April 1, 2012

Sana Lang Ikaw Yun


Lagi siguro kita kasama every weekend, kumakain sa paborito nating restaurant...malamang hindi natin napapalampas lahat ng magagandang palabas sa sinehan at di ko bibitiwan ang mga kamay mo kapag nasa madilim nang bahagi tayo ng sine, oo korni na sa edad natin, pero I won't mind.

Paki nila? Masaya ko gawin yun e bakit ba? hehe. Alam ko papayag ka din, kasi korni ka din!

Tapos te-text kita na samahan ako mag shopping kapag mayroon sale, kahit ayaw mo dahil alam mong ang tagal tagal kong mamili! Pero mapapa-oo ka nalang kasi wala kang choice kundi samahan ako, kasi di mo ko matiis na umalis mag isa at magmukhang loser :-)

Siguro masayang masaya ka tuwing sosorpresahin kita sa uwian mo from work at makikita mong naghihintay ako sa may labasan para ihatid ka pauwi.

Siguro ang sarap sarap halikan ng mga labi mo sa tuwing may pagkakataon tayong mag make out...alam mong hinding hindi ko pagsasawaan ang matatamis mong mga labi...

Kahit wala ng sex...basta akap kita magdamag...basta lagi kong nadadampian ang mga labi mo...wala ng kapantay na kasiyahan ang maidudulot mo sa buong pagkatao ko...

Pero sige na nga, pwede din may sex kahit once lang kung mapilit ka! chos!

Iba siguro ang saya ko kapag lagi kitang kasama tuwing pasko...lagi lagi na kasi ako single at malungkot tuwing ganitong okasyon...

Siguro sa mga panahon na ito naipakilala na kita sa mga kaibigan ko, bilang siyang may hawak ng puso ko. Naks! Makata?

At kung masuwerte ka pagkalipas ng ilang buwan, naipakilala na kita sa kapatid at nanay ko...pero wag muna sa tatay ko ha? Baka di pa siya talaga ready e at atakihin sa puso! Knock on wood!

Siguro kasabay kita nagsisimba at humihiling na sana... patuloy mo akong mahalin pagkalipas ng mahabang panahon...

Siguro ang saya saya ko lagi...

Sana...sana...sana lang...

Maging totoo lang ang lahat ng mga ito...

Magkaroon ng katuparan ang lahat ng mga bagay na sa isipan ko lang tumatakbo...dahil sa mga ganitong pagkakataon na nag iisa ako sa loob ng tahimik kong silid...nag mumuni muni...naiisip kita...

Naiisip ko na nasa malapit ka lang...abot kamay ko...humuhiling na...

Sana lang may totoong ikaw ngayon...

Sana lang andiyan ako sa malapit sa yo ngayon...

Sana lang Ikaw 'yun...


***

13 comments:

Brian said...

awch... ang sweet lang! pero di kaya korni or loser ang manood ng sine or mag shopping o mag dine out mag-isa ☺ LOL

Marvin said...

Ang ganda nito Mac! I so love it. Bagay na bagay din sakin. Hahaha.

Mac Callister said...

@ben ben--hahaha ayoko lang kumain mag isa when everyone gets to eat with someone..mas masaya kumain ng may kasamang kwentuhan noh!

@marvin--hey na miss ko comments mo a!salamat at nakarelate ka hehe

Leo said...

Dami makakarelate. I'm sure. :)

ZaiZai said...

ang sweet naman nito mac..sana nga sya na para masaya!

Laughing Cow said...

wooah sweetness.. =] eto ang paborito kong part, haha..

Kahit wala ng sex...basta akap kita magdamag...basta lagi kong nadadampian ang mga labi mo...wala ng kapantay na kasiyahan ang maidudulot mo sa buong pagkatao ko...

Pero sige na nga, pwede din may sex kahit once lang kung mapilit ka! chos!

Anonymous said...

kudos to your post.

Eto ba yung sinasabi mo na ako naiisip mo while doing these? Parang di naman. Hahahaha.

I am imprressed Mac. Bumabawi ka ah!

-M from the South-

Mac Callister said...

@leo--oo nga mare e.andaming may ganitong pinag dadaanan...

@zai--sana nga...hehe puro wish na lang! LOL

@laughing cow--hehehe hindi ko makayang magpakaserious masyado sa blog ko! i tried! swear! LOL

Mac Callister said...

@Mfrthesouth--hahaha ganun talaga!

sin at work said...

gusto ko ito! gusto ko din gawin ang mga yan!
except for one thing:
"Pero sige na nga, pwede din may sex kahit once lang kung mapilit ka! chos!"
tseh! choosy ka pa! haha! :D
pag si love of our life na ang nagyaya, go na! itapon na agad ang invisible abaniko at invisible na belo na pinapasuot satin lagi ni mama, at pumunta na agad sa pinakamalapit na locksmith para ipa-open ang chastity belt!! haha CHOS! :D

citybuoy said...

Hala! Nagiging good girl si mac? lolz

baste said...

kuya mac!!! i feel you. carlie!!!

Mac Callister said...

@citybuoy--haha dito lang!chos

@baste--salamat baste :-)