July 3, 2013

Maki-Ride






Napaaga ang sunod naming pagde-date nun, naging saturday imbes na sunday. Atat na kasi ako manood ng Man of Steel, tapos hindi na siya pwde ng sunday kaya ayun. Hindi na kami nakaabot sa Imax dahil naubusan na ng tickets. Kumain muna kami saka tumuloy sa sinehan. Nag 2D tuloy kahit masama sa loob ko. LOL

Last full show yun at almost 3am na natapos ang movie. Usapan na namin na sa house ko siya matutulog. Maayos naman ang unang gabi namin. Lambingan. Usual making out session ganyan. Hindi pa din ako nakipag sex. Oh hah!!! ako na talaga haha.

Nakuntento na ko matulog kami ng magkayakap. Ramdam ko sa mga haplos niya na gusto nya may mangyari kaso ayoko pa e. Ayoko na parang katawan nalang lagi at sex na agad kahit wala pang love. hihihi. ewan kung hanggang kelan ako magiging ganito. Baka next month mag iba na ulit. charot.

Gustong gusto ko yung may kayakap sa pagtulog. A warm body next to mine. Kakaibang feeling. Ito ang madalas ko namimiss e. Kesa sa makipag sex na nakakapagod at nakaka tamad sa dami ng preparation. hahaha! ang messy pa after. LOL

Tumunog ang alarm clock ng alas nueve ng umaga. Ginising ko na si Gerald. kelangan na niya mag ayos at umuwi dahil may pasok pa siya ng after lunch at medyo malayo ang uuwian nya mula sa flat ko.

Nun matapos ay inihatid ko na siya sa pinto na nakapikit ang isang mata ko sa antok. Nag akap at nag good bye kiss lang ako at muling bumalik sa pagtulog.

Wala pang sampung minuto mula nun makaalis siya ay tumunog ang phone ko. Si Gerald. Tinanung ko kung bakit siya napatawag.

"eh Mac, nakalimutan ko sabihin sa yo kanina na, hihiram nga pala ako ng pamasahe sa 'yo..."

Hindi ko alam kung nanaginip lang ba ako or what. Napaupo nalang ako at huminga ng malalim. Na turn off na ko...hoping na sana ay hindi ko naririnig sa mga labi nya yun.

Pinaakyat ko siya muli sa floor ko at nung magkita kami sa may pinto ng elevator ay inabot ko sa knya ang 20 riyals. sabay sabing: Ingat ka.

"bayaran ko sa yo pag sweldo ko ha. thank you" sabi niya.

Sinubukan ko iignore yung moment na yun. Baka naman kasi kapos nga talaga. Kaso sana di nalang siya sumama sa house ko kung alam na niya na wala siya pamasahe pauwi. Ewan ko sa inyo pero for me, rule 101 on gay dating:

wag na wag ka mangungutang sa taong dinedate mo.

Ang paglalandi at pakikipag date ay isang magastos na paraan. haha. aminin na natin di ba. wala kayo mararating if wala kang panggastos. mapa restaurant man yan, nood sine, or pang motel. lalo na ang pamasahe. kaloka.

I don't mind spending for the bills sa restaurant or ilibre kita ng sine, lalo't alam ko naman na mababa sahod ng ka date ko, kasi kaya ko naman, walang halong yabang. Kinain naman namin pareho yun so why not di ba. Pero hindi ibig sabihin lahat ako sasagot. pati pamasahe mo. LOL

Nanamlay ang pag message at pakikipag usap ko kay Gerald after nun. Hindi ko alam pano siya lalayuan na hindi naman siya masyado masasaktan lalo't ramdam ko na eager siya to be with me.

On our third date after a week, kumain kami sa Shake Shack at nanood kami ng World War Z. Super bored na ako sa company niya. Silent type kasi siya talaga to the point na panis na laway ko. Nakakapagod din kasi ang mag gawa ng conversation. Yung hindi spontaneous ang pag uusap nyo. Sa isip isip ko nun ay last na ito. I need to get away from him na.

The next day habang nagtitiyaga akong kausap siya sa Whatsapp ay mas ginulantang ni Gerald ang mundo ko:

"mac may sabihin sana ako sa yo kaso parang nakakahiya kaya wag nalang..."

Kabado ako nun. Ramdam ko ng baka umutang siya sa kin. jusme gerald maawa ka naman sa sarili mo sa isip isip ko nun.

"ano yun?' patay malisya kong tanung.

"hindi wag na, nakakahiya e..."

Ikot lang eyeballs ko to 360 degrees ganyan. pero kinulit ko pa din to satisfy my curiousity. (A) baka sasabihin may sakit family nya, (B) walang pambayad ng kuryente sa pinas, or (C) may naospital blah blah...yan mga naiisip ko. LOL

"Di ba may credit card ka?" he continued

"oo, bakit?"

"may bilhin sana ako, makiki ride ako sa card mo sana..." sabi pa niya.

Nabigla ako. First time ko makarinig ng ganun. Makiki ride. Hmm, iba toh ha hehe, none of the above dun sa mga naisip ko kanina na sasabihin nya hihihi.

Pero na turn off pa din ako. kahit iba pa itong sinabi nya now. Kasi, hindi ko pa naman siya lubos na kilala...pera pa din ito e...pano kapag di siya nag bigay ng panghulog monthly...pano pag tinakasan nya ko...I mean there's so many things that could happen.

At mahirap mag involve ng pera sa kahit anong gay relationship. Lalo't nagde-date palang kaming dalawa.

"ah, kasi Gerald, pasensiya ka na, pero hindi kasi pwde..." sagot ko nalang.

"ah ok, I understand"

"e matanong ko lang ano ba bibilhin mo? curious lang ako"  i really wanna know

"buy sana ako ng Iphone 4S..."

Nanlaki mata ko. Jusmio. Wala na nga siya pamasahe bibili pa siya ng iphone. kalurkei. LOL pero iba isinagot ko sa knya.

"saka na yan, may phone ka pa naman di ba. pagtiisan mo na muna phone mo. ipon ka nalang, soon makakabili ka din, mas madami ka pang dapat pag tuunan ng pansin" payo ko, sincere ako dito nun sinabi ko yan.

"nag hahang na kasi tong phone ko ngayon" katwiran nya.

"may mas mura naman na mga phone, yun nalang pag ipunan mo, gerald"

"ok lang, sige salamat, pasensiya ka na. Sige antok na ko, good night." bigla niyang paalam.

Naloka ako. Nagtampo? kala ko ba ok lang daw. LOL

tsk tsk tsk

3 days siya hindi nagparamdam. Which is a good thing na din, atleast nagkarason para hindi na ko mahirapan iwasan siya. Its obvious na sa pag iwas niya sa akin na nadisappoint siya na di ko napag bigyan ang gusto nya. Baka iniisip nya na deads na deads ako sa knya at mag sisisi sa naging pasya ko.

Nakakalungkot lang, mabait pa naman siya. Yun nga lang.

Haist.

11 comments:

khantotantra said...

ay..... akala ko sya na ang para sa iyo mac....


kaso-kaso-kaso....

mukang money matters si boy.... like.... seriously....bibili ng phone na makikihitch sa credit card? maygas...

Mac Callister said...

@khantotantra--haha nakakaloka nga e. kala ata niya sobrang tanga ko

Anonymous said...

there you go! nagpakilala dahil sa pera. good judgement!

Mac Callister said...

@bino--oo obvious na obvious ang silent treatment niya sa akin hahaha

KULAPITOT said...

Ginawa ka png pangcharity hahaha .. 4s lng nmn hahahaha :)

MEcoy said...

awts oks na eeh may humirit pa ng ganun, tsk tsk tsk malaking EX

Mac Callister said...

@kulapitot--haha kala ata nya andami kong pera porket nililibre ko siya tuwing lalabas kami. kaloka lang.

@Mecoy--kaya nga e. na turn off na nga ako dun sa pamasahe dinugtungan pa nya haha di na siya naawa sa sarili nya. charot

kalansay said...

sobrang TURN OFF! :(

Phioxee said...

Hahaha natawa ako don sa da moves ng lalaking yun :-)

Pink Line said...

ay ka-turn off nga.. kaloka pati talaga pamasahe ah..

Anonymous said...

Eto pala ung sinasabi mo saken sa wechat. Kaloka naman. Anyway true naman yun yung sinabi mo.. lalo na at nagdadate pa lang kayo -- san hinintay nya na lang na naging mag jowa kayo. Hahahaha. Chos.

Mac, pa ride din. :-)

-M from the South-