November 23, 2010

Sentimyento Ko


Nauunawaan ko minsan yung mga single na tao kung bakit ayaw nila pumasok sa isang relasyon...marahil, naisip nila, mahirap nga naman, madaming komplikasyon. Walang sakit ng ulo.

Bakit nga naman kasi, pag nag mahal ka, di maiiwasan na masasaktan ka. Minsan iiyakan mo pa ang walangya! (pero di pa to nangyari sakin!--defensive?)

Bakit nga naman kasi pag nagmahal ka, kadikit nito na umasa ka, tapos mabibigo ka lang sa huli...sasabihin nila wag ka mag expect, pero bullshit yun! Nagmahal ka pa kung wala ka naman aasahan sa mahal mo di ba? Taena!

Masarap mag mahal kung mamahalin ka din ng tama.
Yun makikita mo sa maliliit na bagay, hindi lang puro satsat...

Hindi porket lagi nag a-I love you e mahal ka nga!
Patunayan nya letse!

Bakit nga naman kasi pag nag mahal ka, matututo ka mag selos, mag set ng rules...limited na kumbaga ang freedom mo, bawal na makipag textmate/chat, makipag eyeball, at makipag date sa ibang bading!

Aba sino ba namang tanga papayag nun! Jowa mo na tapos nakikipaglandian sa iba?! Haller ok lang siya?

Putol-titi gusto nya?LOL

Pero ang pinaka gusto ko pag nagmamahal ka, nagiging korny ka, nagmumukha kang tanga sa saya, inspirado ka at higit sa lahat, natututo ka mangarap, mangarap ng buhay sa hinaharap na kasama siya...

Yung papakasal kayo, mabubuntis ka, binyagan...

ay!!! potah di pala yan! LOL

Pwera-biro, ang gusto ko lang sabihin, sa hinaba-haba ng pasakalye ko e ito, masakit ipin ko! hahahha!

O ito na tunay na to:

Happy 4th month sa jowa ko'ng abnoy na si Clayton.
You know naman that I love you, ayt?

Though, may pinag daanan tayo lately, pero sana huli na yun kundi, taena ka, sa kangkungan ka pupulitin pag inulit mo pa yun! LOL (may pagbabanta daw sa buhay?hahaha)

"Love is just a word, until someone comes along and gives it MEANING"

21 comments:

KUMAGCOW said...

Ikaw na matapang!!! LOL

Ms. Chuniverse said...

Sana tumagal pa kayo, mga 2 months pa.

choz!

sabihin mo kay clayton, endangered specie ka and your the last of your kind at wala na syang makukuhang iba pa.

best wishes!

=)

Mac Callister said...

@kumagcow--hahaha konti lang!

@chuni--tinataningan nga kami ng mga kasamahan ko dito,sabi nila another 3months daw at un na talaga ang end haha.supportive sila da ba?LOL

hidden mark said...

oooh! so violently sweet. cute. happy 4th

hondafanboi said...

nice tip miss chuni. hahaha...

@mac callister: winner talaga ang brand ng sweetness ninyong dalawa. ako naman... haynaku.. hindi ko alam kung patatawarin ko ba yung ex ko. kasi naman. ang dali dali lang hanapin ng bahay namin pauwi... talaga me stopover pa. ang bwisit pa, nag iwan ng trace. shet!

congrats said...

yun nga naman, 4th monthsary pala. more months and years to celebrate.

sa kangkungan ka pupulitin- rosanna roces kaw ba yan? joke

Anonymous said...

How sweet :D Congratz wish you both more private moments to come :D

Désolé Boy said...

more more more months and hopefully years to come!!

Ming Meows said...

oo nga, sana tumagal kayo. kahit nagger ka.

Virex said...

ganyan ka pala ka sweet sa kanya.. ahahaha...

MkSurf8 said...

congrats!

pahiran mo ng suka (o di kaya alcohol) yung bibig na may blade. hehe

glentot said...

Aray ko ang sakit nung picture... goodluck na rin sa inyo hehehe

Mac Callister said...

salamat sa mga bumati!!!

Ester Yaje said...

nakakarelate ako sa post nato. kaya siguro single pa ko kasi takot akong masaktan. very nice post!

c - e - i - b - o - h said...

napaka-sweet mu tlga...
kangkungan?? the word.. hahaha

Anz said...

i love ur post!!!

Nimmy said...

ang tamis mo talaga neh! kasing tamis ng moscovado sugar! paaaaaaaaaaak!

happy monthsary sa inyo! wooohooo!

Anonymous said...

when you love someone, it is ok to expect but not expect TOO MUCH... try to love yourself more... =)

congratulations mac and "abNoy" (this is for our dear president only... LOL! peace!) clayton for celebrating your 4 months together!

cheers!

xoxo

anthony! =)

m2mtripper said...

Yun o! may jowa ka na pala! laking lungkot ko na di si Egay ang jowa mo. Team Egay for life! =p j/k

Tagal ko na talagang MIA!

Seryoso, Congrats sa inyo! All the best!

Smile. Peace. Love. Kampai!

Mac Callister said...

@m2mtripper--OMG!!! as in OMG!!! i cant believe it na buhay ka pa pala!hahaha.ano ngyari sau langya ka tagal ka namin inantay!

magsulat ka na ulit!

@anthony--another OMG!!! nag cocomment ka na ngayon ha!!!level up na to! LOL.anywayz, thanks sa effort at sa advice!

ʎonqʎʇıɔ said...

o kay sarappp ng may minamahalllll *happy fourth!* :p