May 16, 2013

S.N.L


(Saglit Na Landian)




(Medical Escort Sa Pinas Part 3.)

Ikalawang araw sa aking six days na pananatili sa pinas ay nagpaluto ako ng piniritong galunggong at nagpa gisa ng patola sa sister ko na may sabaw at miswa. Grabe lang! wagas ang tanghalian ko nun sa sarap. Na-miss ko kasi tong mga toh. Maswerte ako at nagkaroon ako ng chance na makauwi kahit sandali lang.

Alas tres ng hapon dumating ako ng shaw blvd. Napakainit lang nun araw na yun!

Hinintay ang pagdating ng paimportante kong kaibigan na si SB. Imagine ako ang galing ng Laguna siya pa ang na-late e taga Pasig lang ang kupal na yun ha. tseh.

Masaya kaming nagkamustuhan at inakbayan nya ko na may halong pag squeeze sa bubot kong katawan. LOL.

Nagcheck-in ako muli sa Shaw Residenza ng 2 nights, mabait yun manager nagsend lang ako ng email sa knya 2 days prior to my flight na nagpapa-book ako ng isang unit kahit hindi ako nag deposit sa bank account nila ng reservation fee ay pumayag siya. Sinabi ko kasi na wala na ako time and mabilisan lang ang aking pag uwi nun mga panahon na yun. Im glad na she trusted me. I love Shaw Residenza talaga!

Pagka settle ng mga kelangan pirmahan at bayaran ay sinamahan na kami ng receptionist sa unit na binigay nila sa akin.

Kasama ko pa din si SB ay nilibot namin ang buong unit at nag relax ng konti. Ito ang una namin muling pagkikita after ko bumalik ng doha nun january. Mukha namang namiss nya ko hihihi.

Nun makaalis yun receptionist at nasa second floor ako ng condo at mag-a-unpack sana ng mga gamit ko nun bigla siyang sumunod. Niyakap nya ako mula sa likuran ng mahigpit.

Nagpayakap naman ako. LOL

"Paamoy nga ulit ng leeg mo...hmmm" may pangigigil niyang sabi. Mas gusto daw niya yun dati kong scent. Nagpalit kasi ako ng pabango, naka Chanel ako ngayon. Aqua Di Gio yun dati.

Inihiga nya ako sa kama na yakap yakap pa din ako...kumawala ako pagkalipas ng ilang saglit para mapaharap sa kanya. Inibabawan ko siya at saka hinalikan ng light na light lang sa lips. Na-miss ko din naman siya. Naalala ko kasi yun mga private moments namin noong january kahit papano. At may constant communication kami kahit na nakabalik na ako sa Dowha.

Ilang beses din naglapat ang mga labi namin nun mga oras na yun. Hanggang sa nararamdaman ko na unti unti nagiging mapusok ang mga kilos ni SB. Nakalas na nga niya ang sinturon at butones ng pants ko ng di ko namamalayan e.

Pero inawat ko siya at sinabi "baka biglang dumating si Cutie Pie at makita tayo sira ulo ka!"

Kumalas siya at saka humilata na parang pagod na pagod sa kama.

Hindi naman siya nagpumilit pang muli. Pero ramdam kong nadisappoint siya. Kitang kita ko kasi ang massive hard on nya mula sa shorts niya. Taba kasi kaya namumukol. Charrr!

We stayed at the bed for a few minutes na nagkukuwentuhan at nag bibiruan. Im glad na kahit na may halong landian at manyakan ay nananatili kaming mabuting magkaibigan haha. O di ba pwde naman pala yun!

Tinulungan niya akong mag grocery sa katapat na Puregold para sa mga personal na gamit at ilang supplies na kelangan ko for two days. May mga darating din kasi akong blogger/twitter friends later to join me for dinner na next time ko na kwento. Antok na me. LOL

5 comments:

Bwryan said...

Napakasafe scent talaga ng acqua di gio, like talaga sya ng marami ☺

Ikaw na maraming boys, Macoy! You alreay! Cge next time, mag-aaply akong kusiner mo LOL!

MEcoy said...

friends with benefits ahh haha
kaw na may kalaro sa kama haha,
ang kiss and tell mo ahh ahaha

Mac Callister said...

@brian--uu u should try e ben ben. oy wala nga e kaya nga single ako till now hahaha

@mecoy--hi cutie :-) hahah hindi nyo naman kilala kaya kung sino siya blehhhh! LOL

Archieviner said...

Nahulaan ko ang initial na SB.Tawang tawa ako sa post mo na yun e. lol Mahanap nga yang pabangon mo. hihi

Anonymous said...

Kilala ko siya Mac :-)


-M from the South-