May 18, 2011

Buti Nalang Andun Sya!


Asar na asar ako kanina sa duty, sino ba naman kasi ang may pakana na gawin white ang uniform ng mga hospital employee???!!!

Ok fine, naka scruibsuit nga ako, pero naka-coat pa din naman ako ng white! Ganun din!! Ilan beses akong nagkuskos ng pesteng coat dahil nun una natalksikan ako ng blood sa may sleeves, tapos nun nasa trauma room naman ako, may chineck lang ako sa tube nun patient di ko napansin natuluan na pala yun laylayan ng coat ko ng secretions galing sa bibig ng patient! EWWWW!

Sa buwisit ko hinubad ko nalang at nagduty nalang ako ng walang coat! Kever kung masita ako ng mga bisor dito sa ER! LOL

Buti nalang may pang alis ng bad vibes ko kanina, stress reliever ko siya...

si Ihab...intern ko siya...20 y.o, matangkad, tisoy, curly blonde hair, at isang certified Tunisian cutie!!! kakalaglag panty siya mga teh!

Kung san ako punta andun siya, parang aso. LOL

Kilig na kilig ako pag magpapaalam siya magyo-yosi at sasabihin nya sakin: Just stay there, don't leave me! (atat pa kasi siya sa mga procedures, gusto nya andun siya lagi to see it) Parang feeling ko mag-jowa kami! Pakk!!!

Ilan beses ko nahahawakan mga daliri niya kapag gina-guide ko siya sa pagkuha ng blood samples. Oo! masaya na ko dun parang lalabasan lang! hahaha! pathetic no?

Maloko din si gago, nakikipaglokohan sakin di nahihiya na ako ang staff nya! Gusto daw nya dito sa Accident and Emergency Room siya ma assign pagka-grad nya this end of May. Kaya naman tinuturuan ko siya ng bonggang bongga ng mga bagay bagay tungkol dito sa area na to ng hospital.

Kaya naman after nun shift at inaabot na nya sakin yun form for my signature na requirements sa school nila na part pa rin ng internship nila, hindi na ko nag atubili...

Pirma agad ako!


____________________________
Preceptor:

With Love...
Mac Callister
____________________________

chos!!!


Pero pwamis, masipag talaga siya!LOL

6 comments:

Zip Reid said...

here you go again... landi mo lang, and I like it.. hehe :)

lonewolf said...

ingat din sa work baka di ka makaconcentrate niyan at madistract ka sa kanya hehehehe

Virex said...

hahaha... may naamoy ka naman ba sa kanya?? not the BO or something ahh... baka beckylet din sya, o dba..

KikomaxXx said...

hahahha... kahit bata o pinapatulan.. tsk2.. hhahahaha

Akoni said...

hehehe..buti nalang nandon siya...haha..wala lang, nag-enjoyed lang basahin blog mo. hehe..wholesome, yan mga tipo kong binabasa..haha

Ming Meows said...

maganda yan, estudyante ang target mo ngayon..