Showing posts with label code blue. Show all posts
Showing posts with label code blue. Show all posts

September 4, 2012

Kalokang Jutay!



Warning: OA ang mga kaganapan. LOL


Nakasakay na ba kayo ng humaharurot na sasakyan! Yun tipong kaskasero ang driver?

Iyon na iyon ang naranasan ko kagabi sa night shift duty ko sa Cardiac ICU dito sa ospital namin. Kaso imbes na sasakyan, stretcher na may laman na pasyente ang humaharurot!LOL

Kakagaling lang namin sunduin ang pasyente na isang kaso ng atake sa puso, mula sa isang procedure sa Cath.Lab, ibabalik sa cardiology ICU, naka tubo siya sa bibig na diretso sa lungs niya na tinutulungan siya huminga gamit ang ventilator na ako naman ang in charge. Kaya kasama ako sa team ng isang, consultant doctor, residenteng doktor, dalawang nurse at isang nursing aid.

Andami namin bitbit, para kaming nag po-flores de mayo na yung patient ang reyna elena at kami ang taga hawak ng ilaw at generator at bulaklak niya habang naparada sa kalye!haha. In reality ang bitbit namin e mga monitoring device ng pasyente na sangkatutak na mga makina para tulungan siya mabuhay. Tulak ko naman ang ventilator.

So anyway, napapalayo na ko sa kuwento ko, so pagkagaling sa cath lab, nasa hallway na kami nang biglang tumunog ang monitor, warning daw!!! nababa ang level ng oxygen sa katawan ng pasyente namin, ginawan ko ng paraan, pero wa epek pa din, mamaya maya bumabagsak na din ang bilang ng tibok ng puso niya!waaaaaaaaa! this can't be!

Any minute magka-cardiac arrest ang patient kong itetch!

Ang layo pa namin!!!

As in super-mega far-far! nasa ground floor kami at nasa 6th floor ang ICU!!! Anak ng putcha naman oh!

Itinigil ang pagtulak ng pasyente, andun kami sa gitna ng pasilyo, humanda kami sa bakbakan! Nagkakagulo na silang lahat sa gitna ng daan. Lahat tensiyonado, ako relax lang, alam ko na gagawin ko, isa lang role ko, ang siguraduhin na makakalanghap ng hangin ang patient no matter what, no stress, no-no, yun ibang issue, sila na bahalang lumutas! ayoko masira ganda ko noh! LOL

Sabi ko: brother, please throw the ambubag for me (yun ang gagamitin ko para manually tulungan huminga ang pasyente pansamantala)

Hinagis nga niya sakin, nasa may ulunan kasi ako, nasa may paanan si brother. Paghagis, siyempre di ko nasambot! Bading e LOL

Nag CPR kami, wala pa din, hinanda ang defibrillator, kukuryentehin na ang puso ng pasyente.

"Are we clear?" tanung ng nurse hawak ang pang kuryente. Walang sumagot kundi ako ng super taray na pa-mhin-ta tone:

"CLEARRRRRRRRRRRRRR!"

Kinembot ko.

Kinuryente nya, ayun nasunog ang pasyente, naging b-b-que! Kidding!

Nagkaron na ng tibok ng puso, nagbigay ng gamot, sabi ng doktor, itakbo na daw namin agad sa taas sa ICU kung san mas accessible ang gamit na makakatulong sa pasyente.

Kaso nileteral ng hinayupak na nursing aid at dalawang engot na Pana'ng nurse, aba ang bilis ng hila! naiiwan aketch na nasa may ulunan ng b-b-que! este patient pala! Yun doktor naman, siya na nag bitbit nun makina na ako ang may hawak kanina, kasi di ko kaya mag multi-tasking nun time na yun, cannot be na!

brooom-brooom-broooom!

Ang bilis namin! usok ang gulong ng stretcher! (hindi naman, OA na!haha)

Isang napakahabang biyahe ang kelangan namin danasin, ang haba ng pasilyo. Dahil sa bilis namin, nagkakanda-dapa na ang mga gaga'ng nurse, may naiipit ng gulong, may natitisod lalo na ako! letse! oily'ng-oily na ang pez ko jusko! Ok sana yun bilis namin nun diretso ang pasilyo, kaso sumablay kami nung paliko na!

Di namin napaghandaan ang pagliko, hindi nagmenor ang driver! Pag liko niya, halos madapa kaming mga nasa likod dahil sa impact! muntik ng tumilapon yun bitbit namin na tao sa stretcher!

Para kaming di mga propesyunal sa itsura namin kanina, nakakatawa, pinigil ko lang kasi seryoso ang sitwasyon. Muntik na kami magkapalit palit ng mukha ng mga kasama mo! Buti nalang di nangyari, kundi lugi ako! Toinksssssssss!

Pero keri lang, job first, patient's care first bago ang poise!

Pagdating sa ICU at mailagay na namin sa kwarto ang pasyente, at naging stable, nakahinga na kami ng maluwag, saka nalang kami nagkatinginan ng team at napailing sabay tawa!!!

Langya, ngayon ko lang naranasan ang kalokahang yun!

Ayoko na maulit yun!!! Ang hirap!

Mga 3o minutes after, sabi sakin ng headnurse, maghanda daw ulit kami, kasi ibabalik ang pasyente sa cath. lab!!!

Anooooooooooooo?????????????????!!!

Ano ba 'to lokohan?! Di ba para lang silang tanga!LOL




This is a re-post from Sept. of 2010.

August 4, 2012

Karamay



Ilang araw na din namin pasyente ang dad nila. Andami nilang magkakapatid na lalake. Pito ata sila. Magagandang lalake pa!

Lokal silang taga dito. At kumpara sa ibang lokal, mababait sila. Hindi sila rude, hindi mayabang, at hindi mapangmata ng kapwa.

Marami kasing lokal na palibhasa mayayaman, at andito sila sa pinakamayaman na bansa sa mundo, nag iiba na ng ugali. At dahil mapera, yun iba hindi na nag aaral. Mangmang na. At sila ang may pinaka karumal dumal na pag uugali haha!

Naranasan ko pa nga habang nagra-rounds sa ward last time, nakaupo yun lalakeng kamag anak, inuutusan ba naman ako kunin ko daw sa hanger yun damit niya in his arab language. E ang lapit lang sa knya, isang tayo niya lang ayun na makukuha na niya letseng damit niya!

Hindi ako makapaniwala. Mukha ba akong utusan niya? Naka white coat naman ako at scubs, may stet sa leeg, napapailing ako. Kunyari di ko siya maintindihan. Kaya dinedma ko ang hayuf. LOL

Akala mo pag aari nila lahat ng expat. Pero madami pa din naman palang edukado at maayos ang ugali. Isa na ang pamilya nila.

Comatose ang dad nila. Nag arrest siya at andito sa ICU namin, panget ang prognosis sa knya. Pero we're still giving him all medications and treatment.

Ang punto ko lang, dahil sobrang babait nilang magkakapatid, magalang sila magtanong sa amin, they trusted us, mas magaan magtrabaho. Mas bukal sa kalooban namin yun araw araw na tasks. Yun wala kang feeling of imbyerna kasi annoying ang relatives. Walang ganun.

Kaya naisip ko somehow, a bunch of nice relatives, gives us a nice day at work. Mas nagagawa mo ng maayos ang trabaho. Di ko sinasabi na nawawala quality of work namin, pero iba pa din kasi na alam mong hindi ka mabubuwisit sa mga kamag anak.

Kahit busy, kahit stressful ang shift, kahit mangulit sila, hindi mo magagawang magsungit e. Kasi ikaw ang mahihiya sa kanila.

Kaya naman nun dumating ang gabi na nag code blue kami sa dad nila. Andun sa loob yun isang anak na lagi nakabantay sa dad niya noon. Nagdadasal sa isang sulok. nagsusumamo kay Allah...napapatingin ako sa knya ng ilang beses dahil nararamdaman ko fear nya of losing their beloved father.

Nun tingin nya wala ng nangyayari sa paulit ulit namin pag shock at pag CPR, unti unti siyang parang nauupos na kandila...unti unti gumagaralgal ang boses na nag dadasal...hanggang sa maging hikbi...maging hagulgol...

Ang hirap kasi mag concentrate na may nakikita kang ganung eksena. Hindi kasi siguro ako sanay na ganun siya...i always see him as matatag, malumanay, composed.

Nangingilid na luha ko nun. Pinipigilan ko. Kasi I need to do my job. Pero shit naman, tao lang ako. Konti pa feeling ko tutulo na luha at uhog ko!

Sabi ko sa katabi kong pinoy na nurse, teka muna I need a breather. Nadadala ako pagdadalamhati niya. Lumabas lang ako saglit ng 5 minutes. At saka muling bumalik. After an hour and a half. We pronounced him dead.

Dinig sa buong ICU ang lakas ng hagulgol nila. Malakas na nakakabahala. Natatakot yun ibang pasyente. Kaya naman kelangan pa palabasin ng guards yun iba. Pinakiusapan na to keep it down without being insensitive.

Naglabasan kaming lahat sa kwarto at isinara ang pintuan to give way to their mourning.

Naisip ko, kaya siguro nadadala ako sa emosyon ko kasi, lagi ko nakakausap ang mga anak nun patient, how they treated me nicely and politely. Kaya naman siguro nakaka relate ako sa pinag dadaanan nilang sakit ngayon. Somehow in a short period of time, I become friends with them.

Napatunayan ko na...Kapag mabait ka sa kapwa mo, masusuklian ka din ng kabaitan. At magge-gain ka ng mas maraming kaibigan at karamay.

June 9, 2012

Sa Silid Nila



Masaya ako sa career na napili ko. Hindi ako nagsisisi. Mahal ko trabaho ko. Satisfaction guaranteed kumbaga! char! Kasi may kasama na din ditong landi, may cute kahit saan! doctors, relatives, minsan yun patients mismo, nurses, technician! hongdami! LOL

Itong entry na to, tungkol sa mga tunay na tao...Sila ang mga recent at mga ume-eksenang character sa buhay-ospital ko. May mga nakakaaliw, may nakakaburaot, at syempre may mga nakakalungkot.


si 611


Tuwing alas-kwatro ng umaga umaakyat ako sa ward para puntahan ang chronic case naming patient na ito. Naka tracheostomy tube siya at kelangan ko palitan ang mga abubot na nakakabit sa stoma nya. Kelangan ko siya suctioning ng bonggang bongga kung ayaw ko magtalsikan sa akin lahat ng plema nya! Yeah! instant condensed milk yun! LOL!



tracheostomy tube

Kaso may panlaban si Mama! Tuwing ipapasok ko ang catheter sa trache tube niya, napapautot siya ng pagkabaho-baho! Kung may kulay lang, malamang green yun! (toxic gas?) Malakas at dahan-dahan! Rinig ko...

Napapangiwi nalang ako, di naman ako makapagtakip ng ilong at may gloves ako suot na puno ng malagkit na keme ng stoma nya! yaiy!

Kaya mula nun, nakuha ko na ang technique, hindi ko ipapasok lahat nun catheter para di siya mapaubo-sabay-utot ganyan!


si 632

Ito namang isang toh, naku kay-ligalig! chronic case na rin siya mag 6-months na ata siya pabalik-balik sa icu at sa ward. Ngayon nag stabilized siya kaya naman nasa ward siya ulet. Pero kelangan ko siya silipin at check-in dahil sa amin nagpo-fall ang management sa knya, respiratory-wise. Lam nyo naman respiratory therapist (a.k.a RT) lola nyo.

Ewan ko ba tuwing makakakita siya ng RT walang humpay ang pagdaing nya sa amin...naka tracheostomy tube din siya kaya walang boses na lalabas sa bibig nya. Kumpasan galore ang nagaganap...turo dito turo doon! malimit nya idinadaing yun sa may ilong nya! at sa may dibdib nya...puro naman arte lang!

Pero jusko di ko naman ma-getz. Kung mag sign siya ng chupa malamang getz ko agad! charot!

Kaya naman tuwing tulog siya dun ako nagra-rounds sa knya kasi mauubos oras ko sa pakikipag sign language nya! halos tumingkayad ako to check her tube and gadgets para hindi makagawa ng ingay! Lakad pusa ganyan.


si 622

Ito namang isang toh, sobra hirap na dinanas ng lahat ng RT sa knya! Lalo na sa makukulet niyang mga anak! Jusko as in! kay liligalig! Matagal namin siya inalagaan sa ICU, mga mag 2 months, tapos napagaling namin siya (sympre group effort din yun with the doctors, nurses, therapist etc) at nai-transfer namin siya sa ward till madischarged. Nakakataba ng puso yun ganun.

After 2 months, naadmit siya ulit sa ICU! nag cardiac arrest sa bahay! Na-revived, na-intubate, na-wean sa ventilator, at na-extubate ko siya the next day. sa makatuwid, naitawid naming muli ang buhay nya! Safe na si Mama.



intubation


Nai-shift ko na siya sa face tent (oxygen gadget to na kinakabit namin after maalis ang tube niya sa lungs na sa bibig pinadaan)

Tuwing ira-rounds ko siya at check-in, maayos siya, nasagot sa mga tanong ko, at stable ang vital signs nya. Sabi ko nga pwde na siya matransfer sa ward bukas. 5hours later, tumunog ang wangwang sa ICU indication na may nag-code-blue (cardiac arrest) pag ask ko sa nurse kung sino, nagulat ko na si Mama 622 pala!

Nagmamadali akong ihanda ang gamit ko to keep her airway open! naghanda kami mag intubate! grabe natoxic kami ng todo kay Mama na toh.

Jusko isang oras kami nag CPR, kaso waley na....expired si Mama.

Kakahinayang lang. Tagal mo inasikaso, pinagplanuhan ang respiratory strategy para sa knya, tapos nakauwi na e! yun yun e!!! na-dedz pa din. Nalungkot kami nun nawala siya. Kahit papano nasanay na kami na pinupuntahan siya...Hayz.


si 604

Nagdadaldalan kami ng nurse na si Juliebelle nun mapatingin kami sa European na pasyente na matangkad naka hospital gown na kita pwet pag tumatalikod siya! toink! Hila hila siya ng male indian nurse nya na bumalik na sa roon nya sa 604! Pero ayaw nya! bitbit nya ang isang bag na itim at isang plastic na puno ng damit nya. Para lang siya nag alsa balutan sa probinsya!

Nakakatawa yun buong eksena. Pigil na pigil namin ni Juliebelle ang pagtawa!

Maya maya nag wangwang na naman sa ICU!!!!

Napatigil chikahan namin at lakad-takbo kami papunta sa room na nasa screen sa may digital board namin, (o diba high tech kami! may wangwang na nakakarindi na, may digital screen pa kung saan ang room na may code blue! *awaaaard*)

Sabi ni Juliebelle nun papunta kami sa room 604: Naku, Mac! yun yung room nun Norwegian na naglalakad kanina!

Pagdating namin sa room, ayun na nga, inatake pala siya habang nakikipag hilahan siya na lumabas sa icu sa nurse nya kanina!

Nag-shock (using defibrillator) lang kami ng isa, kasi nag ventricular tachycardia siya, nag normalized naman na ang tracing ng heart rate nya after that, nun magkamalay siya, ayun nanlilisik mata at nanunulak siya ng mga tao sa paligid nya, nag sisipa na siya kung sino maabot ng paa nya! buti nakailag ako jusko kawawa naman fez ko kung matatadyakan pa haggard na nga e! char!

Sa bagay malamang tuliro pa lolo ko, ikaw ba naman mawalan ng malay at halos namatay na, tapos pag mulat mo ng mata may lampas sampung tao sa paligid ng kama mo! kakapraning yun! LOL


si 613

Ako ang nakasagot sa telepono at sinabi ng kausap ko na nag a-arrest daw si patient 613. Pagdating ko dun, mali naman, bradycardic pa lang, mga 4o's ang heart rate, papunta pa lang dun sa pag a-arrest... past tense naman siya agad e. toink!

Na-extubate na namin siya kahapon. stable na. nakikipag usap ng maayos. Pero bigla bigla nagkaganito siya...

Takbo agad ako, stand-by sa may ulunan ng patient, main goal ko kasi e i-secure ang airway nya kung sakaling tumigil ang pagtibok ng puso nya. Yun iba nyang problema, di ko na problema! LOL!

biro lang po :-) may iba na mag aasikaso nun kasi hehe.

Pero malakas si Kuya. Bumabangon, hindi makausap ng maayos, restless. Pero maintaining siya ng perfect oxygen saturation level sa blood. Nakampante ako. Di namin siya kelangan i-intubate. Pero after 5 minutes nagsusuka na siya ng blood...pabaling baling siya sa lahat ng direksyon, mega ilag kaming lahat kasi matatalsikan kami. Sinubukan siya pakalmahin ng mga nurses, pero wala pa din. Napilitan sila i-sedate siya, at eventually ma-intubate na din...

Kaninang madaling araw, pagkagaling sa CT-scan room. Nag arrest siya. And namatay after one hour of reviving...

Nakakalungkot. One minute, buhay na buhay ka...akala mo tapos na ang pagsubok, kala mo nalampasan mo na ang kamatayan. Napagaling ka ng hospital, ng team. Pero ganito ata talaga ang buhay. You cannot cheat death. Pag oras mo, kahit anung sikap ng mga medical expert to save you, wala pa din...

Dun pa din ang tungo mo. Parang Final Destination Movie lang di ba?

Nakow, sensiya na napahaba ang kwento ko! tama na muna toh! ahaha! ewan ko kung may katuturan ba tong mga nakwento ko! nose bleed ata yun mga terms? bahala na kayo mag google! LOL!

Hyper ko lang! galing pa ko ng 12hrs night shift nyan ha!

April 15, 2012

Kanan

.

Dahil ako ang may hawak ng rapid respond na bleeper kagabi, kaya naman kahit hindi sa cardiology ICU ang assigment ko na area kagabi ay tumakbo ako para tignan ang pasyente nun senior staff ko na therapist (kasi tulog siya! Toink!)

Hindi ko na siya ginising. Kawawa naman napuyat ata pag aalaga ng baby niya. Since single for life na ata ang drama ko, at wala akong baby...kaya nakakapahinga ako sa bahay ng wagas! chos! Isiningit na naman ang sarili'ng miserable na lovelife e noh? hahaha

Ayun.

Pagdating ko sa room nung patient. Sabi ng mahaderang Bumbay na nurse na prenteng nakaupo sa table niya.

"Brother, there is no oxygen saturation in the monitor. Make it 100%". sabi nya. Walang ka worry-worry sa Fez niya ha.

Nagpanting ang tenga ko. Hanep mag utos. Senyora?

Normal oxygen saturation kasi sa katawan ay 98-100%. May sensor na may redlight yun na sinusuot sa daliri ng patient. Sa case ng patient namin. Blank! flatline yun tracing! LOL


typical cardiac monitor at our units. touchscreen yan :-)


"Did you check your sensor? Maybe there's problem with the sensor. Did you change it?" sabi ko sa equally na mataray na tono. " Sister its your monitor, its your responsibility to fix it, not me".

Nag -auscultate ako sa lungs...may air entry naman ako. May crackles, pero sadya naman talagang madaming sputum si Ba-ba maski noon pa na di na maubos ubos!

ba·ba/ˈbäˌbä/ -- Father (often as a proper name or as a familiar form of address).


Basta problema sa breathing, or anything na may kinalaman sa lungs ng pasyente, sa akin yun. Kaya di ko matanggap na area ko ang may issue at ang mahaderang nurse e nakaupo lang samantalang ako e problemado na pano papanormal-in ang hangin sa katawan ng pasyente ko! hahaha

Oo daw. Wala daw problema yun sensor nya. Inayos na daw nya. Tumayo siya nun makita na naiinis na ko sa knya, kaya daw malamang ang problema ay ang breathing ng patient. Isinuot ko sa sarili kong daliri yun sensor...nagkareading naman! 100% ang sats ko! so okay nga yun cables at monitor!

Inilipat ko ng daliri dun sa kanan na hinlalaki. Sa hintuturo. Sa hinliliit. at dun sa gitna ng daliri, di ko alam sa tagalog yun e. Hing-gigitna?

Waley pa din... blank!

Nun nagka reading 38% !!!!

Ay taray! 38%!!! ocean deep sa lowness! h0ngbaba!!! Buhay ka pa ba lolo? LOL

Pero di ako convinced! feeling ko may mali! e pano ba naman normal ang BP at ang Heart rate sa monitor tapos saturation e 38%??? No! No! No!

Kinalikot-likot ko na ang settings ng ventilator ko! iniba ko na mga strategy of breathing support nun makina na diretso sa lungs nun patient pero WALEY pa din akong saturation!


this is my ventilator. I'm responsible for this machine and troubleshooting it. touchscreen din toh! hehe


Sinubukan kong alisin yun tube sa ventilator ko at inumpisahan kong i-valve-bag manually ang patient. Baka kasi mag arrest na naman toh!

Pero wala pa din pagbabago!

Shitness! Panget na nga lagay nito sa isip isip ko!

"call the doctor immediately!" sabi ko kay sisterette! Dun palang siya nagka emosyon sa katawan! pag nagpatawag na kasi ako ng manggagamot, ibig sabihin di na kaya ng powers ng therapist at serious na ang problema.

Ipinasok na nila ang crash cart at nagdatingan na ang resuscitation team. Standby na ang lahat for code blue. Habang nakatingin sila sa akin kung may mangyayari sa kalokohang pinaggagawa ko sa pasyente! hahaha

Pero infairness may pulse pa naman si Ba-ba.

Nagpakuha ako ng stat arterial blood gas sample (ABG) dun sa nurse. Sabi ko tawagin nya ko kapag may result na. Kumuha siya ng blood sa kanan kamay din.

Paglabas nun result, napamura ako, bagsak nga lahat ng values!!! consistent sa values sa monitor, indicator na hindi nga maganda ang oxygen saturation sa blood ni lolo!

Itong ABG ang magsasabi ng tunay na nangyayari. Ito ang holy grail ko! chos

Nag order ang doctor ng mga kung anik anik. Nagpapalit din ng settings ng machine ko. Tinodo ko na lahat.

Nagpalit din sila ng cable nun pulse oxymeter. Nilagay ulit sa kanan na mga daliri. Nakailan nang palit ng cable at machine, wala pa din mabasa!

Sumuko na ko! Ginising ko na si senior therapist ko! sabi ko di na kaya ng powers ko! ikaw na dun! Toink!

Hindi pa din nya mapataas ang saturation. Natatawa ako kasi kung ano ang ginawa ko earlier yun din ginagawa nya ngayon! angtagal din nya nakatitig sa monitor praying na may magbago sa values! ganun ganun din ako kanina! yun parang tanga nakatunganga sa screen!

Inabot pa ng another 30 minutes bago naayos ang lahat!

Ito lang ang masasabi ko:

Kami ay mga stupid.

Kami ay nagpakahirap ng walang kakwnta-kwnta.

Kami ay nagtiwala sa mahadera'ng nurse na assigned sa patient.

Kami ay nagsayang ng oras sa katangahan naming lahat.

Ang Katotohanan:

Naglagay kami ng sensor sa kanan kamay.

At dun lang ng dun din namin nilagay at pinagpalit palit sa mga daliri sa kamay na yun. kahit na ilang portable sensor at ilang cable na ang ipinalit namin.

Kumuha ng ABG sample, dun ulit sa kanan braso.

Nagpakuha ulit ng ABG sample for the second time, sa kanan braso ulit!

Dahil sa totoo lang:

Wala man lang nakaisip ni isa sa amin pala na maglagay ng sensor sa kabilang kamay!

Dun sa kaliwa!!!

Ang putakels na pinagpupuntiryahan naming lahat ay dun isaksak lahat sa kanan na kamay at mga daliri! Aba di ko alam kung ano meron sa kanang braso at dun kami nagsiksikan lahat! LOL

Nun dun sa kaliwa nilagay ang sensor...konting patience lang ang requirements dahil after a period of 10 minutes: nag 100% ang sats!

Nung nagpakuha ulit ng ABG sample for the third time, this time sa kaliwang braso na kumuha at lumabas ang result:

Normal na normal na ang lahat ng values!

Tang ina! ang tatanga nyo! LOL

Ang hatol ng mga doctor after almost two hours of katoxic-an:

May problema sa blood circulation ang kanang braso ni Babbaa...walang masyado'ng activity sa kanang braso nya... kaya naman sa sensor ay bagsak siya...kaya naman sa ABG sample ay bagsak din siya!

Whew! Buhay nga naman oh. Minsan engot lang! LOL

Nagtatawanan nalang kaming lahat nun endorsement na nun umaga! tapos na ang night shift namin at magaan na ang pakiramdam ng lahat kahit na nag busy kami sa katangahan naming lahat sa kaliwang braso ni ba-ba!!!

Lesson-learned to sa buong medical staff team! ahahaha

March 4, 2012

Where's The Doctor? Where's The Doctor?


Nagkatawag ako sa emergency room kamaikailan lang para umattend ng code blue (may inatake sa puso), pagdating ko sa resuscitation room, sandamakmak ang mga kamag anak nun pasyente, halos di nga ako makadaan sa dami nila! Oa lang sa dami! Hinanap ko agad ang guard at tinanung ang nurse kung bakit andaming audience participation at ba't di palabasin. Siguro nasa kinse ang total nun andun!

Ayaw daw makinig ng mga kupal. Puro sila lalake at nakasuot ng traditional arab dress (thobe). At obvious na magkakamag anak sila. Pare-pareho ng built ng katawan e! Puro payatot! (uyyy laki-titi? chos!




Mga taga dito sila sa bansang pinagtatrabahuhan ko. Meaning, hindi mo sila mapapasunod sa gusto mo. Bakit? E dayo lang kami dito e! Sila nagpapasahod sa amin! Yan! Ganyan attitude dito!

Ang nakakabuwisit pa, ang kukulit nila! Nangingialam pa e critical na nga yun ginagawa namin para buhayin yun kamag anak nila noh. At sinasabihan pa nya ko ng dapat ko gawin! E di naman nila naiintindihan kung ano ginagawa namin!

Nung nag iinsert na ng endotracheal tube yun manggagamot, aba akalain mo nakahawak pa siya at tumutulong ipasok! e docktor lang dapat mag-insert nun at kelangan ng skills. Muntik na ko mapabunghalit ng tawa!

Agad na hinawi nun doctor yun kamay nya at sinabi'ng tumabi ka nga! LOL

Nung mag-stabilized na yun patient agad kaming naghanda para itakbo siya sa ICU for close monitoring and management.

Nung hinugot ko yun saksak nun portable ventilator ko, sabi ba naman sakin nun isang ungas in arabic: bakit mo hinugot????! wala ng hangin ang tatay ko! isaksak mo!Isaksak mo!

Gusto ko sana sabihin! wag ka alala sasaksak ko sa ilong mo!

Naloka ko promise! E may internal battery kaya yun machine ko! Pinaliwanag ko na sa knya. Pilit niya isinasaksak yun cable ko! E hello, pano kaya kami lalakad kung nakasaksak sa wall yun ventilator! Kung gusto nya, tibagin nya yun dingding at isama niya ang saksakan palakad sa hallway! Burat! Ungas! LOL

At nang pwde na namin i-push yun stretcher palabas ng ER, sila na mismo nagmamadali itulak! Muntik na ko maiwan! ano taing-tae na? may lakad?

Tulak tulak ko kasi yun portable ventilator sa may ulunan ng patient. Sinesenyasan ako na bilisan ko daw! Iritang irita na ko!

Palingon lingon ako, sa isip isip ko, asan ang team ko? naiwan ang dalawang nurses at natabunan na ng sangdamukal na kamag anak! Asan ang doctor?

Nun nasa lift na at nag iintay bumakas ang pinto, sabi ko in my super modulated voice: "Wait, wait, we cannot go without our doctor! Where's the doctor? Where's the doctor?" Medyo may authority yan nun binigkas ko haha!

Epektib naman! Mukha naman silang na-intimidate sa pagpapanggap kong men na men ako!

Napatingin sa akin yung mga kupal. Takang taka bakit ko tinanung yun...Pero nagsalita pa din ako..."

wait, please call the nurse...the doctor!"

Tapos parang nahihiya'ng tinuturo sa kin nun isang payatot na kamag anak yun nasa tabi ko...medyo may takot...nakita ko nakatapat ang hintuturo nya sa tabi ko...parang sinasabi: andiyan siya sa tabi mo brother...

Nun titigan ko ang katabi ko...maitim...mukhang kargador...Pana...naka gown....may stet na nakasabit sa leeg...may ID ng hospital...

Aba akalain mo yun! Siya nga! Si doktor nga!

Toink!

Namula ako sa hiya ng mga slight-slight na ten seconds ganyan! Taena kasi naman, sa sobrang dami ng naka puti sa paligid ko e na-color blind na ata ako! At isa pa, di naman kasi kapasa-pasa na mukhang manggagamot itong sumama sa amin! Toink!

Kala ko e taga tulak lang din ng stretcher!

Nung makahabol yun dalawang nurse, agad na kami sumakay ng elevator, at talagang walang kamatayan ang pambubuwisit ng mga kupal, nagpupumilit sila sumiksik sa loob! Puno na kaya!

Ano? MRT????! LOL

Dali-dali silang naghanap ng ibang elevator.

Nakarating kami ng second floor at sinabihan ko ang mga kasama ko na bilisan namin at once makalampas na kami ng third door ng ICU agad na i-lock ang pinto!!!

Tawang tawa ako nun ang bilis humarurot nun stretcher namin at dali dali ikandado ang pinto! hahaha! Para lang kami nagpahabol sa aso!

Matatawa ka talaga sa itsura nila nung maiwan sila sa kabila ng pinto at marealized nila na kelangan ng card swipe sa door lock para makapasok sila!

Yes!!!


This is me at the ICU main entrance :-)

February 7, 2011

Pagtangis


Katatapos lang ng code namin, namatay yun matandang pasyente pagkatapos subukan i-revive for an hour. Nakakapagod pero keri lang, trabaho naman yun e. Naghugas na ko ng kamay at nagpahid gamit ang panyo ng nagmantikang mukha sa katoxic-an ko kanina.

Hay salamat, makakaupo na ulit...sabi ko sa sarili ko. Pumuwesto ako sa silya namin sa cardiac room-station sa Emergency room. Dito ako naka assign ngayon. Isa to sa mga paborito kong area. Andami kasing cute na nurses dito... na paminta! LOL!

Binubuklat buklat ko yun librong inumpisahan kong basahin bago magkanda busy-busy kanina. Nagsisimula na ko mag enjoy ng napatingin ako sa entrance ng room namin...

parang slow motion ang lahat sa akin... parang bumagal ang lahat, parang walang sound na marinig...

Nakatingin ang iba habang ang iba naman ay abala sa knya kanyang pasyente...kakaiba itong isang ito, ngayon ko lang nakita ang ganitong senaryo sa ER.

Humahangos na tumatakbo ang isang lalakeng arabo...

Wala siyang suot na pang itaas at nakapaa lamang...

Binabaybay nya ang kahabaan ng bay 1. Parang eksena sa pelikula.

Nasa mga bisig niya ang sanggol na hindi namin alam ang nangyari...

Sumisigaw siya. Help! Please help! help my child...

Nakatitig lang ako sa kanya habang palapit siya sa aming area

Kitang kita ko ang pag alala sa knyang mukha, isang wangis ng amang natatakot para sa kahihitnatnan ng kanyang anak....

Itunuro sa knya ng nurse na dun sa bakanteng kama sa kaliwa dalhin ang sanggol. Dun palang ako parang natauhan, dali dali akong tumayo at agad na tinignan ang pasyente. Nagkagulo na naman ang tahimik na kwarto, napaka unpredictable talaga ng ER kahit kelan, one minute halos para itong library sa tahimik, one minute para na naman itong palengke.

At ito ang gusto ko, magulo, palengke, sigawan, batuhan, talsikan!!

Pumuwesto ako sa dapat na puwestuhan ko, bilang therapist, alam na ng lahat yun, kasama ang partner ko'ng anesthetist, dun kami sa unahan para mag provide ng unang lunas, ang bigyan ng daan ang hangin sa baga ng pasyente.

Hindi na siya humihinga, inabot sakin ng nurse ang bag valve mask para pansamantalang tumulong huminga sa pasyente. Pero masyadong malaki ito sa para sa knya.

Please give me a neonatal size bag, sister this is too big hurry up, sabi ko.

Wala silang makitang size, antagal maghanap, taena! ako na hahanap, sabi ko sa sarili ko, ipinasa ko sa isa pang nurse ang ginagawa ko at pumunta sa drawer namin. Nakita ko naman agad muntik na akong matumba pagkatapos magkabanggaan ng isa pang nurse.

Nagsuction ako sa bibig ng sanggol, madaming gatas akong nakuha. Aspiration ang kaso. Napunta sa baga ang gatas na ininum nya hanggang sa malunod siya at hindi na makahinga.

Lahat mabilis ang kilos, halos maitim na ang sanggol. Kanya kanya kami ng ginagawa. May nag si-CPR, at may nagkakabit ng suwero sa magkabilang braso, at kami sa bandang ulunan, pinipilit bigyan ng daan ang papasukan ng hangin na siyang hihinga sa knya.

Di maka insert ng tube sa baga ang doctor ko, mahirap. Ako ang nag aasist sa knya, Ilang beses siyang nag try. Pero wala pa din. Nagpatawag ng pedia doctor. Pero sa isip, wala na, di na aabot, huli na para sa anghel na ito.

Napatingin ako sa paligid ko, andami namin, sampu ata kami dun, na bawat isa may role na ginagampanan, bukod ang mga usisero, pero kung iisipin mo, andaming tao na nagpapakahirap mailigtas at maitawid lang sa panganib ang buhay ng isang tao. Nakakataba ng puso minsan, na parte ako ng team na ito.

Tumulong na ako sa pag CPR sa isang buwan na sanggol na ito,pagod at masakit na kamay ng mga doctor, halata ko. Pero wala na, maitim na mga extremities at ulo ng baby...pagkalipas ng isang oras, umiling na ang doctor, wala na daw.

Time of death 5:16 pm.

Tinanggal ko na ang oxygen at hinugot ang tubo na ikinabit namin sa bibig nya. Lumayo na ako sa stretcher at nakita ko ang ina at ama ng sanggol na kanina lamang ay sinubukan namin ibalik ang buhay.

Napuno ng malalakas na iyak ang buong kwarto.Pagtangis ng inang hindi matanggap ang pagkawala ng munti niyang anghel.

Nakakaantig ang pag iyak nila. Unang anak pala nila ito. Ininimagine ko ang nararamdaman nun tatay habang nagda drive siya kalong ang anak na hindi humihinga. Marahil sari saring emosyon at worries ang nasa kalooban nya habang nagmamadaling makarating sa ospital...

Ito ay kapabayaan ng magulang. Ito ay maiiwasan. Sana bantayan nila ang sanggol nila lagi, wag padedehin ng sobra sobra at laging mataas ang ulo habang dumedede sila. Maaaring nadaganan din nila ito habang katabi sa kama pagkatapos dumedede, madaming pwdeng maging dahilan.

Madami na daw ganitong kaso dito.

Nakakalungkot.

September 19, 2010

Nagdusa Ako Kagabi!


Nakasakay na ba kayo ng humaharurot na sasakyan! Yun tipong kaskasero ang driver?

Iyon na iyon ang naranasan ko kagabi sa night shift duty ko sa Cardiac ICU dito sa ospital namin. Kaso imbes na sasakyan, stretcher na may laman na pasyente ang humaharurot!LOL

Kakagaling lang namin kaunin ang pasyente na isang kaso ng atake sa puso, mula sa isang procedure sa Cath.Lab, naka tubo siya sa bibig na diretso sa lungs niya na tinutulungan siya huminga gamit ang ventilator na ako naman ang in charge. Kaya kasama ako sa team ng isang, consultant doctor, residenteng doktor, dalawang nurse at isang nursing aid.

Andami namin bitbit, para kaming nag po-flores de mayo na yung patient ang reyna elena at kami ang taga hawak ng ilaw at generator at bulaklak niya habang naparada sa kalye!haha. In reality ang bitbit namin e mga monitoring device ng pasyente na sangkatutak na mga makina para tulungan siya mabuhay. Tulak ko naman ang ventilator.

So anyway, napapalayo na ko sa kuwento ko, so pagkagaling sa cath lab, nasa hallway na kami nang biglang tumunog ang monitor, warning daw!!! nababa ang level ng oxygen sa katawan ng pasyente namin, ginawan ko ng paraan, pero wa epek pa din, mamaya maya bumabagsak na din ang bilang ng tibok ng puso niya!waaaaaaaaa! this can't be!

Any minute magka-cardiac arrest ang patient kong itoch!

Ang layo pa namin!!! As in super-mega far-far! nasa ground floor kami at nasa 6th floor ang ICU!!! Anak ng putcha naman oh!

Itinigil ang pagtulak ng pasyente, andun kami sa gitna ng pasilyo, humanda kami sa bakbakan! Nagkakagulo na silang lahat sa gitna ng daan. Lahat tensiyonado, ako relax lang, alam ko na gagawin ko, isa lang role ko, ang siguraduhin na makakalanghap ng hangin ang patient no matter what, no stress, no-no, ayoko masira ganda ko noh! LOL

Sabi ko: brother, throw the ambubag for me (yun ang gagamitin ko para manually tulungan huminga ang pasyente pansamantala)

Hinagis nga niya sakin, nasa may ulunan kasi ako, nasa may paanan si brother. Paghagis, siyempre di ko nasambot! Bading e LOL

Nag CPR kami, wala pa din, hinanda ang defibrillator, kukuryentehin na ang puso ng pasyente.

"Are we clear?" tanung ng nurse hawak ang pang kuryente. Walang sumagot kundi ako ng super taray na pa-mhin-ta tone:

"CLEARRRRRRRRRRRRRR!"

Kinuryente nya, ayun nasunog ang pasyente, naging b-b-que! Kidding!

Nagkaron na kami ng tibok, nagbigay ng gamot, sabi ng doktor, itakbo na daw namin agad sa taas sa ICU kung san mas accessible ang gamit na makakatulong sa pasyente.

Kaso nileteral ng hinayupak na nursing aid at dalawang engot na Pana'ng nurse, aba ang bilis ng hila! naiiwan aketch na nasa may ulunan ng b-b-que! este patient pala! Yun doktor naman, siya na nag bitbit nun makina na ako ang may hawak kanina, kasi di ko kaya mag multi-tasking nun time na yun, cannot be na!

brooom-brooom-broooom!

Ang bilis namin! usok ang gulong ng stretcher! (hindi naman, OA na!haha)

Isang napakahabang biyahe ang kelangan namin danasin, ang haba ng pasilyo. Dahil sa bilis namin, nagkakanda-dapa na ang mga gaga'ng nurse, may naiipit ng gulong, may natitisod lalo na ako! letse! oily'ng-oily na ang pez ko jusko! Ok sana yun bilis namin nun diretso ang pasilyo, kaso sumablay kami nung paliko na!

Di namin napaghandaan ang pagliko, hindi nagmenor ang driver! Pag liko niya, halos madapa kaming mga nasa likod dahil sa impact! Para kaming di mga propesyunal sa itsura namin kanina, nakakatawa, pinigil ko lang kasi seryoso ang sitwasyon. Muntik na kami magkapalit palit ng mukha ng mga kasama mo! Buti nalang di nangyari, kundi lugi ako! Toinksssssssss!

Pero keri lang, job first, patient's care first bago ang poise!

Pagdating sa ICU at mailagay na namin sa kwarto ang pasyente, at naging stable, nakahinga na kami ng maluwag, saka nalang kami nagkatinginan ng team at napailing sabay tawa!!!

Langya, ngayon ko lang naranasan ang kalokahang yun!

Ayoko na maulit yun!!! Ang hirap!

Mga 3o minutes after, sabi sakin ng headnurse, maghanda daw ulit kami, kasi ibabalik ang pasyente sa cath. lab!!!

Anooooooooooooo?????????????????!!!

Ano ba 'to lokohan?! Di ba para lang silang tanga!LOL

April 19, 2010

Gone Too Soon


My bleeper vibrated inside my lab coat pocket, I pressed the button and heard the nurse-in-charge's voice: Please come to pediatric ICU urgent...I didn't wait for it to finish, I came rushing, if they said urgent, then it is really super-dooper to the highest level urgent LOL!

I scanned the area which bed are they busy with, I saw a closed curtain, nurses are coming in and out in a quick manner. I went inside the curtain and saw the patient, the resident doctor are doing the chest compression (CPR) to the 6 year old local kid while the attending doctor is watching him and directing nurses to give this and that.

I approached the resident doctor and told him I'll do the CPR for him since he look tired already, he must've been doing it for a long time I guess, so i start the compression, 1-1000-2-1000-3-1000.... I counted in my mind. The boy's chest are already collapsed maybe due to chest trauma post CPR I was told this is his third time arresting.

As I was doing the CPR, I looked at the patient's face, he looks pale and gone...in other situations I must have appreciate his cuteness, I felt a great sense of regret for what is happening to him, he could've been playing, he could've been carefree and full of life...

"See, thats how you do great CPR, look at the cardiac monitor, you could tell if someone is doing it right..." I heard the attending doctor complimented me...but of course, how many CPR did I do way back home, some are lucky and some are don't, the thing is, you have to do it right, I don't know why others wasn't, I mean we all did have training.

I just smiled at him to show him that I appreciated his comment. I was getting tired and I said "change..." and the doctor took over while I rested and talked to the Filipina nanny...

"...he's been suffering for a long time, he is a kind kid...but we are all expected this to happen, his mom and dad are first cousins. Their two other children are like him too" she said. I saw the parents crying at the back. I imagined their fear of losing someone they love, and this time, their baby boy...

"Oh, that explains why..." I replied. tsk tsk...

Blood related marriage is still present in this country. We all have many patients suffering from illnesses and abnormalities due to this practice. I felt bad about it, the children are the one suffering to this tradition. I hope there will come a time for this to change. I just prayed that this child will be in our creator and have his own time to play and feel how to be a kid up there..free of any sickness...

We continued reviving him for 30 minutes until the doctors pronounced it: patient expired 4:35pm. He thanked all of us and talked to the family. Until we heard the mother's hysterical cry....

Nooooooooooooooooo!!!

June 27, 2009

Like A Stone


In a few days, I'll be at Qatar, well that is, if I don't encounter any problem prior to my flight!LOL. So I'm thinking positive now.

In a few days, I'll be on a new environment, a place where I don't know anyone...culture and language so unknown to me..

In a few days, I'll be waking up on a totally different room and house....no annoying sister, no stubborn 5 year old nephew and no alcoholic father too LOL!

In a few days, I'll be on the hospital laboratory and halls once again. A familiar scent that I'm so used to...

In a few days, I'll be around death again...people are surviving and some are dying...a fact that I have accepted long time ago...

In a few days, I have to put up a strong face when someone dies and prevent myself from being affected...a front that took me a long time to master...

I remembered the first time someone died on my hand...My first week on my job (what is an RT?). I was resuscitating this old woman, a patient on one of our ward that was so loved by her children...she suffered a heart attack and I was called together with a team of nurses and did the code blue...but its her time...the doctor pronounced the time of death..

Suddenly this woman rushed unto me crying, grabbed my arm and begged "please don't stop..keep on resuscitating her...don't stop please...please" the other kids are hysterical...just like in the movies, only that this is real, you could feel their emotions, their anguish, their loss...

She went at her lifeless mother lying on the bed and she started compressing her chest just like what she saw me doing ,as if she could revive her dead mother. I stand still, there's nothing we or I could do...I excused my self and went at the bathroom, there, I let the tears that I was holding back while ago to flow freely...It really affected me....

My first death.I was so affected.

Time goes by, sometimes everyday, weekly, someone dies on our duty and I began to be emotionless, unaffected, playing tough, playing professional. Like a stone.

That's why whenever I see a patient survived death and came out of the ICU, where I spent most of my duty, it gives me so much happiness knowing I was part of his/her wellness.

There was this rich patient that survived her near death experience from a fatal car accident and gave our team 5oo pesos each after a month of being discharged. She's so thankful to us. She considered us her "heroes".

Hmm, I wonder why only 5oo?Kidding!!!!!!!!

February 9, 2009

What The Hell is an RT?

I'm sick and tired of telling people about my job,I am a respiratory therapist! but they don't know what it is !hahaha and they were like,what the hell is that?! Every time I'm chatting online or meeting some one on a date and they would ask about my job,they have no idea about it.Unless of course if you work on a hospital like me.

So i decided to give you guys an idea about the nature of my work,I searched some pictures so that you would have a much clearer understanding.I worked as an RT for 5 years at a tertiary hospital in the south.My course in college was B.S Respiratory Therapy.But i gotta admit,only few are getting this course we are not as popular as the PT's or the OT's and the Nurses,well maybe because this is not a glamorous job.

So here it is :
When a patient arrived at the ER and have a difficulty of breathing (nangingitim na kuko at mga kamay and lips) and all signs indicating that he needs an invasive help to breath (OR any patient confined at the hospital) we immediately do a procedure- intubation where-in the doctor will insert a tube into his mouth directly to his trachea(lalamunan) and lungs to breath.We are required to be there when they start to do this.We assist the doctor together with the duty nurse.I was the one responsible checking the air sounds if the doctor inserted the tube right.If I say "out" he will do it again until he's "in" hehe taray!

Code blue-this is the craziest time! If I'm on duty especially at night!(tanggal ang antok ko!haha).When they call our laboratory and say its a code blue humanda ka na!This is when a patient suddenly stops breathing or suffered a cardiac arrest.Everyone was like running here and there giving this and that medication and injections to make the heart beats again.What is my role?I am the one giving the CPR,the heart compressions(like you see on the pic,kapag napagod salitan kami ng doctor or headnurse) and sometimes using defibrillators.The staff included in a code blue are: the doctor,me(RT),head nurse,nurse,med tech,x-ray tech,midwife and an orderly.This usually takes 30minutes to 1 hour,and I gotta tell you its tiring you have to make that patient alive in 30minutes to an hour,if not,dedo na yun!

Once we revived the patient's heart,I have to rush to the ICU to prepare this machine:the mechanical Ventilator-responsible for breathing for the patient until he can completely breaths on his/her own.I have to set and manipulate this machine with the doctors orders on how many breaths it have to give and how much air does a patient needs including the alarm systems.

Then here it is,after checking if the machine is ready,I will hook the patient in its tubings and check again if there is an equal air going in and out of the lungs.If there are too much secretions(like plema or dugo)we need to suction it using a suction machine sometimes an entire bottle was filled with this secretions so kadiri talaga!Pero sanay na me!hehe.I can compare it to a Bavarian fillings hehe

Same procedure with the infants.Then we have to monitor these patients whether adult or babies every now and then and coordinate with the nurses.That's why the nurses are my best friends!hehe

we do check their tubings and conditions if they are comfortable and if they are ready to breath on their own,we asses and do some suggestions to the doctors.

This is a less invasive gadget,we call this the oxygen hood.That plastic container was sealed and oxygen are inside to help the baby breath.

This is the PFT machine,this procedure is sooo tiring for me and the patient! I takes 30minutes or more to be done!especially if the patient cant understand your instructions (they may be too old or too weak or deaf to follow! lagott)This machine measures your lung's capacity and functions.Most of our patients are those with complications due to smoking and those with asthma and patients who will undergo a surgery.

This is my favorite,I'm good in extracting blood from the artery. This is called arterial blood gas or ABG.This is really really painful!When we were just students,we are required to do this with our partners!Ang sakit nito waaa!According to my instructor we have to experience this so that we have an idea how painful it is so that we will be gentle to our future patients.

This is the most boring part of our job,the nebulization-this treatment is given to patients who have difficulty of breathing,the medicine inside release mist and absorbed by the lungs once you inhale it,dilating the airways and air sacs.I'm glad we have an assistant to do that job.In other hospital the nurses are the one doing this.

Whew!this is long haha.But those are only few important part of my work, there are more procedure and gadgets we use for the therapy/monitoring of the lungs,I'm afraid it will just bore you guys to death so I rather not talk about it anymore.I hope I gave you an idea of my exciting and tiring job.But I love this job.I hope I can work abroad na,wala pa ko visa!!tagal nman!hehe.