
Two years ago, bagong salta lang ako dito sa bahaging ito ng middle east...ang bilis talaga ng panahon...ngayon madami nang nangyari, marami akong natutunan. Isa na nga talaga akong OFW...yun nga lang, bading na OFW...toink!
Pero laking pasasalamat ko kasi super enjoy ako sa trabaho ko, sa mga mababait na kasamahan at higit sa lahat sa mga naging kaibigan ko dito.
Di ko pa pala na i-share sa inyo ang nangyari mula nun unang tapak ko dito sa gitnang silangan. Samahan nyo kong balikan ang mga pangyayari dalawang taon na ang nakakaraan:
(insert music...#harp playing)
Pagkahatid ng pamilya ko sa kin sa NAIA, hindi pa ko nalungkot nun. Para ngang wala lang. Parang luluwas lang ng maynila drama ko.
Unang sakay ko ito ng eroplano. Kabado na excited ang pakiramdam ko. Di ko pa alam nun na bulok pala ang Gulf Air! hahaha. Hinayupak kasing agency ko, tinipid pala kami, wala nga kami'ng placement fee kahit singko pero kinupit pala nila yun pambayad dapat sa Qatar Airways! na isang world class airline! Go figure!
So ako naman yun, kiver kung anong sasakyang airline, go lang ako sa flow.
Sinabi sakin nun recruitment agency ko na may kasabay daw akong pinoy muslim, medtech siya, therapist ako. Pero pwede na sabi ko sa isip ko. Ang mahalaga hindi ako nag iisa papunta dun. Na-meet ko naman si Kuya agad sa airport. Mga edad 40 na siya. May walong anak sa mindanao. Mabait naman siya.
Yun nga lang naiipon lagi ang laway sa gilid ng labi nya tuwing magsasalita (ansamaaaaaaaaa ko! LOL)
Nag stop over kami sa bansang Bahrain ng isang oras ata yun. Puro Pana ang nakikita ko. Excited na ko makakita ng mga arabo. Gwapo kasi ang tingin ko sa lahi nila. Upo lang kami sa airport, antay ng oras. Si kuya sanay na, kasi galing na pala siya sa saudi 3 years ago.
Nun finally nakarating na kami sa Qatar airport, kabado na ko. Pano pag nahalata nilang bading ako? OO yun una tumakbo sa isip ko haha! Ayaw ko umuwi noh! Tinanggal ko ang agam agam. Di naman siguro. Tinignan ko sarili ko habang nakapila. Manly naman ang suot ko a...LOL
Pati sinunod ko lahat ng bilin sakin, walang naka save na file na bold or M2M sa cel or sa laptop in case ma check ang gamit ko. Wala din akong dala mga pork products ek ek. Lalo na mga dibidi-dibidi!
"Uy may arabong cute!!!" muntik ko ng masabi ng malakas!haha. Pinigil ko sarili ko.
Sa wakas, nakakita din ako ng mga arabo na naka white THOUB complete with head dress... naglalakad ako sa likod nila..ang tatangkad nila...naaliw ako sa mga suot nila na pare pareho'ng naka puti~!
Andami nila...nalulunod na ko...chos!
At tama, andaming gwapong arabs! Wagi! Pero siyempre di ko pinapahalata na type ko silang lahat! Balita ko pa naman mahilig sila'ng mang gang-rape!
ay type! chossssss!
Paglabas namin sa waiting area ng airport, ini-scan namin ang paligid sa susundo samin gaya ng sinabi nun taga agency sa pinas.
May nakita kaming Pana na may bitbit na karatula na pangalan ng hospital na pagta-trabahuhan namin.
Lumapit kami sa knya at tinanung niya kung kami ba sina ganito at ganire hehe. Pagkatapos inabot nya samin ang dalawang white sobre.
Yun isa naglalaman ng letter na wine-welcome kami sa corporation blah-blah. Pati detalye ng number ng bahay, at room na magiging tahanan namin. Pati na din ang susi sa pinto.
At yun pangalawang sobre naman ay naglalaman ng two thousand riyals (around 24K pesos ata) na gagamitin namin pansamantala habang di pa kami nag uumpisa sa trabaho at di pa sumasahod.
Ayos to! atleast di ko magagalaw yun baon kong $200! Kasi natakot akong wala akong gagastusin pagdating dito kaya nagbaon ako, incase lang naman.
Sumunod kami sa parking lot kung san andun yun company car na magdadala samin sa magiging flat namin. Yun kasi ang tawag sa mga tinutuluyang bahay dito. FLAT.
Dito ko na naramdaman ang matinding init ng panahon. Ang sakit sa balat. Para akong niluluto. Pati simoy ng hangin! Grabe. Imagine 48 degrees ba naman! Yun iba nga dumudugo pa ilong! E sa pinas 32 degrees lang kaya tayo dun.
Buti nalang mayaman tong mga bansang to sa middle east, pano nalang kung poor sila?e di walang aircon kahit saan! LOL
Nakarating na kami sa accommodation namin. Kinatok nun driver yun caretaker ng building at ipinakilala kami.
Egyptian siya. Wala akong maintindihan. Di siya gaano marunong mag english. Nag nose bleed ako hindi sa init kundi sa mga pinagsasabi nya!
Itutulog...
este itutuloy pala!
*kelangan ko na matulog! Galing pa night shift ang beauty ko! LOL