September 15, 2013

Sa Kandungan Mo



Nagmamadali na akong makababa ng taxi na sinakyan ko papasok ng mall. Kanina pa naghihintay si Boking. Putok na din fuse nun. Lol

Tinawagan ko siya at tinanung kung san siya nag hihintay. Galing siya ng work at 9pm siya nag out. 930 ako nakarating. Lagot ako.

Pero since mabait ang bokbok ko di nya ako sinermunan. Hihi

Dumaan muna kami sa gadget store and bought a new galaxy tab 3 10.1 inches para may mapanoodan ako habang nakaduty dahil sumasakit mata ko sa maliit na screen ng phone ko kapag sobrang petiks sa work. Laki ng problema ko noh?

Pagkatapos ay nag start na kami mag grocery. Well, kaya kami nagkita nun gabing yun ay nagpapasama ako sa knya mag grocery hahaha! Naglalambing lang naman ako sa kanya at para makita ko na din siya. Ilang araw ko na miss ang ungas kasi.

"may ginawa ka bang listahan?" tanong niya. Nun sinabi kong Oo, tulak tulak nya ang trolley at hawak hawak ko ang listahan at sabay namin hinahanap ang kelangan ko. Naaliw lang ako sa amin. Para lang kami mag asawa na namimili tapos nakadaster daw ako malaki ang tiyan kasi buntis ganyan tapos may rollers sa buhok! LOL (at talagang nakadaster lang mag grocery?hahaha)

Kapag may di ako nakita ay siya ang aligaga maghanap. Masyado siyang apektado sa paghahanap ko, sabi ko relax ka lang makikita din natin yun. haha.

Tapos naisipan ko bumili ng JUICER. Dahil uso na ang juicing detox and diet ay nagturo ako ng bibilhin. May sale na JUICER kaya naman sinamantala ko na ang pagkakataon na bumili. Natawa lang ako dahil ang laki ng box. Buhat buhat ni BOK nun pauwi na kami nagmukhang kargador ang boylalu ko. Idagdag pa dun ang ilang plastic bags na puno ng grocery items na binili namin. Naglabasan tuloy ang ugat sa braso niya! LOL

I wonder kung may mas maugat pa siyang parte ng katawan! charot ulit!

Pero pernez ang cute nya tignan! parang binatang handang magsibak ng kahoy para sa aking bubot na katawan!

Pag uwi ay nagdinner lang kami ng inorder kong fave niyang ulam na adobong pusit. Gutom na gutom ang Ugok halos maubos ang isang bandehadong kanin kalurkei.

"aminin mo! isa ka bang karpintero? or isang pahinante? ang lakas mo kasi kumain ng rice! LOL" sabi ko.

"masahihin mo naman ako Mac..."

"ay nako ayoko nga! di naman ako marunong noh!"

"konti lang, himas himasin mo lang ganyan" pilit pa nya

"ay ayoko nga! nakakatamad! iba nalang himasin ko gusto mo?" at natawa siya sa joke ko.

Nakaupo siya sa silya sa may dining table nung tumayo ako at umupo sa kandungan niya paharap sa kanya. Nakatingala siya sa akin ng slight at ako ay nakatungo ng konti. I searched for his lips and gave him a quick kiss.

He hugged me so tight na parang nanggigigil. I squeezed him too. Narinig kong bumulong siya:

"kelan magiging tayo Mac? mag one month na tayo magkakilala...."

"darating din tayo dun. I wanna be sure when I commit myself to you"

Hinagkan kong muli ang mga labi niya para mawala agam agam niya. This time mas matagal. Isa ito sa pinaka sweet na kiss na natikman ko. Hinawakan ko pa ang face nya just to make sure di siya makakawala hehe. In return he squeezed my body tighter pakulong sa katawan niya.

Matagal tagal na din nga...siya lang ang pinatagal ko ng ganito. Gusto ko naman ng mahabang ligawan ng slight, ng mahabang kiligan...Ni wala pang nangyayaring sekswal sa pagitan namin. Kiss and make out lang lagi...Kawawa naman haha. Nauumay na kasi ako sa mabilisang pakikipag commit. Usually 2 or 3 dates gow na ako. Nagmamadali. Wala nang aral aral ng feelings. This time I wanna make it special.

Matapos ang halik ay nanatili siyang akap ako. May ilang minuto din siguro. Kulong kulong sa mga bisig niya mula sa aking pagkakakandong sa mga hita niya. It was so sweet of him naisip ko lang...maswerte ang magiging karelasyon niya.

Pero this time,I want to be sure na siya na nga....

I wanna make sure to have a good time knowing him more. This good soul hugging me right now.

7 comments:

Sloane said...

Tama 'yan... Dahan-dahan muna. Mas masarap at worth-it kapag dahan-dahan. Panoorin mo itong clip na ito, sana ay makarelate ka: Dahan dahan ni Viktoria: http://youtu.be/MMhp5uZovnc

khantotantra said...

siguro mas makakabuti nga sayo sir ang hinay-hinay muna before commitment para pak na pak at walang bulbol este buhol sa magiging relsyones. hehehe

Leo said...

Naglevel-up ka na mars! Ikaw na.

ZaiZai said...

friend, sana bukod sa galaxy tab at juicer ay bumili ka na din ng headband, ribbon, pang pony, pang braid - ang haba ng hair mo e! che ka haha! happy for you, ok yan, enjoy mo muna at mag commit pag feeling mo ay go na go na :)

-mark- said...

ahahahaha... ang lande po. pero tama iyan,mas ok yung ligawan na mahaba para every moment is kilig moment.. ngayon lang napadalaw ulit.

SunnyToast said...

I agree...dahan dahan lang pag may time...lol

KULAPITOT said...

Isagad mo na wag mo ng dahan dahanin pa lols