
Hindi naman lihim sa lahat na madami na ko pinagdaanan pagdating sa pakikipagrelasyon. Marami ang naging saksi kung pano nag umpisa at nag wakas ang bawat kabanata ng lovelife ko dito.
Minsan napapaisip ako...Ano kaya kung mas inunawa ko sila? or mas sinikap ko pa'ng maging mapagbigay? Kung mas binuksan ko ang puso ko sa kanila? Siguro, baka meron na kong masasabing isang matatag na relasyon ngayon.
Aaminin ko. Masyado akong naging maramot sa pagmamahal... Dati kasi feeling ko, pag mas ipinakita ko ang pagmamahal ko, feeling ko talo ako...baka isipin dead na dead na ko sa kanya...kahit minsan yun naman ang totoo.
Laging nakatanim sa isip ko, mas mabuti muna makita ko'ng mas mahal niya ako kesa makita nya'ng mas mahal ko siya.
Masyado din ako proud. Iniisip ko kasi. Madali ko siya mapapalitan. Madali lang ako makakahanap ng mas higit pa. Kaya sa konting fault na makita ko. Mayabang akong nakikipag kalas.
Impulsive ako. Yan ang madalas nila sinasabi.
Mayroon naman na pinagsisihan ko sa bandang huli at humingi ng second chance...pero mukhang parusa ng tadhana...madalas rejected ako. Tatlo lang ang hiningan ko ng pangalawang pagkakataon sa dinami-dami ng mga lalake sa buhay ko! Oo...pokpok ako dati! chos!
Sobrang sakit at pag sisisi ang binigay nila sa kin...hindi ako swerte sa second chance. Hindi ko naman sila masisi...kasi ako naman ang nauna makipagkalas. Ako ang nagmatigas noon. Gantihan?
Madami ako natutunan sa pakikipagrelasyon ko...sa bawat taong nagkaroon ako ng pagkakataon na makilala at mahalin...laging may iniiwan itong aral at pagmumulat sa pagkatao ko. Mas higit ko nakikilala ang sarili ko...kung ano ang kahinaan ko. Kung saan ako dapat mag umpisa muli. So that history won't repeat itself...
Para san ba ang post na ito? Wala lang hahaha...nag iinarte na naman sa mga WHAT IF's na tumatakbo sa isip ko...
Isa lang ako sa karamihan... maaring nakakasalamuha mo sa araw araw...sa dami ng tao mapapansin mo ba ako?
What if...sa tinagal tagal ng paghahanap ko...andyan ka lang pala...malapit sa akin.
CHOS!
Wala lang.. mumuni-muni moment lang :-)