October 15, 2012

Pumapartey



A month ago, nagplano kami ng surprise birthday party sa aming friend na si Fatima, ang pasimuno ay ang kanyang hipag. Sa ilang taon kasing nakaraan lagi nalang sikreto ang bday niya, malalaman nalang namin sa FB at tapos na! kaazar davah? lol

Kaya naman nakipagsabwatan ako, kasama pa ang ilang kaibigan. Kami na ang sikretong nagpalaganap ng masamang plano haha! Nag imbita kami ng mga kaibigan na close sa knya. Isa sa mga pampalipas oras ng mga nasa gitnang silangan na pinoy ang mga private parties. Dito lang kasi halos nakakapag sama sama bilang busy na ang lahat sa knya kanya work at pamilya.

Yun hipag na ni Fatima ang sumagot sa lahat ng food na ihahain. Pero madami pa din ang nagdala ng foods like cakes and etc. Ako walang dala. Sarili ko lang. Sayang ala ako date. LOL

Kaso itong hipag ni Fatina na si Rowen ay pagkakulit kulit! jusko pag natawag siya sa kin sa telepono ay muntik na ko makatulog sa haba ng kwento! Minsan nga pinagtataguan ko na!

Sinadya ko mandeadma sa mga anumang plano ni Fatima sa bday nya, kasi nakita nya na lahat kami off nun araw na yun! kasi nga nag request na ang lahat ng OFF. kaya naman nag iisip siya magplano!at swimming party gusto ng lola nyo! patay!

Nag dahilan ako na di ako pwede dahil may date ako sa gabing yun. Na kinagat naman niya. At nakita ko na ampalayang ampalaya mukha niya! LOL

At kagabi nga, sabado, Oct 13, dumating na ang pinakaaabangan ng lahat. Andun lahat ng naimbita namin. Complete with props pa kami na pang kiddie party! kakaloka!


ako yan habang sumosolo sa event haha

Pinakamasaya nun nag re-rehearse kami kung paano namin siya susurpresahin. Pinatay ang ilaw, ang timing, ang mga cue, ang script ganyan. Ang saya lang. Para lang kaming mga bata na ke haharot at mga sira ulo.

Si Rowen ang susundo kay Fatima sa building nila sa hospital accommodation for girls.Kapag nagmisscall na siya kay Aileen ibig sabihin need na namin pumuwesto at magpatay ng ilaw.

At nung nag ring ang phone ni Aileen takbuhan na kami at nag panic! Yun pala ibang tao yun tumatawag kay aileen boylet nya ata! sarap lang nya sabunutan di ba? balikan na naman kami sa kulitan at lighst on. hihihi. Muntik na nga mapundi un ilaw kaka false alarm!

At dumating na nga ang takdang oras! Moment of truth!

Kaso palibhasa itong si Rowen ay nuknukan ng pasaway! Hindi sinunod script namin! lahat ng bilin namin wala siyang nagawa! anglakas ng kaba namin kasi feeling namin mabubuking kami! hahaha

Buti nalang nakisama ang pagkakataon  kahit na palpak si Rowen ay naisagawa pa din namin ang masurpresa siya at hindi nya kami nahuli!

Success ang birthday party! nakita namin na masaya siya na andun ang mga friends nya na akala nya ay kinalimutan ang birthday nya.


Ayun mega kainan at inuman na ang lahat. At mawawala ba naman ang videoke? kaloka!

I love surprises!

And I love parties! hihihihi.



Here are some of the pictures:



the surprise!



best part: kainan!




nakikipagpatayan pa ko makapag papichur lang kami ni Wowie! *dakota siya*feeling ko* LOL! (busy yun misis niya sa loob! hihihihi! at si chris pala di ko alam na nasa likod! kaazar!)




Thanks for reading guys! mwah!




10 comments:

Cute Desert Boy said...

haysss sana ganyan din ako :((

khantotantra said...

honsoyo ng bday!

natawa ako sa caption, with matching kutob na dakota yung guy. sayang at may photobomber, di kayo solo. hihihih

MEcoy said...

ang sweet nmn haha natawa ako sa false alarm hahaha

Mac Callister said...

@desert boy--bakit naman? pumarty ka din dyan hehe, teka san ka ba?

@khantotantra--hahha feeling ko as in lakas ng kutob ko na malakiiiiiii! LOL

Mac Callister said...

@mecoy--uu yun ang higlights ng party un practice namin at yun mga false alarm! chos

ZaiZai said...

ang saya naman! next time pag plan ka din ng surprise, magtago ka sa kwarto ni Wowie! at i-conform mo kung dakota nga haha :)

belated hbd kay Fatima! :)

Bino said...

wow puro anonymous ang casts. lol

Mac Callister said...

@zai--hahaha magandang idea yan! ang smart mo talaga friend!

@bino--haha ganun talaga kapag nagtatago! bleh!

juneosidabenitez said...

Sosyal ng mga guest at celebrant, parang celebrity.. may mga takip sa mukha.. uhmm gwapo yata si Wowie based sqa mukha..hmm kaya yata nakipag patayan ka? lol

Pink Line said...

bat ganun pati ako naeexcite habang binabasa ko to haha.. i love surprises too pero gusto ko ako ang sinusurprise..and i so love videokie!

mukang cute si wowie..dimples pa lang alam na..hehehe...

hi..new reader po :)