March 11, 2013

Kayakap




I decided to share to you the guys that I've met and made my vacation last December 2012 memorable. ito ang aking December Boys series (oh diba parang teleserye lang! hehehe):


***





December Boys V:  Si Brian


Can I come there? Diyan ako sleep ha?

Si Brian. Nagbbm. Nag agree ako since gusto ko na rin naman siya makita mula nun dumating ako ng pinas at nasa malapit lang naman siya. Second day ko yun sa Shaw Residenza residences nun, kasama ang isang kaibigan na pinakiusapan kong samahan ako ng ilang araw.

I got to admit, na miss ko siya. Nun nasa abroad ako ay nag cha-chat kami whenever na mag abot kami online. Nagbi-biruan na as if kami pa din. To some of you who follow my blog maybe you are tired of my posts about Brian na haha. We call each other "bebe ko" or "hon" kahit na six years ago pa kami nag break. Siya lang ang pinakamatagal kong nakarelasyon sa buong career ko as BEKI. career talaga? LOL.


(Read my previous post about Brian here: Naging Gago Ka Na Ba?)


We remained friends since then.

Nag aaral siya ng medicine ngayon. Wala kasing mapasukan na work as a Nurse kaya ayun tinuloy nalang ng pag aaral. Ok na din naman yun. Pero sangkatutak na pangaral ang inabot nya sa akin. Na pagbutihan ang pag aaral, iwasan ang lakwatsa at mag focus sa mga subjects nya. Hindi biro ang mag aral ng medicine, jusme nakikita ko mga pinsan ko noong araw. Halos zombie na. LOL

After mag dinner we headed to the second floor to sleep. I turned off the lights and open the window curtains and let the moon light comes in.... nasa 18th floor kami kaya kita mula dito ang mga buildings from a nearby town na may nakakaaliw na liwanag.

Ipinagpatuloy namin ang kwentuhan habang nasa kama. Nakahiga. Magkaakap. Nagtatawanan. Kung ano ano nalang ang pinag uusapan namin. Catching up to the lost times together. In between kwentuhan andiyan na sisikipan ko ang pagkakaakap sa knya as if nangigigil ako. He didn't mind at all. Para bang it so natural between us. Na parang walang kaso yun.

Every year. Every bakasyon ko sa Pinas, nag kikita kami ni Brian. He sleeps at my place sa bahay namin sa Laguna. Together. Pero laging walang sex yan. Oo honestly. Wala yang halong biro.

"Mas OK na tayo ng ganito. Masaya naman di ba? kapag naging tayo lang ulit baka mag away na naman tayo lagi. Kita mo now, ilang years na, nag aaway ba tayo? hindi di ba?" naaalala kong sinabi nya sa akin isang uwi ko sa pinas non.

"at saka ang landi landi mo! papaiyakin mo lang ako if ever! kaya wag nalang." dagdag pa niyang biro na nagpatawa sa akin ng malakas.

Platonic. Ito na nga ata tawag dun. Nakatulog kaming magkayakap.

Hinintay nya muna dumating ang family ng sister ko dahil gusto daw nya mag HI bago siya umuwi. Nagkwentuhan lang sila saglit at nagpaalam na si Brian. Mas close pa silang dalawa kesa sa akin. LOL

Ewan ko ba if napansin nyo sa buong series ko nitong December Boys ko halos walang sex na involved. As in! isa lang yun kay DEE, pero majority puro ganun lang, we stay together in bed, magkayakap, may kissing, may lambingan, pero thats it. To the point na iniiwas kong maging sexual yun gabi. I find it more exciting. More romantic.

Ibang iba na kesa noon na kapag nasa room ko ang isang guy hinding hindi siya uuwi kinabukasan na may natitirang dangal! charot hahahah

Mas masarap kasi e. mas nakakakilig. alam nyo yun. Nasa bed kayo. kayo lang dalawa. lahat ng privacy na kelangan ay available para mawala ang inhibitions, ang hiyaan, parang there's more room to open up NOT your legs and ass but your self. hihihi. Angsarap lang magkwentuhan na nasa mga bisig mo siya na moonlight lang yun saksi. kayong dalawa lang. intimate and romantic. naks!

Hindi pala kelangan may sex lagi kung magkasama kayo sa iisang room. Pwde ding ganito lang. Mas personal ang level, mas may lalim.

Or baka tumatanda na nga ako gaya ng sinabi ng isang kaibigan, nababa na ang libido levels ko? pero whatever it was, masaya ako e. Masaya ako na may mga ganun kaming opportunities. Masarap lang alalahanin at balikan. Kaya nga habang sinusulat ko tong blog post na toh e napapangiti ako.

At nung second week of December sinama ko si Brian sa Coron, Palawan, wala na siyang inintindi kundi dalhin nalang ang sarili nya haha. Treat ko na sa friendship nya sa akin yung bakasyon naming iyon, kasama ang family ko who also became fond of Brian through out the years na naging kami at naging  magkaibigan.


Brian helping me to swim thru the deep waters of Kayangan Lake hihih afraid ako e....LOL

Habang inaalalayan ni Brian ang 8 year old na nephew ko na mag snorkel sa Kayangan lake, narinig kong sinabi ng sister ko: " bakit hindi nalang maging kayo ulit ni Brian?" nakatingin siya dun sa dalawa sa lake. I know naaliw sister ko sa kabaitan ni Brian.

"OK na kami ng ganito noh. at saka baka pagtaksilan lang ako niyan habang nasa abroad ako!" sagot ko na paismid sa knya. Ofcourse nagbibiro lang ako.

"nakow! baka ikaw ang magtaksil! kawawa lang siya sa sa 'yo tseh!" dagdag ng mahadera kong kapatid na nagpabunghalit sa akin ng tawa! 







Previous Posts:
December Boys I: Si Teddy Bear
December Boys II: Si Dee
December Boys III: Si Yoshi
December Boys IV: Si Ariel
All posts about Brian: HERE

8 comments:

c - e - i - b - o - h said...

arte nito..
kung makapagpa-hinhin naman sa mga eksena sa blog..

hindi bagay mare.. hahahaha..

may kulang sa mga kwento mo! ahahaha

Mac Callister said...

@ceiboh-- hahaha ganyan na ko ngayon less sex pero more hugs and kisses kaya gayahin mo ko noh. charrr

Anonymous said...

nakakakilig lang at ang dami mong boylets.. mag-share ka naman jan... hehehe... kahit si teddy bear na lang... bwahaha

Senyor Iskwater said...

naku natutuwa naman ako at gusto rin ng ate mo si Brian

sige na kayo na lang ulit!

Phioxee said...

naks naman. wala talaga sex? yakap lang? wala churvahan pababa? hahaha. pero ang sweet ng ganon noh. under the moonlight pa ang show

MEcoy said...

ahaha mabenta ka pala parekoy ee!
dame mo boys!

ZaiZai said...

ikaw na! ikaw na talaga te!

walang kembot pero may tag na anal sex, naloka na lang ako haha :)

bagotilyo said...

ang wholesome at ang matured. hahaha sir este mac :p