Showing posts with label annual leave. Show all posts
Showing posts with label annual leave. Show all posts

March 18, 2013

Sardinas Boy



Nakaupo ako gilid ng kama ko at nasa harap ng laptop, may pinapanood na documentary nun lumapit siya sa bandang likuran ko. He started to touch my shoulder and to my back...medyo nakiliti ako...mamasahihin daw nya ako. It was noon, we just had our lunch which my sister prepared for us.

That's sometime in January 2013.

Masarap siya mag-massage. Masarap ang bawat hagod ng mga kamay niya sa likuran ko. Napapa ungol ako ng mahina, iniiwasan marinig nun mga tao sa labas. Hindi pa naman naka-lock ang pinto ng bedroom. Hindi naman kami mag boyfriend kaya walang rason para mag isip ako ng anu mang sekswal.

Makalipas ang ilang minuto mas lumapit pa siya sa akin. Ramdam ko ang hininga nya sa bandang batok ko. Dini-dimonyo ata ako nitong ungas na toh a naisip ko.

"sarap naman ng masahe mo..nakaka turn on tuloy..." biro ko pa sa knya.

"talaga? e di tinitigasan ka na?" tukso pa niya.

"slight..." sabi ko.

Automatic na nilandas ng mga kamay niyang nagmamasahe sa likod ko kanina ang path pababa sa may pag aari ko...hinihimas himas na niya. Wala na me nasabi agad. Lalo itong nanigas sa pagkaka hawak nya. Hinimas nya lalo ang ulo habang nasa loob pa din ito ng shorts ko.

"ayan, tigas na tigas na toh a..." narinig ko nalang na sabi nya habang nakapuwesto pa din siya sa likuran ko.

"ikaw kasi e...gustong gusto tuloy nya..." bulong ko pa.

Nararamdaman ko din ang pag subsob nya sa mga batok at leeg ko...halos yakap na niya ko mula sa likod habang hawak pa din ang ang pag aari ko. Aamin ko gusto ko ang mga ginagawa niyang pagte-take advantage sa bubot kong katawan. Charot. Maka-take advantage naman daw ako e noh. hahaha.

Namalayan ko na lang na ipinasok na nya ang kamay nya sa loob ng shorts at brief ko. Diretso sa nag hihintay na katigasan sa loob at sa balls ko. Napasinghap ako sa mainit na palad nya na dumakma sa hubad na laman sa loob. Pigil na pigil ko ang ungol. Nasasarapan ako ateh charo.

"bawal ilabas ha, hanggang loob lang siya ng brief haha" sabi ko nalang. Baka kasi ano pa mangyari.

"bakit? bawal makita?" tanong nya.

"oo. hanggang hawak ka lang" dagdag ko pa. Wala lang. Sinabi ko lang yun haha. I always wanted in control kasi. Maisipan ko lang na bawal itong ganito, itong ganun, dapat sundin yun. LOL

"daya naman!" reklamo nya

Ako naman ang humawak sa naninigas din niyang ari. Nagulat ako kasi ang taba nito. "parang malaki toh a shet!" bulalas ko.

Lalo ko pang dinama ng maigi sa mga palad ko ang pagkalalaki niya sa loob ng shorts. Hanggang sa di ako makuntento at ipinasok ko na din sa loob ang sabik kong palad. Mataba talaga....malaki ang ulo. Mushroom na mushroom! hihihi

"patingin...ibaba mo shorts mo" utos ko sa knya na natatawa.

"ayoko nga, ikaw nga ayaw mo ilabas yung sa 'yo e!" pagmamatigas nya. kaya naman lumapit ako at hinila pababa ang underwear nya na wala na siyang nagawa haha.

Tumambad sa akin ang may di kahabaang pag aari nya pero grabe sa taba! Nakakatakot ito sa taba. Kapag inupuan ko yun for sure duduguin ako! LOL! (T.M.I!!!)

"bakit ganyan kalaki yan????" bulalas ko

"hindi naman a... OA ka mac!!!"

"malaki talaga! hongtaba niyan! grabe ka! magdiet ka na nga ng mabawasan ang girth niyan. Buti may napayag na magpa-fuck sa yo ever!!! Dahil ako never mo matitikman now pa na nakita ko na yang manoy mo!" irap ko pa.

"kaya mo toh..." pangungulit pa nya.

"nooooo". sabay iwas ko sa knya na natatawa. Ayoko talaga. Manigas siya kahit isubo di ko gagawin sa etits nyang yun! baka magkanda duwal duwal at mapunit pa ang kissable kong lips! at makipot kong mouth! charrr

"mas malaki pa yan sa nakasex kong may asawa sa Dowha noh! kala ko yun na ang Sardinas Boy ko, pero tinalo mo siya!!!!Ikaw na ang title holder! hahaha"

Mataba talaga na parang sa sardinas tapos yun head ang laki parang sa mushroom hihihi.


Tawa siya ng tawa habang sinasabi ko yun. Muli niya akong niyakap na may panggigil. Gustong gusto ko kapag malapit yun katawan niya sa akin. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko sa knya. I want to keep him. Pero paano na yung paniniwala ko sa di nag wowork na long distance relationship. Ayoko na ng LDR at vocal din siya na ayaw nya.

Kaya naman kinimkim ko nalang yun mga saloobin na gusto ko sabihin sa knya. Gustong gusto ko siya. At somehow nagwi-wish ako na sana kumbinsihin nya akong maniwala muli sa LDR...pero nabigo ako. Wala akong narinig na kahit ano.

Alam kong pareho kami ng nararamdaman. Alam kong in-synch ang gusto namin sabihin sa isa't isa. Pero nanatiling tikom ang mga bibig namin sa pag tatapat ng mga feelings na ito.

Umalis ako ng Pinas na dala dala ang mga alaala nun umagang magkayakap kami at maligayang magkasama the whole night at yun nag iisang moment kung saan madalian ko hinalikan ang mga labi niya bago pa siya makapag react nun hapong iyon na agad din naman niya ginantihan ng kapwa nag aalab na halik.


Kaya nyo ba hulaan kung sino siya? may premyo na external hard drive din. Charot! hahaha

January 16, 2013

Hanggang Sa Muli Pinas!



Lampas 2:00 am na halos at ito ako dilat na dilat pa. Ako na lamang ang natitirang gising sa bahay namin. Busy pa ko pag eempake ng gamit ko, dalawang maleta ang dadalhin ko at isang traveling bag bilang hand carry. Kay bilis ng araw, whew!

Natapos ang 40 days vacation ko at naextend pa ng another 6days (dahil sa aberya sa passport ko) na may suma tutal na 46 days ng ganun lang kabilis!!! Di ako makapaniwala na flight ko na mamayang hapon!

Medyo nagbadya na naman yun lungkot ng pag alis 3 days ago pa. Tinatago ko lang. Medyo mabigat na sa dibdib. Taon taon ganito ako. Yun feeling na mag isa ka na naman sa ibang bansa, yun feeling na maiiwan mo na naman pamilya mo at mga malalapit na kaibigan. Normal naman na daw ito sa mga OFW sabi ng ilang kasamahan sa middle east. Pasasaan ba't malilibang ulit daw ako sa mga boylet ko dun. charrrr!

Back to reality na ulit ako. Back to stressness ganyan! Muling kakayod at mag iimpok ng ipapadala sa pamilya. Sana ay saglit lang ako mahomesick. Kasi naman last year one week ata akong tulala at mabigat na mabigat ang dibdib na hindi maiyak na hindi mawari! UU madrama ganyan. Yoko ng feeling na yun ulit shetness!!!!

Busy ako these past few days, sinusulit ang mga natitirang araw, at kanina ay abala sa pamimili ng mga pasalubong at mga habilin. Lam nyo na mga pakisuyo na pabili. LOL!

Dahil na extend ako ng ilang araw ay halos maghikahos na ko hahaha! di ko kasi inaasahan na mag eextend ako. Ubos na ang baon ko at nakautang pa ko sa sis ko! nyahaha! Ako na ang gastador! Wagas kasi na gala at kain kung san san ang inatupag ko!

Anywayz, malapit na matapos ang pag eempake ko, sana ay wala na ko nakalimutan isilid sa bag ko, wag ko naman sana maiwan passport ko di ba? ke-engot ko naman talaga nun if ever! 

Muli, isa itong taon na ito sa pinakamasayang uwi na naranasan ko sa Pinas, salamat sa mga taong who made it happen! (Mula sa mga taong nag abala na kitain ako sa mundo ng Blogosphere, twitter, at FB) Sa mga bagong kaibigan at kakilala. Nagpapasalamat ako ng todo at mas magpasalamat kayo kasi nakilala ko kayo! charot! hahaha

Madami pang kwento wala palang akong time isulat dito hayaan nyo kapag nasa middle east na ulet aketch e pwdeng pwde na idaldal dito


Ito ang listahan in order of appearance! LOL!

*Will*Nimmy*Leo*Heyoshua*Ianboi*ceiboh*Miguel*Brian*LouiePot*Babit*Nate*Niki*
MamonJustin*Shattershards*Jimboy*Zeus*VonUmali*NurseDave*DesperateHouseboy*Yocco*
and MarkJoe*

Ala sana ako nakalimutan! Sa uulitin mga Papa at mama! 

Kakamiss kayo! lalo na dun sa talagang naging malapit sa akin na di nagtapos sa isang meet up lang. Lalo na sina ceiboh,miguel, heyoshua and mamon. I  found real friends in you guys. Keep in touch ha? :-)

Paalam sa inyo :-)



November 12, 2012

Konting Kembot Nalang






Three weeks nalang!

Eggzayteyd na aketch!

Uu. Yun na. Bakasyon grande na ng OFW hehehe.

Andami ko na naplano. Naisipan gawin. Good luck nalang sa execution! At sakto din uwi ko sa first birthday ng pangalawa kong pamangkin. Cute cute nya! cant wait to give her my big kiss and hug :-)

Masaya din ako kasi November yun last chemo ng bayaw ko. O di ba kahit maggala kami hindi na nakaka guilty na mag sasaya ka tapos may isang member ng pamilya na nasa hospital. So I thank God for that. At alam naman natin na di biro magkasakit. Lalo na ang gaya ng sa brother in law ko.

Andami ko gusto kainin at kainan jusmiyo!

Pagkasundo sa akin sa airport gusto ko dadaan kami sa Jollibee dahil gusto ko ng chickenjoy at sa Greenwich yun lasagna nila na kakapiraso na daw ang serving ngayon haha, dun sa expressway branch kami kakain para wagas!

Sa dinner sabi ko gusto ko ng Paksiw na Pata ng baboy. un parang adobo ang luto na mejo manamis namis. ewan kung yun nga ang tawag dun. pero gets na ng sister ko bilang alam naman niya mga gusto ko. Tapos hinog na mangga! jusko sabik na sabik ako dun! goodluck sa tatay ko sa paghahanap! LOL

Naglilista na ko ng Ulam sa first 5 days na stay ko sa amin sa laguna haha. Andiyan yung Hamonado, kaldereta, crispy pata (fr Max's), sinigang sa bayabas na ayungin, ginisang upo at kalabasa with galunggong, ginataang sugpo with kalabasa and sitaw, letchon paksiw, inihaw na pork liempo with suka at sili sa toyo! wagas yunnnnnnn!

First time ulit in three years ko magpapasko sa atin. O di ba nakakamiss din naman yung feeling ng christmas sa sariling bayan. So ito, ipinaglaban ko talaga sa gobyerno itong bakasyon kong ito kahit tutol si De Lima! char!

Makakakain ulit ako ng Fiesta Ham! yihiiii!

At alam nyo ba na miss ko ng sobra? Yun pagpapa facial ko! at saka ang foot spa with pedicure! hahaha! jusko nanlilimahid na mga kuko ko sa paa bilang regular ko yun pinapalinis sa pinas noon! ditey sa middle east nganga mga paa ko! Toink!

At andami kong imi-meet na mga kakulitan sa FB, Twitter at sa blog. Excited na ko makita at maka ut-utang-dila kayong mga mahadera kayo! LOL

At masaya akong makikita na kita...alam mo na kung sino Ka.

*wink*

September 10, 2012

Kahit Ano Lang



Nasa bahay lang ako mula pa kahapon. Off ko kasi hehe. Sobrang lamig kaya naka pajama at jacket ako habang sinusulat to. Nag chicken sisig ako ng for breakfast. Puro manok nalang! malapit na ko magka feathers!

Wala naman, ito ay just some random post, share ko lang mga ganap sa buhay middle east ko :-)

***

Dahil lagi naman akong night shift at madalas e 12hrs ang duty ko, kulang ako lagi sa tulog, kaya naman kapag day off ko, kaya ko matulog ng 12 to 16hrs! ihi at inom lang ang pahinga niyan! Gaya today. Kakagising ko lang mula sa 14hrs na tulog nun 2am hahaha! lamon agad ang inatupag ko nun pagkabangon.

***

May plane ticket na pala ko para sa bakasyon ko sa disyembre! bayad na ng management ng hospital at nasa akin na! atat ko lang noh? mabuti ng maagap. Andami kasi nag aagawan umuwi ng december sa mga kasamahan ko. Baka maubusan ako ng slot e. Excited na ko umuwi. Andami ko plano puntahan, gusto ko sa mga beaches, lalo sa Coron at sa Laiya batangas, sana magkasya budget ko, at maraming gusto kainin at kainan! lahat nililista ko na hahaha! maigi ng may plano noh!

***

Tamang tama din pala uwi ko kasi first birthday celebration ng pangalawa kong pamangkin, at maghanda na daw ako ng pang party sabi ng mahadera kong kapatid. kalurkei.

***

May mga hindi ako nakakasundo sa trabaho. May sama pala ng loob di sinasabi sakin, e ano ba ko manghuhula di ba? May mga hindi pagkakaunawaan, napansin ko lang dumadami na sila, kapag nagkampi kampihan sila ala ako laban sa sabunutan ah. LOL! Pero bahala sila, I cannot please everyone. Basta ako, i'll enjoy my job at unahin na muna ang trabaho kesa sa mga intrigang yan.

***

Umaayos na pala ang kalusugan ng bayaw ko na may neck and throat cancer. Natapos na niya ang series of daily radiation treatment niya at weekly chemotherapy. Grabe, ang hirap ng may sakit sa pamilya. Stress masyado ang sister ko, nakaka drain physically, and financially. Buti nalang matatag ang nag iisa kong kapatid. Ngayon, monthly nalang ang chemo treatment niya, sana lalo pa siyang lumakas at maging healthy.

***

Hindi muna ako nakikipag date at nakikipag landian. Pahinga muna. Masyado ako napagod nun mga nakaraang buwan! LOL parang andami e noh? kasi naman hindi ko pa din siya makita. Its either gusto ko or hindi ako gusto. Yan ang katotohanan. Tinigilan ko na din muna ang pag gamit ng Grindr, may nabalitaan kasi akong pinoy na hinuli ng pulis na nagpanggap na ka eyeball niya. Kaya ingat muna tayo mga bekis :-)

***

San ba mas maganda pumunta? sa Hongkong kung san andun ang Disney land or Singapore na merong Universal studios and etc?

***

Adik ako lately sa mga documentaries na available sa Youtube. Grabe tuwing night shift sa work, nauubos oras ko dun. Mapa animal kingdom, mapa CIA or conspiracy, pati Ancient Aliens pinatulan ko na! hahaha. Fave ko din dun yun mga Mega constructions lalo yun docu about sa artificial islands ng Dubai. Grabe!

***

Unti unti na nababa ang temperature dito sa city, at konting panahon pa lalamig na naman! yey! excited na ko magsuot ng mga jackets ko ulit at ginawin sa labas ng bahay! Nababa ang temp dito ng around max 14 degrees lang naman, pero malamig na yun! as in!

***

Hindi ko pa napapanood ang Dark Knight Rises at Bourne Legacy. Kakainis!

***

Sinusubukan ko magtipid na since malapit na ko magbakasyon. Alam naman nating di biro ang gastusin sa pinas! Baka saglit lang ang dala kong kaban dun e ubos na agad! LOL.

***

Pinaka namimiss ko kainin ang crispy pata ng Max's! at yun ginataang kuhol ng Gerry's Grill! lalo na yun luto ng kapatid ko na ginisang patola with matching pritong galunggong! yummy! pati yung puto bumbong miss ko na sobra! at higit sa lahat miss na miss ko na ang baboy! oink-oink!

***

Madami akong planong ma-meet na bloggers, at sana ay may time sila pag aksayahan ng panahon ang isang gaya ko na nag re-request. charrrr! hehehe.

***

Medyo ok naman na daw si Mom ko sa Dubai. Sana matapos na ang mga problema. at sana dumating na yun blessing na matagal ko na iniintay at pinagdadasal...

***

Humupa na din daw yun tubig baha na pumasok sa loob ng bahay namin sa laguna na hanggang tuhod. Mabuti naman kung ganun at kawawa naman kasi sila dun.

***

Hindi ko na nakikita yun resident doctor na arabo na super mega crush ko! siguro nalipat na siya ng assignment! Masarap mag duty ngayon sa hospital namin, dati-dati umaabot ng 15 ang patient na hinahandle namin sa ICU, ngayon, masuwerte na maka tatlo! LOL. well, ok lang naman, nasahod kami ng ayos at tama para pumetiks! samantalahin habang di pa toxic da vah!

May kasunduan kami nung girl na friend ko na in 5 years kapag di pa siya nag kaka bf at nagkakaasawa, magpapa buntis siya sa ibang lalake na pipiliin namin. Tapos papakasalan ko siya in papers only para di siya makulong at mawalan ng work. Kung kasal na kami, magkaka monthly allowance kami from the company management, mejo malaki laki yun kaya pwde na! tapos pag nakaanak na siya, siya gagastos ng legal separation namin. Hahaha! O hindi na masamang kasunduan di ba?

***

O siya yun na muna. Ang daldal ko na naman! andami ko na shinare! Magagalit na naman friends ko sa kin nito. LOL

April 24, 2011

Magkaibigan Lang


Magkausap kami ni Brian sa cellphone nun isang hapon, overseas call, pinag uusapan namin un nalalapit kong bakasyon. Sinabi nya na excited na siya makita ako ulit at sa wakas matutuloy na siya makasama kaming mag anak sa Palawan.

Si Brian ang ex boyfriend ko na nakatagal sa kin ng mahabang panahon, siya lang ang pinakamatagal kong nakarelasyon, nag hiwalay kami 3 years ago na ata, pero naging magkaibigan pa din kami till now. In fact paborito siya ng nag iisa kong kapatid. Close sila!

Excited na ko sumakay ng eroplano!haha, bida niya.

Tanga, sorry to interrupt you, di na tayo tuloy sa palawan! baka around Luzon nalang tayo! sabi ko para matigil na siya sa pangangarap nya hehe.

May pangako kasi kami sa isa't-isa ni Brian na kapag pareho kaming single pag uwi ko ng pinas this June, kami nalang ang mag spend ng time together, somewhere, some time. Pero di namin pinag uusapan ang relasyon, although binibiro ko siya ng ganito lagi:

O sige ikaw isasama ko sa trip, pero ihanda mo katawan mo bilang kabayaran!LOL

Gago ka! - yan ang madalas niya sagot sakin :-)

Last year kasi siya talaga ang originally isasama ko sa Bora, kaso nag ka jowa naman ako bago ako umuwi, binawi ko yun imbitasyon ko sa knya at yun jowa ko isinama ko instead!hahaha

"E kasi naman, sana ako nalang sinama mo dun e di sana di ka nagsisisi ngayon!" tukso nya nun malaman na nag break kami nun jowa kong yun after Bora trip.

Nakaka-miss din siya, I invited him to spend some time sa bahay namin pag uwi ko. Para may maka-makasama lang ako pag gala gala saan-saan kapag busy ang sister ko.

Tutulungan ko din siya ipasok sa dating ospital na pinagta-trabahuhan ko dati sa Pinas. Kasi naman pinagalitan ko siya na sinasayang ang oras nya sa pagko-call center e nursing grad naman siya!

Malaki kikitain nya sa pag aabroad, kaya dapat nag sisimula na siya mag ipon ng working experience. Mas matagal na hospital working experience mas appealing sa mga employer!

Ayun mabuti at nakinig naman si Tanga! LOL

April 15, 2011

In Just Two Months

are you ready for me?

For two weeks, I've been harassing my boss to allow me to go home this June first for my annual vacation leave. But he always say NO. His reason: too many staffs already going. He's giving me July, but I said NO-NO-NO! LOL

No one to blame but himself. He shouldn't allowed those without request to go. I made my request as early as December last year. I am legitimate to go. So I know, I am right to fight for my June vacation!

That was end of march, he said we will talk again this April when 15 more staffs from the Philippines arrived (grabe andaming hiring sa'min ngyon!). So I held his words, I calmed down and wait for those new staffs.

But 3 days ago, my friend Cher called me up and said that my boss signed Mina's vacation request this June 5!

Huwaaaat????? Just like that without a word he signed it!!! what is this? some kind of joke! Di talaga ako nakatulog nun gabi dahil sa kabuwisitan! LOL

I went to the office the next day and argued with him. I wont rest until he said yes! tse! I asked for back-up with other senior staffs from our department to point out how unfair it was to me. After a few minutes of debating. He finally said signed my papers.

So today, i woke up with a terrible sore throat and colds! LOL (not connected, just saying!) I got my forms and had it signed by everyone who supposed to sign it and went to the airlines of my choice and had my flight scheduled and ticket!

Yes, I am ready to go home this June 1. hangsaya-saya! its only 35 days, but its alright, I'm gonna make the most out of it.

I'm planning to meet some of few bloggers I'm following in between my busy days, some are them are:

the wholesome Nimmy and Leo, why? because they inspired me, they've been together for a long time now and still as cheesy as they could be. I wanna get to know them, they seems to be a lot of fun, ask them a lot of things and stuffs, they might give some advice on my ever hopeless love life!

Nishiboy--why? because he happens to live in Laguna too! uber lapet sa bahay namin hehe.

Jepoy--why? known him for more than a year na thru his blog and chatting na din. He has this great personality and it intrigues me :-)

Ceiboh--well, must say he became an friend online. He visits and leave comments on my blog most of the time. So its just right to finally meet him in person and tell him to eat! maygash ang payatot nya! char!

and HIM,

and HIM,

and finally HIM!...LOL

Anywayz, it would be memorable if Im able to meet them. Of course if they have the time lang naman da vah!

Hay how I wish tomorrow when I wake up, its June 1 already!