
Three weeks nalang!
Eggzayteyd na aketch!
Uu. Yun na. Bakasyon grande na ng OFW hehehe.
Andami ko na naplano. Naisipan gawin. Good luck nalang sa execution! At sakto din uwi ko sa first birthday ng pangalawa kong pamangkin. Cute cute nya! cant wait to give her my big kiss and hug :-)
Masaya din ako kasi November yun last chemo ng bayaw ko. O di ba kahit maggala kami hindi na nakaka guilty na mag sasaya ka tapos may isang member ng pamilya na nasa hospital. So I thank God for that. At alam naman natin na di biro magkasakit. Lalo na ang gaya ng sa brother in law ko.
Andami ko gusto kainin at kainan jusmiyo!
Pagkasundo sa akin sa airport gusto ko dadaan kami sa Jollibee dahil gusto ko ng chickenjoy at sa Greenwich yun lasagna nila na kakapiraso na daw ang serving ngayon haha, dun sa expressway branch kami kakain para wagas!
Sa dinner sabi ko gusto ko ng Paksiw na Pata ng baboy. un parang adobo ang luto na mejo manamis namis. ewan kung yun nga ang tawag dun. pero gets na ng sister ko bilang alam naman niya mga gusto ko. Tapos hinog na mangga! jusko sabik na sabik ako dun! goodluck sa tatay ko sa paghahanap! LOL
Naglilista na ko ng Ulam sa first 5 days na stay ko sa amin sa laguna haha. Andiyan yung Hamonado, kaldereta, crispy pata (fr Max's), sinigang sa bayabas na ayungin, ginisang upo at kalabasa with galunggong, ginataang sugpo with kalabasa and sitaw, letchon paksiw, inihaw na pork liempo with suka at sili sa toyo! wagas yunnnnnnn!
First time ulit in three years ko magpapasko sa atin. O di ba nakakamiss din naman yung feeling ng christmas sa sariling bayan. So ito, ipinaglaban ko talaga sa gobyerno itong bakasyon kong ito kahit tutol si De Lima! char!
Makakakain ulit ako ng Fiesta Ham! yihiiii!
At alam nyo ba na miss ko ng sobra? Yun pagpapa facial ko! at saka ang foot spa with pedicure! hahaha! jusko nanlilimahid na mga kuko ko sa paa bilang regular ko yun pinapalinis sa pinas noon! ditey sa middle east nganga mga paa ko! Toink!
At andami kong imi-meet na mga kakulitan sa FB, Twitter at sa blog. Excited na ko makita at maka ut-utang-dila kayong mga mahadera kayo! LOL
At masaya akong makikita na kita...alam mo na kung sino Ka.
*wink*