Showing posts with label arabo. Show all posts
Showing posts with label arabo. Show all posts

July 31, 2011

Unang Tapak Sa Disyerto (part 1)


Two years ago, bagong salta lang ako dito sa bahaging ito ng middle east...ang bilis talaga ng panahon...ngayon madami nang nangyari, marami akong natutunan. Isa na nga talaga akong OFW...yun nga lang, bading na OFW...toink!

Pero laking pasasalamat ko kasi super enjoy ako sa trabaho ko, sa mga mababait na kasamahan at higit sa lahat sa mga naging kaibigan ko dito.

Di ko pa pala na i-share sa inyo ang nangyari mula nun unang tapak ko dito sa gitnang silangan. Samahan nyo kong balikan ang mga pangyayari dalawang taon na ang nakakaraan:

(insert music...#harp playing)

Pagkahatid ng pamilya ko sa kin sa NAIA, hindi pa ko nalungkot nun. Para ngang wala lang. Parang luluwas lang ng maynila drama ko.

Unang sakay ko ito ng eroplano. Kabado na excited ang pakiramdam ko. Di ko pa alam nun na bulok pala ang Gulf Air! hahaha. Hinayupak kasing agency ko, tinipid pala kami, wala nga kami'ng placement fee kahit singko pero kinupit pala nila yun pambayad dapat sa Qatar Airways! na isang world class airline! Go figure!

So ako naman yun, kiver kung anong sasakyang airline, go lang ako sa flow.

Sinabi sakin nun recruitment agency ko na may kasabay daw akong pinoy muslim, medtech siya, therapist ako. Pero pwede na sabi ko sa isip ko. Ang mahalaga hindi ako nag iisa papunta dun. Na-meet ko naman si Kuya agad sa airport. Mga edad 40 na siya. May walong anak sa mindanao. Mabait naman siya.

Yun nga lang naiipon lagi ang laway sa gilid ng labi nya tuwing magsasalita (ansamaaaaaaaaa ko! LOL)

Nag stop over kami sa bansang Bahrain ng isang oras ata yun. Puro Pana ang nakikita ko. Excited na ko makakita ng mga arabo. Gwapo kasi ang tingin ko sa lahi nila. Upo lang kami sa airport, antay ng oras. Si kuya sanay na, kasi galing na pala siya sa saudi 3 years ago.

Nun finally nakarating na kami sa Qatar airport, kabado na ko. Pano pag nahalata nilang bading ako? OO yun una tumakbo sa isip ko haha! Ayaw ko umuwi noh! Tinanggal ko ang agam agam. Di naman siguro. Tinignan ko sarili ko habang nakapila. Manly naman ang suot ko a...LOL

Pati sinunod ko lahat ng bilin sakin, walang naka save na file na bold or M2M sa cel or sa laptop in case ma check ang gamit ko. Wala din akong dala mga pork products ek ek. Lalo na mga dibidi-dibidi!

"Uy may arabong cute!!!" muntik ko ng masabi ng malakas!haha. Pinigil ko sarili ko.

Sa wakas, nakakita din ako ng mga arabo na naka white THOUB complete with head dress... naglalakad ako sa likod nila..ang tatangkad nila...naaliw ako sa mga suot nila na pare pareho'ng naka puti~!

Andami nila...nalulunod na ko...chos!

At tama, andaming gwapong arabs! Wagi! Pero siyempre di ko pinapahalata na type ko silang lahat! Balita ko pa naman mahilig sila'ng mang gang-rape!

ay type! chossssss!

Paglabas namin sa waiting area ng airport, ini-scan namin ang paligid sa susundo samin gaya ng sinabi nun taga agency sa pinas.

May nakita kaming Pana na may bitbit na karatula na pangalan ng hospital na pagta-trabahuhan namin.

Lumapit kami sa knya at tinanung niya kung kami ba sina ganito at ganire hehe. Pagkatapos inabot nya samin ang dalawang white sobre.

Yun isa naglalaman ng letter na wine-welcome kami sa corporation blah-blah. Pati detalye ng number ng bahay, at room na magiging tahanan namin. Pati na din ang susi sa pinto.

At yun pangalawang sobre naman ay naglalaman ng two thousand riyals (around 24K pesos ata) na gagamitin namin pansamantala habang di pa kami nag uumpisa sa trabaho at di pa sumasahod.

Ayos to! atleast di ko magagalaw yun baon kong $200! Kasi natakot akong wala akong gagastusin pagdating dito kaya nagbaon ako, incase lang naman.

Sumunod kami sa parking lot kung san andun yun company car na magdadala samin sa magiging flat namin. Yun kasi ang tawag sa mga tinutuluyang bahay dito. FLAT.

Dito ko na naramdaman ang matinding init ng panahon. Ang sakit sa balat. Para akong niluluto. Pati simoy ng hangin! Grabe. Imagine 48 degrees ba naman! Yun iba nga dumudugo pa ilong! E sa pinas 32 degrees lang kaya tayo dun.

Buti nalang mayaman tong mga bansang to sa middle east, pano nalang kung poor sila?e di walang aircon kahit saan! LOL

Nakarating na kami sa accommodation namin. Kinatok nun driver yun caretaker ng building at ipinakilala kami.

Egyptian siya. Wala akong maintindihan. Di siya gaano marunong mag english. Nag nose bleed ako hindi sa init kundi sa mga pinagsasabi nya!


Itutulog...


este itutuloy pala!





*kelangan ko na matulog! Galing pa night shift ang beauty ko! LOL

September 1, 2010

Dapat Nyo Tong Malaman!


Maraming bagay bagay akong naobserbahan sa bansang tinutuluyan ko ngayon. Nakakaloka at nakakatawa. Tinagalog ko para di nila maintindihan in case maligaw sila sa blog ko hehe.

Eto nilista ko basahin nyo now na:

Sikat na expression dito kapag may ginawa ka mali or parang mejo nainis sila sau, sasabihin nila "brother, I'll kill you!" haha nun una natakot ako, kasi baka totohanin, lagot ako, parang terorista kasi pero nasanay na din ako na biro lang talaga nila un, parang version ng "bruha ka" or "uten mo" sa atin LOL!

In na in din dito yun pag sasalita ng "same-same" at "too much up" or too much down"! wala din katapusan ang pag gmit ng word na "otherwise"!

Andaming PANA dito, sila yung mga bumbay sa atin. Yan ang tawag namin sa kanila para di nila alam na sila pinag uusapan namin. Madalas holding hands silang mga lalake pag nag lalakad. As in ang sweet di ba, andungis dungis ng itsura na may putik putik makikita mo sa kalye hawak kamay! kaloka! Sabi nila di daw yun kabadingan sa kanila, sign of friendship lang daw ek ek yun!

At kung gano kadami ang pinoy siya ding dami ng mga Pana. Sabi ng iba sila lagi ang kaagaw natin sa mga work abroad. Pero sa hospital namin, lagi nacocompare ng mga patient sila sa mga pinoy. Iba pa din daw tayo, may TLC sa trabaho kumbaga!

At till now di pa din ako masanay sanay sa amoy nilang di ko maintindihan!(pero meron din naman mabango) Amoy bumbay talaga! haha. Madami din ang may ANGHIT! kakahilo. Lalo sama sama sila. Yun tipong mga 10 or 20 people. Naku ang sang-sang! Madalas mga arabo, or taga kalapit na bansa din, mapalalake or mapababae may Putok talaga! Minsan nga naaadik na ako sa amoy nila, parang na-iimune na ako feeling ko masarap na siyang amuyin! parang burger lang bah! LOL

Kaya wag ka mag ba-bus dito kasi pagbaba mo kakapit na din yun amoy nila sa damit mo! buti nalang sosyal ako, nag ta-tricycle ako! nyahaha!

Di ata kasama sa culture nila ang mag deodorant. At itong nga Pana naman, paborito nila ang langis ng niyog! National fruit ata nila to! Pampahid sa buhok, pampahid sa katawan! baka yun din ang lube ng mga bading sa kanila!

At ang mga local dito, pare pareho ng damit. Puro puti! Feeling ko nasa Vatican ako at sang katutak na Priest ang nasa paligid LOL! Pero kahit na same-same sila ng outfit, lagi pa din may stand out, siympre yun mga cute at maganda mag dala ng national dress nila. Mapapalingon ka talaga. Para silang mga santo na nag aparisyon!

Dito, uso ang family day sa mga malls. Tuwing friday yun, kaya pag off mo ng ganun araw wag ka na mangarap mag lamyerda sa mall. Kaya pag di mo kasama pamilya mo, at nagsosolo ka di ka papasukin ng mga guwardiyang bobo. Pag ang magkasama e magkapatid na lalake, or babae lang, di din papapasukin, kasi ang family sa kanila, mother-father-son or daughter. Yun lang! Di ba ang tanga! haha

Ewan ko ba parang bawal ata dito gumamit ng ibang kulay na pintura! Dapat e beige or cream lang! Maliligaw ka kasi pare-pareho kulay ng mga bahay at buildings!

Halos lahat ng locals na nakataklob at nakaputi na saya e tatlo-tatlo telepono, at madalas makikita mong nagsasalita mag isa habang naglalakad! Parang baliw. Yun pala naka headset habang nakikipag daldalan sa cel nila ng walang katapusan. Ang yaman sa load! Halos lahat sila ganun!

My jollibee din dito pero di masarap ang spag. Ang putla! May chowking din. My mcdo, pero walang spag at walang kanin. Puro buns! My pizzahut pero di kasing sarap nun satin. Ang madalas ko kainin e yun mga grilled chicken at beef nila na may mga dahon dahon, sarap!

Dahil sagad sa init dito, natural pati tubig na pampaligo mo mainit din! Kahit nakalagay na sa cold yun knob, mainit pa din lalabas! Waaaa! kaya ang technique, gabi pa lang mag imbak ka na sa balde or drum para pagligo mo kinabukasan malamig na.

Halos walang fake na brand dito. Mapapabili ka tuloy ng orig haha. At madalas UK brands ang available na damit or shoes. Kaya napipilitan tuloy akong bumili sa River Island, Zara or Topman. Pero nun nagbakasyon ako last month namili ako ng sangkatutak na FNH na damit! Mas mura kasi! Hahaha.

Oa din manamit mga tao din, nasa mall lang todo boots pa! Parang mag pe-perform lang! Di masyadong ready!

Nagkalat din ang mga pinoy products dito, mga delata ng sardinas, mga tuyo, may boy bawang pa nga e! pero kakatuwa kasi ang may ari ng grocery store: Pana or arabo!

Ang ayoko pa dito, halos wala ka mapuntahan or mapaglibangan, puro mall at restaurant halos. Wala masyado pasyalan. Pero balita ko nag papagawa na sila ng mga parks and amusement center ek ek. Kaya madalas nasa bahay lang ako, nood tv, internet at jakol-jakol nalang! Toinks!

Relihiyoso din mga tao dito, dasal ng dasal lagi, pero wag ka sila pa minsan ang masasama ang ugali! Kaloka!

Puro supot din sila, pag pasimple ako sumisilip sa etits nila! Pero, malalaki talaga haha!

Yun mga babae naman na local, wag mo titignan at bawal mo makita mukha nun iba sa kanila, lalo yun naka full mask sa face. Jusko ang papanget naman pag aksidente ko nakikita pag inaalis nila. Mabuti pang itago nalang nga niya at wag ng ipakita pa!Kaitsurahan!

At wag ka makikipag away sa kanila kasi, goodbye middle east ka pag nagkataon! Kahit sila pa may kasalanan, ang ending mo, ikaw pa din ang mali! O di ba fair na fair!

Madami tayong mga kababayan na nakakagulat ang sweldo sa sobrang baba. Halos wala pa sa kalahati ng sahod ko. Pero nag titiyaga sila. Kesa daw sa wala. I salute them! Bilib ako sa inyo mga ate!

Madalas ang mga na-aadmit sa emergency e dahil sa heat stroke! Ikaw ba naman magpala at mag semento sa katirikan ng araw with 40-50 degrees ewan ko lang pag di ka natuyuan! haha

Madalas di kami magkaintindihan ng caretaker ng building namin, kasi di sila masyado marunong mag english, yes or no nalang sagot ko. Kahit wala ako ideya kung ano ba yun sinasabi niya!

At ang daming pinoy dito, over! Nun concert nila regine at ogie, dun ko yun napatunayan haha kasi halos mapuno yun football field ng mga pinoy! Grabe!

Ok na din naman tumira dito, sanayan na lang din. Kahit na sobrang init na parang nasa oven, aircon naman lahat ng pupuntahan mo! Sobrang mura pa ng gasolina.

Yun nalang muna ngayon, saka na yun iba, wala na ko maisip e antok na ko, galing pa ako night shift. Bye!