September 21, 2012

Parausan




Walang ibang maririnig sa madilim na silid ko na nababalot ng pulang liwanag na nanggagaling sa lampara sa gilid ng kama kundi ang mga ungol...mga daing ng sarap na kasalukuyan namin nararanasan na dalawa.

Nakakapit ako ng mahigpit sa mga braso nya at madidiin na din ang bawat halik niya sa batok at balikat ko na may dulot na kuryente na agad na gumagapang sa buong pagkatao ko.

Parang kailan lang na ni ayaw niya ako halikan sa labi...hindi daw siya humahalik sa labi ng kapwa lalaki sabi nya.

Ngunit ngayon na nakakailan na siyang akyat sa bahay ko dito sa ikaanim na palapag ay nagugulat nalang ako kung gaano kaalab ang mga halik niya nun una itong dumantay sa mga sabik kong labi. Masarap. Matagal kong inasam na hagkan nya ko. Hindi ko iyon inaasahan. Hindi ko ipinilit. Kusa niyang ibinigay.

At ngayon nararanasan ko na ito mula sa knya, hinding hindi ko malilimutan kung gaano ito katamis.

Ibang sarap ang nararamdaman ko kapag siya ang kasama ko. Pinapalasap niya sa akin kung gaano kasarap ang pag niniig...

Sa knya ko una naramdaman ang unang sakit at unang sarap pagkatapos. Ilang ulit na namin ito ginagawa. Walang usapan. Walang anumang kasunduan. Basta automatic na. Kapag nagtanong siya kung pwde ba siya umakyat. Oo agad ang isasagot ko. Ilang minuto lang ay nasa doorstep ko na siya. Nakasando. maiksing short. Matipunong katawan. Nang aakit. Nakakalibog.

Nag aalab ang aming katawan at pawisan na pareho sa ibabaw ng aking kama...gaya ng dati ito ay isang gabi na naman na parang ayaw mo na matapos. Lahat ata halos ng posisyon ay ginawa namin at laging mag tatapos sa posisyong nasa ibabaw ko siya...

Pabilis na ng pabilis ang paghinga nya...mga galaw niya sa ibabaw ng aking katawan...parang alon sa dagat na bumabangga sa dalampasigan...nagngangalit ang mga muscles sa balakang at braso nya na gustong gustong ko hawakan....

Hanggang sa pareho kaming umabot sa sukdulan.

Hindi lilipas ang minuto na siya ay tatayo at magbibihis...agad agad...mag aayos ng sarili...


Sige una na ko ah....maaga pa duty ko bukas.


Kasabay ng paglapat ng pintuan ay ang pagdagsa ng sakit sa dibdib ko. Ganun lang yun.

Maiiwan ako na nakatingin sa pintuan na nilabasan niya. Parang walang nangyari. Ganun ganun lang na nagtapos. Magaling na mangingibig sa gabi...masarap na pag niniig. Pero bakit parang may kulang? Parang hindi ako kuntento?

Parausan.

Yun ang unang salita na agad na pumasok sa isipan ko. Ano ba naman nga mapapala ko sa kagaya niya na may asawa at mga anak na nasa Pilipinas. Ano nga ba aasahan ko sa knya na nagpapanggap na machong-macho?

Kasunod noon ay ang guilt na naramdaman ko, baka makarma ako. Niloloko namin niya ang misis niya na walang kaalam alam sa kalokohan ng asawa niya. Isa ako sa maaring ikasira ng pamilya nila. Ayoko mangyari yun.

***

Lumipas ang ilang araw na di ko siya sinasagot sa mga messages niya. Mga mensahe na nagtatanong kung pwde paba siya umakyat muli sa flat ko sa 6th floor.

Gustong gusto ko sumagot ng Oo, aantayin kita. Pero pinilit ko maging matatag. Mahinahon at wag magpadala sa libog ng katawan. Isa nalang matitira sa akin. Self-respect. At yun ay plano ko i-keep.

Ayoko na e. Busy ako. Iba nalang ayain mo.

Yan ang reply ko sa knya. At knowing him, ma pride din siya kaya naman di na niya ko muli kinulit. Kapag nagkikita kami kahit na lampas dalawang taon na nakakalipas ay may panaka-naka pa din daloy ng alaala ng halik na hindi ko malilimutan mula sa knya.

***

Nakakalungkot lang na hindi pa din pala siya nagbabago. Halatang halata naman na "sila" na ng housemate niya na si Eli. Halos sa iisang kwarto na nga rin daw sila nag-stay kahit may kanya kanya naman silang silid. Hindi mo sila makikita na di magkasama. How sweet! haha. Bakla din ako kaya kahit i-deny nila or itago at sabihin mag bestfriend lang sila ay halata ko pa din. LOL

Lampas dalawang taon na mula nun huli kami magkasama at wala na akong hard feelings or attachment sa knya. Nakakalungkot lang na till now niloloko pa din niya pamilya niya. At bilib din ako kay Eli na kaya niya yun gawin kahit alam niya na mali. Natawa pa nga ako nun makita sa FB na karga karga pa ni Eli un bunsong anak ni Darkguy nun bumisita siya sa bahay niya.

Kakaloka.

Yun lang.

LOL


15 comments:

ZaiZai said...

at least very good ka at nilayuan mo na si kuya.

hayaan mo na lang sila, sana marealize nila ang epekto ng ginagawa nila at sana hindi pa huli ang lahat.


btw, very xerex ang peg mo mac ha! hahaha :)

Mac Callister said...

kaya nga....naloka lang ako na hanggang sa bahay nakarating si kabitenya, tapos ala kaalam alam si misis!

pero tama ka. deadmatology ko nalang sila. bahala sila malalaki na sila.

xerex ba dating? hahaaha tinayuan ka ba ng...balahibo? charot

KULAPITOT said...

dapat naka ano na yung blog mo .. kasi may pang x na ang laman hahahah ... naloka ako dito hahaha ....

kakalerkey!

Dyosa said...

hong sakit naman...

tumatagos at sumusugat sa puso ko ang mga salitang nakita ko sa una pa lang..


"PARAUSAN" - ahuhuhuhu..


.........

Chos...oo nga MAc, Tama si Zai, lakas maka Xerex...kakaloka lang...

Pero you got this thing na..ok ung simula...pampainit...me pagkamakata na hindi bastos ung mga pangungusap..

tapos kung kelan nasa taas na ung nagbabasa sa tindi ng mga emotions..

bigla mo na lang ibabagsak. Tapos hindi pala happy ending...

I Like it...pwde kang writer, Mac.
kalabanin mo ung writer ng "Walang Hanggan" ng ABS.

stefan said...

mistress lang ang peg! chos.

anyway, tama yung ginawa mo. okay na ang ticket mo to heaven. charlot. :))

lovelots,
baste. :P

MEcoy said...

intriguing!haha title pa lng ee haha ganyan target body ko hahah

Mac Callister said...

"@kulapitot--naka ano? Lol rated PG?

@dyosa-- naks naman nag blush naman ako ng slight sa comments mo, salamat at naappreciate mo ang aking story.

@stefan--hahaha kasi mabait ako at umiiwas sa mga may asawa? Charr

@mecoy--umpisahan mo na pag papa borta hehe tapos pose ka din sa blog mo after hehe

Little Nikki said...

ang sakit. dama ko hanggang dito.

Wizzdumb said...

ang libog at pag-ibig ay may sariling pag-iisip at kadalasan hindi tukma sa iniisip ng utak... ;)

Anonymous said...

tsk tsk tsk



yocco

mr.nightcrawler said...

Naku... uso ang temang NO OTHER WOMAN ngayon ah. hehe

bien said...

mac,
na-miss mo ba?
sino ang top?

love,
bien

nyabach0i said...

usong uso ang parausan na yan sa lahat ng mga bekbek friends ko. ang dadamot sa pagibig ng mga tao. nainspire ako sa blog mo. fofollow kita ha.

victormanalo said...

jealous lol

thecure said...

ka relate ako sayo mac, ganyan din ako dito parausan lang, pero i have to swallow that pride para lang maging maligaya sa kaunting oras na katabi lang cya at maabot ang hiram na ligaya...