Minsan lang ako kung bumili ng relo at di naman talaga ako kolektor na gaya ng iba na dose-dosena ang relo nila at papalit palit araw araw. Sakto lang yun sa akin. Maingat kasi ako ata, kaya inaabot ng taon bago sila masira or mapalitan or kung di naman nag sawa lang hahaha, minsan may umay factor din diba? at kalimitan pa nga nai-papamana ko pa sa dad at bayaw ko at ilang pinsan.
Nakakatuwa lang na kapag nauwi ako para magbakasyon ay makikita ko pang suot nila yun binigay ko at talagang gumagana pa. Ako pa nga mahihiya na parang kelangan ko na palitan yun suot nila kasi gamit na gamit na masyado ganyan. O diba bait baitan lola nyo! chos
Ito lang ang natira sa akin at di ko kaya ipamana dahil super love ko sila hehe. Ito ang una ko binili nun nag abroad ako, kaya naman mahirap pakawalan, ang ToyWatch Jelly. Medyo pricey ng slight pero sulit naman.Three years old na to sa akin. Nagpapalit lang ako ng straps depende sa mood ko na isuot.
ToyWatch jelly
Bagong bili ko tong orange strap, hongkyut! hihihi
So far itong Tissot na ito ang pinakamahal sa mga relo na nabili ko. Medyo nanghinayang ako nun makauwi sa bahay hahaha oo may ganyan moment ako, bibili tapos magsisi na parang sayang yung pera ganyan. Pero sulit naman, maganda naman at matibay talaga, yung glass niya ay made of sapphire crystal, and its scratch proof, sabi nga nila madudurog at masisira yung pinaka bracelet pero yung glass ng relo ayos na ayos pa din kahit ilang taon pa lumipas. Niloloko nga ko ng mga friends ko testing daw nila palakulin if di mababasag LOL
Mag three years na ito sa akin, kita na nga yun gasgas sa pinaka bracelet e, pinang aaraw araw ko kasi sa duty hahaha. Kasi naman nilulumot na sa taguan, minsan nalang kasi ako makalabas at makagala dahil sa work, naisip ko nun e di gamitin nalang aanhin pa ba yun di ba. Ganda ng kahon nito as in,ang bigat at may compartment ek ek parang pwde na din ibenta LOL!
Tissot
At last week nga ay napabili ako ng relo na ito dahil naiingit ako sa mga male nurses sa ER, parang ang astig ng relo nila. So yun I bought this Casio G-Shock Gulfman series! Hindi pa sila ganun ka pricey kesa sa mga nabili kong relo from the past.
Balak ko itong ipamigay as premyo dito sa blog ko hahaha, Twice ko palang ito nasusuot. Nag iisip pa ako kung ano pa-contest ko, pahabaan or palakihan or patabaan ba or what. charot!!!!'
Casio G-Shock Gulfman
At nun isang araw ay di ko napigilan mapabili na naman ng isa pang G-Shock na ito nun masilip ko sa display. Jusme naman kasi ke-gandah!!!! ang lakas makabarako, alam nyo naman mapagpanggap tayo. aminin! chos ang tibay pa nito: 200 m water resistant, shock resistant, at magnetic resistant. Hindi ako worried na mabunggo bunggo siya sa pader or saan man. Pero di pa din ako magde-dare na ipasok ito sa loob ng MRI machine namin sa hospital hahaha.
Casio G-Shock GA-100
at itong isang toh sana makahanap ako, kasi nainggit ako sa friend ko na meron nito hihihi di ba ang kyot! parang laruan lang ng bata!!!
Goodluck nalang sa akin if may mabibili ako nito or maoorder online. Kayo ba, nangongolekta ba kayo ng relo? Mala-Imelda shoes na ba collections nyo? anong relo nyo ang di nyo maipagpalit palit or maipa-hands-me down? hehe
9 comments:
shalan ng collection relo. heheh.
laruan ang slight na kinokolekta ko, yung one piece na anime. :D
cool nung last watch, parang ansarap kainin sa bright ng color, parang gummy bears ganyan.
ang lagay eh hindi ka pa masyadong mahilig magcollect ng relos niyan ah? ahahahha
akin na itakin natin yung isang relos! Testing kung di nga masisira :)
@khantotantra--ang konti nga e haha, and yeah, kaya cute na cute ako dun sa red na yun
cool watches!
ayy trip ko ung red! want ko vibrant na colors pag sa relo
Hala, sige! Sayangin mo lang ang sweldo. LOL
di ako makarekate! wala ako kahit isang relo man lng:)
ang cute ng red, :)
Mahilig din ako bumili ng relo, hindi nga lang kasing mahal ng Tissot mo :-) May ilang piraso na rin ako, so far ang pinakamahal na nabili ko eh A|X. Huwag mo nang iparaffle yung isa, akin na lang ;-) hehe!
Post a Comment