Last week, May 20th, I celebrated my birthday with a couple of friends over Thai food. My favorite by the way. I love Tom Yum kasi talaga. Another year older kaloka lang. Thunderz ko na. Huhu.
Super lihim pa ang pa-dinner na ito dahil konti lang budget ko haha at wala naman talaga sana ako balak magcelebrate. Kaya lang nun magising ako ng hapon ng araw ng birthday ko, parang nalungkot naman ako. Yun tipong kaarawan na kaarawan ko eto nasa bahay lang ako.

Dito kami nagdinner and the food we ordered. Payak na selebrasyon :-)
So yun I called and texted very few friends, yun na. Gora na sa Thai restaurant.
On my birthday konti lang naman wish ko:
Good health for me and my family.
Maging manatiling happy sa work here in Dowha.
And lastly, maipasa ko yung exam na kelangan ko i-take this year. Pls Lord I beg of you. hihihi
Lovelife? ano ba yun? chos. Ok na ko na wala. Im in a good place na and feeling ko masyado na nakakahiya kay Lord pag pati yun hihilingin ko pa. So yun maging kuntento na lang sa kung ano meron ganyan. O di ba ang matured ko lang pakinggan!
Fast forward na sana sa September....lapit na ko uwi. Less than 4 months to go paaaaaa!
After ng September, fast forward ulet para naman mag January na dahil dun na uumpisahan itayo ang aking munting new House sa Laguna. Now palang nag iisip na ko ng mga ilalagay na furniture at kulay ng magiging wall ko. Kaya konting tipid at tiis pa sa pagcuracha sa dito sa abroad. Excited ako dun kasi ito lang ang masasabi kong akin. At bunga ng aking pagtitiis sa gitnang silangan.
So yun na muna. Salamat sa ulet sa lahat lahat ng mga bumati sa Facebook and twitter and Instagram. Sobrang pinasaya nyo ko sa mga pagbati nyo :-)



