Showing posts with label brian. Show all posts
Showing posts with label brian. Show all posts

March 11, 2013

Kayakap




I decided to share to you the guys that I've met and made my vacation last December 2012 memorable. ito ang aking December Boys series (oh diba parang teleserye lang! hehehe):


***





December Boys V:  Si Brian


Can I come there? Diyan ako sleep ha?

Si Brian. Nagbbm. Nag agree ako since gusto ko na rin naman siya makita mula nun dumating ako ng pinas at nasa malapit lang naman siya. Second day ko yun sa Shaw Residenza residences nun, kasama ang isang kaibigan na pinakiusapan kong samahan ako ng ilang araw.

I got to admit, na miss ko siya. Nun nasa abroad ako ay nag cha-chat kami whenever na mag abot kami online. Nagbi-biruan na as if kami pa din. To some of you who follow my blog maybe you are tired of my posts about Brian na haha. We call each other "bebe ko" or "hon" kahit na six years ago pa kami nag break. Siya lang ang pinakamatagal kong nakarelasyon sa buong career ko as BEKI. career talaga? LOL.


(Read my previous post about Brian here: Naging Gago Ka Na Ba?)


We remained friends since then.

Nag aaral siya ng medicine ngayon. Wala kasing mapasukan na work as a Nurse kaya ayun tinuloy nalang ng pag aaral. Ok na din naman yun. Pero sangkatutak na pangaral ang inabot nya sa akin. Na pagbutihan ang pag aaral, iwasan ang lakwatsa at mag focus sa mga subjects nya. Hindi biro ang mag aral ng medicine, jusme nakikita ko mga pinsan ko noong araw. Halos zombie na. LOL

After mag dinner we headed to the second floor to sleep. I turned off the lights and open the window curtains and let the moon light comes in.... nasa 18th floor kami kaya kita mula dito ang mga buildings from a nearby town na may nakakaaliw na liwanag.

Ipinagpatuloy namin ang kwentuhan habang nasa kama. Nakahiga. Magkaakap. Nagtatawanan. Kung ano ano nalang ang pinag uusapan namin. Catching up to the lost times together. In between kwentuhan andiyan na sisikipan ko ang pagkakaakap sa knya as if nangigigil ako. He didn't mind at all. Para bang it so natural between us. Na parang walang kaso yun.

Every year. Every bakasyon ko sa Pinas, nag kikita kami ni Brian. He sleeps at my place sa bahay namin sa Laguna. Together. Pero laging walang sex yan. Oo honestly. Wala yang halong biro.

"Mas OK na tayo ng ganito. Masaya naman di ba? kapag naging tayo lang ulit baka mag away na naman tayo lagi. Kita mo now, ilang years na, nag aaway ba tayo? hindi di ba?" naaalala kong sinabi nya sa akin isang uwi ko sa pinas non.

"at saka ang landi landi mo! papaiyakin mo lang ako if ever! kaya wag nalang." dagdag pa niyang biro na nagpatawa sa akin ng malakas.

Platonic. Ito na nga ata tawag dun. Nakatulog kaming magkayakap.

Hinintay nya muna dumating ang family ng sister ko dahil gusto daw nya mag HI bago siya umuwi. Nagkwentuhan lang sila saglit at nagpaalam na si Brian. Mas close pa silang dalawa kesa sa akin. LOL

Ewan ko ba if napansin nyo sa buong series ko nitong December Boys ko halos walang sex na involved. As in! isa lang yun kay DEE, pero majority puro ganun lang, we stay together in bed, magkayakap, may kissing, may lambingan, pero thats it. To the point na iniiwas kong maging sexual yun gabi. I find it more exciting. More romantic.

Ibang iba na kesa noon na kapag nasa room ko ang isang guy hinding hindi siya uuwi kinabukasan na may natitirang dangal! charot hahahah

Mas masarap kasi e. mas nakakakilig. alam nyo yun. Nasa bed kayo. kayo lang dalawa. lahat ng privacy na kelangan ay available para mawala ang inhibitions, ang hiyaan, parang there's more room to open up NOT your legs and ass but your self. hihihi. Angsarap lang magkwentuhan na nasa mga bisig mo siya na moonlight lang yun saksi. kayong dalawa lang. intimate and romantic. naks!

Hindi pala kelangan may sex lagi kung magkasama kayo sa iisang room. Pwde ding ganito lang. Mas personal ang level, mas may lalim.

Or baka tumatanda na nga ako gaya ng sinabi ng isang kaibigan, nababa na ang libido levels ko? pero whatever it was, masaya ako e. Masaya ako na may mga ganun kaming opportunities. Masarap lang alalahanin at balikan. Kaya nga habang sinusulat ko tong blog post na toh e napapangiti ako.

At nung second week of December sinama ko si Brian sa Coron, Palawan, wala na siyang inintindi kundi dalhin nalang ang sarili nya haha. Treat ko na sa friendship nya sa akin yung bakasyon naming iyon, kasama ang family ko who also became fond of Brian through out the years na naging kami at naging  magkaibigan.


Brian helping me to swim thru the deep waters of Kayangan Lake hihih afraid ako e....LOL

Habang inaalalayan ni Brian ang 8 year old na nephew ko na mag snorkel sa Kayangan lake, narinig kong sinabi ng sister ko: " bakit hindi nalang maging kayo ulit ni Brian?" nakatingin siya dun sa dalawa sa lake. I know naaliw sister ko sa kabaitan ni Brian.

"OK na kami ng ganito noh. at saka baka pagtaksilan lang ako niyan habang nasa abroad ako!" sagot ko na paismid sa knya. Ofcourse nagbibiro lang ako.

"nakow! baka ikaw ang magtaksil! kawawa lang siya sa sa 'yo tseh!" dagdag ng mahadera kong kapatid na nagpabunghalit sa akin ng tawa! 







Previous Posts:
December Boys I: Si Teddy Bear
December Boys II: Si Dee
December Boys III: Si Yoshi
December Boys IV: Si Ariel
All posts about Brian: HERE

January 27, 2013

Coron Trip Day Three and Four


Previous Entries:
Coron Trip Day One
Coron Trip Day Two




After namin mag babad sa mga lakes at maghapong mag snorkeling ng buong araw kahapon, this day, ikatlong araw namin sa coron ay more on beach bumming, relaxing, and hilata all day naman. Mas maeenjoy namin ang scenery at ang ganda nga mga beach ng dalampasigan sa araw na ito.

Nag almusal kami sa hotel rooftop ng Islands View Inn nung alas siyete ng umaga at muli kaming sinundo ni Judith at sinamahan sa aming magiging mga bangkero para sa araw na yun. Iba ang bangka na sasakyan namin, dahil kailangan daw na mas malaki this time dahil sa malalaking alon papunta sa mga destinasyon namin. Iba ang bangka at natural na iba na din ang bangkero namin. Nalungkot kami na hindi na si Matt ang makakasama namin. Pero no choice na kami.







Nakatakda kaming mag tungo sa Bulog Dos island, banana island, at sa macapulya beach. Nagsimula kami maglakbay nung alas otso ng umaga. Dalawang oras ang byahe. Mahaba habang yugyugan ito sa bangka haha. Buti nalang di ako mahiluhin! Kita nga namin na malalakas at malalaki ang alon sa parte na ito ng dagat.





Nalilibang kami ni Brian sa mga napapadaan na ibang bangka sa amin, madami kasing nakahubad na boylet silang sakay! hihihi

Tirik na tirik ang araw! hindi ang mga kung anu pa man nun mga sandaling yun. Masakit sa mata at sa balat jusmio. Mahapdi!

Excited na kami nun matanawan ang aming unang destinasyon. Ang Bulog Dos Island. Maliit lang ito, pero mygash hongganda ng beach niya! Mega baba agad kami at nag kodakan ng walang humpay sa magagandang spot dito. Nag stay kami ng lampas isang oras!






May iba kaming kasabay na dumating sa isla na mostly ay mga puti at ilang koreano. Muli kaming nag snorkeling ng walang humpay haha. Grabe lang sa ganda! May entrance fee na 50 pesos each dito.

Feeling ko dito nasunog ng husto ang aking kabalatan! tan na tan kaming lahat hahaha.




Muli kaming sumakay ng aming bangka at ihinatid sa pangalawang destinasyon. Ang Banana Island. Tinawag daw itong banana island hindi dahil sa madaming saging dito. or maraming lalake na malalaki ang saging! chos! kundi sa korteng dahon daw ng saging ang buong isla kapag nasa malayo. May entrance fee dito na 200 pesos each.






 Mas madaming lugar para mag relax dito. May mga swings. may mga kubo. May mga picnic tables sa paligid. At marami kaming nakitang bahay ng mga katutubo sa tabi na puro yari sa kahoy at kawayan. Cute lang. I also fell in love with the place. sarap siguro tumira dito grabe!

Habang iniinjoy namin ang isla at kasalukuyang naghahanda ng aming pananghalian ang aming mga bangkero.   Muli kami nagbabad sa tubig at nag snorkeling. Buti di nangulubot mga palad at talampakan ko sa tagal ko sa tubig! hahaha

fave spot ko in the island toh.

 my sister and my brother in law. together pa din kahit madaming pagsubok :-)

 astig lang ng shot namin dito hihihi. Lalakeng lalake daw ang peg ko sabi nila! true ba? chos!


Madaming corals at fish sa banana island. Super naenjoy lalo na nung pamangkin ko ang mga nakikita niyang yaman ng dagat. Muntik ko pa makabanggaan yun puti nun nasisid ako hindi ko siya nakita sa gilid ko haha. ma thunders na sana man lang yun hottie man lang para sumubsob pa sana ako sa singit nya! LOL







Halos puro seafoods ulit ang ipinahanda namin sa kanila. wagas lang sa sarap! tamis tamis pa nun mangga! Libre ang gamit ng mga picnic tables and chairs nila.. bundat na bundat kami nun matapos kumain haha.



Mas nagtagal kami sa islang ito. Masarap kasi maupo at humiga sa mga swings nila lalo't bagong kain kami. Sariwang sariwa pa ang hangin at ang breathtaking lang ng view. Super sulit talaga pumunta sa Coron! walang sayang na moment at hindi ka manghihinayang sa gagastusin mo. Buti nalang dito ako nagdecide at hindi sa Puerto prinsesa.

Tinawag na kami nun bangkero namin at sumakay sa bangka papunta naman sa ikatlo at huli naming destinasyon. Sa Macapulyo Island. Hindi ko naitanong kung bakit yun ang name haha. Gumora nalang kami basta! May entrance fee ulit na 200 pesos each dito. Super fine ng sand jusko. Parang masarap ilagay sa halo halo ang buhangin! LOL

 emote ako sa beach hihihi




Nagpaka enjoy kami sa white sand beach nito at sa mga foreigners na hottie hahaha! itong dalawa lang ang nanakawan ko ng pic!

 si bald korean na totoy! kasama pa nya mommy nya. cute lang nilang dalawa. inisip ko nga baka sugar mommy nya un at di talaga nanay! LOL

itong hunk arab na to ang pinaka hot sa lahat! jusme! buti nalang nasa ilalim ako ng tubig kasi basang basa na ko sa knya! charot!

Tumambay kami sa mga picnic tables dito at nag order ng fresh buko juice. Nakakaantok at sarap sana matulog dito haha kaso di pwde gabihin at malayo ang byahe pabalik. Lagi kami magkasama ni Brian dito at masasabi kong mas naging close pa kaming dalawa dahil sa bakasyon naming ito. Inenjoy lang namin ang beach at nagkwentuhan at naglolokohan sa mga kung anu anung bagay.

Mas masaya sana if maglalagay sila ng mga water activities like banana boats, jetskii at kung ano ano pa para mas maraming gagawin sa isla na ito. Siguro soon magkakaroon na din.

Gusto pa sana namin mag stay kaso nagyayaya na yun bangkero at mahirap daw magbyahe ng madilim pauwi ng coron town. Habang sakay pauwi ay nag abot ng meryanda na suman sina kuya. Malalaki na nga ang alon habang binabaybay namin ang karagatan. Maginaw na din buti nalang may dala akong sarong! LOL

Lampas alas singko na nun makabalik kami sa hotel at agad nagpaliguan at naghanda para sa dinner. This time sa La Sirenetta kami kumain. Gondoh gondoh dito! overlooking the sea ang settings jusme! nakakainlove! sarap mag date! hahaha.

Tumambay kami sa balcony ng hotel nun pagkauwi at nagkwentuhan lang hanggang sa antukin. Kinabukasan  pagkaalmusal ay maaga kami nagpunta sa mga souvernir shops upang mamili ng pasalubong. Madami kaming nagustuhan na shirts at mga anik anik. Nakakaaliw! Muntik ng maubos ang dala kong pera hahaha! pero buti naman sakto kaloka.

Super sarap mag coron, palawan. I would recommend it for you guys to visit the place. Sulit talaga. Kaya lang medyo napamahal ang gastos ko kasi I shouldered the five of us. Ayun butas na butas bulsa pati brief ko. chos!


oh ito pa last pic ko. Astig astigan haha! Hay salamat natapos din ang Coron series na itetch! Pasensiya na kayo at kilometric post ito hahaha!


January 8, 2013

Coron Trip Day Two


On our second day at the town of coron, we are up and ready by 7:00 in the morning to have  breakfast at the rooftop of the hotel. We ordered longganisa and egg with fried rice and a hot tea. Judith the one in-charged of our tours  from DIYcoron picked us up from our hotel by 8:00am. She guided us at the port area and introduced us to the boat crews habang suot ang aking hat and shades with my scarf! charrr! turistang turista ang peg!



Basta you will need all of that since mainit so don't forget the sunblock, masakit sa mata ang araw, and minsan malakas ang hangin and malamig that's why I had the sarong.

We'll have Matt and his assistant whom i forgot the name. hehe. sowee. I remembered Matt the most because he's the one who did the talking and served as our tour guide. I like him because he would do everything for us to have a great and memorable tour. While the other one stayed at the boat and cooked our lunch. Mabait din naman siya. Mas naka bonding lang namin si Matt. Talagang di nya kami iniwan.

We're all excited when the boat started to move ahead the sea revealing several islands and mountains along the way.Hindi ka mabo-bore sa byahe andaming makikita sa paligid! It was an exciting journey for all of us. Its very different from our boracay trip 2 years ago.





Napapatili kami whenever we see the dilis fish jumping from the water! hongdami! (oa lang as if dolphin nakita namin noh?LOL)

Our boat stopped at Siete Pecados and snorkeled among fish for about 30 minutes. There's an entrance fee of 100 pesos. We got bored and we asked them to move to the next destination which is the famous Kayangan Lake where we paid 200 pesos each for the entrance.

Going to Coron was a complete adventure. There's a short hike towards the mountain where they built a long stairs made from stones from the mountain itself. Its pretty scary for me. Masyadong matarik and matulis yung mga bato and mataas yun inaakyat namin. I almost run out of breath! I have to pause for like every 10 minutes! exhausting ang kabundukan na yun! tseh! At pwde kang mamatay kapag nadulas ka! jusmio fulgoso!

Matt brought us to the iconic site where most tourist would have their pictures taken. Naging photographer din namin siya LOL:


then konti picture taking din sa cave ganyan and when the hike was over...then we saw the Lake! Grabe! honggandaaaaaaa! sobrang excited na kami nun. Worth it yun hirap pag akyat! Wala ka maririnig sa mga tao kundi yung word na: GONDOH! uu ganyang ganyan ang pagbigkas nila! LOL




Magtatagalog na nga ko napagod na ko mag inglesher. charot!

Henywayz, we gathered all our snorkeling equipments and ayun na! nagbabad na kami sa lake ng kulang dalawang oras! Andun din si Matt sa tubig nakalusong and nakabantay sa amin. Lifeguard din namin siya. O diba all around. Anglinaw ng tubig at kulay blue na kulay green ewan magulo siya! tseh!

Andaming cute jusko. Buti nalang nasa ilalim ako ng tubig, nakailang putok din ako kaya. chos! Nag sisisi ako that I didn't buy aqua shoes because yun mga bato sa ilalim ng lake masyadong matalas, if you're not careful masusugatan ka talaga.



Nakakatawa lang kasi kapag pipicturan ko si Brian nadadala ako ng current na napakahina naman kaya hindi ako maka steady kaya laging blurred or palayo yun mga shots ko sa knya hahaha! Galit na galit tuloy si bakla.

 The Four of us while Matt was at the bottom of the lake and took our picture! astig!

My Nephew :-)

at yun pala don't forget to bring your underwater cameras! its a must!


My sister at the balsa in Kayangan lake

After that wonderful experience sa Kayangan Lake, they brought us naman to another great location: The Barracuda Lake! It got the name from Barracudas living in it daw. Isa lang nakita ko. Naluto na siguro yun iba! LOL

There's an entrance fee of 100 pesos each.


This lake is smaller kesa sa Kayangan, pero halos kamukha din. Mas madaming foreigners dito. I likeeeeee! dito sila nagtetraining ng scuba diving. Yun iba maloko. naglalaro ng poker underwater with all their scuba diving equipments hihih. aliw! Kitang kita namin sila kapag nag snorkeling kami.

Less than an hour later, matt called us for lunch! I thought hindi na nya kami tatawagin! jutom na kaya kami.Ayun the other kuya prepared us grilled squids, shrimps, and tilapia.Meron din grilled liempo! Jusko wagas ang lamon namin ng nakakamay. They also got us seaweeds na first time ko matikman! wala naman siya lasa. tseh! May bananas and softdrinks din silang dala with ice yan ha!

ito yun view kung san kami kumakain:


After the sumptuous meal, we ride the boat again and headed at the Aurora or pass through lagoon. Nagpicturan kami dun. No swimming.

Then we headed to our next destination: The Twin Lagoon. The water here is cold grabeeee! and sobrang lalim! we cannot see the bottom of the lake! parang may lalabas na balyena or something. charrr!

My brother in law. Habang tulak tulak ng mga paa ni Matt yun balsa so that he could enjoy the lagoons.


syemps may moment din ako! LOL

We saw some katutubo houses sa dulo. Protected daw sila ng government, dahil sila yun unang nakatira or nagmamay ari ng mga isla at lagoons na binibisita ng mga turista. may parte din daw sila sa mga fees collected. Aba ang laki din nun ha! kada tao 200 and 100! e ilang ang turista napunta! sana lang nabibigyan talaga sila noh at hindi nakikikbak lang!

Then our boat took us to the ship wreck. I love this site! aside from seing the sank ship underwater, we could feed the fish and play with them, nakipagtaguan nga ako at saka langit-lupa mahuli taya. charot! I love the corals too! nakakatakot lang na baka may biglang coral na bumuka at mag hasik ng kung anung chemicals hahaha! There's an entrance fee of 100 pesos each dito. Pero super sulit as in! best snorkeling site ever!!!




We stayed on this wonderful site for more than an hour! as in sinulit talaga namin! We also had our merienda here. They gave us Puto :-)

Nun mabusog, we went to our last destination: The CYC beach. I dont know what CYC stands for, I forgot to ask Matt. Hindi ko masyado bet itong beach na ito. Kakapiraso at hindi pino yun sand. After a few minutes we asked them to take us home na. Its almost 5:00 in the afternoon na din naman so, yun, we went home very happy and contented! Then after ng brownout, we head out and had dinner at Kawayanan grill.


Brian holding my hand and guiding me to the deep part of the lake. super takot na takot talaga ko dito haha!