October 23, 2014

Afternoon Kiss




Narinig kong ipinasok nya ang susi sa may doorknob at bumukas ang pinto ng room ko. Pumasok si Jojo na nakangiti. Binigyan ko siya ng duplicate ng front at room keys ko. Naka office attire pa siya ng navy blue na long sleeves at black slacks. Poging pogi ako sa knya kapag ganito porma niya.

Na make over ko na din hair niya recently haha kaya ayun pasok sa taste ko. chos.

"Hi mahal ko...musta tulog mo?"

"ayun masarap. mahaba..." sabi ko. Parang ang bastos? LOL

Kasalukuyan akong nanonood ng koreanovela nun na subbed ng english. Yung "Angel Eyes" grabe yun. Keganda. Nakakainlove.



Lumapit siya at lumapit sa labi ko para humalik. Ganun siya tuwing darating. Nag smack. Kaso this time iba ang halik niya. May drag. Pahila. Medyo matagal. May konting sabit ng dila paminsan minsan. haha. Don't get me wrong mas gusto ko yung ganun kesa sa lapat or parang tuka ng ibon na halik. LOL

Dahil chosera ako sabi ko "ano ba yan! natatanggal ang lip gloss ko sa halik mo. ayan tuloy wala na!" maktol ko kunyari. Pero totoong naka lip gloss nga ako.

"E bakit kasi naka lip gloss ka pa e nasa bahay ka lang mahal?" ganting okray niya na natatawa.

"Paki mo ba? e naka foundation pa nga ako ngayon di mo ba nakikita???"

"ano??? bakit naka ganon ka pa?" tawang tawa na nandidilat siya sa nalaman. Napatawa na din ako. Di ko na napigilan.

"pasalamat ka inalis ko na yun rollers sa buhok ko at fake eyelashess! tseh!" irap ko pa. At saka ano ko typical na maybahay? exchuse me. Modern woman ako. charot.

 "kumain ka na nga diyan. Ininit ko na food mo. hmmmp"

"itong asawa ko talaga oh may regla na naman ata" iiling siya na naghubad at kumuha ng pambahay sa cabinet.

Pagkakain niya ng late lunch labi ko naman pinapak niya. Charot.

4 comments:

kalansaycollector said...

jusko ang tamis. hihih

anyway maganda nga raw ang angels eyes na yan bilang pinapalabas yan ngayon sa primetime bida. hehe

Simon said...

Gusto ko rin magka ganyan :) haha I want!!

glentot said...

Babaeng babae ka diyan hehehe

JapaneseAdobo said...

wow!
sarap naman... hehehehe