November 8, 2011

Pwde Bang Mamatay Na Lang?! Now Na! LOL


Dumating na ba kayo sa puntong gusto nyong saktan ang isang kaibigan?

Yung iduldol ang pagmumukha niya sa maligasgas na pader at saka balatan gamit ang mapurol at kinakalawang na kutsilyo at saka tadtadin ng pinong pino? o kaya naman e tapyasin ang mga labi niya at iprito sa asido at saka tahiin ang bibig niya gamit ang barbed wire?

O kaya patayin na lang para may katarungan?!

Ako, Oong-Oo!!!

Nag umpisa ang lahat sa isang party. Birthday ni Rod. Kasamahan namin sa work. Imbitado ang lahat sa department namin at sa department ng asawa niya which is Nursing service. Kabilang sa Nursing Service ang mga cutie na sina Vanz at Hardy.

Sa kanilang dalawa super crush ko si Hardy. Moreno. Lalaking lalaki ang dating. Mahiyain. Parang torpe. Parang nerd. Parang malibog! LOL

Ganun ang mga trip ko! Yun nga lang di ako sure kung bading ba siya or straight. Failed ang gaydar ko sa knya.

Crush ko din nun una si Vanz, pero hindi as in. Slight-slight lang. Yun tipong di ako ganun kikiligin sa knya. Pampalipas ko lang siya ng oras kapag wala ng ibang cute na nurse sa paligid, ganun lang! haha

Alam ng mga kaibigan ko yun sa department namin. Pero hindi ng ibang area.

Duty ako kaya naman sa kasamaang palad e hindi ako nakasama. Ganda! Pero ang mga kaibigan ko ay available. Nagbiro pa ako kay Aimee na bantayan si Hardy. Kapag may aali-aligid e singitan niya agad para di makaporma ang mga gurlalu at boylalu!

Updated ako sa Blackberry Messenger. Nagsesend ng pictures ang friend ko. Sasaya nila. May pictures pa nga siyang sinend kasama si Vanz at si Hardy! At kayakap niya ng mahigpit si Hardy! Inaasar niya ko. Na sinasakyan ko naman kunyari selos ako ek ek.

Hanggang sa mag stop na ang mga updates. Lasing na ata ang mga hitad, sa isip isip ko.


Kinabukasan, nakarating sa akin ang masaklap na balita!


Lasing na ang lahat. Lalo na ang friend kong si Aimee at nakadaldalan at nakalandian niya si Vanz na lasing na din. Inilalakad pala niya ko kay Vanz nun mga oras na yun at sinabi na gustong gusto ko siya. Na kung maari ay bigyan ako ng chance at kung ano ano pang mga bagay na out of my hands na!

Gulat na gulat si Vanz sa nalaman niya. Hindi siya makapaniwala. "Ganun?! Si kuya Mac? isang beses palang kami nag usap a...crush agad niya ko!"

Dahil pareho nang lasing at maingay na nagtatawanan, nakakatawag na sila ng atensyon ng ibang mga bisita.

Narinig ng halos lahat ang mga sinabi ni Vanz. Tinatakpan ni Aimee ang bibig ni Vanz at sinasabing wag siya maingay!

Pero ayaw magpaawat ni Vanz dahil lasing, maharot na siya. Akala nya ayos lang ang lahat! Saka niya sinabi ang linyang naging imortal na sa pandinig ng lahat ng bisita:



"Hindi ko siya TYPEEEEEEEEE!"





Juice ko po!



Yan ang reaksyon ko with matching nganga sabay takip ng bibig nun magkita-kita kami ng mga tao sa department namin at makarating sa akin ang saksakan nang pleasant na balita at ang buong pangyayari nun party na halos mamatay ako sa hiya at gusto ko na lamunin ako ng lupa ng mga oras na yun.


This can't be happening!


Doble doble ang kahihiyang inabot ko!

Una, ay ang idaldal ni Aimee kay Vanz mismo na crush ko siya, na supposed to be ay lihim lang sa amin! at ang funny part pa e dapat kay Hardy niya ginawa ang paglalakad sakin in the first place na mali pa din dahil hindi naman ako nagpapalakad!!!!

At ang pangalawa, ay ang ipagdukdukan sa mukha ko at malaman ng buong bayan ang isang masaklap na katotohan na crush ko si Vanz ...at hindi pala niya ko type! Toink!

Durog!

Warat!

Jusko ate charo!

Naging tampulan ako ng tukso ng mga lalakeng colleague ko na puro sira ulo pa naman!

"wala, laos ka Mac, hindi ka type! wala ka!"

Ang jukit-jukit sa Pride-Chicken ko! shet lang! taena!

Damang dama ko! wagas na wagas...rejected ako kahit wala naman ako ganun feelings kay Vanz!

Sira ulo kasi tong si Aimee! san ba niya nakuha yun idea na si Vanz ang gustong gusto ko? Tutulong din lang siya sa maling tao pa!

Sa maling tao pa!!! repeat 10x!

LOL!

Ang sarap sarap niya tirisin nung mga sandaling yun! Todo apologized naman siya sa akin. As in super sorry siya. Sinumpa pa niya na hinding hindi na daw siya iinom.

Neknek niya!

Echosera siya!

Kesyo usapang lasing daw yun at malamang wala din daw naalala si Vanz.

E siya nga naalala nya e! e di naalala din ni Vanz!!!

Letse!



Nun magkasabay kami ni Vanz ng duty one day, jusko halatang halatang naiilang siya! Hindi makatingin sa akin!

Obviously, naalala niya ang masaklap na katotohanan!




Please kill me now!!!





Tapos mumultuhin ko ang talipandas na kaibigan kong si Aimee hanggang sa bangungutin ang hitad! LOL

7 comments:

Leomer Apolonio said...

Hahaha!

Akala ko ang mga tuksuhang ganito ay sa high school lang makikita, o mapapanood sa TGIS, Click, Tween Hearts, Gimik, Tabing Ilog o Growing Up!

Natatawa at natutuwa ako sa pagkakwento mo Mac! Hahaha. Yaan mo na si Vanz. Feeling ko magka-crush din sa yo yun. Gawin mo, ipagkalat mo na hindi mo na siya crush... At iba na ang type mo. Magtataka yun. Gawain ko dati yan eh. Effect naman. Chorlat Mae.

Hahaha!

Brian said...

wahahahahahaha sa totoo lang Mac ha, parang nanonood lang ako ng Grey's Anatomy o di kaya Private Practice every time nagbabasa ako ng mga post mo regarding your work ang KWELA!! (naman! taba namang gawing entertainment ano? hehehehe)

Anyways, yaan mo nlng sya, 7 days lang ang life span ng chismis ☺

Yung, Aimee, lasingin mo nlng ulit tapos ibaon mo nlng sa desyerto WAHAHAHAHA

pano na si Hardy? Baka secretly, crush ka rin nun at na hurt yun! ☺

egG. said...

aaayyy ang saya saya naman ng buhay mo!!!!! parang teenager lang ang peg!!!! hahahaah....

pero inpernes sarap naman ng feeling ng ganyan yung malalaman ni ganto na crush mo siya den malalaman nya den mapapahiya ka den magkakailangan tas in d end magkakatuluyan oh devahhh... parang bumabata lang...

natuwa akong basahin to ser mac... nice happening :D hehe

juan said...

asan ang music video clip?

Mac Callister said...

@leo--hahha!ay naku mare super ilangan na kmi ngayon! wala na din ako mukhang maiharap sa knya!

@brian--salamat at naaliw ka hehe, pero napatawad ko na un friend ko, afterall bangag siya at mahal ko kasi yun gagang yun :-0 hay naku si hardy jusko ang hot hot niya kapag nakikita ko na naka scrub with his cute long hair hehe

@egG--hahaha hay sana nga ay magkatotoo yan!!! ang saya lang nph tapos ako naman magsasabi na di na kita TYPE! LOL

@juan--uy salamat sa makasaysayan mong comment! LOL

Justin C. said...

di ko mapigilang tumawa sa kwento mo. hayaan mo, at least may mapag-uusapan na kayo ni Hardy. Kasi iisipin niya kay Vanz ka may crush at hindi sa kanya. :)

c - e - i - b - o - h said...

e di ikaw na ang nakakuha ng attention ng lahat,, panalo ka pa rin!! ahahahaha

hindi pa ba dumadating un bullet jan? kahapon ko pa pinutok ah.. wait mo na lang, baka naligaw lang.. LOL