Buhay Dowha.
Pano nga ba? Siguro kapareho lang din ng ibang OFW around the world ang buhay ko dito. Nakatira sa isang flat, may tatlong bedroom, tig isa isa kami ng kwarto kaya may privacy at gumawa ng kung ano ano na alam nyo na!. At alam kong gawain ng lahat ng single OFW! nyahaha!!!
Kaya mahal na mahal ko ang kaliwa kong palad! LOL! ewan bakit kapag sa kanan hindi masarap. (TMI alert!!!!)
Anyways, yun nga may dalawa akong pinoy na housemates na dental tech, at lagi nakakaiwan ng kalan na nakabukas. Ang ganda lang noh? pero since ayoko ma-stress sa kanila, bahala na sila, take lang ako ng picture at date ng kalan na naiwan nila, kapag nagkasunog at nag imbestiga, may katibayan ako na di ako ang pabaya. Tseh.
Weather dito ngayon nasa 30-35 degrees Celsius. Umiinit na. Pero keri naman dahil lahat naman ng lugar ay naka AC. Hindi nga ako halos pinapawisan. Madali din ang transportation, pagpasok sa work nagtataxi ako at hindi mahirap sumakay. Pauwi ay may tranport akong van kasi mahirap sumakay pauwi from the hospital.
Tipikal na araw ko ay magsisimula sa work. Kakain muna bago pumasok. May mga nakaimbak na akong food sa fridge, minsan ay nag papadeliver nalang ako ng lutong ulam sa malapit na pinoy restaurant sa building namin. Nakakaaliw ang mga pangalan nila, mayroong, Pueto Galera, may Boracay, at may Little Manila. Pero sa Amwaj ako madalas magpadeliver since sila pinakamalapit sa akin, paborito kong orderin ang Fried chicken nila na lasang Andoks with mang tomas sauce ha, masarap din ang bulalo nila, jusme! Nakapag grocery na din ako ng mga kakailanganin ko sa pang araw araw. May Jollibee at Chowking na din dito at soon daw ay ang Gerry's grill.
Kapag naubusan ako ng water, ng mantika, or toyo or suka, isang tawag mo lang sa telepono ay may magdadala nito sau sa main door mo. Basta dapat minumum na 10 riyals ang ipapadeliver mo. I love this service! Sana may ganito sa pinas noh?
Pero since diet ako this month, madalas ay bread lang or gulay or nagpapapak lang ako ng ulam kada kakain. Bawal na muna ang rice. Pagkakain ay itatapon ko yun plato,baso, kutsara at tinidor at mangkok sa basurahan. UU. Kasi disposable lahat sila hahaha. Ayoko kasi naghuhugas ng pinagkainan!
Usually 8 hours akong duduty ngayon sa Accident and Emergency room, medyo busy pero keri naman at happy kasi angdaming cute nurses at EMS hihihi. Masaya na din ako dito kahit nami-miss ko yung dating area ko sa ICU sa Cardiology Hospital.
May baon na din akong bread or kung anu man kapag oras na ng break or kadalasan kapag tinatamad ay bumibili nalang sa cafeteria. May branch naman ng Starbucks sa vicinity ng hospital kaya kapag trip mag kape e lakad lang ng konti.
Alam nyo naman halo halong lahi kami dito sa hospital. Kaya matututo ka talaga makisama at habaan ang pasensya mo. Dahil sa totoo lang nakaka-stress sila! Pero di naman dapat ay lagi pasensiya di ba, kapag natatapakan na karapatan at pagkatao mo dapat marunong ka din lumaban, pero bawal makipag suntukan or sabunutan, kundi mateterminate kami pareho hahaha.
Meron din kaming man made island gaya ng sa dubai hehe
Ma-traffic na din dito, konti lang kasi mga fly over at infrastructures, soon pa, may mga plano na sila to improve the road and maglagay ng subway gaya ng nasa Dubai.
After 30 minutes naihatid na ko ng van at makakauwi na ko sa bahay. Nasa accommodation ako na provided ng hospital. Libre lahat. Wala na ko iintindihin kundi pangkain ko. Nasa ika anim na palapag ako kaya lagi sasakay ng elevator ay minsan ay may makakasabay na Pana or arabo na ke baho. Kaya dapat shallow breathing ka lang sa mga ganitong pagkakataon. LOL
Nasa akin ang pinakamalaking room sa flat namin. Swerte lang ako at ito ang napataon na mapabigay sa kin. kaya naman naglagay na ko ng maliit na dining table, 2 couch, tv, at isang personal ref. Para di na ko lalabas ng room ko at makigulo dun sa dalawang ungas kong housemates. May common kitchen at living room kami. Civil lang ako sa kanila. Di pa naman kami nag aaway haha. Basta la pakialaman ganyan.
Kapag nasa bahay usually online lang ako, nood ng balita, nood ng mga tv series na paborito ko habang nakatodo ang AC at balot na balot ako ng kumot sa couch hahaha. Hindi din ako nawawalan ng makukokot na snacks. I love growers peanuts or cheese rings at lalo na ang Lindt white chocolates.
Hirap lang minsan mag isip ng kakainin kapag namumuhay ka ng solo sa abroad. Di gaya sa pinas na pag uwi natin ay may nakahanda ng pagkain. Hirap din ako sa pamimilantsa. Ayheytit! Paglalaba naman ay madali lang, ilalagay ko lang sila sa automatic washing machine, set lang ng timer at yun na! Isasampay nalang after!
Gusto ko lang dito ay yun fast internet connection, at 3G signals ng blackberry ko. Jusme kung sa atin malamang kunsimido na ko araw araw. LOL
ito ang public market namin dito, sa souq. ganda dito feel na feel mo yun arab culture :-)
At nakakaloka lang na kapag may naiwan kang gamit somewhere pagbalik mo andun pa din yun kapag nakalimutan mo. Hindi din kami worried na mahablutan, or malaslasan ng bag haha. Safe na safe ang feeling! Pero kahit na sabihin pang OK naman ako dito, iba pa din sa pinas, yun ang bayan natin e, mahal ko bansa natin infairness! Kung kaya nga lang ako bigyan ng ganitong sahod sa pinas e why not. Malamang wala ng mangingibang bayan pang Pinoy for sure :-0
Bata pa ko pangarap ko ng makapag abroad, naniwala sa akin ang Nanay ko kaya naman pinagsumikapan niyang maka graduate ako. Masaya akong I'm living OUR dreams. Namin ng Nanay ko. Ni sa hinagap di ko inakala na makakarating ako ng London at Germany dahil sa work ko na ito. At so far thankful ako sa mga blessings at mga kaibigan na natanggap ko for the past four years, well almost. hehehe.