July 20, 2012

Sharing The Night Together


Last week on The Mac-Show:

LOL

Pagod na pagod siya kaya naman pinatulog ko muna siya sa kama ko. Hindi dahil sa kung anu pa man na iniisip nyo ok?

Galing pa kasi si JJ sa work maghapon pagkatapos ay tumulong siya sa pagluluto sa birthday party ng cousin niya at super late na natapos, kaya naman pagdating sa flat ko ay pagoda wave lotion na siya. Wala na siya ka-lakas-lakas mag perform, charrr!

I'm just watching him sleep on my bed, using my pillows.

First time nya makarating sa napaka-makalat kong kwarto. I invited him tutal naman nasa malapit lang yun party ng cousin niya. Para na din makapag solo kami. Ilang araw na din naman ang nakaraan mula nun una kami mag date.

Hiyang hiya siya kasi ang haggard lang daw ng itsura niya. Sabi ko lang. OO halata nga! char! haha. Pinahiram ko siya ng mga paborito kong pambahay. Yun durog durog at butas butas kong t-shirt. Nagmukha siyang yagit nun ma-make over na! LOL

Gustong gusto ko kapag niyayakap ako mula sa likod. I felt this kind of comfort. And this feeling na parang ayaw ako pakawalan nun katabi ko kahit sa pag tulog. ewan. nakakakilig. basta gusto ko ang spooning.

And JJ is a hugger. Buong magdamag siya nakayakap sa akin. He don't wanna let go of me. Sa maniwala kayo at sa hindi, walang nangyari sa amin. Pwde pala yun. kaya ko pala hehehe. Or dahil bagong bate ako nun previous na gabi? charrr!

Nakakatawa lang ang first kiss. Kakalapat palang ng lips ko sa lips nya, nakabuka na agad siya ng oa lang at nakalabas na dila. Ew! ayoko ng ganun! LOL

Told him to follow me. Very willing naman siya. I like his personality. Magaan. I guided him and naging instant kissing lesson tuloy ang naganap. Nun finally tingin ko alam na nya. Ayun na napudpod na mga labi namin ng wagas na wagas! hahaha

Dumating na nga sa punto na ako na tumatakas and he kept on chasing my lips.

Adik lang siya.

Char!

Masaya siya kasama. We enjoyed each other's company. Pero parang di pa din ako sure sa kanya, I don't know, parang may kulang pa rin. Yung kick ganyan! basta!

Hayz. Magulo ako, alam ko.


Anywayz, kinig and nood na lang tayo ng isa sa mga fave song ko :-)


10 comments:

Brian said...

ehem... mukhang iba ang level ah... bumalik na yung mga video clips sa mga entries mo sa huli eh LOL ☺

KikomaxXx said...

hahaha yan na talaga yan.. hahaha

Justin said...

eee yung nga yung gusto ko eh, spooning ang cuddling lang. kahit walang mangyari, basta we're snuggled together under the blanket naked :P

MEcoy said...

sweet hoho ako ung touchy samen ng gf ko at ako din una nagigising kaya aun sarap nya pag masdan

dane said...

Ang harooooooot! Haha!

Im happy for you, mac. Push niyo lang yan!

krisjasper said...

Hey Sexxxy MAc! Please check my
3rd site (ahem*) I know, I know.... I'll stay "longer" this time LOL

www.krisjasper.wordpress.com

Mac Callister said...

@brian--ahaha kasi i like that song, e parang bagay lang sa entry ko. basta! we;re still getting to know each other, thats our status right now hehe

@KIKO--we will see where this thing leads :-)

@justin--yeah, ang sarap lang makipagyakapan sa malamig na room hehe

@meeCoy--oo tappos kiss kayo ng di pa nag brush ng teeth"! wagas hahaha

@DANE-- hello there, new reader kita? first time kita makita dito a hehe, thanks for reading :-)

@kj--ay naku ayan na naman!!!! hahaha

Jenny said...

just enjoy the moment kung ano man meron kayo kasi in the end you will know naman kung may patutunguhan talaga either nangungulila ka lang na may kayakap tuwing gabi or you really really like/love him talaga

krisjasper said...

My God! Mac! Good thing 18 nako. LOL Yung post mo kasi may pag ka naughty. lol

victormanalo said...

sana yung original singer version ni Dr. Hook...that was the best version...