December 12, 2012

I'm Home!





Hello Pelepens!

Sorry now lang nakapag update. I've been in the country for almost two weeks now. And these past few days have been really crazy!

Dumating ako ng pinas nun December 1 ng hapon, my family picked me up at the airport and we headed straight home dahil im too tired to eat at Jollybee like what we planned! Almost 9 hrs ang byahe ko jusmio! kamusta naman yun!

I had pork liempo with suka and toyo for sawsawan nun dinner, pero ambilis ko naumay, good thing my dad cooked minatamis na saging. Wagas tuloy ang lamon ko! ayun bundat! LOL. It was our first family dinner and first night ko sa bahay namin

My family and relatives were excited to see me, andami lang tao haha *artista lang ang peg ganyan* chos! the best part when i gave them my pasalubong. Everyone was happy. Dapat lang noh? bigat din sa bulsa kaya, mananampal ako pag nagreklamo pa sila. charot.

Whenever i go home here in our house i feel like a real princess, sunod lahat ng gusto ko e haha kulang nalang pumapalakpak ako andyan na yun nirequest ko!

Nagpakasawa ako sa pork. Lahat ng namiss ko nakain ko na. Angsaya lang. Goodluck sa pag gain ko ng weight malamang 10kg aabutin ko dito kakalamon ko.

After 5 days of bonding with my family, gora na ako sa ni-rent kong 70sqm na loft type unit with two bedrooms sa Shaw blvd para isakatuparan ang mga maiitim kong balak sa mga kalalakihan sa maynila! charot!




View from my unit at the 18th floor :-)

Kidding aside, I've rented the unit for 7 days to meet and greet those mahahalay and makukulit na blogger/twitter friends na lagi ko kausap at kaharutan. And para din maenjoy ko maggala around the metro ng hindi masyado haggard sa byahe pauwi ng Laguna. More than two hours kaya pauwi sa amin! kakaloka!

And I am really happy na madami ang nagrespond sa invites ko. Hindi naman nila ako binigo at pinagbigyan nila ako.

First night sa condo, I had a small get together with Nimmy, Leo, Will, Miguel and  first time ko na meet ang ever bubbly na si Ceiboh. Pinasaya ako ni bakla ng todo. hahaha. We've ordered  foods and i brought 3 bottles of red wine habang walang patid ang chikahan ever.



Nimmy, Leo, Me (hiding haha) and will



Napagitnaan ako nga mga kagandahan!


Nag overnight silang lahat sa unit ko. Bago matulog someone kissed me when nag akyatan na yun iba sa second floor...and I liked it. chos! saka ko na ichichika yun! *bleh* 

At nagkasya kaming lahat dun tatlong bed. Nakakaloka. Nagkaroon pa ng komosyon kung pano buksan ang shower kinabukasan ang iingay ng mga bakla hahaha! pero since smartness ang mga lola ko, nafigure out naman nila ng mabilis.

We had a nice swim sa pool nun umaga. chikahan kami nina Leo dun sa tubig. Maaga umalis sina Nimmy at ceiboh at miguel dahil may work sila. Naiwan kami at andami ko lang nai-share sa knya. Bilang magkaedad kami halos *thunders na* kaya gets ako ni Leomesia de amor haha.

Sinamahan ako ni Will for two days, hands down ako sa kuya ko. Angbait at walang arte ang dali kausap hehe. Yun nga lang  may isang bagay akong asar na asar sa kanya na di ko pwde sabihin! hahaha.

Brian, my ex boyfriend also came to see me nun hapon. Namiss ko ang mokong. Madami kaming napag kwentuhan to catch up for the long time na di kami nagkita. Nakahug ako sa knya habang nagkukuwentuhan kami sa kama at nagpapaantok. Masaya. tawanan, kilitian, Isa toh sa mga masasayang alaala na madadala ko pabalik ng abroad, pero wala nangyari sa amin ha, as usual ,dahil ganun lang kaming dalawa.




will, brian and me. puro blurred. wag makialam ok? chos!


*kaya wag magselos ang mga seloso dyan!hihihi*

We are very good friends. Nakagawa na ko ng ilang blogpost about him so I'm sure alam nyo na yun.

Next time na yun iba. Andaming ganap nitong nakalipas na one week ko sa shaw blvd, promise chika ko lahat yun sa inyo.


 Good night na. Jontok na ko!

14 comments:

Archieviner said...

Nakikita ko na kung anong mangyayari sakin pag-uwi ko sa bahay. Artista din. lol Di pa naman ako mahilig magdala ng pasalubong.

How much rent mo sa condo? Glad u enjoy ur days sa Pinas. Hay homesick. lol

khantotantra said...

sosyalans... pa-condo-condo na lungs, ganyan. hehehe.

Yung ibang news, parang blind items.... Sino yung humalik? ano yung kinaasaran mo kay will? bakit pixelated ang ibang faces sa pics. hahaha.

MEcoy said...

well come back parekoy
well come back sa Philippines desert
lol
there's no place like home pa din ba?

Mac Callister said...

@archie-- hahah kaya ihanda mo na mga security details mo para wagas!

Sa condo, dm ko sau sa twitter

ZaiZai said...

ayan tayo, sana ininvite mo ako ng nakita ko ang ganda mo in person, kasama na sina nimmy and company! next time ha! :)

Dyosa said...

Welcum back, Mac!!!

Buti naman at nakahabol ka before the holidays.

Arkinscent said...

sushal nga, condo-hotel hehe. thanks pagbabasa blog ko.

Anonymous said...

Sino nag kiss sayo? I'm interested to know..

Sino din yung magseselos kay Brian?

--M from the South

Will said...

ANNOUNCEMENT.

Hindi po ako ang humalik kay Mac. Nakakainis naman kasi ang post na ito, lumalabas tuloy na natikman ako ni Mac.

Hahahaha!

Hoy, Mac, i-clarify mo nga at kaya pala maraming nagtatanong sa akin. Hahaha

axl powerhouse production inc said...

tutyal red wine...
sinu yun? hahaha
at welcome back sa pinas.. pasalubong ko hahahah!!

charles said...

Sulit na sulit ang vacation! Haha

Mac Callister said...

@khantotantra--hahaha blind items nga!kelangan ko magtago kaya may takip! at madami ako kinakaasaran kay will tigas kasi ng ulo! LOL

@mecoy--hey,salamat, uu super enjoy ako sa bakasyon ko now. at madami dumalaw to see me :-)

@zai--uu sige madami pa naman next time. hope to see u soon too!

Mac Callister said...

@dyosa--uu itinaon ko talaga hehe dahil ilang taon na kong hindi dito sa pinas nagpapasko :-)

@arkinscent--un na pinakamura na nahanap ko hehe para nasa gitna ng siyudad at madali makameet ng mga boys! charrr

@M fr the south--di mo na dapat malaman un! LOL

@will--hoy wala naman nagsasabi n ikaw kahalikan ko ha hahaha praning ka na naman hahaha

@axl--haha para di makalasing at un lang mejo kaya ko inumin! mas safe iwas suka!

@charles--uu dapat lang once lang ako magpapasko dito e hehe

Anonymous said...

it's either si Ceiboh or si Miguel ang nag-kiss sa'yo. crossed na si Will, Leo and Nimmy. hmmm.


- Detective D