December 17, 2014

Kasi Mahal Ko E...



Naalimpungatan ako sa pagpasok at paglabas niya ng room ko....Busy pala siya sa pagluluto ng lechon kawali sa kusina.

Napabuntunghininga ako.

Boyfriend kong masipag.

Boyfriend kong saksakan ng cheesy.

Boyfriend kong makulet.

Sobra. Pasaway.

Pero wala magagawa.

kasi mahal ko e...

My plus one at our christmas party hehe. 
Kaka celebrate lang namin ng ika limang buwan namin together. Infairness to me ha tumatagal kami. Mukhang magki-christmas ako na may Jowa! achievement toh! sabi nga ng mga friends kong mahadera.

Ang boyfriend kong pasaway na si Jojo.

ay kailangan pang ipagtabuyan para lang umuwi  sa bahay nila. Magka iba kasi kami ng accommodation. Pero dahil deads na deads siya sa akin aba'y halos mag live in na kami. Charrrr

Kaloka!

"Gusto mo ba bang masuspend or materminate ako sa work pag nalaman na nagpapatulog ako ng hindi empleyado ng hospital dito?" Yan ang panakot ko sa kanya pag ayaw pa niya umuwi.

Uuwi nga siya pero may kasama namang maktol. Lol. parang bata lang si mokong. Pero totoo naman yun sinabi ko. Kasi bawal naman talaga yun andito siya sa building ng company namin. Lalo na pag may nagsumbong, buti nalang mababait housemates ko at kasundo niya. Binibigyan niya kasi minsan ng luto niyang meryenda!

Kaya sabi ko dapat uuwi-uwi din siya. Hindi pwdeng tuloy tuloy na andito siya. Dapat may pahinga ganyan para di naman obvious di ba.

Masaya din naman na lagi kami magkasama dahil asikasong asikaso niya ako. Sa lahat ng nakarelasyon ko siya lang ang super ganito sa akin. Ang sarap lang pala ng lagi  inaalagaan at minamahal. Hihihi

At ito ang pinaka bet ko sa pagkakaroon ng boyfriend yun kahit san ko gusto pumunta e may makakasama ako! Kung san ako naroon andun din ang jowawiz ko. Lagi ka pang may kayakap sa gabi!

ito yung isa sa pasalubong ko sa knya from London, para matching charms kami pwde gawing pendant.

"Ano gusto mo ulam Mahal pag uwi mo?" Yan malimit niya tanong. Ang sipag kasi magluto kaya wala ako maireklamo kaya eto ang taba taba na namin pareho!

Kaya masarap ding nasa bahay ko siya. At kesarap naman niya yumakap sa gabi pag tutulog kami. Higpit na higpit. Fave namin ang spooning. hihihi. Pero nagagalit ako pag lagi nakatusok sa likod ko etits niya. Nakakailang kaya! Kaya naglalagay na siya ng unan mula nun!

Nakakatuwa lang na halos pareho na kami pumorma sa pananamit ng di namin namamalayan. At minsan pag may gusto ako damit bibili din siya na ibang kulay naman. Naisama ko na din siya recently sa aming department's christmas party last week. Kaya parang its official na naipakilala ko na siya sa mundo ko as my partner.

Uuwi nga siya sa bahay nila ng mga ilang araw at pagtapos ay uuwi na naman sa bahay ko. Pinakamatagal na ang 3 days! Kaloka.

Nawawalan tuloy ako ng Me-Time mag porn hahaha masarap din kaya mag mariang palad paminsan minsan noh.

Mahilig siya mag alibi at gumawa ng kung ano anong eksena para lang makitulog sa bahay ko. Minsan buking ko naman siya. Natatawa nalang siya pag inookray ko.

"mahal naman ehhhh..." ganyan linya niya na parang batang kulang nalang gumulong sa sahig pag ayaw ko pumayag.

Pero itong alibi niya this week ang pinaka matindi sa lahat! Wala akong kalaban laban!
Pang Oscar award ang script!

"Mahal, may bulutong  yun housemate ko. Hindi pa ko nagkakabulutong. Pano pag nahawa ako mahal...kaya makikitulog ako sa bahay mo ha?"

Napapailing nalang ako na kinantiyawan siya. Ano pang laban ko sa bulutong diba? Lol

Natural wala na naman akong nagawa. Napapailing nalang ako. Ano pa nga bang magagawa ko e Mahal ko e kaya keri na....


7 comments:

Lalah said...

aayiiiiittt. ikaw na!! ang haba ng buhok haha habang nagbabasa ako natutuwa ako at im so happy para sayo sana keep the fire burning!! enjoy the moments being together as if wala ng bukas!! merry christmas sa inyo!

AnonymousBeki said...

nakakakilig!!!! sana magkaganyan din ako, kelan kaya?
matanong ko lang, saan ka po diyan, yung nasa kaliwa o kanan?
Sana magtagal pa kayo, umabot ng Valentines, umabot ng 5 years, and so on and so forth! ♥

Mac Callister said...

@lalah--thank you. and merry xmass din

@AnonymousBeki-- darating din yan, konting landi din kasi minsan hehe.ako yun nanghiram ng damit ni ernie sa sesame street haha. yun naka red.

KikomaxXx said...

hahah ano ba talaga ayaw mo o gusto mo... hahaha sweet nga niya eh.. hahaha

ZaiZai said...

I'm so happy for you te, lagi ko nakikita mga ganap nyo ni bf sa fb :) love love love!

happy holidays mac and bf! mwahs! :)

kalansaycollector said...

ang sweeeeet nomon. infair you put merry sa merry christmas. hehe tunay ngang maligayang paskoooooo sa'yooo mac. :)

Nim The Best said...

YIHEEEEEEEEEEE!!!! SWEET! Pahingi ng pangtanggal umay. Chot! #LoveLoveLove