April 28, 2015

Bahay Na Munti


Hello guyz!

Im excited to tell you na malapit na ko bakasyon! three days nalang and hello pelepens na ako ulit. This time sabay kami uwi ni mudra na nasa Dubai kaya mas masaya ang uwi kong ito makukumpleto ulit ang aming pamilya.

At eto pa ang mas masaya guyz, matatapos na ang aking munting bahay. Bago kami dumating sa pinas ay tapos na tapos na daw ito ayon sa aking sister na siyang punong abala sa pag aasikaso nito.

Busy kasi kaming dalawa these past few weeks sa pag pa plano at pag didiskusyunan ng mga dapar at di dapat gawin haha. Kakaloka lang diba mahilig kasi makialam ang aking tribidang sisterette.

To keep u guys updated, kasi nun february ay na turn over na yun property sa akin, ready for occupancy na siya. Pero hindi kasi ako happy masyado sa size niya, kaya naman  pinarenovate ko yung house agad agad hahaha, yun garahe ay hinati ko ang size since mahaba naman yun at ginawang extension ng house, dun ko pinatayo ang pangarap kong kitchen na may center island with faucet at may sliding door palabas sa lawn.

Hihihi. Di ba kunyari mayaman!

Nag palagay din ako ng dirty kitchen slash washing area sa may pinaka likod pa.

Buong April ay ginagawa itong extension na ito ng bahay ko, malaki din naubos ko jusme. kapirasong project ay ang laki ng gastos huhu kemahal na pala ng semento, grava, hollow blocks etc, sex nalan ata libre sa panahon ngayon. Charot!

At hindi lang yan, kelangan ko din magpa bakod at magpa gate. haist.

Kaya Im super excited na umuwi this coming May dahil ako personally ang mamimili ng mga furniture at mga appliances na ilalaman sa aking munting tahanan. Nag budget na ako ng para dito na hopefully ay magkasya. I just need to be smart and find the right stuff to buy ng sa gayon ay magkasya ang aking salapi at maging maganda ang kalalabasan ng aking balay.

Let me show you some of the pictures:
eto yun house nun na turn over sa akin ng developer. I love the black and white theme kasi nila kaya i fell in love with it at saka swak sa budget ko that time kaya nag go ako to take this property.
ayan na and the construction began when April came. They're making me a new kitchen. Kasi i dont want the kitchen to be inside my small unit kaya may extension na nagaganap sa may garage area.
ayan na nga by mid april may porma na yun kitchen extension and at the back of that ay ang aking dirty kitchen naman.
yan ang kopyahan ko haha i showed this to my sis and she loved it too. we want an open kitchen na very simple and accessible.
Visible na yun sliding door on this picture and naikasa na ang cabinets and center island sa kitchen. Tomorrow ay mag paint na daw sabi ng sisterette ko.


Siguro by next post ko ay yun finish product na maise-share ko sa inyo. Nakaka excite na nakaka kaba baka kasi ang jonget ng maging kalabasan ng bahay kaya im hoping na i'd get it right!

I've been looking through a lot of websites, house pictures, mga keme about home interior ganyan. Kaya buong buwan na ito ay wala akong ginawa kundi mag check online kahit naka duty sa night shift. Buti nalang konti lang patient lately.

I know maliit lang itong bahay ko pero im proud kasi kaya im posting this on my blog hindi dahil gusto ko mag pa show off, haha. pero konting ganun na din sige na nga, ang sarap lang kasi sa feeling na afterall these years e may ganito na ako kahit maliit lang.

Yun muna guys, Ingats and see you all in the Philippines soon!

6 comments:

Jeki Merlin said...

wow I'm so happy for you fren! hindi lahat nagagawa ang nagawa mo. it's an achievement worth celebrating :D

kapag napadpad ka sa Maynila, kumaway ka naman para baka sakaling magtagpo ang landas natin :D

Pao Kun said...

yamanin!

aboutambot said...

achievement!

-mark- said...

pwede bang makitambay? hihihi

Anonymous said...

san banda ito sa manila? sino ang developer? maganda siya. :)

ZaiZai said...

Bongga na ng house mo frend, nakikita ko sa IG! Congrats at well done! Pa house warming na haha :)