Showing posts with label middle east gay guy. Show all posts
Showing posts with label middle east gay guy. Show all posts

March 25, 2013

Answered Prayers




I was about to sleep kahapon ng umaga when I received a call from my colleague and friend Philip. I tried to ignore the call, too sleepy to talk to anyone. Been to a 16hr shift and I wanna retire and enjoy the comfort of my bed. After the third ring, i picked up. Imbyerna lang ng slight!

"hello.."

" bro!!! congrats!!! Your promotion letter came today! you're promoted na!!!!" sabi nya

Napadilat ang singkit kong mata sa antok at napa nga nga ng slight ang napakakipot kong bibig nun marinig ang sinabi nya. Hindi dahil sa tinawag nya kong BRO kundi dahil sa balitang yun!

"Really??? totoo na ba toh? Pwera biro?? OMG!!! wait, i'll call the office landline, medyo panget ang signal mo" nanginingig ko pang hinagilap ang phone sa gilid at nag dial.

I called our office and si Boss ko ang nakasagot. I asked if the letter came na nga? He was happy to read the content of the letter out loud for me...rinig ko tawanan ng ibang staff sa likod nya.

"O? OK na?" pabiro nyang sabi after mabasa yun laman nun letter. "kelan ka magpapakain sa amin? treat ka naman!!!" kantiyaw pa nya.

After ng ilang minutong biruan at kantiyawan ay nagpaalam na ko. I wasn't sleepy anymore. Biglang tumaas energy ko. LOL!

Jusme! Hindi ako makapaniwalang andito na toh! Been waiting for this for more than a year mula nun magsubmit ako ng mga requirements!!! angtagal na nito. Hanggang sa napag iwanan na din ako ng ibang staff ng hospital. Andaming naging balakid. I thought hindi na matutuloy.

Grading system kasi kami dito, dito naka base ang salary and benefits ng isang empleyado. 3 grades up lang naman ang binigay sa kin. Lumundag ng bongga from my current grade! hihihih! Bonggels! tapos from 35 days annual leave, magiging 45 days na ito yearly! at ang transpo and housing allowance ko tumaas na dinnnnnn!!! yahoooooo!

God didn't disappoint me. He knows kelan ang right timing! For that I offered a prayer. 

Uu,nagdadasal ako, di lang halata! haha. Hindi na ako nag sisimba, matagal na ko nag stop. For like more than 5 years na ata, I have a personal relationship with God. Direct line. No other person but God alone. Mas ok sa akin yun. Thanked him for all of this. Asked for his forgiveness for almost doubting him. Nawalan na kasi ako ng pag asa na darating pa ito noon...Sabi nga ni Philip, magtiwala ka lang sa Kanya.

Ito din ang sagot sa mga suliranin na matagal na namin pinuproblema kaya sa ngayon ay alam kong magiging OK na ang lahat. One step at a time. Unti unti magagawa ko na. Kaya naman I called my Mom na nasa Dubai. Matagal na din nya iniintay ito. Habang kausap siya sa phone ay alam kong nakangiti siya at masaya for me. Kaya ko na siya pag retired-in sa pag a-abroad. At excited na siya!!!!

Hanggang dito na muna. Let's wait and see if magagawa ko mga pinaplano ko sa buhay. hehe. 

Have a meaningful  Holy week guys! Kami dito sa Dowha ay kanya kanya nalang pag observe ng mahal ng araw since bawal naman dito, kaya pasimple nalang kami magho-Holy week :-)

January 22, 2013

Buhay SOLO muli.





Narinig kong sumisigaw na sister ko na bilisan ko daw. Mag-a-ala una Y medya na yun ng hapon. Nagmamadali na ko sa pagkilos at pag check ng mga kailangan kong dalhin. Chineck ko ang dalawang malaki kong maleta, naglagyan ko na ito ng name tag ko at ng green na ribbon para madali kong ma spot-an sa conveyor kapag nasa airport na ko sa gitnang silangan.

Isa yun technique na natutunan ko dati, sa dagat ng pare-parehong maleta at kulay ang hirap hanapin kung alin ang sa iyo. Hindi na rin uso ang paglalagay ng malalaking letra ng name at address sa maleta mo. na kahit nasa malayo e mababasa mo. LOL kaloka lang yun!

Tinimbang na din ng tatay ko yun mga bagahe ko. Wala pa daw 40kilos sabi nya. Sayang sabi ko. Nakapamili pa sana ng mas madami. Para mas madami akong dalang food at pasalubong sa mga kaibigan pabalik.

Nagdala ako ng itlog na maalat (typical na pasalubong haha) kaunting longganisang baboy. Binagoongan na may maliliit na baboy at taba sa sahog. Ilang delata ng pork sisig, at  reno liver spread. Oo alam ko iniisip nyo. Di ba bawal baboy dun?

Bawal nga! tseh!

Pero may dala pa din ako. Hindi naman kasi gaano mahigpit dun sa airport namin. hihihih

Bitbit ang passport at ticket at OEC na isisilid ko sa bag ko. Nagmamadali na ko lumabas ng bahay papunta sa nag hihintay na Van. Muntik pa ko matapilok sa taas ng takong ng stiletto na suot ko. charot! Kami kami lang mag anak ang nasa loob. Medyo malungkot na ko nun papunta palang kami sa airport. Kandong ko ang one year old kong pamangkin at nakikipaglaro. Siya ang higit kong mamimiss sa aking muling paglisan.

5:25 ng hapon ang flight ko. Dumating kami sa NAIA ng lampas alas-tres. Malakas loob ko kasi nakapag online check in naman ako at nakapamili na din ako ng uupuan sa plane sabi ko sa sister ko na panay ang ngawa na sobrang late ko na daw magcheck in haha.

Naayos ko din ang passport ko na nagkaproblema nun nakuha ako ng OEC. Kailangan ko pa mag extend sa bakasyon ng 6 days pa dahil dito. Ayaw nila ako bigyan. Kasi daw less than 6 months nalang e pa-expire na daw ang passport ko. May ganun palang rule! Hindi ako informed! tseh!

Dapat daw ni-renew ko na nun dumating ako nun december one sabi nun nakausap ko sa DFA. Sa isip isip ko. Mahadera kayo busy ako nun sa mga boys, boys, and boys. Chos!

Pinayagan nila ako i-extend ang due date ng pasaporte ko ng another 2 years. Basta maipakita ko lang daw ang contract copy ko and Visa. Nagbayad ako ng 400 na alang resibo sa processing ek ek ata. at another 200 sa mismong fee talaga at yun ang may resibo. Kaloka.

Pero ok na din atleast naging 46 days ang bakasyon ko! haha. Ubos nga lang pera ko. Said na!

Grabe lang ang tao sa NAIA nun araw ng alis ko. Jusme. Punong puno! Isinakay ko ng troley ang bagahe ko at nagpaalaman na kami. Isa isa kong niyakap ang familia zaragosa. Hindi naman ako naiyak. Medyo nanikip lang dibdib ko. Yung pakiramdam na ayaw mo na umalis ng Pinas. Yun parang gusto mo dun nalang sa piling nila.

Pero dahil matatag ako at nanaig ang tawag ng kwarta sa middle east, tinulak ko papasok ng erfort ang mga dala ko at di na lumingon pa.

Dumiretso ako sa OFW lounge kung san kelangan pa stamp-an ang letseng OEC na kelangan daw iverify pa na pahirap sa mga lilipad na. As if naman pwde pa dayain yun. Tigilan nga nila ko. *init ng ulo* LOL
Nakakainis lang na ayaw naman nila ipapasok ang bagahe ko dun sa area na yun. E alangan naman iwan ko yun basta sa labas noh? hello andun kaya mga itlog na maalat ko. e kung mawala! tseh hahaha

Lumabas pa ko ulit at tinawagan ang sister ko na bumalik muna sa may entrance at bantayan ang maleta ko habang nagpapa validate ako ng OEC. Buset na buset na ko nun. LOL

Henyway, madali naman ako nakapag check in ng mga bagahe since nakapag checked in online na ko ala na masyado mahabang pilahan. Kaso inabot ako ng lampas isang oras sa immigration! jusmio marimar! pawisan na ko. Naka longsleeves pa naman aketch!

5:05pm narinig kong mag tumatawag ng: "Sino po ang mga pasahero ng Qatar Airways?...boarding na po... boarding na po..."

Jusko! kinabahan naman ako ng slight hahaha! baka maiwan aketch! kinuha naman niya yun boarding pass number ek ek ko. atleast alam nila na andun ako sa erfort di ba. Winnur kasi talaga tao sa naia nun time na yun kaya muntik na ko malate. By 5:15pm humahangos na ko papunta ng eroplano ko! hahaha! by 5:25pm nakaupo na ko! ahahahahaha!

Success!

Pansamantala ko tuloy nakalimutan mag MMK moment dahil sa pagka stress ko sa Immigration! kaazar sila! Gutom na gutom na ko nun umaandar na yun plane. Inip na inip na ko maghain sila ng food. Kaso nabigo ako una inihain e nuts and juice! LOL

Nun nag hain naman sila ng dalawang beses e medyo natuwa na ko at nabusog na ko. Masarap naman ang foods at nakain ko lahat hahaha *rated PG* lang ang peg ko ganyan. Sa buong more than 9 hrs na byahe e naka apat na movie ako at naka sampung balik balik sa CR! hahaha! Kasabay ko din pala ang BFF ko na si Fatima sa plane kaya medyo enjoy din ang byahe ko.

Sobrang lamig sa Dowha nun makalabas na kami ng plane. Jusko tagusan sa jacket namin! Sunundo kami ng isa pang kaibigan na si Emerson *radiationboys* at ihinatid kami sa kanya kanyang bahay namin.

Binuksan ko ang pintuan. Binuksan ang mga ilaw. Alas dos na yun ng madaling araw. Nun mailapag ko ang aking mga gamit sa kwarto ko dun ko muli naramdaman ang lungkot. Andito na nga ako muli. Buhay solo na naman. Napatitig ako sa mga maleta ko.

Nag umpisa na agad ako ma home sick. I feel like crying pero ayaw lumabas ng luha. Nakakainis lang na feeling. Parang gusto ko na umuwi agad ng pinas. parang biglang natatakot ako mag isa muli.

Sabi nila mas OK daw na iiyak nalang kapag nakakaramdam na ng homesickness. Kaya naman pumasok ako sa banyo at humarap sa salamin. Pinipilit ko umiyak. Kaya lang natatawa ako sa itsura ko. Di bagay e! Mukang engot lang ako! LOL

Inayos ko ang mga gamit ko nag umpisa mag un-pack ng bagahe pero di ko matapos. Wala ako sa mood. Sinubukan ko matulog pero nananatili lang akong gising kahit antok na antok na. Haist. May duty na ko muli kaya pinilit ko magpahinga.



Laking tulong ng work at mga kasama sa trabaho. Mabilis kong nalabanan ang lungkot. Ngayon ay nakaka anim na araw na ko dito sa middle east at masasabi kong I'm back to being "ME" again. Fully functioning na mga programs ng kalandian ko sa katawan at turnilyo ng kaharutan. LOL

Madami akong nami-miss and I'm looking forward to seeing you guys soon :-)

September 10, 2012

Kahit Ano Lang



Nasa bahay lang ako mula pa kahapon. Off ko kasi hehe. Sobrang lamig kaya naka pajama at jacket ako habang sinusulat to. Nag chicken sisig ako ng for breakfast. Puro manok nalang! malapit na ko magka feathers!

Wala naman, ito ay just some random post, share ko lang mga ganap sa buhay middle east ko :-)

***

Dahil lagi naman akong night shift at madalas e 12hrs ang duty ko, kulang ako lagi sa tulog, kaya naman kapag day off ko, kaya ko matulog ng 12 to 16hrs! ihi at inom lang ang pahinga niyan! Gaya today. Kakagising ko lang mula sa 14hrs na tulog nun 2am hahaha! lamon agad ang inatupag ko nun pagkabangon.

***

May plane ticket na pala ko para sa bakasyon ko sa disyembre! bayad na ng management ng hospital at nasa akin na! atat ko lang noh? mabuti ng maagap. Andami kasi nag aagawan umuwi ng december sa mga kasamahan ko. Baka maubusan ako ng slot e. Excited na ko umuwi. Andami ko plano puntahan, gusto ko sa mga beaches, lalo sa Coron at sa Laiya batangas, sana magkasya budget ko, at maraming gusto kainin at kainan! lahat nililista ko na hahaha! maigi ng may plano noh!

***

Tamang tama din pala uwi ko kasi first birthday celebration ng pangalawa kong pamangkin, at maghanda na daw ako ng pang party sabi ng mahadera kong kapatid. kalurkei.

***

May mga hindi ako nakakasundo sa trabaho. May sama pala ng loob di sinasabi sakin, e ano ba ko manghuhula di ba? May mga hindi pagkakaunawaan, napansin ko lang dumadami na sila, kapag nagkampi kampihan sila ala ako laban sa sabunutan ah. LOL! Pero bahala sila, I cannot please everyone. Basta ako, i'll enjoy my job at unahin na muna ang trabaho kesa sa mga intrigang yan.

***

Umaayos na pala ang kalusugan ng bayaw ko na may neck and throat cancer. Natapos na niya ang series of daily radiation treatment niya at weekly chemotherapy. Grabe, ang hirap ng may sakit sa pamilya. Stress masyado ang sister ko, nakaka drain physically, and financially. Buti nalang matatag ang nag iisa kong kapatid. Ngayon, monthly nalang ang chemo treatment niya, sana lalo pa siyang lumakas at maging healthy.

***

Hindi muna ako nakikipag date at nakikipag landian. Pahinga muna. Masyado ako napagod nun mga nakaraang buwan! LOL parang andami e noh? kasi naman hindi ko pa din siya makita. Its either gusto ko or hindi ako gusto. Yan ang katotohanan. Tinigilan ko na din muna ang pag gamit ng Grindr, may nabalitaan kasi akong pinoy na hinuli ng pulis na nagpanggap na ka eyeball niya. Kaya ingat muna tayo mga bekis :-)

***

San ba mas maganda pumunta? sa Hongkong kung san andun ang Disney land or Singapore na merong Universal studios and etc?

***

Adik ako lately sa mga documentaries na available sa Youtube. Grabe tuwing night shift sa work, nauubos oras ko dun. Mapa animal kingdom, mapa CIA or conspiracy, pati Ancient Aliens pinatulan ko na! hahaha. Fave ko din dun yun mga Mega constructions lalo yun docu about sa artificial islands ng Dubai. Grabe!

***

Unti unti na nababa ang temperature dito sa city, at konting panahon pa lalamig na naman! yey! excited na ko magsuot ng mga jackets ko ulit at ginawin sa labas ng bahay! Nababa ang temp dito ng around max 14 degrees lang naman, pero malamig na yun! as in!

***

Hindi ko pa napapanood ang Dark Knight Rises at Bourne Legacy. Kakainis!

***

Sinusubukan ko magtipid na since malapit na ko magbakasyon. Alam naman nating di biro ang gastusin sa pinas! Baka saglit lang ang dala kong kaban dun e ubos na agad! LOL.

***

Pinaka namimiss ko kainin ang crispy pata ng Max's! at yun ginataang kuhol ng Gerry's Grill! lalo na yun luto ng kapatid ko na ginisang patola with matching pritong galunggong! yummy! pati yung puto bumbong miss ko na sobra! at higit sa lahat miss na miss ko na ang baboy! oink-oink!

***

Madami akong planong ma-meet na bloggers, at sana ay may time sila pag aksayahan ng panahon ang isang gaya ko na nag re-request. charrrr! hehehe.

***

Medyo ok naman na daw si Mom ko sa Dubai. Sana matapos na ang mga problema. at sana dumating na yun blessing na matagal ko na iniintay at pinagdadasal...

***

Humupa na din daw yun tubig baha na pumasok sa loob ng bahay namin sa laguna na hanggang tuhod. Mabuti naman kung ganun at kawawa naman kasi sila dun.

***

Hindi ko na nakikita yun resident doctor na arabo na super mega crush ko! siguro nalipat na siya ng assignment! Masarap mag duty ngayon sa hospital namin, dati-dati umaabot ng 15 ang patient na hinahandle namin sa ICU, ngayon, masuwerte na maka tatlo! LOL. well, ok lang naman, nasahod kami ng ayos at tama para pumetiks! samantalahin habang di pa toxic da vah!

May kasunduan kami nung girl na friend ko na in 5 years kapag di pa siya nag kaka bf at nagkakaasawa, magpapa buntis siya sa ibang lalake na pipiliin namin. Tapos papakasalan ko siya in papers only para di siya makulong at mawalan ng work. Kung kasal na kami, magkaka monthly allowance kami from the company management, mejo malaki laki yun kaya pwde na! tapos pag nakaanak na siya, siya gagastos ng legal separation namin. Hahaha! O hindi na masamang kasunduan di ba?

***

O siya yun na muna. Ang daldal ko na naman! andami ko na shinare! Magagalit na naman friends ko sa kin nito. LOL

August 15, 2012

Naked Soul


I was bored last time and I BBM'd Gian who's also waiting for my invitation for a week now.

I've told him he can come over tonight. I don't have anything to do and decided to invite him. Me and Gian both knew what's coming.

Sex.

That's the only thing we have. I don't see him as someone I could love...I don't know what he feels. I never asked him. Maybe I'm afraid for what he might say. I don't wanna hurt him. So I better not ask. Its safer this way.

Maybe i invited him tonight so that I could see once again or prove to myself that I could...that I should...

Besides, he already have an idea what we are. Fuck mate. Taga kamot ng pangangati. Shit, thats sound so bad. LOL

When he arrived, after a short conversation I closed down the curtains and turned off the lights and left the bathroom lights on.

I was on top of him...kissing him...gently...i was trying to feel something when my lips touched his. The kiss intensified, deeply and harder. I felt he hugged me tighter. Almost squeezing my body...

In between these moments I was still analyzing what Gian means to me...I continued kissing him some more...

We paused and catched our breath to remove our clothing...i felt his naked body under mine...it was warm. I always love this kind of feeling, being with another man. Skin to skin. Naked body to another naked soul. Will always miss this kind of feeling....

He was sucking my nipples and I literally holding on to his hairs...when he went down there I moaned. It felt so good.... Gian is always good on this department. I have no match for him.

When its time for me to return the favor, I was ashamed of my performance haha. But I tried so hard...i did! So lame!

He asked me to positioned my self on top of his chest and have my manhood straight on his mouth...I remembered pounding his mouth so hard that he almost choked.

Our body became one. The room was filled with his moans and whispers...I was trying to enjoy the moment.....I don't know what happened, I suddenly felt, blank...

He noticed. He asked. I said, go on. Can you cum now?

He asked: what about you?

I answered: Don't mind me. You go ahead.

No. Lets cum together. I'll wait for you. Gian begging.

But I'm not in the mood anymore. I lost interest. I just want to get it over with and take a shower and sleep. I feel sorry for Gian. He don't deserved me. He's a fine man.

Gian tried to get me back in the mood again. I pretend.

I have no idea why this happened. One minute i was on fire and the next minute, I was bored. is this a start of the menopausal stage? nireregla pa naman ako a? LOL.

I lost the erection. Gian tried to wake him up. I said: stop it... I'll jerk you off and you can cum now...

He told me he cannot cum without holding a dick or something while jerking. Hmm, that's weird. Pinagbigyan ko siya...we're both lying on the bed naked on this dark and cold room...was jerking each other....till I've heard his soft moans...arching his body...i tried to move my hand faster....harder this time...I could feel his manhood almost exploding on my grip...his breathing became faster...and his moans louder...

"I'm cumming..."

Felt the warm liquids dripping down my hand. Gian kissed me. I cleaned my hands with the tissue on the floor. Entered the bath room and took a shower.

Gian followed after I'm done. I told him to get dressed.

Are you done? you wanna go now? I asked.

Yes.

I walked him to the door, and kissed him to the cheek.

I went straight to my bed and hugged my pillows and stared at the dark ceiling of my room.

September 6, 2011

Arabo Sa Dilaw Na Hummer



Mag aalas tres na ng madaling araw nang maisipan namin umuwi na. Mejo tipsy na si Mar kaya inawat na namin. Siya pa naman ang magda-drive pauwi. Kaya pa naman daw nya mag maneho nung tinanung namin siya.

Galing kami'ng tatlo sa pag gimik sa isang popular na local club dito. Ako, si kuya fred at si Mar. Humiwalay na sa amin ang mga girls. Iba maghahatid sa kanila. Nag enjoy kami masyado kaya inabot na kami ng umaga.

Nung una ayos pa naman kami bumabaybay sa maluwag na kalsada kasi halos wala ng sasakyan nun mga oras na yun. So ito'ng sira ulo nami'ng driver na si Mar e nag papaloko loko kunyari lasing lasingan at ginewang-gewang ang pagmamaneho ng sasakyan. Tinatakot nya ko kasi alam nya mag re-react ako.

Nasa back seat ako nakaupo.

Sinabihan ko siya na umayos at baka maaksidente kami...wala pa kong bf at ayoko pa mamatay biro ko pa.

Nag red ang traffic lights kaya tumigil kami kahit wala naman iba sasakyan sa harapan namin...at habang nakatigil kami, huminto sa tapat ng kotse namin ang isang kulay dilaw na Hummer.

Nagbukas ng bintana ang arabito'ng sakay nito...

"Hey man! Are you drunk?!" sigaw nya.

Kinabahan ako ng slight muna. Ito naman si Mar nag astig-astigan.

"No man! I'm not. Are you?" napatawa ako nun sinabi nya yun.

"What? You are drunk! You're not supposed to drive!" Sagot ng ibang lahi sa amin. Lalo siya napikon kay Mar. Alam namin na hindi lasing si Mar. Nagloloko lang siya kanina. Nakainom siya pero kaya pa nya.

"Nag uwi ka ba ng resibo ng mga alak na ininom natin?" tanong sa kin ni kuya fred. Kinapa ko ang bulsa ko kung meron ba akong naisilid. Pero wala! Putek!!!!

Dito kasi, bawal bumili at uminom ng alak kung wala ka permit. At kung gigimik ka naman sa mga bars at club dapat inuuwi ko resibo para ebidensya sa mga pagkakataon na masita ng pulis or ng awtoridad.

Kaso nga wala! wala! wala akong naiuwi! Kasi naman ilang beses na kami na gimik at di naman nangyayari ito. Malaysia ko ba na nanganganib kami tonight!

Kinabahan ako. Pulis ba tong mokong na to?

"Mar, isara mo na bintana, wag mo na patulan" payo ni kuya fred. Siya ang pinakamatanda sa aming tatlo.

Nag green na ang traffic light at nag Go na kami. Dineadma ni Mar yun naka Hummer.

Pero sinusundan pala nya kami.

Busina ng busina sa likuran namin. Walang tigil. Gusto nya mag pull over kami sa tabi.

"Ihinto mo na Mar...baka lalo tayo mapahamak" sabi ko.

"Hindi pulis yan e di sana may badge siya pinakita! nagpa-ti-trip lang yan" sagot ni kuya fred.

Mas lalo pa binilisan ni Mar ang takbo namin. Lumilipad na kami sa daan. Napapamura na ko sa takot!

Pero andun pa din yun yellow na sasakyan. Hindi siya nasuko.

Gumawa ng paraan si Mar na makaliko sa isang kanto at hindi nya kami napansin. Nakahinga kami ng maluwag nun mailigaw namin siya...

Pero yun ang akala namin...

Pagliko namin muli sa isang eskinita, taena halos banggain nya yun puwitan ng kotse namin. Nung maabutan nya kaming muli.

"Mar, sino ba yun? bakit siya humahabol sa tin?" halos paiyak ko nang tanong sa knya. Alam ko kinakabahan na din yun dalawang kaibigan ko pero hindi sila umiimik.

Walang tigil na harurot at busina ang ginagawa'ng paghabol sa amin. Tumatalbog kami sa kada humps na madaanan namin.

Kung anong bilis ng takbo namin ay siya din bilis ng nasa likuran naming malaking sasakyan. Iniisip ko na kung ano maaring mangyari sa amin. Its either makulong kami kung pulis nga siya...or mabugbog kung isa siya'ng tripper or sira ulo.

Nagdadasal na ko ng mga oras na ito.

Hindi ako makapaniwala na nangyayari ito. Sa pelikula ko lang napapanood ang ganitong eksena. Nakakaloka na nangyayari sa amin ito ngayon. Parang isang panaginip lang.

Malapit na kami sa building namin. Sabi ni Mar, hindi na yan makakasunod sa tin kapag nasa parking na tayo at sa loob ng accommodation building natin.

Mabilis pa din ang takbo namin. Nun papaliko na kami sa loob ng undeground parking sumayad at kumiskis ang tagiliran ng sasakyan ni Mar sa pader.

Lumikha ito ng malakas at nakari-rinding ingay.

Nakakangilo...Nagtakip ako ng tenga ko.

Napalabas ang security guard at mga by-standers nung dis oras na yun ng gabi. Lahat sila nagtataka.

At tama nga sabi nila kuya. Hindi nakasunod sa loob yun hayuf na Hummer. Ipinark ni Mar ang kotse sa gilid....

Pero maya maya may naglalakad na malaking arabo na palapit sa amin.

Iisa ang hula namin. Siya yun driver ng dilaw na hummer!!!


"kuya, anong gagawin natin? papalapit na siya..." tanong ko sa mga kasama ko.

"wag ka lalabas. kahit anong mangyari..." si kuya fred.

Nakakatakot ang itsura nung driver. Hindi ko matiyak kung anong lahi siya. Arabic ang features ng mukha nya.

Kinakatok nya ang side ni Mar na siya'ng nagmamaneho.

"Open the fucking door! Im police! get out of the car!" hiyaw nya. Nung marinig ko yun word na police lalo na ko natakot!

Parang lalabas ang puso ko sa lakas ng tibok nito.

Nakita ko na papalapit na din sa amin yun 2 namin security guard sa building. At mga apat pang lalake na nakatira din sa building namin. Puro kami empleyado ng hospital dito. Kahit papano nakakabanaag ako ng relief na may mga makakaramay kami kapag may ginawa'ng hindi maganda ang impaktong ito! LOL

Nagbukas na ng bintana si Mar: "whats your problem man?" sagot nya.

"Why you did not stop? I asked you to stop. You run! I'm police!"

"You chased us! You did not say you're police! and....What's your problem?!" si Mar ulet.

Kundi lang sa nakakatakot na sitwasyon namin, gusto ko mapatawa ng malakas sa "whats your problem" na dialogue ni Mar! Parang tanga lang!

Napikon yun driver at hinila ang kuwelyo ni Mar mula sa bintana ng kotse! halos mapasigaw ako sa takot!

"whats your problem?!" yun na naman tanong ni Mar!

This time, lumapit na yun security at mga tambay...nakisali na sila...napakalma ng konti yun humabol sa amin.

"I'm police! I will get my ID wait here!" sagot nya nun hinihingan ng ID or anything nun mga tao.Lumakad siya palayo sa amin at bumalik ata sa sasakyan nya kasi hindi namin tanaw mula sa kinalalagyan namin.

Saka lang kami bumaba ng kotse. Feeling ko ligtas na kami sa company ng mga kasamahan namin sa hospital kahit pa ibang lahi din sila.

Ikunuwento ni kuya fred at Mar ang nangyari. At sinabi nung egyptian security guards namin na umakyat na daw kami at magpahinga. Hindi na daw yun babalik malamang. Huwag na daw muna kami bumaba ngayon gabi incase na bumalik yun.

Saka lang nawala neybiyos ko nung makapasok na ko sa flat ko. Nagpasalamat nalang ako sa diyos na ligtas kami nakauwi.


Whew! What a night!!!



Yun nga lang malaki gagastusin ni Mar sa pagpapaayos sa napakalaking gasgas sa tagiliran ng kotse nya!