July 14, 2011

A Good Night Sleep


"Mac, san ako matutulog?" tanong ni Brian nun silipin nya yun room at wala na yun kutson na nilatag ko last year nun dito din siya natulog. Bakasyon ko din yun. Hinatid nya ko sa airport with my family.

"Wala na yun e, sira na. At saka may daga dyan sa sahig akong nakita. Mamaya gapangan ka pa, gusto mo???!" depensa ko. Muntik na ko mapatawa sa inimbento kong daga. Hindi na siya umimik at tuluyan ng pumasok sa kwarto para matulog.

Nasa mall ako kanina para magpa-facial treatment nun tumawag siya at sinabing on the way na daw siya to visit me bago ako lumipad pabalik ng middle east. Saturday ngayon at sa wednesday na flight ko. Nagtatampo ako sa knya kasi tagal ko ng inaantay na bisitahin nya ko. Ngayon lang naisipan ng hayop. LOL

Sinagot ko na din facial nya, pagkatapos, kumain kami ng dinner. Nun una medyo naiilang pa kami, halos wala mapag usapan, pero eventually, naging at ease na ulit kami sa isa't isa kaya nagkukulitan na ulet.

Pahapyaw nyang nabanggit na nakipag break na siya sa current bf nya. Kunyari di ko narinig. Tuloy lang ako sa pag kwento. Sa isip isip ko, this is getting better and better. At least kung mag sex man kami di kami magi-guilty! (sabi ng dimonyo sa isip ko sabay ngiti!LOL)

Pagdating sa bahay, malugod naman siya kinamusta ng pamilya ko. Bakit daw ngayon lang siya ulet dumalaw blah-blah-blah.

"See love na love pa din ako ni Tatay at ni ate..." bulong nya nun nanonood kami ng TV.

"Oo nah! ikaw na!"

me and brian at enchanted kingdom

More than three years na nun mag break up kami ni Brian. Siya ang pinakamatagal kong nakarelasyon. 19 years old palang ata siya nun haha. Pero nanatili kaming magkaibigan sa kabila ng lahat. At siya lang din ang nakasundo ng sister ko ever.

Heto nga, nakahiga na siya sa kama ko. Nakatagilid. Kita ang makinis na legs. Kita ko ang kurba ng balakang.

Nilibugan ako...

chos!

Naisipan ko nalang mag browse ng blogs. Inabot din ako ng ilang oras. Tuwing maalimpungatan siya sa pagtulog nakikita kong naiinis siya. Parang gusto mahiga na ko at mag sex na kami! LOL (inisip ko lang yun, di ko sure haha)

Finally, naisipan kong matulog na din. Nakatihaya ako sa kama. Mulagat. Nakatitig sa kisameng madilim. Masikip. Single bed lang kasi yun. Pero that's the idea e, yun masikip. Alam na!!! Nakatagilid pa din siya sa kin. Nakailang ikot ikot ako sa kama. Di ako mapakali. Kelangan akitin ko to'ng gagong to! LOL

Nilakasan ko ang loob ko at tumagilid din ako paharap sa knya.

Iniyakap ko yun kamay ko sa tagiliran nya.

Nakiramdam ako.

Walang reaksyon.

Dinikit ko pa lalo ang katawan ko sa likod nya. Wala pa din reaksyon.


Deadma.


Nilagyan ko ng unan ang sa may parte ng etits ko kasi kakahiya naman na maramdaman nya na matigas na matigas na yun "ano" ko. haha! Baka isipin nya pervert ako!


Dikit na dikit na ko sa knya.

Hmm, napangiti ako. Napayag si mokong. Nun last uwi ko, Dati dati kung itulak tulak nya ko e. Iniyakap ko pa ng mabuti ang braso ko sa katawan nya.

Iginapang ko pa ang aking mga kamay...

may hinahanap...

madali ko naman natagpuan.

Ang malambot nyang kamay.


Inihulma ko ang aking mga daliri sa knyang mga daliri...

Naramdaman kong pinisil nya at hinigpitan ang pagkakawak sa mga daliri kong nagpilit mangahas...

Sa kakaibang saya ko nakalimutan ko na ang maka-mundo kong balak. Napalitan nalang ng pagkalma ng kalooban. Ng excitement ng puso.



Hanggang sa makatulog na kami pareho sa ganu'ng posisyon.





(Click HERE for all related posts about Brian)

8 comments:

Leo said...

damang dama ko ang kwento mo mac. napangiti ako... :)

Nimmy said...

ang halay na matamis at the same time! panalo ka teh! me wishes you good luck! :D

Mac Callister said...

@leo--hahaha thanks my friend! halatang kaibigan kita kaya ka ganyan!chos! may kadugtong pa ito, next time ko nalang isulat, mahaba na masyado e :-)

^travis said...

will be waiting for the next post, Mac.

Ms. Chuniverse said...

Parang ayaw pumayag ng diwa ko na natapos ang lahat sa isang mahimbing na tulog.

Choz!

:)

Emil said...

Brother, relate ako sa post mo n yan... di ba nung nandito ka pa, panay ang kulit ko sau if Brian already met up with you? ang lagi mong sagot - ewan ko sa kanya, di na ako nag-eexpect ... ha ha ha.., meron din palang kinahinatna yung mga tanong ko sa yo... all I can say - Brian is a soulmate, waiting for you ever ...

daniel the jagged little egg said...

Hehehe nakakabitin naman yun'. Masakit yun sa puson : )

KikomaxXx said...

weeee.... hahahah