August 7, 2013

Limang Taon




Hi friends!

I'm so happy to make this post, kasi its my blog's 5th year anniversary! yey!!!

Beso-beso naman tayo mga kumare. hihihi. Andami nang naganap, andami nang lalakeng umibig at nagpakirot ng puso kong pihikan at sumamba sa bubot kong katawan, charutay!!!

Pero inpernez andito pa din ang blog ko. Parang salot na balik ng balik hihi oo minsan ala ako time magsulat at minsan tinatamad, sorry naman... Pero kita nyo andito pa din si blog ko di ba. Saksi sa lahat ng mga ganap na yan. And of course, you guys, my readers, di nyo ako iniwan after all these years.

Grabe i wanna cry na huhuhu

*arteh lang*

Salamat sa inyo. Andami nang blog na kasabayan ko nun 2008 ang nagsara at nagbura ng kanilang mga posts na labis ko ikinalungkot. Ibang iba ang mga blogs noon, halos di natatapos ang gabi na di ako pwdeng di magbasa ng mga sinusubaybayan kong blogs. At iba ang interactions namin noon. Kakamiss lang.

Ang saya din makatanggap ng mga comments. Lalo na ang mga emails ng mga masugid kong mambabasa. Na ilan sa kanila ay naging kaibigan at kakulitan ko na din sa tunay na buhay. Di ko kayo makakalimutan :-)

Lalo na yung mga natikman ko. charoooooot!

Minsan kasi masarap balikan ang mga kwento nung mga bloggers na yun na tuluyan ng iniwan ang pagsusulat ng blog, pag check ko...ay wala na...sarado na..may ganyan akong mga moment.

Nakakahinayang kasi burahin. Kaya ako never ko burahin mga kwento ko. This is my life. My whole life story. Gaano man kapait at kasakit ang mga nangyari, naks! part pa din yun ng buhay ko e.

Salamat sa pakikipagharutan at pakikisilip sa aking munting puwang dito :-)

So I guess, I'll be here for more years to come, and sana kasama ko pa din kayo sa aking pamumuhay dito sa gitnang silangan at ang aking paghahanap ng true love. LOL *yun pa din talaga e noh? haha*



I love you all.

kaway-kaway.

*feeling artista? hihihi*

23 comments:

Geosef Garcia said...

Congratulations! ;) keep it up!

Soul Yaoi said...

Congrats!

aboutambot said...

kunggratyuleysyuns!

Diwang Bughaw said...

happy 5th M! *haggis ng limang bortang lalaki* hahahaha

kalansaycollector said...

Aww nakakarelate ako ateng sa part na nakakalungkot makakita ng nagsarang blog. :(

Miss ko rin yung interaction dati! Mas umaatikabo talaga. Hehe

Congrats te at naway maging matatag ang blog mo sa agos ng panahon! Hihi

Supladong Office Boy said...

Congrats!

Dapat may pa-raffle. iPhone 5 ganyan tutal 5 years na ang blog mo. Hahaha!

Jenny said...

Haappppyyy Blogversary! Sana makahanap ka na ng true love ;))

Mamon said...

sang-ayon ako kay SOB. pa-raffle ka naman jan! pangkabuhayan showcase! hahaha happy anniv!

Mac Callister said...

@Geosef Garcia @Soul Yaoi @aboutambot--thank you sa inyo :-)

@diwang bughaw--ay nako sambot na sambot ko yan kung sakali hahaha! thanks J!

@kalansaycollector-- oo nga e. sana magbalik sila hehe.salamat sa pag daan at pag greet :-)

@supladong office boy--ahahaha ang ganda ng idea mo. hayaan mo pag isipan ko, sa ngayon ang naiisip ko ay ang limang gabi mong pagpapaubaya sa aking kwarto, charot hahahaha

Anonymous said...

Happy Anniversary Mac!
See you on November!!

-M from the South-

Pao Kun said...

happy 5th anniversary po! :)

Aris said...

happy 5th anniversary! buti na lang alive and kicking pa rin tayo. miss ko rin yung mga kasabayan nating tumigil at nangawala na.

Lone wolf Milch said...

happy 5th anniversary ng blog mo and keep on blogging marami na ring bloggers ang nagstop eh

Deej said...

Wow! Haligi na pala tong blog mo. :) Congrats naman!

Deej said...

Congrats po! :D

Mar Unplog said...

Happy 5th! Eid na! Kala ko ba pupunta ka dito sa UAE? hahaha

MEcoy said...

wow congrats sa 5 years na yan!
di biro yung makaabot ka nag ganyan katagal ahh, ako kaya gang kelan ako haha
anyway bakit wa pa din pics mo

Sa Kalye ni Felipe said...

happy anniversary.... WALANG TULUGAN! =)

Bwryan said...

High five to the big five!
More blogging years to come!
Cheers! ☺

bien aka Ms Singapurah said...

Happy 5th Mac. Blog on

KULAPITOT said...

Bigyan ng jacket at 5000 pesos! Lols

Congratulations eto ulet 5000 na lalaki nakabrip

Ilove ur blog pramis!

c - e - i - b - o - h said...

im back!!! ahahahaha


ganda ng eyes mo jan mare, mukhang wala ka pang tulog noh?? hihihi

happy anniversary sa blog mo!
mishu!!

Axl Powerhouse Production Inc. said...

BOOM!! kaBoom!! COngrats!! matagal-tagal ka na rin pala sa mundo ng blog, tama ka diyan iba ang blogging noon iba ang interaksyon ika nga nila ginagawang inbox ang comment box.. hahaha


Congrats ulit!! 5 more years pa!!!

Cheers!!!