
Umuulan na naman...ilang araw ng ganito...peste lang di ba pampasira ng bakasyon ko! LOL
Di ako makarampa sa beach! siyet! kaya kinalimutan ko na ang karagatan! sinumpa ko nalang sa sarili ko na hinding-hindi na ko uuwi ng Hunyo! Evah!
Pag ganitong tag-ulan at nakadungaw lang ako sa bintana ng bahay...napapangiti nalang ako pag naalala ko kung pano ako pa-simple manood sa likod ng kurtina ng bintana sa mga binatang naliligo sa ulan noon....wala silang pang-itaas at puro naka shorts lang na bakat na bakat ang "bukol" nila pag nababasa...ang hot lang ng tanawin na yun! taena!
Madalas pinagti-trip-an ko mga kili-kili nila...at mga buhok sa pusod...fetish ko yun...andami ko naiimangine...hay....
Ingat pa ko nun kasi baka makita ako ng tatay ko na libog na libog sa panonood sa labas!LOL Ngayon kasi wala ng naliligo kasi hapon na, maginaw na!haha.
Pag ganitong malakas din ang buhos ng ulan, naalala ko kung pano maubos ang kaldero namin sa kusina pang sahod sa mga tulo ng ulan na galing sa bubong namin na butas-butas at kinakalawang...Edad kinse ata ako nun.
Maski sa kwarto kapag matutulog na, andun pa din ang tilamsik ng tubig ulan kapag malapit ng mapuno ang kalderong nilagay ko pansahod. Mahirap matulog :-(
Tanda ko pa noon kung pano halos liparin ng malakas na hangin ang bubong kapag may bagyo...itatali ng tatay ko ang bubong papunta sa puno na malapit.
Napapangiti nalang ako ngayon, tapos na kami sa kabanata na yun ng buhay namin...iginala ko ang paningin ko sa bahay namin ngayon...hindi ito malaki, pero ayos na ito, matibay at komportable.
Nakakatulog ng mahimbing ng walang alalahanin na baka may yero na matutuklap at liliparin ng malakas na hangin tuwing may bagyo...
at higit sa lahat...
Hindi na nauubos ang kaldero pansahod sa tumutulong bubungan...