August 8, 2014

"A Special Celebration"




August 04...


Naramdaman ko nalang na may tumabi sa akin sa kama, nagmulat ako ng mata at nakita ko si Jojo kahit madilim ang silid ko. I'm kinda expecting him naman na darating today dahil off ko kaso sa sobrang antok ay di ko na siya nahintay. Galing kasi ako ng night shift nun nakaraang gabi.

Naalala ko pa nga na pinag uusapan namin siya ng mga kaibigan ko na ang bait bait at ang caring niya lang sa akin. na baka siya na talaga ang aking iniintay. naks!

Lahat ata ng hinahanap ko nasa kanya na. He loves me. He cooks for me. Hindi ko na tuloy kelangan mag intay ng annual leave ko just to have ginataang bilo bilo, ng turon, ng sinigang na baboy, etc. you name it and he will cook it for me.

He scolds me kapag ang tamad tamad ko maglinis ng room at maghugas ng plato na in the end siya din naman ang gagawa haha. Kahit lagi ko siya inaaway yayakap lang yun at bubulong ng: tama na mahal wag na mainit ang ulo. Na iirapan ko lang. LOL ang linis tuloy ng cabinet ko kasi tiniklop niya lahat nun andun na damit na pagkatapos ko labhan at matuyo ay basta ko nalang isasaksak sa aparador.

Tapos lakas din niya makakunsinte ng kabaklaan ko. Minsan papasayawin pa niya ako ng mga steps ni Beyonce! o kaya ng no body no body but you! kalurks! tawang tawa naman si gago ang tigas kasi ng katawan ko. Minsan naman ginaya ko yun mga talokbong sa ulo ng mga arabita dito at kunyari muslim ako sabay sabi ng: "As-salamu alaykum" na kunyari ay mahinhing arabita na birhen ang keps. charot

I love him because kahit anong taboy ko sa kanya na umuwi na ay di pa din siya umuuwi at sisiksik pa sa kama na parang bata. Mukhang tanga lang.

I love him because he loves me being fat hahaha! nag dadiet ako pero gagawin naman niya papakainin ako at dadala ng kung ano anong sweets! kainishhhhh! sasabihin pa niya bakit ba daw kelangan ko pa mag diet!

Basta he makes me happy and feel good about my self. and sana ako din sa knya.


Natigil ang pag mumuni muni ko nun maramdaman ko siya sa tabi ko....

Sumukob siya sa comforter at yumakap siya mula sa likuran ko at humalik sa pisngi ko

"happy first monthsary mahal ko..." sabay bulong niya.

Binati ko din siya ng nakapikit pa halos ang isang mata sa antok and inabot niya ang lips ko, gave me a quick sweet kiss kahit na di pa ko toothbrush. LOL.




***

August 7...


And today may panibago akong reason to celebrate!

ang saya lang.

Its my Blog's 6th Year Anniversary!!!

Grabe lang ang tagal na ng munting espasyo ko dito sa net. Proud kaya ako kasi yun ibang kasabayan ko sarado na at tinamad na mag post. Ako andito pa din. LOL. and take note may mga followers pa din ako pala ha and thank you sa mga nice comments and emails and tweets niyo about my posts. (parang artista lang e noh? LOL) Nakakataba ng puso.

Dumating na din ako sa punto na tamad na tamad magsulat kahit andami ko naman pwde ikuda. Kaso hinahanap hanap ng sistema ko hihi. Kaya eto kahit once a week or masaklap pa minsan once a month nalang ata makapag publish. Basta susulat pa din ako. hangga't wala nagsasawa magbasa sa mga kalandian ko. tseh.

Andami nang eksena at mga special moment ang naibahagi ko sa blog ko, halos buong lifestory ko ata andito na. At marami na ding mga kaibigan ang nawala at dumating. Basta move on move on nalang tayo walang mangyayari pag lagi tayo paurong sa buhay. O diba seryosong payo yown! tseh ulet!

Basta yun na! Thank You sa inyong lahat.

8 comments:

Jeki Merlin said...

Congratulations!!! bigyan ng jacket!

shet teh ikaw na talaga ang may hawak ng scepter at korono. pati sash sayong sayo na hahaha

I'm so happy for you. welcome to happy hearts club :D

khantotantra said...

nice.

glad to hear na happy ka sa relationship.

and based sa description mo, mas okay sya compared sa mga dati mong na relasyones.

congratumalation sa 6 years in showbiz este blogworld.

Sepsep said...

Double congratulations Mac! Ang haba-haba lang ng hair mo ah. Saan ka ba nagpa-extend? Mapuntahan nga yan. *hahahaha*

You deserve this happiness. :)

Simon said...

Congratulations :) Hopefully I could get blogging for as long as you are blogging too :) 6 long years is such a long time ')

randy tolentino said...

Congratz...you deserve what happiness you have now. Just enjoy your life with someone special that's you've been longing for. Siguro sya na nga inaantay mo,,i'm happy for you. Avid follower mo ako sa blog na ito. Bawal kami sa office mag internet pero pumapasok talaga ako ng maaga para magbasa ng blog mo.

Mailap said...

a double celebration indeed.
congratulations ate!

kalansaycollector said...

deserve mo yan te.

so happy for you. :)

Guyrony said...

Why do I feel this was part of your big plan?

That somehow you orchestrated the syncing of your blog anniversary and your first month?

Hahaha!