s pa din ang saturation ko. Tinusok ko ulit. Blind shot na ginawa ko. Pero di talaga maabot.
Pagtingin ko sa monitor..50% nalang sats niya at bumabagsak na ang heart rate niya! 30 beats per minute nalang!
Sa pagmamadali ko ibalik yun takip ng syringe, napasala ang hawak ko at natusok ko ang sarili kong daliri! Nagdudugo pa din to habang nag si-CPR ako.
Worried ako sa kalagayan ng pasyente at sa natusok kong daliri. Nagamit ko na yun karayom sa pasyente. Hindi ko pa alam kung positive siya sa Hepa and I dont wanna think of the worst but...pano pag positive siya sa HIV?
"Stop! Everybody stop. Patient is DNR!" narinig ko nalang na sabi ng nurse in charge sa ICU.
Umalis na kami ni Fatima after na ideclare na expired na yun patient namin. Ganun kabilis nawalan ng buhay ang Nepali...
1o minutes...all it takes was ten minutes.
Halos dependent na siya sa ventilator at mga gamot.
Nag report agad ako sa supervisor at sinabi ko na natusok ako ng needle na gamit na. Pinagawa nya ko ng Incident report. Inasikaso naman niya ako at dinala ako sa emergency room sa main hospital para ma examine. Kinuyob ako ng mga kaibigan kong nurse sa ER haha! Celebrity?
Tanga-tanga mo!!! sabay gigil na batok sa akin ng ilang kaibigan ko. Concern na concern sila noh? LOL
Kinunan din ako ng blood sample.Tapos ke-laki-laki ng karayom na ginamit! Taena'ng mga yon! wala na daw maliit!
Till now nangingitim yun tusok sa braso ko ni Eric! nag-Hematoma! patay sa kin yun pag nagkita kami!
May appointment ako sa infectious disease clinic next week.
Hoping and praying na Negative lahat sa sakit na nakakahawa ang namatay na patient. Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa.
Nakakaguilty din somehow na namatay siya habang ginagawa ko yun procedure sa knya. In my own hands...Oh may gawd! chos!
Iniisip ko na...
Na sana kung hindi ako masyadong naging confident...
At sana hinanda na muna namin lahat ng kelangan na size ng needle para di na tumakbo si Fatima at maiwan ako mag isa at sana na-monitor ko agad na bumabagsak na ng mabilis ang heart rate nya...
Na kung sana di ko na pinayagan mag meryenda yun nurse nya...
Na sana pinatawag ko na din yun doctor bago ko gawin yun procedure...
Na sana na-hit ko agad yun artery nya ng mabilis...
Na sana di ako su-syunga-syunga na natusok ko ng karayom ang sarili ko...