Showing posts with label single gay guy. Show all posts
Showing posts with label single gay guy. Show all posts

June 20, 2014

Si Boy Dubai (Part 1)




Its his rest day finally kaya naman maghapon na siya nakahiga sa kama, halos 12hrs na. Wagas na wagas. Sinilip niya ang phone na nasa side table ng kama gaya ng una niyang ginagawa pagkagising. Ang mag check ng messages. Halos routine na iyon. Mga ilang minutes muna check at basa basa ng mga messages na dumating habang tulog siya.

Nang mapadako siya sa invites sa isang chatting app sa phone niya mula sa isang random guy nearby. Dinownload na niya halos ata lahat ng chat application na pwde ilagay sa phone. Kaya naman halos 3x siya mag charge ng batt per day. Nadi-drain kasi agad. LOL

Sus, malamang kayo din! Taeh.

Henywayz, nacurious siya kung the who itetch. Inaccept ng hitad ang invites. So yun, friends na sila sa chatroom na ito. Nag umpisa ng mag usap at mag get to know ng slight.

Lets call him: B.D ( Boy Dubai hehe) how original. Taeh ulet. LOL

So yun, visiting lang daw siya ditey sa dowha, wala pa daw siya one month at ipinadala lang ng company nila mula sa dubey. Five days nalang daw ang nalalabi at balik na siya dun.

Dahil wala naman daw siya gagawin kaya naman nakipaglandian ang hitad na si EMM at "MOOM- MANESSS!" (ngo-ngo version) at yun na! pupunta daw sa balay niya si B.D.

EMM just took a quick shower and nag imis ng konti ng kalat sa unit niya at saka nag bigay ng GO signal kay B.D na pwde na siya pumunta. Halos nasa kabilang kanto lang ang hotel na tinituluyan niya at wala pang 15mins ay sinundo na niya si B.D sa lobby ng building ng bahay niya.

He liked what he saw sa lobby. Semi kalbo, around 5'5 in height, moreno. Bonus pa na balbon nung nahubaran na niya.(fast forward ng konti) LOL

After magkakilanlan ay niyakag na niya si B.D sa flat sa taas. Diretso sa room niya. Nahihiya pa siya sa simula pero dahil madaldal at mabait naman siya ay agad na napalagay ang loob ni B.D.

Pero sa kama agad una naupo si B.D na ikinangiti niya ng bahagya. Kung tutuusin ay may silya naman. Sumandal si B.D sa headboard at pumuwesto ng maayos sa kama. Naaliw siya lalo. Mukhang nagmamadali. May lakad? taeng tae? chos

He played an online streaming of Game Of Thrones at saka siya tumabi kay B.D sa kama. Pareho sila nakasandal sa headboard at magkatabi under the blanket. Malamig kasi ang AC kaya mas exciting. Nakikiliti siya nun madidikit ang mabalahibong binti ni B.D sa binti niya. hihihi. Na-e-L siya.

Hindi niya subaybay ang story kaya naman siya na ang nag update at nag eexplain ng mga nagaganap. Paminsan minsan ay nag uusap sila ng random stuff.

Nang matapos ang series ay iniunan niya ang ulo ni B.D sa mga braso niya na agad naman nag paubaya. This time intimate na silang dalawa. Gustong gusto niya ang feeling ng may kaakap. namiss niya toh naisip niya.

Hinawakan ni B.D ang kamay ni EMM na nagpakilig ng slight sa kanya. Nagkakwentuhan pa ng konti about sa buhay buhay ng isa't isa.

May GF na pala siya sa dubai, aniya. HIndi naman nadisappoint si EMM dahil wala naman siyang ibang inaasahan sa pagkikitang ito.

One night stand lang ito. Sabi niya sa sarili niya. Mas mabuti na kasi yun ganun, tikim tikim nalang muna. Kapag may connection at pwde naman ipush ng konti e di gow. Kung waley e di move on let. LOL

Maya maya ay lumapit ang mga labi niya sa labi ni B.D. Naglapat for the first time ang maiinit na labi nila. He's not the best kisser out there, but it enough to make him want more. Ramdam na ramdam niya ang balbas at bigote na unti unti nang tumutubo....medyo magaspang at tumutusok sa balat at labi niya pero mas nagustuhan niya ito... hanggang lumalim ang halik at naglaro ang mga dila nila sa loob ng kanilang bibig. Napapaungol si EMM.

At naglikot na din ang mga kamay ni B.D sa nakaibabaw na si EMM sa knya. Humahagod sa batok sa likod niya pababa sa loob ng shorts na suot niya. Pinisil ang mga nakakapa sa loob ng shorts niya. May halong libog bawat hagod niya na nagpapaungol sa kanilang dalawa.

Bumaba ang mga labi niya sa leeg...sa likod ng tenga ni B.D napahawak ang kamay niya sa ulo ni EMM na di malaman if pipigilan ba or ididiin pa niya ang mga labi nito sa ginagawa sa knya.

Hinanap ni B.D ang dulo ng shirt niya at itinaas ito pahubad habang nakapatong pa din si Emm sa ibabaw niya. Agad na nilamas niya ang dibdib at saka pilit na inaabot ng mga labi niya ang magkabilang nipple ni Emm.

Gumanti siya ng halik at unti unti niya hinubad ang pang itaas ni B.D hanggang sa tumambad sa kanya ang matipuno nitong dibdib na ginagapangan ng balahibo. Lalong naturn si Emm, gusto niya ang mabalbon na lalake at moreno. Nasa harapan niya ngayon ang fantasy niya.


To be continued....


August 27, 2012

Solo Flight


Simple lang ang buhay ko dito sa Doha City, oo nasa middle east ako, madaming takot pumunta at mag trabaho dito, ganun din ako noong una. Sino ba naman ang hindi, andami nating naririnig na istorya na hindi maganda about sa mga kababayan natin dito.

Solo flight akong naglakas loob na magtrabaho dito. Nakaka frustrate kasi sa atin minsan. Pagod na pagod ka na tapos yun lang sasahurin mo. Nakakainis pa mga nasa gobyerno.

Bukod sa mainit na panahon kapag summer dito na umaabot ng halos 45 degrees ay wala na ko mairereklamo pa. Ay! meron pa pala yun nakakainis na censorship, di tuloy ako makanood ng xtube! LOL at kapag -VER months naman ay nagtatag lamig na ng sobra! pero ala naman yelo, chosera kayo.

Pero since madami naman proxy na magagamit, nakaka download pa din ako sa ibang site (libog! hahaha) Pero oy, normal yan sa nag aabroad, magtanong ka sinong nag aabroad ang di nag poporn at nag babate, babatukan ko! char

Hindi ko akalain na mae-enjoy ko ang buhay middle east. Plano ko nun una ay tapusin ko lang ang tatlong taong kontrata tapos ay yun na. Pero heto ako ngayon, goin on my fourth year and I'm planning to stay for another 5 years.

Siguro dahil madalas mas gusto ko mag stay sa bahay, manood ng movies, mag internet magbasa basa ng kung ano ano at higit sa lahat adik ako sa tulog, kaya siguro swak na swak sa lifestyle ko ang dito mag work. Madami kasi ang nagsasabi nakakainip dito sa bansang ito.

Meron naman mga night clubs and bars dito. Madami din malls, sinehan. Napuntahan ko na din ang iba sa kanila. Pero madalang lang, since hindi naman ako pala inom ng alak hehe.

Hindi mo din kasi halos mami-miss ang pinas, kasi andaming pinoy! jusmio! kung gano kadami ang Indian ganun din kadami pinoy! nyak!

At since madami ang pinoy, nagkalat din ang mga pinoy restaurants at products haha, one time nga nasa jollibee ako dito, may lumapit na pinay at nagtatanung baka daw gusto ko bumili ng kakanin sa kanya, may kutsinta, puto, palitaw at biko daw siya. O da vah? winnur!

Malay natin, next time may mag tanong naman sa kin if gusto ko ng lalake at mura lang, why not coconut! charot lang! haha

Masarap na mahirap ang buhay solo sa ibang bansa, pero somehow na eenjoy ko yun independence e, ako mag grocery, mag handa ng kakainin, although madalas nagpapa deliver nalang ako!

At pwdeng pwde mag uwi ng lalake sa bahay! LOL!

Pangalawa, wala ang tatay ko! hahaha! Kung matagal ka ng follower ng blog ko, alam na alam mong allergic ako sa tatay ko. Kaya tama na yun isang buwan bakasyon sa pinas kada taon, kasi saglit ko lang siya nakikita at less time para mag away kami. ewan ko di ko masakyan ang trip ng tatay ko. Nakaka stress! Jokeeee!

Kampante ako dito kesa nun nasa pinas pa ko. Zero crime rate kami, o diba? hehe. Hindi ako worried na mahablot or madukutan ng mamahaling cellphone or gadget habang nasa daan or kung san man public areas ka. Importante kasi yun e. Yun relax ka lang. Yun wala kang intindihin na masama.

Kaya naman ang mga pinoy dito ay todo postura at display ng mga gamit, bakit hindi, kaya naman nila bilhin e hehe. Wala pang tax! grabe yun! ito pinaka importante sa lahat! tax free ang sahod mo! naalala ko pa nun nasa pinas ako, grabe ang kaltas sa tax ng kapiranggot kong sahod! kaloka. wala ng halos extra pang date at pang lalake! charrr

Masarap sa pakiramdam na sasahod ka ng tama, sasahod ka ng sobra sa pinag paguran mo, madalas kasi petiks lang ako sa hospital haha, feeling ko luging lugi ang management pagbabayad sa akin! LOL

Higit sa lahat masarap makatulong sa pamilya, kahit ngayon na may health problem na kinakaharap ang pamilya namin, kahit papano, nagpapasalamat ako andito ako sa middle east at nakakatulong kahit kaunti. Hindi biro ang may sakit sa pamilya, na stretch na namin lahat ng resources and kulang pa. Pero alam ko di kami papabayaan ng diyos :-)

Wala naman hindi nakukuha sa pag dadasal di ba?

August 9, 2012

F.O.U.R


I almost forgot about this important date! August seven!

So stupid of me!

My blog turned four 2 days ago!!!

Yeah MacCallister is four years old!

Yey!

Palakpakan naman tayo! LOL

Grabe lang, four years of blogging, never thought I would lasts this long haha. Andaming nagsulputang blog, andaming magagaling, andaming mayayabang...andaming epal....charrrr!

Seriously, I am thankful for all these years, my readers and friends, for being there all the time. Whenever I'm down, or I'm happy, or I'm in love, when I'm heart broken, or in love again, or heartbroken, or maybe in love again and heartbroken....oooops!

OK! Ok! I know you get it!!! LOL

Pero natatawa ako, may nabasa akong forum last time, naisingit ang blog ko sa usapan, there's this one member who gave an exact number, bilang daw ng naging boyfriend ko! he knew this by being a follower of my blog haha! pero salamat sa mga kapatid natin abroad na nakiki chismis sa masalimuot kong lablayp!

Oo! sa masaklap kong buhay pag ibig!!! chos!

bakit ba kasi ala akong voyprend? ahahahaha!


si tom daley pantasya ko gabi gabi! taena kasing sarap ng hayop na toh! hahaha!



Anywayz, never in my life that I would regret starting up this blog. So many things I've learned, so many experiences I've shared to the world, and most importantly, so many friends I've gained. Walang makakapantay dun.

When I get home before the year ends, I will try my best to meet as many as I could, both from blogosphere and twitter :-)

Andami kong crush na blogger! kasi supladito yun iba kakainis! tse!

Pero siguro sa lahat yun sobrang mai-intimidate ako or ma-starstruck e dun sa mga superstars: Si Aries, Mcvie, Herbs,Kane. Mga sharon at vilma na yan sa pagba-blog! hahaha! ay si kane si kris aquino ang dating niyan! LOL!

Si citybuoy, nora aunor level yan! ang galing kasi ng blog! leveling! maiiyak ka at dadalhin sa isang dako pa roon! si pilyo naman, siguro rosana roces!

Oy biro lang po!

Again, thank you to all of you! to my 349 blog followers, salamat sa inyo!



Cheers!!!

Four years and counting! Hongtanda ko na! kuya germs level na ata? LOL

May 20, 2012

Its The 20th Again!



Its this time of the year again, the 20th of May where the calendar reminds me that Im old! Old maid that is! LOL

Another year has been added to my age. But I dont mind, Im happy with what i am now. It just feel that im stucked at 25! Saya lang!

Thank you Lord for all the blessings and all the joys and laughters that this year will give me...there are some down moments but I know with your guidance me and my family will get through this :-)

We'll have a simple dinner at my friend's house tonight, konti lang, I know, most of my friends magtatampo, hope you guys understand.

I don't wanna spend too much while my brother in law's at the hospital right? I thought it'll look insensitive on my part. Kaya yun.

I just have three birthday wish and I hope it could come true :-)




People! show me some love today hihihi

O kiss nyo na ko, with tongue! Charrr!

April 1, 2012

Sana Lang Ikaw Yun


Lagi siguro kita kasama every weekend, kumakain sa paborito nating restaurant...malamang hindi natin napapalampas lahat ng magagandang palabas sa sinehan at di ko bibitiwan ang mga kamay mo kapag nasa madilim nang bahagi tayo ng sine, oo korni na sa edad natin, pero I won't mind.

Paki nila? Masaya ko gawin yun e bakit ba? hehe. Alam ko papayag ka din, kasi korni ka din!

Tapos te-text kita na samahan ako mag shopping kapag mayroon sale, kahit ayaw mo dahil alam mong ang tagal tagal kong mamili! Pero mapapa-oo ka nalang kasi wala kang choice kundi samahan ako, kasi di mo ko matiis na umalis mag isa at magmukhang loser :-)

Siguro masayang masaya ka tuwing sosorpresahin kita sa uwian mo from work at makikita mong naghihintay ako sa may labasan para ihatid ka pauwi.

Siguro ang sarap sarap halikan ng mga labi mo sa tuwing may pagkakataon tayong mag make out...alam mong hinding hindi ko pagsasawaan ang matatamis mong mga labi...

Kahit wala ng sex...basta akap kita magdamag...basta lagi kong nadadampian ang mga labi mo...wala ng kapantay na kasiyahan ang maidudulot mo sa buong pagkatao ko...

Pero sige na nga, pwede din may sex kahit once lang kung mapilit ka! chos!

Iba siguro ang saya ko kapag lagi kitang kasama tuwing pasko...lagi lagi na kasi ako single at malungkot tuwing ganitong okasyon...

Siguro sa mga panahon na ito naipakilala na kita sa mga kaibigan ko, bilang siyang may hawak ng puso ko. Naks! Makata?

At kung masuwerte ka pagkalipas ng ilang buwan, naipakilala na kita sa kapatid at nanay ko...pero wag muna sa tatay ko ha? Baka di pa siya talaga ready e at atakihin sa puso! Knock on wood!

Siguro kasabay kita nagsisimba at humihiling na sana... patuloy mo akong mahalin pagkalipas ng mahabang panahon...

Siguro ang saya saya ko lagi...

Sana...sana...sana lang...

Maging totoo lang ang lahat ng mga ito...

Magkaroon ng katuparan ang lahat ng mga bagay na sa isipan ko lang tumatakbo...dahil sa mga ganitong pagkakataon na nag iisa ako sa loob ng tahimik kong silid...nag mumuni muni...naiisip kita...

Naiisip ko na nasa malapit ka lang...abot kamay ko...humuhiling na...

Sana lang may totoong ikaw ngayon...

Sana lang andiyan ako sa malapit sa yo ngayon...

Sana lang Ikaw 'yun...


***

February 15, 2012

Akinse Ng Pebrero

Lumipas na din ang valentine's day! Sa wakas! ampalaya? LOL. Third year in a row na wala ako balentayms! kaya naman parang ordinaryong araw na nga lang sa akin. Kundi pa dahil sa mga post sa FB or sa Twitter halos wala naman ako paki na e.

Itinulog ko lang ang katorse ng Pebrero kaya ayun lipas na pag gising ko! Kapag lagi nalang ganun e masasanay ka na din pala! ahaha! Hindi na issue. Hindi na big deal.

Pero don't get me wrong, masaya ako para sa mga may partner diyan sa tabi tabi. Ituloy lang ang pagmamahalan :-)


Someone sent me the link of this video, a story of long distance relationship, na alam naman nating lahat na beterano na ko diyan haha halos ayaw ko na nga maniwala e...pero somehow napangiti ako ng dalawang to.




Enjoy the rest of your week guys :-)

January 22, 2012

The Worst Kind



You could make me fall for you...do you know that?

I'm terrible. I know. I wanna be cautious. But,

With you calling me most of the time...

With you always around on my BB phone. BBM-ing me.

With you on my facebook, on my twitter, on my YM...

With you sending those cute pictures.



With your sweet and goofy voice on the phone...Urghhh!

You're a tease...a sweet torture.

The time that you've spent for me...damn, I love time!

Give me time and I'm yours!



I'm worried. I know myself. I'm a gullible person.

A Hopeless romantic they say.

But, for heaven's sake, you're there and I'm here!

Please don't do that...


Damn you...You could make me fall for you, you know that?

Really, I'm the the worst kind!


January 13, 2012

January 9, 2012

Nang Ako Ay Nasa Germany Bow!


Malamig pa din kahit na naka maximum na yun heater sa loob ng hotel room ko nahihiya naman ako mag request ng extra heater haha! Nagmedyas at todo pajama nalang ako nun matulog. Puno din ng beverages yun fridge ko. May beer pa! at ang nakakaloka ay ang water! Tawag nila dito: water with gas. O di bah! sushal! Ginawa nilang soda yun water! Hongsama lang ng lasa! ewan parang sprite na walang lasa ganyan! Tae! pauso sila! LOL

Pero no choice ako yun ang water nila ayaw ko naman mag tap water at baka sumama ang tiyan ko. So keribels na.

Inusyoso ko ang buong room ko pagkatapos maihanger lahat ng susuotin ko. I travelled light kaya naman isang malaking travelling bag lang ang dala ko kumpara dun sa mga bitbit ng dalawa kong indian na kasama. Aba! tig-dalawa silang malalaking maleta! san ang punta? one month sa Germany? LOL

Libre breakfast sa hotel kaya naman lamon to the max lolo nyo! hahaha bundat na bundat ako after hindi naman halata na bumukol tummy ko kasi todo jacket kami.

Arte-arte lang nun dalawa at lagi nalang may reklamo sa food jusko ha! kesyo di sila nakain nito, ayaw nila ng ganyan. Kawawa naman sila. Hay naku bahala silang magutom walang indian resto dito noh! Buti nalang mga pinoy kayang kaya mag adapt kahit asan tayo! Winnur!

At letse lang nun lumabas na kami ng hotel para mamasyal kasi nag stop na ang pag snow! Umuambom kaya yun mga natirang snow kahapon nag melt away naaaaaaaaaaa! Nadisappoint ako ng wagas kasi hindi man lang ako nakapag roll over sa snow at gumawa ng angel kapag nakahiga ako gaya sa movies na napapanood ko! hahaha

Anywayz, wala ako sa mood magkwento masyado kaya daanin ko nalang sa pictures:


Second day in Frankfurt:


Inside my room.

Its not a five star hotel so wag mag hanap ng malaki! Umaga, bago ako bumaba for breakfast, a guy from asia called me up on my hotel room phone. Nabigla ako kasi, its just a challenge when I told him on twitter to call my room! Napatalon ako nun mag ring ang phone sa side table ko!

Galante ang mokong! more than 30 minutes nya ata ako kinausap! Overseas call to ha! Impressed naman lolo nyo!


The subway...bili lang ng ticket for a whole day for 6.20 euro sa machine sa loob. At walang mag check ng ticket mo kung meron ka ba or wala. Talagang konsensiya mo nalang! kaya kung matigas mukha mo, wag ka bumili ng ticket! kaso may random check daw mga pulis na hindi ko naman nakita na nagchecheck.




Dumiretso kami sa christmas market nila. Swerte daw kami kasi inabot namin to!







Bili na kayo ng german sausages!honglalaki!


Nag enjoy talaga ako sa trip naming ito dito! Angsaya lang tignan at usisain ang mga nakadisplay nilang paninda! Andaming souvenir items! Pero ilan lang binili ko! aba ang mahal! Isang keychain e 5.oo euro na! Equivalent to 287 pesos na!


at siyempre nagpa picture ako! hehehe



At dahil explorera ako ay nakarating kami dito sa may river na to...ganda lang ng view!



Dito naman ang kanilang shopping district from high end to cheap products! Hindi ako namili gaya ng ginawa ko nun nasa London ako nun February dahil may pinag iipunan ako bilhin nun time na to!

Ganda lang ng mall na to. At dito ako muntik na mamatay sa dami ng gwapong aleman na nakita ko! Kahit bagger pinagnanasaan ko ata! LOL

Nung magutom sa mall na to din kami nakakita ng isang magandang Thai restaurant na may cute na taga luto sa gitna ng kinakainan namin! enjoy lang manood sa kung pano nila iluto ang bawat dishes. Ang bibilis nila! at winner sa tamang tamang spice at tamis yun inorder kong nakalimutan ko na ang tawag basta may noodles siya! Toink!


Third day in Frankfurt:

Tumawag ulit same time si Caller from Asia...hmmm...

Anywayz,

Napagtrip-an namin nun girl na nurse na kasama ko na mag bus trip kami sa buong city. Double decker yun bus kaya naman sa pinaka unahan sa second floor kami pumuwesto at nagdaldalan na lang kami ng nagdadalan buong trip haha before we know it tapos na pala at kelangan na namin bumaba! Malakas ang ulan nun at zero pa din ang temperature pero gora pa din kami. KJ yun doctor kaya nagpaiwan nalang muna siya sa hotel.


Chaka ng gloves ko nalimutan ko kasi dalhin yun binili ko sa Doha kaya nun makita ko to buy na agad kesohadang chaka itsura nya! Naninigas na kasi mga daliri ko!










Naglate lunch lang kami this time sa Japanese restaurant naman. Nakakatawa lang at nasa Germany kami pero ang kinakainan namin e puro asian! haha. Ayaw kasi kumain nun dalawang egoy na kasama ko ng authentic german sausages! Nakakainis lang sila! hmp! As usual super na enjoy ko tong yakisoba ek ek na to :-)



Nagshopping lang kami ng konti at napadaan sa mga booth ng streetfoods nila. Andaming tao dito grabe!

Nung makauwi nag request ako sa reception na i-activate ang pay-tv sa room ko at nakita ko na may mga erotic silang channel with additional charges opkors! Malamig kaya kelangan ko toh! charot!


Fourth Day in Frankfurt:

Ito na ang sad part...uwian na ito haha! Nagbreakfast lang kami for an hour and headed to the train station kasi nakakita ako ng chocolates dun na may halong alak! kakatuwa! meron with 50% to 80% of whine or rhum or champagne! dami ko nabili at siyang ipinasalubong ko sa friends ko pagbalik!


infairness nag enjoy ako sa pag design nyang santa face na yan hahaha!


At nung 12 noon na nag check out na kami and headed to the airport for our 2:00 pm flight :-) nag enjoy ako sa medical escort naming ito as in! salamat at nagka chance ako makapunta ng germany. Next year ulit sana London ulit or Thailand naman!



P.S

Pasensya na sa mahabang post na ito haha! Kelangan ko na kasi tapusin ang kwnto at baka di ko na mapost pa ulet ever!

January 2, 2012

Babala


"Bagong taon na....kaya kapag di pa ko nagka-boyfriend this year....

Mambababae na lang ako! chos!



by-Anonymous






a.k.a

MAC.




Toinks!

November 21, 2011

Parang Kelan Lang


Parang kelan lang ako ang laman ng puso nya. Ako ang lahat lahat...

Parang kelan lang hindi lumilipas ang araw na di niya ako nasasabihan ng aylabyu. Hindi kumpleto ang araw nya kapag hindi nya naibahagi sa akin kung pano lumipas ang maghapon nya sa trabaho, kung ano ang nakakatawa at nakakainis na nangyari sa knya sa nagdaang araw.

Parang kelan lang halos maubos ang load ko kakareply sa mga text nya. Halos mapuyat ako makausap at maka chat man lang siya kahit sandaling oras. Halos maubos ang natitira kong allowance pang date, pang panood ng sine, at kain sa labas.

Nakakamiss yun mga sandaling nayayaya ko siya kahit ayaw nya sa sineng palabas tuwing huwebes...pero wala siyang choice kundi samahan ako kasi di nya kayang tiisin na manood ako mag isa at mukhang loser :-)

Halos maubusan na ng alibi sa kapatid or nanay ko makasama lang siya sa malayong lugar sa buong maghapon o kaya naman ay 12hrs na mag check in sa SOGO kapag kapos sa budget hehe.

Halos tiiisin na wag sumabay sa mga napapanood na porno sa internet kahit hirap na hirap na para makapag-save ng sperm at ng sa gayun ay madaming maiulan sa mga dibdib mo... LOL

Nami-miss ko yun mga araw na halos hilahin ko ang araw makauwi lang at makasama agad siya. Parang kelan lang ako ang laman ng puso nya. Parang kelan lang ako ang lahat-lahat sa kanya.

Nakakalungkot lang na ngayon....lampas-lampasan na siya tumingin. Di na nya ko nakikita. Di na mahalaga. Isa na lamang alaala.


Dahil ang katotohanan:



Di na nya ko kailangan :-(


Wala lang. Idagdag nalang ito sa listahan ng pag iinarte ko haha.

Dito kasi sa apat na sulok ng kwarto ko sa gitnang silangan, ngayong araw ng pahinga, parang kay sarap mag inarte lang, ganyan...

Parang kay sarap lang kasing alalahanin na may halaga ka sa isang tao bukod sa pamilya mo. Gusto ko ulit mabuhay para sa isang tao. Gusto ko ulit madama na kung pano maging masaya at excited araw araw kada gising na iniisip na malapit na kong umuwi at andun SIYA at nag iintay sa muli kong pagbabalik...

come over and have coffee with me haha. Panawagan ba itetch?


Pero ganun talaga, the right person will come at the right time. Sabi ng gasgas na kasabihan na ewan kung sinong hinayupak ang nagpauso! chos

Ampalaya!


September 1, 2011

Ano Nga Kaya?


Hindi naman lihim sa lahat na madami na ko pinagdaanan pagdating sa pakikipagrelasyon. Marami ang naging saksi kung pano nag umpisa at nag wakas ang bawat kabanata ng lovelife ko dito.

Minsan napapaisip ako...Ano kaya kung mas inunawa ko sila? or mas sinikap ko pa'ng maging mapagbigay? Kung mas binuksan ko ang puso ko sa kanila? Siguro, baka meron na kong masasabing isang matatag na relasyon ngayon.

Aaminin ko. Masyado akong naging maramot sa pagmamahal... Dati kasi feeling ko, pag mas ipinakita ko ang pagmamahal ko, feeling ko talo ako...baka isipin dead na dead na ko sa kanya...kahit minsan yun naman ang totoo.

Laging nakatanim sa isip ko, mas mabuti muna makita ko'ng mas mahal niya ako kesa makita nya'ng mas mahal ko siya.

Masyado din ako proud. Iniisip ko kasi. Madali ko siya mapapalitan. Madali lang ako makakahanap ng mas higit pa. Kaya sa konting fault na makita ko. Mayabang akong nakikipag kalas.

Impulsive ako. Yan ang madalas nila sinasabi.

Mayroon naman na pinagsisihan ko sa bandang huli at humingi ng second chance...pero mukhang parusa ng tadhana...madalas rejected ako. Tatlo lang ang hiningan ko ng pangalawang pagkakataon sa dinami-dami ng mga lalake sa buhay ko! Oo...pokpok ako dati! chos!

Sobrang sakit at pag sisisi ang binigay nila sa kin...hindi ako swerte sa second chance. Hindi ko naman sila masisi...kasi ako naman ang nauna makipagkalas. Ako ang nagmatigas noon. Gantihan?

Madami ako natutunan sa pakikipagrelasyon ko...sa bawat taong nagkaroon ako ng pagkakataon na makilala at mahalin...laging may iniiwan itong aral at pagmumulat sa pagkatao ko. Mas higit ko nakikilala ang sarili ko...kung ano ang kahinaan ko. Kung saan ako dapat mag umpisa muli. So that history won't repeat itself...

Para san ba ang post na ito? Wala lang hahaha...nag iinarte na naman sa mga WHAT IF's na tumatakbo sa isip ko...

Isa lang ako sa karamihan... maaring nakakasalamuha mo sa araw araw...sa dami ng tao mapapansin mo ba ako?

What if...sa tinagal tagal ng paghahanap ko...andyan ka lang pala...malapit sa akin.

CHOS!




Wala lang.. mumuni-muni moment lang :-)


August 22, 2011

Cover Up


I turned off the lights inside my room and shut the door.

I took the lift down to the ground floor and hailed a cab.
I'm on my way to the hospital...Its my night duty again.

When I came to our department, the afternoon shift was waiting. Its crazy inside. Ang ingay! Its the best part of the day...endorsements. We get to see each other. Colleagues I seldom see due to different schedules.

Work is fun. Though its tiring most of the time but its fun. I love my job. I've gained too many friends in this foreign land. I am contented with the kind of life I'm having. Who would predict that I will actually love working in the middle east when I first came here in the first place? I just took a gamble and leave everything to fate and to God.

Suwertihan nga lang siguro talaga. Some of my friends abroad, hindi sila masaya sa work nila. Pati sa mga pinoy na kasama.

Minsan kasi kapwa pinoy mo pa ang hihila sayo pababa...

I'm lucky to have my colleagues who supports me and cares for me. Its like a big family. So far I've never regret accepting this job...well, not yet...LOL!

I'm a jolly and goofy person. I love to laugh. Bungisngis ako. You could make me laugh with just some silly korni jokes you could throw at me. I love to talk a lot too. At mahilig din ako makipag asaran sa mga straight na kasama ko sa work.

Masarap makipag tawanan. Nakakabawas ng stress.

Then my shift are about to finish again.
I did my endorsement to the next shift. Chit chat with colleagues before heading out of the hospital. A friend usually gives me a ride home. While inside the car, more laughters and asaran na umaatikabo...

As soon as he dropped me to my building and gave my Thank you..take care... that's when the silence begins...

That's when the slow and heavy walks towards the elevator happens...till I reached my flat on the sixth floor...

I unlocked the door to my room and sat on my couch as I wait for my laptop to start...

Here I am alone again. Inside the four corners of my cold room. They said its fun being single...its fun being with your friends...yeah it is...walang iintindihin na ibang tao but yourself...Ok ang single....I've been telling that inside my head for the whole year and it worked really well...yeah nabola ko sarili ko.

But who am I kidding?

I cannot fool my heart for so long...

I am sad and lonely.

My heart is longing for someone.

Now I could honestly say it out loud.


:-(


Why am I still on my own, if there's a soul mate for everyone?





Meron nga kaya talagang soulmate??? Hay naku emotera na naman daw ako! hahaha! dyan na nga kayo at boborlogz na ko!

July 27, 2011

Isang Taon


Isang taon na pala ko'ng single....damn, that's a long time.

Isang taon na pala akong tigang...tagtuyot...tag araaaaaaaw!

Oo ako ang walang nakaka-sex!!! Oo, ako na ang loser! nyahaha!

Pero come to think of it (uy ingles yun!) I don't feel that bad at all...I don't know, parang wala lang...teka, baka naman menopausal stage na to?LOL

Naku wag naman sana...kasi di pa nga ko dinadatnan, kala ko delayed lang ako this month...echos!!!!



*sorry sa walang kwentang post haha...sabog pa ko..galing ng night shift lagi*

December 23, 2010

Third In A Row


It was cold outside my window here, I was sitting on my couch, having my favorite chocolates and realized something....

this is actually my third Christmas with no boyfriend!

OMG! Third Christmas?!

Wala lang.

Just a thought lang...had boyfriends in between though, but always none during the month of December.

I just felt that it would be nice, kinda really-really nice if you have someone to hug or cuddled with, or would send you gifts or a call during these cold and special days...I've always been a sucker for something romantic! You know, its Christmas! :-)

Well, I guess I'm just being lonely tonight...

Anyway, I better go to sleep before I get too emo here! haha. Bye peeps!

December 8, 2010

On Finding Real Love


I am single again, well, what else is new, that's what my sister and tons of my friends told me when they saw the changed status from "in a relationship to single" on my face book account.

"Why you have to break up with him now, you should have waited till he send his christmas gift to your nephew!"

Toink!!!

Oh di ba, worried sya na nawalan ng regalo mula kay clayton yun pamangkin ko! saya noh?

I wanna stitch up my sister's mouth for being so insensitive!LOL

I am glad i have many friends to cheer me up when they know Im going through tough times like this.

"Im sure you will find another guy in no time..."

Grrrrrr!

But I don't want to collect boyfriends after another... that's too tiring...I hope the guy that will come this time will be my someone for good...

Someone that could stay through tough times and still hang in there...I know Im not perfect, I also have my flaws, I am also struggling to be a better me, but I need someone who could stay with me no matter what... I think that's the essence of true love.

I always feel envious with guys who could stay for many years and still remains happy, that's what I want for my self...

So, maybe for now, this christmas, I have to be in the company of my friends and wait till that special someone comes along and bring me happiness once again...

Who knows, one day he will come knocking on my door and swept me off my feet!hehehe

I hope not for long. (demanding much?)

*wink*wink*

December 22, 2009

Will I Be Lonely?


Christmas is just around the corner, and I know everyone must've been busy, excited, doing their own shopping, gift buying, it could be so much fun...except that, I am not there. I am in a foreign land...Qatar.

Although, they said Christmas is just a date, and I am usually at work during the 24th and 25th since I am a practical guy having double pay during the holidays! But now, it would be different, I am not there. I am in a foreign land.

I don't know what to feel, or to expect, will I be lonely? will I cry? parang di bagay sakin ang emo!LOL

I am scheduled to work at night shift tonight till the 25th, we might just bring foods on Christmas eve, we are junior staff so we are the one supposed to be on duty. You know, seniority. I might ask my sister how to do carbonara, or I might buy blueberry cheesecake.

This would be my second Christmas as a single gay guy on the planet. I don't know, till when...I know everyone says its alright to be single, true, but its much better if someone's there to first greet you or would want to celebrate it with you, one who would return the love you give him.

I miss that feeling.

I have so much love to give and I don't know why they don't want it...LOL!

I wanna feel what love is again...can you show it to me?

wait, is that a line from a song? haha


Anyway,

MERRY CHRISTMAS EVERYONE!