January 6, 2016
New Year New Post. Bleh
Hi everyone!
Happy New Year na din :-)
Sorry ulit now lang nakapag update. Busy. Tinatamad. You know. LOL
Nakalimutin ko din pala mag post ng ika 7th year anniversary ng blog ko nun August 2015, kainis na talaga ang katamaran.
Malapit na pala ulit bakasyon ko sa Pinas. Kaya eto excited na ako ulit, kita kits tayo diyan this January mga beks. Miss ko na kasi bahay ko kaya uwi ulit. Hindi pa din kasi tapos bahay ko may mga anik anik pa akong idadagdag, ayun, kaya more gastos, wala tuloy akong gala somewhere kaya bahay lang muna....At mas masaya kasi kasama ko si boyfs if walang maging problema.
Speaking of boyfs, we just celebrated our 18th monthsary last January 4, konting kembot pa maitatawid din ang ika second aniv namin. Record to mga beks!!! mukhang si boyfs na nga ang the one! LOL
Aba bakit naman hindi e siya lang tumagal sa akin ng taon haha alam nyo naman na 9 months lang ata pinaka matagal na relasyon ko sa buong 13 years kong pamamakla! LOL
Ang bait ni boyfs wala akong masabi. Kaya naniniwala talaga akong ang dapat na ka partner natin e yun ka opposite ng ugali natin. Kasi speaking thru my own experience, if kapareho ng ugali ko nako away lagi, hindi kami magkasundo.
Kaya kung madaldal ka ang partner mo dapat e un tahimik yun mapapanisan ng laway pag wala kumausap! charot!
O siya, yun na muna at ako e naka duty pa, next time ulit.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
Happy 18 months!
Congratulations sa'yo at kay boyfs mo! Road to forever na nga ba itiz? Yihiieee!
Post a Comment