Villagio Mall
Hello friends. Naks parang ang friendly ko nga talaga e noh. Alam nyo ba, nasasaktan na ko sa sinasabi ng friends ko na napakalandi ko daw online and kahit sa personal na buhay. Kaya di na muna ako mag bo-boylet ngayon. Mag focus muna sa career ganyan. Lay low muna para di naman nila masyadong mapatunayan na malandi nga ko talaga. charr!
Anywayz, kwento ko lang mga pinag gagawa ko lately dito sa lungsod ng Dowha, sa gitnang jilangan. Mainit na din dito, nakakamiss na ang malamig na weather. Nag uumpisa na naman pawisan ang mga palad, lalo na kili kili ko kahit na may deo pa ko. ewwww! LOL. buti nalang may pinapahid ako for hyper hydrosis ko. In an instant tuyot ang waterfalls sa underam hihihi. Buy kayo nun DRICLOR, yan ang inadvice sa akin ng pinsan kong doctor.
Byahe kami papunta ng Villagio Mall yun nasunog dati for sure nabalitaan nyo yun sa TV last year.
Yung torch na ginamit nun 2005 asean games ata. not sure.
O siya nalalayo tayo sa kwento ko bakit ba napadpad sa pawis sa kili kili hahaha, pero yun nga, nakakatawa lang parang linggo linggo ay laman kami ng sinehan ng mga kaibigan ko. Pano ba naman e ke-gaganda ng palabas weekly di ba? madalas sa 3D or Imax pa kami nood, andiyan yung Hansel and Gretel, tapos sumunod yung Oz The Great Wizard na super cute by the way, and yung Jack The Giant Slayer na di gaanong cute, kasi nakulangan ako, sana man lang madaming napatay si Jack na Giant noh kesa sa isa lang! tseh, tapos sunod e itong Olympus Has Fallen na super astig! Like na like ko talaga si Gerard Butler promise!
At ang huli nga na napanood namin nun thursday lang ay itong G.I Joe Retaliation. Super abang pa naman ako na mag hubad si Channing Tatum yun pala maaga siya matetegi sa movie haha kaloka. Di ako gaano nagandahan, mas OK pa din yung first movie.(kasi andun si channing at naghubad siya, chos!)
After the movie we decided to eat and try this Thai slash chinese restaurant (kaya daw thai chi ang name nila) na may magandang ambience. Treat ko na toh sa friends ko since bagong promote naman lola nyo sa work hihihi.
O di ba ang cute sa loob?
Hirap kami umorder kasi di naman kami familiar sa thai food kaya naman to the rescue si cutie pinoy waiter at tinulungan kami sa kung ano ang masarap orderin. Gusto ko sana siya ang menu ko kaso baka matakot bigla. Chos.
Szechwan Chicken
sizzling prawns
we also had chicken noodles and vegetables in oyster sauce
My judgement? The food was great at a reasonable price! hindi sumakit bulsa ko. Hongdami naming na lafang! haha. Lalong lumaki tiyan ko pagkatapos jusme. I forgot to tip the cutie pinoy waiter kaya naman bumalik pa ako sa loob at hinanap siya, pagkakita ko sa knya ay tinawag ko siya ng "hi, nakalimutan ko toh..." sabay abot sa knya ng ilang riyals na nakangiti din niyang kinuha at nag daop ang aming mga kamay, nakakahiya kasi napahigpit ang lamas este hawak ko sa malambot niyang kamay! swear honglambot ng palad nya parang di pang waiter!
After the heavy meals, nag start na kami mag shopping. Oo nagwaldas ako ng pera ng slight. LOL. bagong sweldo kasi, at di ba nga na promote ako! Kulet nyo kainis kayo. Charot! Pwera biro, unang sahod kasi, kaya naman ineenjoy ko muna. Matagal na din kasing di ako nakakapag shopping ng ganito. Next sahod balik sa pagiging kuripot at matipid na Mac ulit ako.
I fell in love with this red bag nun makita ko sa display kaya di ko na pinakawalan!
Then we headed to Sephora to get myself a new perfume. Sabi nila you have to look for your signature scent daw, and nakita ko na yun in Armani's Aqua Di Gio, been using it for two years, kaso i felt na i need a new amoy na.
Nagsawa din ako sa knya haha, babalik naman ako kay Gio soon maybe next year, pero sa ngayon, ito muna ang new love ko, si Bleu de Chanel! super like ko siya! Hongbango lang. Medyo mahal siya compared sa ilang pabango na nabibili ko kaya naman nagtiis muna ko sa maliit na bottle! next time nalang yun big talaga (nanguripot). Dami din nagre-react na what am I wearing daw tuwing maamoy nila ko. Saya!
At dahil makulit itong ibang lahing attendant ng Sephora napabili tuloy ako ng isa pang pabango, kakainis kasi siya haha paamoy ng paamoy sa akin nitong Hot Water by Davidoff, ayoko sana kasi ancient na itetch. Kaso mabango nga talaga haha di ako nakatiis. Binili ko na din! mura lang siya at malaking bottle na yun ha. May free pang aftershave balm at shampoo, ganda pa ng kahon. LOL. Good buy na siya, pwde nang pang pang grocery scent or pang gardening or pang cooking scent na pabango kapag nag mamartha stewart mode ako sa balay ko. chos!
inpernez, dumadami na sila, jusme.
Then dumaan kami sa H&M kasi need ko ng pang undershirt na longsleeves for my scrubsuits, since papatayin na kami sa lamig sa ICU kaya I need this. Naks jina-justify ang gastos talaga? Then sa River Island at napabili ng masusuot for Juris/Nyoy/Princess' concert dito sa Dowha sa April 5. Super excited na kami kahit medyo mahal ticket, 300 riyals e. Pero nasa unahan na kami niyan ha, yung tipong nakatingala na kami sa knila sa stage sa lapit. LOL
My new Casio G-Shock Gulfman. Bagay ba? hehe
Its 200-metre Water Resistant, Auto Light Switch, Dual Illuminator, Electro Luminescent Backlight, Rust Resistance, Shock Resistance. Bow. Ang maganda lang sa G-shock ng casio, mura na siya, tapos ang astig pa ng designs. 7 years daw battery life. Weh?
Haist, alam nyo bang everyday nalang ako nag lilibre ng food sa department namin, kada ibang tao sa shift nagpa-palibre. Magastos din a! Kantiyaw sila ng kantiyaw sa promotion ko hmmmmmp! Nakakaumay na. Tseh
LOL
May saya at lungkot ang promotion kong ito, kasi ililipat na ako sa general hospital, sa accident and emergency room na parang palengke at parang warzone lalo na sa trauma room, duguan ang mga dinadala dun, haist. Pero ok na keri naman yun. At madaming cute nurses sa ER kaya bawing bawi na din sa pagod! hahaha
10 comments:
ganda ng g-shock!!!
at wholesome ang post ngayon hehehe
Congrats sa promotion. At di ako papalibre kasi malayu ka. Hahaha. Ang daming pabango. Siguro meant for ibat ibang lakad yun.
Disappointing bah yung role ni channing?
Dyusmiyo, nagwaldas ng pera at bumili nga ng Gshock! Haha.
Aminin mo, ikaw ba talaga nagsulat nito, or sponsored post? LOL
andaming panlandi! este andaming pabango pala hehe.
ganyan talaga pag napropromote ee nu!
nagwawaldas na lang ng kayamanan haha
Congrats Mac!!
Mukhang todo todo nman yang pag waldas mo. hehe. Congrats ulit mac.
Ganda ng G-shock. Balbon ka pala :P
wwaaww may galit sa pera lol
@bino--hindi ka sanay? hiihihi
@Phioxee-- uu kasi saglit lang siya sa movie. naipon pabango kasi minsan di pa ubos nabili na me ng iba haha. aksayado lang ata. thanks a greetings
@will-- hoyyy wala bayad ang posts ko wish ko lang nga may sponsor hahaha
@aboutambot--tseh! hehe thanks sa pagbati
@mecoy-- ngayon lang toh, inenjoy lang muna. di naman ganun kadami binili ko, sakto lang hehe
@bien-- salamat lover boy hehehe
@archievener-- minsan lang toh hehe pagbigyan na. ah yeah mabuhok nga ko, hassle din minsan
@lalah-- uy di naman actually most of the time kuripot ako hehe
Post a Comment