
Simple lang ang buhay ko dito sa Doha City, oo nasa middle east ako, madaming takot pumunta at mag trabaho dito, ganun din ako noong una. Sino ba naman ang hindi, andami nating naririnig na istorya na hindi maganda about sa mga kababayan natin dito.
Solo flight akong naglakas loob na magtrabaho dito. Nakaka frustrate kasi sa atin minsan. Pagod na pagod ka na tapos yun lang sasahurin mo. Nakakainis pa mga nasa gobyerno.
Bukod sa mainit na panahon kapag summer dito na umaabot ng halos 45 degrees ay wala na ko mairereklamo pa. Ay! meron pa pala yun nakakainis na censorship, di tuloy ako makanood ng xtube! LOL at kapag -VER months naman ay nagtatag lamig na ng sobra! pero ala naman yelo, chosera kayo.
Pero since madami naman proxy na magagamit, nakaka download pa din ako sa ibang site (libog! hahaha) Pero oy, normal yan sa nag aabroad, magtanong ka sinong nag aabroad ang di nag poporn at nag babate, babatukan ko! char
Hindi ko akalain na mae-enjoy ko ang buhay middle east. Plano ko nun una ay tapusin ko lang ang tatlong taong kontrata tapos ay yun na. Pero heto ako ngayon, goin on my fourth year and I'm planning to stay for another 5 years.
Siguro dahil madalas mas gusto ko mag stay sa bahay, manood ng movies, mag internet magbasa basa ng kung ano ano at higit sa lahat adik ako sa tulog, kaya siguro swak na swak sa lifestyle ko ang dito mag work. Madami kasi ang nagsasabi nakakainip dito sa bansang ito.
Meron naman mga night clubs and bars dito. Madami din malls, sinehan. Napuntahan ko na din ang iba sa kanila. Pero madalang lang, since hindi naman ako pala inom ng alak hehe.
Hindi mo din kasi halos mami-miss ang pinas, kasi andaming pinoy! jusmio! kung gano kadami ang Indian ganun din kadami pinoy! nyak!
At since madami ang pinoy, nagkalat din ang mga pinoy restaurants at products haha, one time nga nasa jollibee ako dito, may lumapit na pinay at nagtatanung baka daw gusto ko bumili ng kakanin sa kanya, may kutsinta, puto, palitaw at biko daw siya. O da vah? winnur!
Malay natin, next time may mag tanong naman sa kin if gusto ko ng lalake at mura lang, why not coconut! charot lang! haha
Masarap na mahirap ang buhay solo sa ibang bansa, pero somehow na eenjoy ko yun independence e, ako mag grocery, mag handa ng kakainin, although madalas nagpapa deliver nalang ako!
At pwdeng pwde mag uwi ng lalake sa bahay! LOL!
Pangalawa, wala ang tatay ko! hahaha! Kung matagal ka ng follower ng blog ko, alam na alam mong allergic ako sa tatay ko. Kaya tama na yun isang buwan bakasyon sa pinas kada taon, kasi saglit ko lang siya nakikita at less time para mag away kami. ewan ko di ko masakyan ang trip ng tatay ko. Nakaka stress! Jokeeee!
Kampante ako dito kesa nun nasa pinas pa ko. Zero crime rate kami, o diba? hehe. Hindi ako worried na mahablot or madukutan ng mamahaling cellphone or gadget habang nasa daan or kung san man public areas ka. Importante kasi yun e. Yun relax ka lang. Yun wala kang intindihin na masama.
Kaya naman ang mga pinoy dito ay todo postura at display ng mga gamit, bakit hindi, kaya naman nila bilhin e hehe. Wala pang tax! grabe yun! ito pinaka importante sa lahat! tax free ang sahod mo! naalala ko pa nun nasa pinas ako, grabe ang kaltas sa tax ng kapiranggot kong sahod! kaloka. wala ng halos extra pang date at pang lalake! charrr
Masarap sa pakiramdam na sasahod ka ng tama, sasahod ka ng sobra sa pinag paguran mo, madalas kasi petiks lang ako sa hospital haha, feeling ko luging lugi ang management pagbabayad sa akin! LOL
Higit sa lahat masarap makatulong sa pamilya, kahit ngayon na may health problem na kinakaharap ang pamilya namin, kahit papano, nagpapasalamat ako andito ako sa middle east at nakakatulong kahit kaunti. Hindi biro ang may sakit sa pamilya, na stretch na namin lahat ng resources and kulang pa. Pero alam ko di kami papabayaan ng diyos :-)
Wala naman hindi nakukuha sa pag dadasal di ba?