
Duty ko isang hapon, wala kami ideya kung san kami ilalagay ng senior staff namin, may lima kasing ICU sa ospital,( may pang bago opera, may para sa mga naaksidente (trauma), may pang puso, may pang bata/sanggol, at pang kalahatang sakit na hindi na sakop nun ibang ICU).
Although, madalas sa pangbata'ng ICU ako nilalagay, which is, mas gusto ko. Dahil komportable na ako sa area, equipments, machines at sa mga nurse dun. Nung hinati na, tama nga hula ko, dun ako sa pangbata nilagay.
Naghanda na ako mag rounds, isa isa ko pinuntahan lahat ng pasyente na para sakin, nagsulat, nagcheck if nagana at wala problema machine at stable ang pasyente. Habang ginagawa ko yun, naririnig ko ang ingay ng mga bata, may mga baby na naiyak, nagwawala. Nakakarindi minsan, sarap pasakan ng unan ang mga bibig ng matigil na LOL!
Dito sa area na to, masasanay ka na din sa mga kantahan, kasi di lang mag care sa pasyente trabaho ng nurses dito, dapat songer ka din! Kasi kakantahan mo mga sanggol para tumahan! gaya ng bad romance ni gaga, or kaya single ladies ni beyonce!
Sa kabuuan, tahimik ang area ko. Meaning wala masyado procedures, orders ek ek. Nagpasalamat ako!
Itunuloy ko ang duty sa pamamagitan ng pakikipagdaldalan, pakikipaglandian (chos!), at pag browse sa net gamit ang laptop ko! Naka 2 episode din ata ako ng grey's anatomy bago mag second rounds naman!hehe. Saya!
9:30 pm, lahat ng mga kasamahan ko busy na sa kani-kanilang ICU, akala ko ligtas ako sa ka-toxic-an, but im wrongness! Tinawagan ako ng nurse-in-charge, maghanda daw ako ng makina na hihinga para dun sa pasyente na darating 10 y.o, nabagok daw ulo, parating na ambulansya, bilisan ko daw~!
Atribidang nurse! kakatawag lang gusto now na agad!!! di kaya ganun kadali mag set up! letse!
Paglabas ko ng department namin, nakasalubong ko na ang team ng ambulansya na dala-dala yun pasyente na inaantay namin! Crapppppppppppppp! wala pa ako nape-prepare!
Hinubad ko ang damit ko na parang si clark kent at na expose ang costume ko sa loob na may nakasulat na S... hindi Superman, kundi: She-ra!
Nagmamadali ako, sabi on the way palang, un pala andito na! pawis pawis na ko nun, nagmamadali ang lola nyo, jusko day! Pero dahil may taglay akong powers, na-set-up ko naman siya agad.
Ililipat na namin sa bed yun pasyente na kasalukuyang nasa stretcher ng ambulance ng mag alarm ang monitor! Sobrang bilis ng tibok ng puso nya! Nag-madali magpakuha ang doktor ng mga gamot, konting minuto lang kasi titigil na yun bigla sa pagtibok at mamatay ang bata.
Nawala na ang tahimik kong mundo!!!
Nagkagulo na! Kinuha ko ang ambubag, pumuwesto ako sa ulunan at inumpisahan pisilin yun para tulungan huminga ang pasyente. Nagpahanda ng defibrillator, kukuryentehan na ang puso.
Every body clear? sigaw ng maitim na manggagamot.
Sumagot kami ng "clear-ness" with my baklang-baklang accent! Kidding! LOL. Kaso nakadikit naman siya sa bakal, sabi ko doktor, usod ka, makukuryente ka din! Tange di ba?!
Pinundot nya, pero walang nadeliver na kuryente sa pasyente! palpak! Inulit, wala na naman!
Juskoooooooooooo! kaloka!
Nagkagulo ang mga Pana (mga ibang lahi,nagpapahulog satin ng 5-6 gets nyo na?), nun shift na yun wala pinoy, andami nila,e dapat mga 5 or 6 people lang dun, pero nasa 15 ata sila! bakit daw di nagana, nagsisisihan sila, ang iingay kairita. Ang bilis magsasasalita sa lengguwahe nila.
Hindi organized.
Nagpapanic sila.
Para akong nasa palengke! yun tipong lahat sabay sabay nagsisigawan: Ale-ale bili ka ng isda, mura lang! oy suke, bili ka ng talong ko, mahaba, mataba, titirik mata mo pag sinaksak mo sa pwet mo, dito ka bili bili suke!
Sa isip ko nun time na yun, yun ang scenario, muntik na ako mapatawa!
Tapos nadiskubre di pala nasuksok un cord ng makina kaya di nagana nun una! O di ba buhay na buhay ka talaga dito!LOL
Ipinagpatuloy ang pag CPR sa bata. Inabot na ko ng 10:20pm dun, teka lampas na ako sa duty ko a!
Late yun kapalit ko!
Nabalitaan ko kinabukasan na nabuhay naman pala yun bata.
Buti naman!