Showing posts with label pinoy ofw. Show all posts
Showing posts with label pinoy ofw. Show all posts

July 30, 2013

Sirang Sapatos






"Anak, nakabili na ko ng ticket! Nasa akin na"

Masayang balita sa akin ni Nanay sa text. Agad ko siya tinawagan at kinausap. Gusto ko marinig mismo sa boses nya. Masaya si Nanay, finally tuloy na tuloy na talaga. Kahapon ay pinadalhan ko siya ng pambili ng plane ticket mula dubai pauwi ng pinas. Four years na siyang hindi nakakauwi kaya naman ganun nalang ang tuwa ng aking Ina.

Masaya ako at nagawa ko siyang mapasaya.

Parang kailan lang ni hindi ko magawang bumili ng sapatos. Nun high school halos lumuwa na ang paa ko sa pagkakasira ng suot kong mumurahing sapatos noon. Nilalagyan lang ni Nanay ng rugby at nakailang balik na rin sa pagawaan ng sapatos sa palengke ang kawawang shoes ko.

Ayoko nang bumalik kami sa ganung buhay. Ang hirap. Ang hirap ng naghihikahos. Hindi mo mabili ang gusto mo. Awang awa ako sa sarili ko nun. Mahirap maging bakla na poorita. Alam nyo yan. Charot. hahaha.

Pano ka makikipagdate? paano ka kakain sa restaurant? paano ang sine? paano ang pang motel?at higit sa lahat paano ka poporma?nakakaawa ang baklang baduy at chipipay. charot. naalala ko pa ang pekeng wrangler jeans ko at lacoste poloshirt. lahat galing palengke.

Halos once a year lang kami makakain sa Jollibee, iyon ay kapag naisasama lang kami ng aming tiyahin na medyo may kaya noon. Tapos inuuwi ko pa yun kutsara at cup ng sundae kasing tuwang tuwa kaming magkatid dun.

Halos magkandakuba si Nanay sa pagtitindi sa aming naluluging karinderya noon. Wala na sa abroad ang tatay ko nun. Out of the blue nagdecide siyang wag na mag abroad muli. Ni walang ipon. Ni walang kahit ano. Si Nanay ang umako ng responsibilidad. Kita ko ang paghihirap niya na may mailagay na pagkain sa aming hapag kainan.

Naranasan ko na mag ulam ng toyo dahil isang araw halos walang natira sa maghapong pagtitinda ni Nanay kulang pa pang bayad sa utang sa 5-6.

Bata palang pangarap ko ng makapag abroad. Pangarap nang makatulong sa Nanay ko. OO puro nanay ko nasa isip ko nun. Masyado akong maka Nanay :-)

Ikinagulat ko ang pagdedesisyon ni Nanay na mag DH sa middle east noong makatapos ako ng high school. Gusto daw nya akong mag kolehiyo. Para daw matupad ko pangarap ko. Sobrang lungkot ko nun umalis siya. Emptiness ang nararamdaman ko nun...ang hirap nun nasanay kang lagi mo nakikita Nanay mo tapos biglang mawawala...

Iniisip ko ang sitwasyon nya dun. DH. Hindi madaling mag DH...alam ko yun. Awang awa ako sa knya. After 2 years umuwi siya at nag transfer sa dubai kasama ang kapatid nya. Si Tito Ed. Finally naging OK na ang work niya dun. Hindi na siya DH. Sa opisina na siya nagwowork. Nairaos niya ang pag aaral ko sa buong kolehiyo. Nakakasama namin siya every 2 years.

Si Tito Ed, malakas kumita sa trabaho nya. Nagplano siyang isama na sa dubai ang asawa at nag iisa niyang anak. Nagloan siya ng malaki sa bangko. Kumuha ng maayos na mauupahang bahay. Bili ng bagong kotse. Inenrol sa maayos na school ang anak. Pero hindi nagustuhan ng asawa nya ang buhay sa dubai. Nagpilit itong umuwi kasama ang anak nila. Nabalewala ang lahat ng ginastos ni tito ED para sa pamilya niya.

May nakaalitan siya sa trabaho. Siniraan. Hanggang sa matanggal at tuluyang nawalan ng pag asa. Nagpasya siyang umuwi nalang ng Pilipinas. Nag empake. Tumungo sa airport.

Pero nagkaproblema siya. Naisend na pala ng bangko na inutangan niya ang hold departure memo sa officials ng paliparan. Hinuli at ikinulong si Tito Ed. Hindi ka kasi makakaalis ng Dubai kapag may utang kang malaki sa bangko. Akala nya ay wala siyang magiging problema sa loan nya. Pero nagkamali siya.

Dahil takot na takot at hindi alam ang gagawin. Tinawagan niya ang aking Ina. Dali dali na tumungo sa kulangan si Nanay. Awang awa sa kanyang bunsong kapatid na nasa likod ng rehas. Maski siya ay hindi alam ang gagawin. Kung kanikaninong kakilala humingi ng tulong, halos matuliro si Nanay.

Hindi sapat ang perang hawak niya mula sa mga kaibigang pinoy pampiyansa sa kapatid na nakakulong sa middle east. Iisa nalang ang naisip nya nun mga panahong yun. Mag cash advance sa limang credit cards niya. Hindi pa niya naiisip na lolobo ng ganun kalaki ang interes ng mga hiniram nya.

Nailabas nya ng kulangan si Tito Ed. Pero wala na itong trabaho at nakaasa pa din sa kanya.

2010...nag umpisa ang recession sa dubai...marami ang nawalan ng trabaho. Maraming pinoy ang napilitang umuwi nalang.

Si nanay inalok ng kumpanya na mag stay pero babawasan ng kalati ang sinasahod or umuwi nalang. Pikit matang tinanggap ni Nanay ang pag stay sa office. Hindi niya maaring iwan ang uncle ko. At gaya niya, hindi na rin makakauwi ang aking Ina. Hindi na rin nya kaya bayaran ang hulog sa mga credit card na inutangan niya.  For sure maho-hold na rin siya sa airport...

Muli. Awang awa ako sa kalagayan ng Nanay ko. Gusto ko magalit at sumbatan si Tito Ed...matanda na ang Nanay ko pero bakit kelangan pa niya danasin ang ganung problema. Akala ko ay tapos na si Nanay sa mga ganitong problema. Gusto ko siya sisihin na dahil sa knya hindi makauwi si Nanay dahil sa pagkakaroon ng ganito kalaking utang sa bangko. Dahil sa knya hindi nakakapiling ng Nanay ko ang kanyang mga apo mula sa aking kapatid.

Last year...Kahit nasa abroad na ako ay di sapat ang aking kinikita para bayaran ang lahat ng utang ni Nanay...sabay pa nito ay nagka cancer ang aking bayaw...worried ako sa paghahanap ng extra pera para sa pagtulong sa aking kapatid sa pinas...at ang pag aalala sa aking ina sa dubai na baka hindi na kumakain ng tama mula sa pagbabayad ng utang at sa kakarampot na natitira sa kanyang sinasahod.

Ngayon ko lang ito na-share pero grabe ang mga pagsubok na dumating sa aming pamilya, buti na lamang at sagana ang overtime ko last year, halos araw araw 12 hours ang shift ko sa hospital...nakakapag padala ako sa pinas at sa dubai ng mga pangangailangan nila...may paraan ang Diyos. Nakakatuwa alam niyang hindi kakasya ang sahod ko noon pero tumulong Siya sa akin :-)

This year, buwan ng Marso, dumating ang matagal ko ng inaasahan...ang aking promotion. Itinaas ang aking sweldo ng doble at mga benefits. Sobra ko itong ikinatuwa at ng aking Ina. Ito ang sagot sa problema namin.

Buwan ng Hunyo, binayaran ko ang lahat ng pagkakautang niya...oo mabigat sa bulsa, pero para ito sa aking Ina, para sa peace of mind naming dalawa. Nun naibalita niya sa akin na utang free na siya ay ibang gaan ng kalooban ang nadama ko. Ang sarap ng feeling. Ang sarap ng feeling na finally ito na, tuloy na tuloy na ang pag uwi ni Nanay sa Pinas. Sa pamilya niya, sa mga apo niya. Sa amin na sabik na siyang makasama muli.

Four years. Its a long time.

"Pumunta ako ng office ng airline kanina at binayaran ko na yung ticket....nasa akin na" sagot ni nanay nun kausap ko siya sa telepono. Medyo mahal ang plane ticket niya sa Emirates Airlines pero ok lang sa akin, kaya ko naman bawiin yun sa pag kayod dito. Mabenta pa naman ang beauty ko. Charot. hahaha

Sabay kaming uuwi ng Pilipinas sa Nobyembre. May ilang buwan pa pero excited na kaming pareho. Muli, mabubuo kaming mag anak. Dadalhin ko siya sa Boracay. Alam kong ikasisiya niya na makapunta dun. Cancer free din ngayon ang aking bayaw. Andaming blessings.

Minsan napapangiti ako mag isa. Parang kailan lang, parang wala ng sagot sa problemang kay bigat...Sino ba naman mag aakala na makakaya ko bayaran ang pagkakautang niya. Sino bang mag aakala na kaya ko na siya ibili ng Plane ticket sa isang disenteng airline company. Sino bang mag aakala na unti unti na umaayos ang lahat.

Parang kailan lang, halos lumabas na ang paa ko sa malaking sira ng suot kong mumurahing sapatos :-)

March 14, 2012

Mag-LasLas


Pabalik na sana ako ng unit namin nun makita kong abala si pinoy x-ray tech sa harap ng machine nya sa hallway. Nag eenter daw ng mga data. High tech lang ang x-ray machine niya ha infairness! May preview na sa screen ng results bago isalin sa film! at touch screen! Bonggels!

Si Emerson. Bago bago pa siya dito. Mga 3 months ganyan. May asawa at 3 anak sa pinas. Straight daw. Ewan baka nga, madalas kasing nasablay ang gaydar ko e! hahaha.

Tuwing magkikita kami grabe lang ang enthusiasm nya! or ganun lang talaga siya? parang hyper kapag magkausap kami.

Hinaharot harot ko sya minsan, errrr, sige na nga medyo madalas! LOL Pero mas cute yun isa si Theo! mejo chubby hihihi.

Pero anyway, si Emerson ang andito so, pagtiyagaan na! chos!

Dinikitan ko siya at kunyari interesado matuto sa pag ek ek ng machine. Hanggang sa kakatanung ko napunta ang usapan sa kung ano pinag kakaabalahan nya kapag off siya. Nagbabasketball daw. Naks, lakas makalalake, basketball!

"Kainis naman kasi manood ng basketball games ng mga player ng hospital! Madalas naka shirt sa ilalim ng sando ala na ko makitang kili kili !" biro ko pa

"Ah ako nakasando ako kapag naglaro, kaya dapat manood ka kapag kalaban namin lalo yung department nyo!"

Natanung ko pa kung nag wowork out ba siya, hindi daw, mga simpleng exercise lang ginagawa nya...sabay kapa ko sa braso nya. Pinisil-pisil...

"Matigas naman a..."

Hindi nya malaman kung pano magrereact sa ginawa ko hahaha! Na-overpower ko si mokong! LOL

Parang gusto nya sumigaw ng "waaaaaa! help! si mac o!" Pero di nya ginawa dahil malamang gusto din nya na pinipisil pisil ko ang package! chosssssssssss!

Madalas lang daw siya nasa bahay. Minsan lang lumabas.

"Malamang puro ka lang bateh"

Muntik na siyang masamid sa narinig. At kita ko na nagkakandamali mali na siya ng pag eenter ng data sa screen ng machine nya!

"Oy mag focus ka nga diyan!"

"E pano naman ako mag focus sa mga sinasabi mo!" sabi nya na natatawa.

Asus ikaw pa! Mukhang lagi mo naman ginagawa yun! Lahat naman ata ng andito na lalake sa middle east at walang asawa nagbabateh noh!

E ano pa ba gagawin dito e di magbateh!

Char!

Hanggang sa nagulat ako at siya na mismo nagkukuwento!

"Yun isang kasamahan ko na pinoy pinahiram ako ng external hard drive na puno ng porn! Punong puno. Inuwi ko at pinanood..."

"O, siyempre alam na!"

"aba oo ano pa nga ba magagawa, e di ilabas at magsalsal!"

Ako naman ang natawa sa term na ginamit nya!

Nag init ako by the way he said it...iba ang dating sa kin. Tinigasan ako. Promise.

Napapalingon tuloy ako sa likuran namin kung may dumadaan at nakakarinig sa kabalahuraan ng pinag uusapan namin!

Nasa hallway kami at umi-echo pa ang mga boses namin!!!

May isang dumaan pero. Bumbay naman. So keribels lang. Tuloy siya ng kwento.

"Sarap potah! tapos nun sympre pagod, ang sarap ng tulog ko...tapos, nun magising, ayun na naman binuksan ko na naman! Siyempre salsal ulet!"

This time tawang tawa na ko! Ang kulet lang ni gago!

"E night shift pa ko nung time na yun, bago pumasok nanood na naman ako! inilabas ko na naman at nagsalsal bago umalis ng bahay!"

"Taena ka ang libog mo! haha"

"Nun pagdating ko sa work ng night shift, ayun na shet..."

"Ano?nagsalsal ka din while on duty???" nanlalake mata ko nun magtanung

"Oy hindi naman! nun nasa duty na ko ayun na, hinang hina ako..para akong lalagnatin! Nasobrahan ata ako."

Di ko na naman napigilan mapatawa ng wagas!

"After non, isinoli ko na yun hard drive taena makasalanan yun Mac! Ayoko na sa bahay ko yun!"

Nagtatawanan pa din kami nun biglang nag-click at bumukas yun nakasaradong pinto ng In-house-nursing-supervisor!

Katabing katabi lang namin ang opisina nya!

Shetness! May tao pala dun!

Malamang rinig na rinig nya ang lahat ng pinag uusapan namin sa umi-echo na hallway!

Ang masaklap pa...

Pinoy ang duty!

si Ate Rose!!!

Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!

Nagkatinginan nalang kami nun nilampasan nya kaming dalawa na as if ala kami dun!


Nakokowhiyaaaa!


"Ikaw kasi!!!!" siniko at nilayasan ko ang balahurang si Emerson!


***


P.S

E kayo? do you masturbate while watching porn? LOL




(I've found an interesting article about guys who masturbate too much haha. Read HERE. )


February 1, 2012

Asan Ang Padala Ko?


Antok at may halong katamaran ang nagaganap sa loob ng katawan ko nun umagang yun, galing ako ng night shift. Kaya naman imbes na sa Western Union ko i-send yun hinihingi ng sis ko na pera, gaya ng madalas ko gawin. Medyo mahaba haba kasing lakaran yun kaya naman sa mas malapit sa bahay ko na remittance center ako nagpunta instead, sa Cebuana Lhuillier ang ending nun after 3 hours daw.

E di ako naman mega mega tawag na sa sisterette ko na na send ko na yun money at saka ko tinext sa kanya ang transaction pin and everything at saka ko binirahan na ng tulog nun makauwi ng house. At ten hours ako natulog nun. Wagas.

Kinabukasan tawag ng tawag sis ko sa cellphone ko habang naka duty ako that morning. Nagtatalak at wala pa daw yun money sa Cebuana Lhuiller branch sa amin sa Laguna. Andun na daw siya mismo sa branch, singkwenta pesos na lang umano ang kaperahan nya na di ko naman pinaniwalaan! Oa lang! siya 50 lang anda? imposible dream! LOL

E di sabi ko naman sa kanya e: "aba awayin mo yang kahera diyan! Kahapon ko pa sinend yun a!"

"Baka mali tong PIN na binigay mo! Ulitin mo send sa text", sabi ng mahadera kong kapatiran.

Tatlong beses ko pa inulit yun na i-check kung tama yun PIN na tinetext ko sa kapatid ko. Tama naman siya. Kaya sabi ko sila may problema diyan. Baka yun system nila e bulok!

Nun time na yun naasar na ko sa Cebuana! sa isip isip ko naku, hinding hindi na ko dun magpapadala ulit ever!

Pinakulit ko ulit sa kanya yun mga tao sa cebuana na i-check ulit yun transaction pin ko. Wala daw talaga.

No choice na ko kundi tawagan yun remittance center. Effort sila kontakin. Laging busy yun hotline nila. Tinawagan ko yun office number at sinabi kong nagtetelebabad ata mga empleyado nyo dahil kanina pa ko natawag di ako makapasok.

Todo apologize naman siya at ikinonek akong muli sa tamang linya. Mabait naman yun pinay na nag aasikaso sa complain ko. Sabi nya follow up nya at that moment din daw yun branch nila sa Laguna para maayos na yun problema namin. Hiningi din niya yun number ng sister ko para daw ma text nila.

Sabi ko sana maayos nila agad kasi kawawa naman yun kapatid ko nag iintay dun kanina pa. Malumanay akong nakipag usap pero halata nya na imbyernadette sembrano na ko sa kanila.

Pawis na nga daw kili kili ng kapatid ko kaka-pabalik balik sa dalawang branch ng cebuana sa kainitan ng araw! LOL

After a couple of minutes tumawag siya sa akin:

"Naku! Macoy! Masasakal kita! Nagtext na sa akin ang China Bank at sa M. Lhuillier pala sa Kwarta Padala pala mo sinend yun pera, hindi sa Cebuana Lhuillier!!!!Ke tanga mo! kaya naman pala wala silang makita na transaction number na binigay mo! kainis ka talaga kahit kelan! Grrrrrrrrrrrrrrr!!!!"

"Ano???At bakit magkaiba pa ba yun? basta ang alam ko may Lhuillier! yun na yun!"



Choserang mga Lhuiller yan! nanggugulo ng tao!

Hmp!

January 9, 2012

Nang Ako Ay Nasa Germany Bow!


Malamig pa din kahit na naka maximum na yun heater sa loob ng hotel room ko nahihiya naman ako mag request ng extra heater haha! Nagmedyas at todo pajama nalang ako nun matulog. Puno din ng beverages yun fridge ko. May beer pa! at ang nakakaloka ay ang water! Tawag nila dito: water with gas. O di bah! sushal! Ginawa nilang soda yun water! Hongsama lang ng lasa! ewan parang sprite na walang lasa ganyan! Tae! pauso sila! LOL

Pero no choice ako yun ang water nila ayaw ko naman mag tap water at baka sumama ang tiyan ko. So keribels na.

Inusyoso ko ang buong room ko pagkatapos maihanger lahat ng susuotin ko. I travelled light kaya naman isang malaking travelling bag lang ang dala ko kumpara dun sa mga bitbit ng dalawa kong indian na kasama. Aba! tig-dalawa silang malalaking maleta! san ang punta? one month sa Germany? LOL

Libre breakfast sa hotel kaya naman lamon to the max lolo nyo! hahaha bundat na bundat ako after hindi naman halata na bumukol tummy ko kasi todo jacket kami.

Arte-arte lang nun dalawa at lagi nalang may reklamo sa food jusko ha! kesyo di sila nakain nito, ayaw nila ng ganyan. Kawawa naman sila. Hay naku bahala silang magutom walang indian resto dito noh! Buti nalang mga pinoy kayang kaya mag adapt kahit asan tayo! Winnur!

At letse lang nun lumabas na kami ng hotel para mamasyal kasi nag stop na ang pag snow! Umuambom kaya yun mga natirang snow kahapon nag melt away naaaaaaaaaaa! Nadisappoint ako ng wagas kasi hindi man lang ako nakapag roll over sa snow at gumawa ng angel kapag nakahiga ako gaya sa movies na napapanood ko! hahaha

Anywayz, wala ako sa mood magkwento masyado kaya daanin ko nalang sa pictures:


Second day in Frankfurt:


Inside my room.

Its not a five star hotel so wag mag hanap ng malaki! Umaga, bago ako bumaba for breakfast, a guy from asia called me up on my hotel room phone. Nabigla ako kasi, its just a challenge when I told him on twitter to call my room! Napatalon ako nun mag ring ang phone sa side table ko!

Galante ang mokong! more than 30 minutes nya ata ako kinausap! Overseas call to ha! Impressed naman lolo nyo!


The subway...bili lang ng ticket for a whole day for 6.20 euro sa machine sa loob. At walang mag check ng ticket mo kung meron ka ba or wala. Talagang konsensiya mo nalang! kaya kung matigas mukha mo, wag ka bumili ng ticket! kaso may random check daw mga pulis na hindi ko naman nakita na nagchecheck.




Dumiretso kami sa christmas market nila. Swerte daw kami kasi inabot namin to!







Bili na kayo ng german sausages!honglalaki!


Nag enjoy talaga ako sa trip naming ito dito! Angsaya lang tignan at usisain ang mga nakadisplay nilang paninda! Andaming souvenir items! Pero ilan lang binili ko! aba ang mahal! Isang keychain e 5.oo euro na! Equivalent to 287 pesos na!


at siyempre nagpa picture ako! hehehe



At dahil explorera ako ay nakarating kami dito sa may river na to...ganda lang ng view!



Dito naman ang kanilang shopping district from high end to cheap products! Hindi ako namili gaya ng ginawa ko nun nasa London ako nun February dahil may pinag iipunan ako bilhin nun time na to!

Ganda lang ng mall na to. At dito ako muntik na mamatay sa dami ng gwapong aleman na nakita ko! Kahit bagger pinagnanasaan ko ata! LOL

Nung magutom sa mall na to din kami nakakita ng isang magandang Thai restaurant na may cute na taga luto sa gitna ng kinakainan namin! enjoy lang manood sa kung pano nila iluto ang bawat dishes. Ang bibilis nila! at winner sa tamang tamang spice at tamis yun inorder kong nakalimutan ko na ang tawag basta may noodles siya! Toink!


Third day in Frankfurt:

Tumawag ulit same time si Caller from Asia...hmmm...

Anywayz,

Napagtrip-an namin nun girl na nurse na kasama ko na mag bus trip kami sa buong city. Double decker yun bus kaya naman sa pinaka unahan sa second floor kami pumuwesto at nagdaldalan na lang kami ng nagdadalan buong trip haha before we know it tapos na pala at kelangan na namin bumaba! Malakas ang ulan nun at zero pa din ang temperature pero gora pa din kami. KJ yun doctor kaya nagpaiwan nalang muna siya sa hotel.


Chaka ng gloves ko nalimutan ko kasi dalhin yun binili ko sa Doha kaya nun makita ko to buy na agad kesohadang chaka itsura nya! Naninigas na kasi mga daliri ko!










Naglate lunch lang kami this time sa Japanese restaurant naman. Nakakatawa lang at nasa Germany kami pero ang kinakainan namin e puro asian! haha. Ayaw kasi kumain nun dalawang egoy na kasama ko ng authentic german sausages! Nakakainis lang sila! hmp! As usual super na enjoy ko tong yakisoba ek ek na to :-)



Nagshopping lang kami ng konti at napadaan sa mga booth ng streetfoods nila. Andaming tao dito grabe!

Nung makauwi nag request ako sa reception na i-activate ang pay-tv sa room ko at nakita ko na may mga erotic silang channel with additional charges opkors! Malamig kaya kelangan ko toh! charot!


Fourth Day in Frankfurt:

Ito na ang sad part...uwian na ito haha! Nagbreakfast lang kami for an hour and headed to the train station kasi nakakita ako ng chocolates dun na may halong alak! kakatuwa! meron with 50% to 80% of whine or rhum or champagne! dami ko nabili at siyang ipinasalubong ko sa friends ko pagbalik!


infairness nag enjoy ako sa pag design nyang santa face na yan hahaha!


At nung 12 noon na nag check out na kami and headed to the airport for our 2:00 pm flight :-) nag enjoy ako sa medical escort naming ito as in! salamat at nagka chance ako makapunta ng germany. Next year ulit sana London ulit or Thailand naman!



P.S

Pasensya na sa mahabang post na ito haha! Kelangan ko na kasi tapusin ang kwnto at baka di ko na mapost pa ulet ever!

October 17, 2011

Maging Matigas...


Marami akong natutunan sa pagiging isang O-ep-dabolyu ko. Gusto ko i-share sa inyo. Una na diyan at pinaka importante sa lahat....yun pagiging matigas ang loob.

At sa mga nakyuryus...hindi po tungkol sa kalaswaan ang post na ito hehehe.

Oo matigas ang loob mo dapat. Sinigurado ko na gusto ko ito. Once na nasa airport ka na at papasok ng eroplano, wala nang urungan to. Halos gusto ko tumakbo pabalik sa pamilya kong naghatid sa akin noon.

Pero tiniis ko. Grabeng self control ang ginawa ko nun. Paulit ulit na binubulong na kaya ko toh. At isa rin sa mga nagpa stay sa akin ay ang aking goal. Gusto ko ng bagong buhay, ng bagong meaning...gusto ko magkaroon ng worth. Isinantabi ang pag ibig namin ni Brian noon. Nagkalabuan kami at hindi ko na inayos pa dahil sa isip ko, paalis na din naman ako. Mas mabuti na rin yun.

Sawa na ko sa mababang sahod sa dati kong pinagtatrabahuhan na wala naman marating. Halos kulang pa para sa sarili ko. Ni hindi ako makapag share sa mga gastusin sa bahay...alam nyo yan for sure. Nakakahiya.

Nahihiya ako sa magulang ko. Mas lamang yun dream ko na may mapatunayan ako. Lalo na sa tatay ko.

Sa tatay ko na feeling nya e walang mangyayari sa buhay ko kasi bakla ako. Na disappointed na nga siya sa pagkalalaki ko e pati ba naman sa mga maitutulong sa pamilya e madi-disappoint din ba siya.

Isa ang tatay ko sa mga dahilan ko kaya lakas loob akong nakipagsapalaran sa gitnang silangan. Wala ako kakilala dito kahit isa nun dumating ako. Hindi nyo alam kung ganong kaba at takot ang nasa kalooban ko nun. Sino ba naman ang hindi. Wala sa sariling bayan. Ni wala kang kaibigan.

Pero tinigasan ko ang loob ko....kinapalan ko mukha ko. Nagtapang-tapangan. Mahirap din pala yun. Kunyari tough ka pero napaka rupok mo pala deep inside ng mga oras na yun.

Hindi ako maaring mag fail... naiimagine ko na mga sasabihin ng tatay ko kapag umuwi akong bigo. I don't wanna give him that luxury.

Yang goal na yan ang dala-dala ko till now. Hindi ako pwedeng mabigo. Kaya kahit walang lovelife, kahit walang boyfriend ngayon, sabi ko OK lang. Basta may matinong trabaho, basta may masarap na pagkain sa mesa, basta may naipapadala sa pamilya, kaya kong tiisin ang pangungulila sa pagkalinga ng isang nagmamahal.

Sa akin umaasa ang Nanay ko...naniwala siya sa akin noon. Nag tiis siya magpakahirap sa ibang bansa mapaaral lang ako. Ayoko mawala ang tiwala nya sa akin na kaya ko. Kaya naman Living The Expectations ang taytol nitong blog ko...hehehe. Para yan sa Nanay ko. Dapat isabuhay at isagawa ang inaasahan sa iyo...dahil yun ang pangako ko :-)

At sana magtagumpay ako. Dalawang taon palang ako dito. Marami pa kong panahon. Sana walang maging sagabal...

Natuto din akong lumaban, naging matigas ang mukha. Marami din kasing buwaya sa ospital hehe. Hindi lang sila nasa gobyerno at sa kapulisan sa atin. Marami din dito. Naghahari-harian, mapa-ibang lahi.

Kapag tama ka...kapag alam mo ginagawa mo, wag ka papatalo. Marunong na ko makipag sagutan dito ngayon. Kumpara noon na Oo ateh! Oo ateh lang ako! Lalo na sa mga bobong doktor at nars!hahaha! Mahilig silang ipilit ang alam nilang ka-engotan sa pasyente. Dapat alam mo silang kontrahin. Kasi mga bobo naman sila!

Hongyabang ko! Well, hindi naman lahat, meron din naman talagang may alam kahit papano.

Pinakaimportante din sa lahat e dapat marami kang alam na porn website kasi sila makakapiling mo tuwing gabi ng pag iinit at pag iisa! chos!

Henywayz, just to conclude this post na ewan ko ba kung may sense haha, maganda na ang kinalalagyan kong trabaho ngayon, wala na ako sa General Hospital, nai-transfer na ako sa specialized hospital with the same medical corporation. Nasa Cardiac Hospital na ko. Bagong tayong ospital na para lang sa mga pasyenteng may sakit sa puso. (syempre alangan namang para sa mga may sakit sa atay davah?!LOL) Yun nga lang kabi-kabila ang cardiac arrest!

Pero ok lang, I love actions naman e!

Have a great week ahead guys :-)