
Sa araw araw natin pag uusap, somehow nasanay ako na lagi kang may good morning, may goodnight...
May concern sa mga messages mo. Na labis ko ikinatuwa. Na sinuklian ko din naman ng kapwa pag aalala sayo diyan.
Minsan nga inaabot pa tayo ng gabi sa pagkukuwentuhan na wala naman mga katuturan. Kinikilig ako sa mga pambobola mo. Sanay na sanay ka na siguro sabi ko pa sayo, at ako naman ay nagpapadala lang. Nagpaikot.
Nangingiti nalang ako minsan mag isa kapag may sinabi kang nakakataba ng puso ko at nakakahiya man aminin, masaya ako kapag kausap kita.
Sa loob ng mahigit dalawang buwan, sa araw araw nating pag uusap, somehow umasa ako...
Umasa ako na somehow, may namumuo na sa pagitan nating dalawa...sa araw araw nating pag uusap...nahuhulog ako...
Nag iiba ang damdamin ko sa yo.
May kakaibang pintig ng puso...
At akala ko ay alam mo iyon.
Hanggang isang araw, nagtapat ka.
Sinabi mong may kahati na ang puso mo'ng iba.
Nabigla ako.
Nasaktan ng tunay.
Pakiramdam ko, nagdugo ang puso ko sa mga sinabi mo.
I felt cheated.
Sana sinabi mo agad nang sa gayon ay di umabot sa ganito ang nararamdaman ko para sa 'yo.
Akala ko alam mo ang damdamin ko sa yo...mali pala ako.
Masakit mabigo...masakit umasa ng sobra.
Hindi ka din pala iba sa kanila....
Marunong ka din pala manakit Mac...
Bakit ngayong wala na kayo, pagkalipas lamang ng ilang araw ay heto kang muli at nakikipag kaibigan sa akin na as if walang nangyari? Bakit nagtataka ka na kahit papaano'y may inilagay akong pader sa pagitan natin?
Hindi na ako nag gu-goodmorning o kaya nama'y nauunang mag message sayo sa oras na mahawakan ko ang aking telepono...
Manhid ka ba talaga?
Hindi ganun kadaling ibalik ang lahat...Hindi ganun ang mga bagay...hindi ganun ang damdamin ko...hindi isang laruan ang damdamin ng tao na maari mong itapon at muling pulutin kapag wala ng ibang mapaglaruan.
Maybe, in time maibabalik din ang dati nating samahan, ang masasayang oras...pero hindi pa ngayon.
Hindi pa ngayon.
Your friend,
رجل من الجنوب