Showing posts with label pinoy gay stories. Show all posts
Showing posts with label pinoy gay stories. Show all posts

August 4, 2012

Karamay



Ilang araw na din namin pasyente ang dad nila. Andami nilang magkakapatid na lalake. Pito ata sila. Magagandang lalake pa!

Lokal silang taga dito. At kumpara sa ibang lokal, mababait sila. Hindi sila rude, hindi mayabang, at hindi mapangmata ng kapwa.

Marami kasing lokal na palibhasa mayayaman, at andito sila sa pinakamayaman na bansa sa mundo, nag iiba na ng ugali. At dahil mapera, yun iba hindi na nag aaral. Mangmang na. At sila ang may pinaka karumal dumal na pag uugali haha!

Naranasan ko pa nga habang nagra-rounds sa ward last time, nakaupo yun lalakeng kamag anak, inuutusan ba naman ako kunin ko daw sa hanger yun damit niya in his arab language. E ang lapit lang sa knya, isang tayo niya lang ayun na makukuha na niya letseng damit niya!

Hindi ako makapaniwala. Mukha ba akong utusan niya? Naka white coat naman ako at scubs, may stet sa leeg, napapailing ako. Kunyari di ko siya maintindihan. Kaya dinedma ko ang hayuf. LOL

Akala mo pag aari nila lahat ng expat. Pero madami pa din naman palang edukado at maayos ang ugali. Isa na ang pamilya nila.

Comatose ang dad nila. Nag arrest siya at andito sa ICU namin, panget ang prognosis sa knya. Pero we're still giving him all medications and treatment.

Ang punto ko lang, dahil sobrang babait nilang magkakapatid, magalang sila magtanong sa amin, they trusted us, mas magaan magtrabaho. Mas bukal sa kalooban namin yun araw araw na tasks. Yun wala kang feeling of imbyerna kasi annoying ang relatives. Walang ganun.

Kaya naisip ko somehow, a bunch of nice relatives, gives us a nice day at work. Mas nagagawa mo ng maayos ang trabaho. Di ko sinasabi na nawawala quality of work namin, pero iba pa din kasi na alam mong hindi ka mabubuwisit sa mga kamag anak.

Kahit busy, kahit stressful ang shift, kahit mangulit sila, hindi mo magagawang magsungit e. Kasi ikaw ang mahihiya sa kanila.

Kaya naman nun dumating ang gabi na nag code blue kami sa dad nila. Andun sa loob yun isang anak na lagi nakabantay sa dad niya noon. Nagdadasal sa isang sulok. nagsusumamo kay Allah...napapatingin ako sa knya ng ilang beses dahil nararamdaman ko fear nya of losing their beloved father.

Nun tingin nya wala ng nangyayari sa paulit ulit namin pag shock at pag CPR, unti unti siyang parang nauupos na kandila...unti unti gumagaralgal ang boses na nag dadasal...hanggang sa maging hikbi...maging hagulgol...

Ang hirap kasi mag concentrate na may nakikita kang ganung eksena. Hindi kasi siguro ako sanay na ganun siya...i always see him as matatag, malumanay, composed.

Nangingilid na luha ko nun. Pinipigilan ko. Kasi I need to do my job. Pero shit naman, tao lang ako. Konti pa feeling ko tutulo na luha at uhog ko!

Sabi ko sa katabi kong pinoy na nurse, teka muna I need a breather. Nadadala ako pagdadalamhati niya. Lumabas lang ako saglit ng 5 minutes. At saka muling bumalik. After an hour and a half. We pronounced him dead.

Dinig sa buong ICU ang lakas ng hagulgol nila. Malakas na nakakabahala. Natatakot yun ibang pasyente. Kaya naman kelangan pa palabasin ng guards yun iba. Pinakiusapan na to keep it down without being insensitive.

Naglabasan kaming lahat sa kwarto at isinara ang pintuan to give way to their mourning.

Naisip ko, kaya siguro nadadala ako sa emosyon ko kasi, lagi ko nakakausap ang mga anak nun patient, how they treated me nicely and politely. Kaya naman siguro nakaka relate ako sa pinag dadaanan nilang sakit ngayon. Somehow in a short period of time, I become friends with them.

Napatunayan ko na...Kapag mabait ka sa kapwa mo, masusuklian ka din ng kabaitan. At magge-gain ka ng mas maraming kaibigan at karamay.

October 17, 2011

Maging Matigas...


Marami akong natutunan sa pagiging isang O-ep-dabolyu ko. Gusto ko i-share sa inyo. Una na diyan at pinaka importante sa lahat....yun pagiging matigas ang loob.

At sa mga nakyuryus...hindi po tungkol sa kalaswaan ang post na ito hehehe.

Oo matigas ang loob mo dapat. Sinigurado ko na gusto ko ito. Once na nasa airport ka na at papasok ng eroplano, wala nang urungan to. Halos gusto ko tumakbo pabalik sa pamilya kong naghatid sa akin noon.

Pero tiniis ko. Grabeng self control ang ginawa ko nun. Paulit ulit na binubulong na kaya ko toh. At isa rin sa mga nagpa stay sa akin ay ang aking goal. Gusto ko ng bagong buhay, ng bagong meaning...gusto ko magkaroon ng worth. Isinantabi ang pag ibig namin ni Brian noon. Nagkalabuan kami at hindi ko na inayos pa dahil sa isip ko, paalis na din naman ako. Mas mabuti na rin yun.

Sawa na ko sa mababang sahod sa dati kong pinagtatrabahuhan na wala naman marating. Halos kulang pa para sa sarili ko. Ni hindi ako makapag share sa mga gastusin sa bahay...alam nyo yan for sure. Nakakahiya.

Nahihiya ako sa magulang ko. Mas lamang yun dream ko na may mapatunayan ako. Lalo na sa tatay ko.

Sa tatay ko na feeling nya e walang mangyayari sa buhay ko kasi bakla ako. Na disappointed na nga siya sa pagkalalaki ko e pati ba naman sa mga maitutulong sa pamilya e madi-disappoint din ba siya.

Isa ang tatay ko sa mga dahilan ko kaya lakas loob akong nakipagsapalaran sa gitnang silangan. Wala ako kakilala dito kahit isa nun dumating ako. Hindi nyo alam kung ganong kaba at takot ang nasa kalooban ko nun. Sino ba naman ang hindi. Wala sa sariling bayan. Ni wala kang kaibigan.

Pero tinigasan ko ang loob ko....kinapalan ko mukha ko. Nagtapang-tapangan. Mahirap din pala yun. Kunyari tough ka pero napaka rupok mo pala deep inside ng mga oras na yun.

Hindi ako maaring mag fail... naiimagine ko na mga sasabihin ng tatay ko kapag umuwi akong bigo. I don't wanna give him that luxury.

Yang goal na yan ang dala-dala ko till now. Hindi ako pwedeng mabigo. Kaya kahit walang lovelife, kahit walang boyfriend ngayon, sabi ko OK lang. Basta may matinong trabaho, basta may masarap na pagkain sa mesa, basta may naipapadala sa pamilya, kaya kong tiisin ang pangungulila sa pagkalinga ng isang nagmamahal.

Sa akin umaasa ang Nanay ko...naniwala siya sa akin noon. Nag tiis siya magpakahirap sa ibang bansa mapaaral lang ako. Ayoko mawala ang tiwala nya sa akin na kaya ko. Kaya naman Living The Expectations ang taytol nitong blog ko...hehehe. Para yan sa Nanay ko. Dapat isabuhay at isagawa ang inaasahan sa iyo...dahil yun ang pangako ko :-)

At sana magtagumpay ako. Dalawang taon palang ako dito. Marami pa kong panahon. Sana walang maging sagabal...

Natuto din akong lumaban, naging matigas ang mukha. Marami din kasing buwaya sa ospital hehe. Hindi lang sila nasa gobyerno at sa kapulisan sa atin. Marami din dito. Naghahari-harian, mapa-ibang lahi.

Kapag tama ka...kapag alam mo ginagawa mo, wag ka papatalo. Marunong na ko makipag sagutan dito ngayon. Kumpara noon na Oo ateh! Oo ateh lang ako! Lalo na sa mga bobong doktor at nars!hahaha! Mahilig silang ipilit ang alam nilang ka-engotan sa pasyente. Dapat alam mo silang kontrahin. Kasi mga bobo naman sila!

Hongyabang ko! Well, hindi naman lahat, meron din naman talagang may alam kahit papano.

Pinakaimportante din sa lahat e dapat marami kang alam na porn website kasi sila makakapiling mo tuwing gabi ng pag iinit at pag iisa! chos!

Henywayz, just to conclude this post na ewan ko ba kung may sense haha, maganda na ang kinalalagyan kong trabaho ngayon, wala na ako sa General Hospital, nai-transfer na ako sa specialized hospital with the same medical corporation. Nasa Cardiac Hospital na ko. Bagong tayong ospital na para lang sa mga pasyenteng may sakit sa puso. (syempre alangan namang para sa mga may sakit sa atay davah?!LOL) Yun nga lang kabi-kabila ang cardiac arrest!

Pero ok lang, I love actions naman e!

Have a great week ahead guys :-)