February 8, 2013

Naalala Ko Lang Din



I decided to share to you the guys that I've met and made my vacation last December 2012 memorable. ito ang aking December Boys series (oh diba parang teleserye lang! hehehe):


***


December Boys I: Si Teddy


Hindi ko inaasahan na magiging ganun kaming dalawa. Super close. Hindi ko alam kung ano tawag sa aming dalawa. Hindi ko naman siya boyfriend. Pero nayayakap at nahahalikan ko siya. Wala naman usapan na kung ano. Magulo di ba?

Umuwi ako ng Pinas na ibang lalake ang nasa isip na kikilalanin. Bago umuwi ay may ilan na kong nakakalandian na napangakuan kong paglalaanan ng oras na makadate at makilala ng husto kapag makauwi ako ng pinas. Isa na dito si M...nagka time naman kami pero hindi swak e. Hanggang sa sumuko nalang ako sa idea na pwde maging kami. Wala talaga. Hindi ayon.

Alam lahat ito ni Teddy. In fact nakukuwento ko sa kanya ang ilang personal na bagay. Siya ang "Teddy Bear" ko hihihi...

Nagsimula ang lahat nun pag tambay tambay sa nirentahan kong condo si Teddy nun bakasyon ko. Malapit lang siya kaya naman since mag isa ako sa unit ay madalas sinasamahan nya ko maski sa pag pasyal pasyal sa makati at kung san san pa lalo't free naman siya. Wala kasi ako maipintas sa knya. Sobrang bait at talagang maasahan ko siya kapag kailangan ko siya.

Kahit kami lang dalawa sa unit ay ni hindi sumagi sa isip ko na may gagawin kaming kalaswaan! haha. talagang kaibigan lang tingin ko sa knya noon. Very vocal pa nga siya sa pag sasabi na super turn off daw siya sa boses ko nun first time nya ko makita at makausap. Akala daw nya super astig ko in person! hahaha

Kahit nasa Laguna na ko ay madalas ko pa din siya kasama. Madali siyang yayain. Gora kami kahit saan. Hanggang sa naging touchy na siya. I mean, lagi siya nakaakbay. Lagi nakapisil sa braso. at nakakarating pa kamay nya sa ilalim ng kili kili ko! ewan ko ba at bakit gustong gusto sumiksik dun!

Basta mahilig siyang idikit ang katawan nya. At hinahayaan ko siya gawin lahat yun! LOL

Nabo-bother ako nun una. Naisip ko bakit siya ganun. Parang iba na. Nakikiramdam lang ako madalas sa knya. Pero sabi naman ng isang kaibigan maski daw sa knya ay ganun din si Teddy Bear. Pero aaminin ko. May kuryente akong nararamdaman na gumagapang sa katawan ko everytime na nagiging malapit yun katawan niya sa kin. I kinda liked it.

Nabanggit pa nya dati na: "alam mo Mac, kapag kasama kita parang ang light lang lagi. nakakagaan ka ng kalooban kasama"

Kinilig ako ng slight nun sinabi nya yun. Siguro kasi puro kalaswaan at jolly ang personality ko. Yoko ng masyadong drama sa buhay.

Naalala ko pa nun patawid kami ng kalsada tapos kumakanta siya ng malakas na rinig na rinig ng ibang tao. Nagalit ako sabi ko "tumigil ka sa kakanta mo". hahaha. Nagpoprotesta pa siya nun una, pero di naman siya mananalo sa kin di ba. kaya wag na makipag argue. charot!

Nasa loob kami ng bus papunta sa south na mahigit dalawang oras ang byahe. Excited kaming dalawa. kahit maulan ay itinuloy namin ang lakad. Kinuha nya ang kamay ko at agad na minasahe. Marunong kasi siya. Kaya naman effective ang ginagawa nya sa mga joints ng kamay ko. panay ang kwentuhan at tawanan namin kaya naman hindi namin halos namalayan ang paglipas ng oras at kelangan na namin bumaba.

Nun pauwi ay kaming dalawa nalang ulit ang magkatabi sa bus. Sobrang lamig dahil late na yun at konti lang ang pasahero. Muli niyang kinuha ang palad ko. Akala ko ay mamasahihin nya ulit pero ikinulong lang nya ang palad ko sa mga palad nya...holding hands na kami this time.

Hindi ako nagtanong. Bagkus ay pinisil ko ang kamay niya na nakadaop sa kamay ko. Buong byahe namin pabalik ng Laguna ay magkahawak kamay kami. Parang nun mga sandaling yun feeling ko everything was in its right place. Everything felt so right. Gusto ko na katabi siya. Gusto ko na kahawak kamay siya.

Madalas ko siyang mahuling nakatitig sa akin kapag iniisip nyang di ako lilingon...nun tinanung ko kung bakit siya nakatitig ay umiling lang siya.

Niyaya ko siya na sa bahay na matulog dahil wala na siya masasakyan pauwi sa subdivision nila. Tumanggi siya kaya naman deep inside medyo nalungkot ako.

Nagkayayaan na din kami manood ng sine sa Alabang Town Center ng Life Of Pi nun. Ito ang unang date namin sa isip ko hihi. Nagdinner din kami right after, pero may nakita kaming asungot. Si Will! haha, Niyaya ko na din siya makijoin kumain.

Muli kami nagkasama papunta naman ng Lipa city para kunin yun pinabili kong pastillas de leche at yema sa kaibigan ko dun. Sa bus palang ay may ikinagulat akong tinanung niya sa akin.

"mac, sa palagay mo kung di ka aalis...pwde kayang maging tayo?"

Bumilis ang tibok ng puso ko sa tanong niyang yun. Hindi ko yun inaasahan. First time ko siya narinigan ng ganun. Pero sinubukan ko sagutin ng kaswal.

"oo naman bakit hindi. why not coconut nut." nakangiti kong sabi.

"wushu! di mo naman ako type e! sabi mo lang yan! kilala ko mga type mo kaya..." kantiyaw pa nya.

"aba ano ba mga type ko aber?"

"mga kalbo...mga balbon..."

"oo nga. pero moreno ka din naman a hihihi"

We both know naman eversince na ayaw namin ng long distance relationships. Nakakailan na kasi ako na ganun. Laging failed. Kaya wala na kong hope pa for an LDR...

I invited him ulit na mag overnight sa bahay namin nun kinagabihan. This time nag agree naman siya. Dito ko ite-test kung hanggang saan ang limitation naming dalawa. Papakiramdaman ko siya kung ano gagawin niya kapag kami nalang dalawa at nasa iisang kama.

Todo ang aircon sa room ko at balot na balot kami ng kumot. Konting kwentuhan lang then nag decide na kami matulog. Kanya kanya kaming pwesto sa kama. Nakikiramdam ako pero alang move coming from him, kaya naisip kong wala nga siguro talaga. Ginawa lang nya kong hawakan ng kamay! charot!

Nun mag uumaga na di ko lang matandaan sino nauna yumakap basta natatandaan ko nalang nakasubsob na siya sa leeg ko at nakakulong ang katawan ko sa mga bisig niya. Sarap lang ng pakiramdam ko nun umagang yun. Parang ayaw ko na matapos.

"Bango bango ng leeg mo...hmmmm" narinig kong sambit ni Teddy habang nanggigil sa kin.

Matagal kaming nag babad sa kama na nagtatawanan lang at naglolokohan habang hindi naghihiwalay mula sa pagkakayakap sa isa't-isa. Isa to sa mga memorable moments nun bakasyon ko. walang sex. pure laughters and wholesome fun lang ganyan. May ganern! hahaha. Parang ayaw mo na matapos ganyan. Kung pwde nga lang i-freeze ang time...at kung di sana ako aalis ng pinas...

Nagbibihis na siya nun hapon na yun pauwi sa kanila...nilapitan ko siya at bigla bigla ay hinalikan ko siya sa labi...gumanti siya kaya naman nag lapat ng ilang segundo ang mga labi namin...

Parang ayaw ko na nga siya pauwiin nun e haha.

Bisperas ng flight ko nun, nakiusap siya na i-meet ko siya kahit saglit lang dahil gusto lang daw nya ako makita muli at may ibibigay daw siya sa kin.

Saglit na saglit lang ang last meeting naming iyon. Niyakap lang niya ako ng mahigpit at nagpaalam na. Alam ko na mami-miss ko siya....

Nun buksan ko ang laman ng paper bag ay may kasama itong card. Naaliw ako. Now lang ako naka received ng card sa mahabang panahon. May personal message siyang sinulat sa gilid na nagpangiti sa akin
 :-)


12 comments:

Senyor Iskwater said...

Sobrang naintriga ako sa kung ano ang message niya sa card.

Nakakabitin... Nakakakilig ha... Mas naging sweet kasi walang laswaang naganap...

Sana may karugtong pa ang mga moments mo with M...

Naks, buma-Valentine ang post na ito... eeeeehhhh...

Mac Callister said...

@senyor iskwater--hahaha sa kin nalang yun. and im looking forward to seing him again pag uwi ko thisn year :-)

MEcoy said...

wow naman magulo pero nakakakilig ang story nu ahh
naiintriga din ako sa nakasulat sa letter ahh

Anonymous said...

Ayyy kimikirindot si Mac. Hahaha.

bien said...

ganda mo teh. let's do the locomotion

Anonymous said...

Kilala ko ba si teddy? Eh si M? :)

--M from the South

Anonymous said...

ah harooot!!!!


-ceiboh

bagotilyo said...

c teddy ang piping saksi, hahaha

Mac Callister said...

@mecoy--hahaha magulo nga. Pero ok na kami ng ganun.

@will-- hahaha i like the term ha!!!

@bien--halika na sayawin na natin! Charrr

Mac Callister said...

@m fr the south--hmmm, e lang din, not sure hahaha

@ceiboh--haha nakaraan na yan. Yaan mo na aalalahanin ko...

@drama king-- hi smiley

@bagotilyo-- naks naman nakibasa si pogi hehehe

Anonymous said...

aayyyiii!!! katuwa at kakilig ang entry na to.. may kulang pa to mac....di mo sinabi yung isa pang eksena na gala nyo... hmmm.. yes, kilala ko si teddy... he is a good man...walang kapintasan sa sarili...very humble and mabait.. sana magkaroon ng pagkakataon na maging kayo.. i will be happy pag nangyari yun kahit team B ako...alam mo yan.. hahaha...*actually, 2nd place sya kay B na sinusuportahan ko para sa'yo.. haha* - exhumed_angel

Archieviner VersionX said...

Parang kilala ko sya. hehe :D