October 14, 2011

Naging Gago Ka Na Ba?


Naranasan mo na bang iyakan ang isang tao sa takot na iiwan ka na niya? Alam mo ba kung gaano kasakit yun ganun pakiramdam?

Naranasan mo na bang magsisi at humiling sa diyos na ibalik niya yun pagmamahal na nawala sa yo?

Marahil yun iba... at marahil, marami din sa atin, hindi pa...



Hindi pa ako umiyak sa mga naging boyfriend ko ...

Pero si Brian noon...

Nun magkarelasyon pa kami...

Halos mahulog ang puso ko nun makita ko ang mga luha na tuloy-tuloy na tumulo sa mga mata nya nun araw na yun. Siyam na buwan tumagal ang relasyon namin 3 years ago.

Gaya ng dati, sa bahay namin ng spend ng weekend nya si Brian. Biyernes ng gabi darating siya dito sa amin sa Laguna. Ganito ang set up namin for the past months mula nun maging magboyfriend kami at mula nun ipakilala ko siya sa family ko. Kapag hindi siya dumarating ng Biyernes, magtataka ang tatay ko, magtatanung ang sister.

Baka inaway mo na naman! yan ang madalas paratang nila sa akin.

Mahal ko siya at mahal nya ako.

Matagal ko ipinagdasal na magkaroon nang ka-partner na mamahalin ako. Nagpaka faithful ako sa kanya.

Hindi ako nagtaksil. Hindi ako nanlalake....lalong hindi ako nambabae...charot! Takot ako sa karma. Naniniwala kasi ako na kapag may ginawa kang kabalbalan sa iba, nanloko ka ng kapwa mo...asahan mo, kung hindi man ngayon, darating ang araw...lolokohin ka din...pagtataksilan ka din...ng doble-doble'ng sakit na ibinigay mo sa taong ginawan mo ng di maganda.

Nasa living room kami ng bahay namin. Kami lang ang tao sa bahay. Pabalik na siya ng Manila nun kasi lunes na kinabukasan, nag aaral pa siya ng Nursing. Masaya ang kwentuhan hanggang sa gaya ng ibang couple, may pinagtalunan kami.

Nauwi sa away. Dominante ako..ayaw ko nagpapatalo sa diskusyunan....submissive si Brian. Pero matigas ang ulo niya. Mainitin ang ulo ko.

Proud ako. Mayabang. Madalas gusto ko nate-test ang boyfriend ko kung mahal ba niya ako. At kapag alam kong mahal na mahal nila ako, adik ako. Gusto ko lagi ko nakikita yun extent ng pagmamahal na yun.

Gago ako.

Masarap sa pakiramdam kapag kaya nila gawin ang lahat para sa akin. Oo mali. Pero dati dun ko ibinabatay ang extent ng pagmamahal na ibibigay ko din in return.

Sigurista ako. Gusto ko makita ko muna na mahal mo ko bago ko ibigay sayo ang sarili ko. Pero kahit ganun ako dati at ewan ko lang kung pati ngayon, masasabi ko...nagmahal ako ng todo.

Mahal na mahal ko siya.

Nun mainit na ang pagtatalo namin...at hindi masunod ang gusto ko. Naghamon ako ng hiwalayan...

Nasabi ko na ba na mayabang nga ako?

Oo, ayun mayabang ko siyang hinamon...matiim kong inabangan ang isasagot ni Brian...kung ano magiging reaksyon nya sa mga katagang binitawan ko.

Natigilan siya.

"Mac, wag naman..."

"E ayaw mo di ba? o e di panindigan mo yan..." sagot ko sa knya, blanko ang ekspresyon ng mukha ko.

"hindi ko kaya..." namumula na mga mata niya nun.

Gusto ko ngumiti. Pero pinigilan ko. Tagumpay. Sabi ng isip ko. Narinig ko ang mga inaasahan kong kataga.

Pero dahil masyado nga akong obsessed...pinanindigan ko na ang lahat...gusto ko magmakaawa siya. Gusto ko sabihin niya sa kin kung gano niya ako kamahal.

Nakahiga ako sa sofa nun...nakaupo sa may paanan ko si Brian. Tahimik. Hindi nakibo. Nagpretend ako'ng nanonood ng TV.

"Mac...ano na...?" sinagi nya ang binti ko.

"Umuwi ka na. Lakad umalis ka na."

"Ayaw ko umalis na galit ka...wag ka naman ganyan oh..."

"Tapos na tayo. Lakad na. Ingat ka nalang, wag mo kalimutan isara ang pinto paglabas mo".

Tumitig siya sa akin. Kitang kita ko kung gaano unti unti tumulo ang mga luha niya. Tuloy-tuloy.Parang talon. Namumula na ilong niya.

"Wag mo ko iyakan. Baka pumasok si Tatay dito. Umayos ka nga!" mahinahon at madiin kong sabi.


Oo alam ko sasabihin nyo, walangya ako!
Yeah I'm not proud of it.


"Umalis ka na". yan ang huli kong sinabi.

Suminga siya sa panyo niya at sinubukan patigilin ang pag iyak. Nagpapahid pa siya ng luha nun tumayo at saka tumingin sa akin. Lumabas na siya. Narinig ko ang pagsara ng pinto.

Nakaramdam ako ng matinding guilt. Sumobra ata ako. Pero nakalimutan ko sabihin sa inyo na ma-pride ako'ng tao. Gago nga ako nun e!

Getz nyo na ba?

Ilan minuto pa. Nag-aabang na ng jeep si Brian. Narinig ko ang boses ng tatay ko. Naririnig kong nag uusap sila saglit. Sa ilang buwan na nag stay si Brian sa amin, naging malapit na siya sa sis ko at sa tatay ko.

"Bakit hindi mo man lang ihinahatid ng sakay yun tao sa labas ha?" sabi ni tatay sa kin. "bakit parang naiyak yun? nag away ba kayo?" dagdag pa niya.

"basta". yun lang ang tugon ko.

"Ke-bait-bait nun batang yun, inaaway mo. wala na nga tumagal na kaibigan sa iyo e..." sabi pa nya saka lumabas sa may likod bahay.

Para naman akong natauhan bigla. Nagpanic ako. Pano kapag hindi na siya magmakaawa ulit? pano kung hindi na niya ako kulitin makipagbalikan sa knya? pano kung magsawa na siya sa pag-ugali kong imposible?

Mga tanong na kinatatakutan ko ang maaring maging sagot.

Wag kang gago Mac. Hiyaw ng isipan ko.

Nagpasya ako. Tumayo ako at tumakbo sa labas. Humihiling na sana hindi pa siya nakakasakay ng jeep.

"Brian! halika dito!" sigaw ko.

Pumasok siya sa bahay muli. Hinila ko papasok. Sa likod ng pintuan. Hinawakan ko ang mukha niya ng mga palad ko.

Hinalikan ko mga labi nya at sinabing "sorry...sorry... wag ka muna umalis..." saka ko siya muling siniil ng halik.

Hindi ko pinapakawalan ang mukha niya sa dalawa kong palad. Hinahalikan ko siya na parang wala ng bukas.

Gumanti siya ng halik. Mariin. Hinila ko siya papasok ng kwarto. Nasa labas lang si tatay. Magkalapat pa din ang mga labi namin. Dahan dahan ko siya hinubaran... inihiga sa kama...at saka dali-dali kong inalis ang lahat ng suot ko...saka muli siyang sinibasib ng halik...parang ayokong mawaglit sa katawan niya...gusto ko sa akin lang siya. Akin lang.

Para kaming nag aapoy pareho.

Para akong nadedemonyo.

Para akong mauubusan.

Mariin ang lahat ng haplos ko...nag iiwan ng marka sa maputi niyang balat.

Napapaungol si Brian sa pagkagat ko sa mapupula niyang dibdib. Napahawak siya sa ulo ko...naghahanap ng makakapitan...para siyang sasabog sa sarap....

Para akong rapist na nagmamadali...hayok...bigla ko siya itinagilid at pumuwesto ako sa may likuran niya...dahan-dahan...habang walang tigil sa pag niniig ang mga labi namin na tila uhaw. Halos magdugo ang mga labi niya sa diin ng bawat kagat at sipsip ko...

Napaungol siya nun lubusan ko na siyang mapasok...umuulos...naging mabilis ang bawat galaw ko....nagmamadali...

Sunibasib ko ng halik ang batok nya...mga tenga niya...habang madiin kong hawak ang kaliwa niyang dibdib mula sa likod....mapusok kami pareho nang sandaling yun. walang nagpapatalo...

Malalalim na ang bawat haplos...bawat ungos ko...bawat halik...nagmamadali...parang wala ng bukas...

Hanggang sa matapos ang digmaan ng aming mga katawan...saka ko siya niyakap ng mahigpit mula sa likod at isunubsob ang pagod at hinihingal kong mukha sa batok niya.

"mahal na mahal kita..." bulong ko bago tuluyan nakatulog na magkayakap.


Pagkalipas ng ilan buwan pa, naghiwalay kami ni Brian. Hindi na namin naayos this time. Malaki ang pagsisisi ko sa pagmamahal na pinabayaan at pinagsawalang bahala. Sa nakalipas na tatlong taon, nanatili kaming magkaibigan at sa bawat bakasyon ko sa Pilipinas. Lagi siyang andun. Nag-i-spend ng ilang araw makasama ako bago muling bumalik sa disyerto.




Listen to this amazing song. Been my favorite for a long time na...

October 12, 2011

Sumagot Ka Naman Wag Lang...Ewan.

.

One day...nasa harap ako ng computer nang magkaroon ng magulong usapan na ito. Bigla nalang, ganyan. Walang kuskos-balungos.


PsssT! Miss na kita...


Wow! Iniisip palang kita i-message pero eto ka na!

Naks naman oh!

Kelan mo ba ko sasagutin ulit?aba isang taon na ko nanliligaw sa yo a,anong petsa na?LOL.


I was chatting with my ex-boyfriend Brian online last week. Mag-jowa kami three years ago.


Oh, tapos ngayon gusto mo!hmmp!

Tagal ko na sinasabi sayo a, di mo naman ako sineseryoso...

Hahaha! Wag ka nga ganyan.

So ayaw mo?its now or never tong offer ko...


Natatawa ako kasi ako pa ang nagtataning sa kanya! Matagal na kami sa ganitong sitwasyon na parang nagsasayaw ng cha-cha. Hindi malaman kung gusto ba or hindi. Hindi ko rin malaman kung ano ba talaga nasa loob nya bukod sa mga taba-taba at balunbalunan nya ha! LOL.


Wow! Parang banker lang sa deal or no deal ang hirit mo ganyan?

hahaha! ok! bahala ka. Basta sinasabi ko sa yo gusto kita balikan pero kung ayaw mo ko seryosohin ikaw bahala! hmmp!


Pansin ko lang ha ang hirap manligaw online sa ex!


This is Brian and me during my vacation last June. ewan ko ba madalas chubby nagiging bf ko nun. Hindi naman ako chaser hehe. FYI: hindi sa min yang bag na yan ha! (defensive!lol)


Naku, naku, Mac...tigilan mo ko. Magseryoso ka muna.

E ano bang seryoso ang gusto mo?

Ano pa! E di yun walang landi sa katawan.

Wala naman ah! Kasi nga single ako, kaya lalandi ako! Pero kung magiging tayo ulit e di mawawala lahat yun!

Hahaha! Wag mo nga ako chinacharot!

Totoo nga! at kung magkakabalikan tayo gusto ko lagi tayo usap ha? -- (demanding ko ata hahaha)

okay... sagot naman niya.

Okay? you mean tayo na ulit?

Ewan!

aba sumagot ka ng maayos! Mahal mo pa ba ako o hindi na?

mahal naman...kaso...

Ano nga?

basta...mag iisip muna ko! yun!




Hay sumasakit bangs ko kay Brian ha! Grrrr...


October 5, 2011

Ang Kwento ng Natusok Na Daliri at Na-Dedo'ng Nepali


Nag umpisang mag alarm ang cardiac monitor sa may ulunan ko. Lahat ng vital signs ng patient ko bumabagsak na!

Heart rate: 30 beats per minute nalang!

Putaena!

Napamura ko sa sarili ko nun mapatingin ako sa mga nag aalarm-an na monitor. Itinigil ko ang pag extract ng blood sample (ABG) sa braso ng pasyente ko. Paglagay ko ng takip ng syringe, sa pagmamadali, natusok ako ng needle!

Putaena! ulit kong bulong sa sarili ko.

Sumampa ako sa gilid ng kama at dali-daling inumpisahan ang pag si-CPR. Habang nagdudugo ang daliri ko.

One...and...two...and...three...and...four...and five... pagbibilang ko sa isip ko habang pina-pump ang dibdib ng pasyente sa may tapat ng puso nya...sinusubukan ko patibukin.

Nag iisa ako sa kwarto ng nepali kong patient. Nasa loob ng Cardiology ICU.


Parang slow motion ang lahat...


Saglit kong itinigil ang pag CPR at tumakbo sa may pinto at sumigaw sa unang nurse na nakita ko sa station. Kelangan ko ng tulong.


Parang eksena lang sa tv series...


"sister! come quickly! patient is bradycardic! I need a crash cart!" sabi ko sa Indiana'ng nurse.


Tapos tinutugtog daw yung kanta na "How to save a life..."


Echosera lang!


Saka ako nagmamadaling bumalik sa pag CPR! Tuluyan ng nag arrest ang patient. Wala na ko heart rate. Shit!

Tuloy pa din ako sa pag resuscitate. Nagdatingan ang back up ko. Sunod sunod na sila dumating. Dala ang emergency cart.

"Sister, get the bag and start bagging!" sabi ko sa isang nurse na lumapit.

Habang pinapaliwanag ko sa negro'ng doctor na dumating kung ano ang nangyari...

"Stop! Everybody stop. Patient is DNR (Do Not Resuscitate)!" narinig ko nalang na sabi ng nurse in-charge sa ICU.

Napa-Ngak! nalang ako! Sabay tigil nang ginagawa ko ng wagas na wagas!

Pumirma na pala ang relative na in case na mag arrest yun patient e wala na kami gagawin anything to save him. Hahayaan nalang. Kasi malamang napaliwanag na sa kanila na hopeless na.

Effort pa naman ako! hmmmp!

Fact: dapat kasi inaalam muna ang mga a-choo-choo-choo sa chart ng patient!

Oo! Ako na! lol



Bakit nga ba ako humantong sa sitwasyon na ito nang nag iisa?

Una, tinawag kami nun nurse na assign sa isang pasyente ng colleague at friend ko na si Fatima. We have to do APNEA TEST daw sa patient nya. Kasi kelangan ma-determine namin kung brain dead na ba siya. Para ma suggest sa mga kamag anak na baka gusto nila i-donate ang mga organs nya. Sayang nga naman at bata pa yun patient. 32 lang siya. Inatake siya sa puso last week at di pa siya gumigising till now. At wala improvement sa case nya.

O di gora naman kami ni Fatima since rumarampa lang naman kami dalawa kanina pa! at least may magagawa!haha

Pinakuha namin ng ice yun nurse at mga kelangan pang ek ek sa procedure. Sabi ko kay Fatima siya nalang ang mag record at mag monitor ng vital signs at ako na ang gagawa ng pinaka-procedure.

Nakita ko na may hawak na baso yun nurse na assign sa patient na gagawan namin ng test. Naawa naman ako kasi mukhang gutom na siya. Kaya sa halip na kasama namin siya mag monitor e sinabi ko nalang na we can manage the test alone.

Hindi na din ako nagpatawag ng doctor na dapat e andun sa duration ng test. Kasi nga delikado ito.

Nagmamaganda kasi.
Ilang beses ko na kasi ito nagawa kaya naman confident ako.

Dapat within ten minutes tapos na ang apnea test. Kundi magiging false/positive ang result namin.

Tinanggal ko na ang life support ng patient. Wala ng makina'ng hihinga para sa kanya. Inilagay ko ang catheter na naka konekta sa 10 liters na oxygen papasok mula sa tubo sa bibig niya na diretso sa lungs. Inobserbahan ko kung nahinga ba siya sa sarili nya. Negative.

Dinidikta sa akin ni Fatima ang vital signs na nasa monitor. Ok pa. Keri pa daw sabi nya.

5 minutes later...

"mac, sats natin 75% nalang..."

"ok pa. acceptable pa yan. I need few more minutes" sabi ko.

"mac, its 60% nalang..."

"Ok! kukunan ko na siya ng blood... teterminate ko na tong test as soon as naka extract na ko ng blood sa artery sa braso nya"

FYI: Ang normal na sats e dapat 100%. At normal na heart rate at 80-100 bpm.

Nagmamadali ako. kelangan ma-hit ko agad ang artery in few seconds..

Tinusok ko na ang braso nya...sinusubukan hanapin ang artery... pero wala! shitness!!!

Hindi umaabot ang karayom ko. malalim ang ugat. I need a bigger needle Fatima! sabi ko sa kaibigan ko. Nagmamadali siya tumakbo sa stock room para kumuha. Naiwan ako mag isa.

Tumingin ako sa monitor 60s pa din ang saturation ko. Tinusok ko ulit. Blind shot na ginawa ko. Pero di talaga maabot.

Pagtingin ko sa monitor..50% nalang sats niya at bumabagsak na ang heart rate niya! 30 beats per minute nalang!

Sa pagmamadali ko ibalik yun takip ng syringe, napasala ang hawak ko at natusok ko ang sarili kong daliri! Nagdudugo pa din to habang nag si-CPR ako.

Worried ako sa kalagayan ng pasyente at sa natusok kong daliri. Nagamit ko na yun karayom sa pasyente. Hindi ko pa alam kung positive siya sa Hepa and I dont wanna think of the worst but...pano pag positive siya sa HIV?

"Stop! Everybody stop. Patient is DNR!" narinig ko nalang na sabi ng nurse in charge sa ICU.

Umalis na kami ni Fatima after na ideclare na expired na yun patient namin. Ganun kabilis nawalan ng buhay ang Nepali...

1o minutes...all it takes was ten minutes.

Halos dependent na siya sa ventilator at mga gamot.

Nag report agad ako sa supervisor at sinabi ko na natusok ako ng needle na gamit na. Pinagawa nya ko ng Incident report. Inasikaso naman niya ako at dinala ako sa emergency room sa main hospital para ma examine. Kinuyob ako ng mga kaibigan kong nurse sa ER haha! Celebrity?

Tanga-tanga mo!!! sabay gigil na batok sa akin ng ilang kaibigan ko. Concern na concern sila noh? LOL

Kinunan din ako ng blood sample.Tapos ke-laki-laki ng karayom na ginamit! Taena'ng mga yon! wala na daw maliit!

Till now nangingitim yun tusok sa braso ko ni Eric! nag-Hematoma! patay sa kin yun pag nagkita kami!


May appointment ako sa infectious disease clinic next week.


Hoping and praying na Negative lahat sa sakit na nakakahawa ang namatay na patient. Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa.

Nakakaguilty din somehow na namatay siya habang ginagawa ko yun procedure sa knya. In my own hands...Oh may gawd! chos!


Iniisip ko na...

Na sana kung hindi ako masyadong naging confident...

At sana hinanda na muna namin lahat ng kelangan na size ng needle para di na tumakbo si Fatima at maiwan ako mag isa at sana na-monitor ko agad na bumabagsak na ng mabilis ang heart rate nya...

Na kung sana di ko na pinayagan mag meryenda yun nurse nya...

Na sana pinatawag ko na din yun doctor bago ko gawin yun procedure...

Na sana na-hit ko agad yun artery nya ng mabilis...

Na sana di ako su-syunga-syunga na natusok ko ng karayom ang sarili ko...



Hay...

Lesson learned talaga.