April 6, 2013

Seasons Of Love



Almost two weeks ago, may ticket na kami ng show na Seasons of Love kagabi nina Princess, Nyoy at Juris dito sa Doha. Dahil nagyayaman yamanan kami, yun pinakamahal na tickets ang in-avail namin. LOL. Nasa unahan kami. As in. Kitang kita namin sila sa stage.

Super naenjoy namin ang show. Nakakatawa lang na na-late na kami ng dating nina Belle at ang cutie na si Andrew, dahil nagloko ang kotse ni Belle papunta sa venue sa red room ng Regency Hall. Pano ba naman itong si Belle e hindi kabisado ang kotse niya, nangainit ang radiator at ang AC ay halos apoy na ang ibuga sa amin sa loob, halos pawisan na ko. hahaha.

Nag-suggest ako na idaan muna namin sa auto shop na una namin makikita along the way, mahirap nang itirik kami sa gitna ng highway jusme di ko ma-imagine na magtutulak ako ng carlaloo nya noh. Ganda ko pa naman kagabi. Tseh.

Habang nag iintay na i-check-up ang kotse ay mega lafang kami ng sandwiches sa katabi nitong convenience store. Jutom na jutom kami. 8pm ang show pero 7:50pm na ay di pa tapos ayusin ang carlaloo! kakaloka! sabi ko iwan na namin si kotse at magtaxi na kami balikan nalang mamaya. hahaha.Tumatawag na ang friends ko na asan na daw ba kami. Tawa sila ng tawa nun kinuwento ko nangyari sa amin.

Buti kamo late nag umpisa ang show. Punong puno yun magandang venue ng show. Taray lang ng mga chandeliers at may mga booths ng food sa lobby. Sakto lang, hindi crowded at maayos ang sitting arrangements at maganda ang pwesto namin, although nun una e medyo na messed up yun seats na para talaga sa amin. Nalunod ako sa mga cute na pinoy ha!



Jusme. Andaming intermission number! May raffle pa ng ticket na nakalimutan ko kung ano yun unang prize! aba nakakatawa, ang nabunot nilang unang winnur ay arabo pa! hahaha! Nakakakilig lang din kasi tabi kami ni Andrew ng upuan. Solong solo ko atensyon niya!


Halos alas nueve na nung matapos kumanta yun front act na di ko knowing, pero magaling din naman sila. Tapos sigawan na nung i-announce na si Princess Punzalan! charot! Si Princess pala, di ko alam surname nya sorry hehe. Hongputi nya! nakakainis na sa katisayan ganyan! ganun ang kulay ko noon e, kaso nag coron, palawan ako ayun naging ganito na ko. chos!

Unang una niya kinanta yung Payphone ng Maroon5 on acoustic! sing along talaga mga bakla. LOL after more than 5 songs ata di ko na mabilang ay si Juris na ang inannounce ng host! dito ako napatili na! siya lang inaabangan ko dito kaya.

Maliit lang si ate Juris in person pala, maka ateh naman daw ako e noh? hehe. at ang suot white na white! virginal na virginal. naiimagine na suot ko yun kapag maliligo sa batis tapos magtatampisaw kasama ang mga kalalakihan sa nayon na nag iigib ng tubig na naka topless at sira sirang shorts na maong ang suot tapos makikipag basaan daw ako ng tubig sa knila hanggang sa bumakat ang nips ko na kulay itim. charot! LOL


Unang kinanta ni Juris ang "Minsan Lang Kita Iibigin". galing galing lang ng version nya. Tapos nalungkot ako nun "Di Lang Ikaw" na ang sumunod na kanta na si aiza seguerra pala ang sumulat. Ramdam na ramdam ko yun lyrics ng kanta. Gondoh! sori panget yun kuha kong video ng actual performance nya kaya ito nalang muna hehe



Medyo nakakatawa din si Juris sa stage,kalog siya at parang typical na tao kausap. napapatawa niya ang audience.

At maya maya, tumigil si Juris sa pagsasalita ng biglang may mag appear sa wide screen sa bachground ng stage ng video ng isang babae hanggang yun spotlight e ma-focus sa girl na nasa unahang row namin! at may lalakeng may dalang singsing ang nag propose!!! shet! hongsweet!

Cute si boyfriend infairness! tapos nung inaasked niya ng "will you marry me" parang waley naman makareact si girlaloo ng yes! umaarteh sa screen kainis. chos!

Pero na conscious ako ha! halos lahat ng camera sa kanila naka focus e nasa likod na likod kami! sagap na sagap ako ng mga lenses nilang lahat! kaya ayun nag kakaway nalang ako nag pose ng parang japanese gurl....hihihi.

syempre joke lang yun noh! hahaha hiya ko nalang kulang nalang magtakip ako ng fez kanina baka mamaya nasa dyaryo pa yan! Biniro ko pa si Andrew na wag muna siya magpo-propose ngayon sa kin kasi di pa ko ready mag asawa. LOL

Sayang hindi kinanta ni Juris yun fave kong "wag mo ng itanong" ng eheads. May mp3 copy pa naman ako nun at lagi ko pineplay.

Last na sumalang si Nyoy, na di ko din alam surname hehehe. Liit lang din nya pala pero cute ng smile nya ha, kekintab ng teeth kaaliw! Kumukutiki-titi-tap!

Tapos tinutukso siya ng audience nun nagsasalita siya about love, and na kapag iniwan ka ek ek ng mahal mo ganyan. Sabay kanta niya ng "someday" haha kakaloka! though siya nag compose, sobrang naka attached kay Nina yun single na yun. Parang ang awkward lang nun time na yun during the song.

Nakailang songs din si Nyoy bago bumalik sina Juris at Princess at kumanta sila ng theme ng RENT na Seasons of Love!!! I love it!



Humirit pa ng MOREEEEE! MOREEEEE! ang mga madlang people kaya naman kinanta nila na huli itong hit song ng Journey na "Don't Stop Believin".

Super enjoy kami sa show at halos sinabayan namin lahat ng kinanta nila! Matagal na namin nirequest sa mga organizers na dalhin nila dito ang Sessionistas, at ngayon na andito sila sobrang thankful kaming mga OFW dito sa Dowha. Kahit na kulang sila pero keri na.

At may bonus pala itong Platinum Ticket namin, kami lang may mga ticket na ganito ang may chance maka meet and greet ang tatlong Sessionistas! Natuwa kami, kaya lang pagdating sa lounge walang sistema, labo labo ang mga noypi! sabi namin ayaw na namin, kasi parang ang cheap ng itsura namin na mega siksik na walang ka poise-poise na halos hahahah! OO maarte kami. Tseh!

Last na nagkaganito ako nun idol na idol ko pa si Sheryl Cruz! charot! hahahaha

Pero namilit ang mga chipangga kong friends at naayos na ang pila kaya naman pumasok na din kami at mineet ang mga performers at naki-picture :-)

Nun matapos ay nagkayayaan kami kumain at lahat kami ay di pa nakaka dinner at gutom na gutom na. Sa Dairy Queen kami napadpad dahil yun ang una naming nakitang bukas ng 24hrs.

Hindi ako magsasawa sa masarap nilang Mushroom Swiss burger!!!

Anyways, napagod kami sa lakad na ito, pero sulit ang ticket at ang time na inispend namin dito. Next time daw ay South Boarder at sideA naman, di ako ganun ka excited though. Sana si Jovit at Marcelito Pomoy nalang. Charaught ng 10x! hahaha

6 comments:

Orange said...

hongyomon nomon. ikaw na ang nasa gilid ng stage. Gusto ko si juris, pero mas gusto ko si kyla. :D

ZaiZai said...

parang napilitan ata si Andrew na ikaw ang panoorin baka hinarangan mo naman ang stage ha haha :)

saya naman ako hindi ko pa sila napapanuod! fave ko pa naman ang minsan lang kitang iibigin ni juris baka napa crying girl ako pag live ko napanuod :)

MEcoy said...

juriz! isa sa mga favorito ko yan di lang ikaw na yan! bwiset yan sila! bakit nila inagaw ang ganda ng boses na para dapat sakin haha

khantotantra said...

ang richie!!!

Juris!!!! Gusto kong mapanood ang sessions nian ni Juris at Aiza... parang damang dama mo ang mga kanta nila (via tv pa lang napapakinggan ko e)

Mac Callister said...

LC--haha minsan lang naman toh, kaya gow na kami sa tickets hehe. si kyla pala fave mo a

@zai--oy hindi naman, nag sing along din siya sa mga songs ang cute lang niya panoodin hahaha. uu galing ni juris ramdam na ramdam emotions nya sa bawat kanta. sulit talaga

@mecoy--naks sige nga pa sample ng SINGING mo? hehehe

Mac Callister said...

@kantotantra--uu galign niya ang lamig ng boses! hehe