Showing posts with label father and son. Show all posts
Showing posts with label father and son. Show all posts

March 12, 2012

A Father And Son Story


Are you close to your father? -I'm not.

Do you love your father? -I don't.

Do you hate your father? -not anymore.

I know you're curious about my answers.

Well, me and my dad had a very long history of disagreements and fights. We have this great big wall between us, its too late to break it now. Even if he's trying to reach out for me, I just can't restart all over it again with him.

I just can't find it in my heart.

When I was a kid: I like to watch Variety shows. That time it was Sharon Cuneta's variety show! LOL! (Blame my mom she idolized her!)

He gets mad at me. He wants me to watch NBA or PBA!

I like staying home and read magazines and gossips and celebrities and all. He gets mad. He wants me to play with the boys outside.

He wants me to play ball....But I played my friend's balls. LOL

For him, its a disappointment to have a son like me. He can never accept me. He was embarrased of me. His friends....his brothers...all teased him to have a "malamya son" like me.

So he will get back at me.

He yelled at me. I yelled at him.

He said fucked you. I said fuck you too.

He pushed me. I pushed him back.

Everyday was like hell for many years.

Mom, defended me. They would fight.

I left home and lived with my aunts. He would check me out, because my mom wanted him to.

I hate him so much then. I wanted to put him in an elderly home when he reached old age and will let him rot in hell. And not attend his funeral.

Many years have passed. I'm older. He's older....somehow I felt, that he accepted my preferences.

I forgave him.

I saw change in him.

I see him everyday.

But he's just an ordinary person to me now...

Like a neighbor...

Like a boarder at home....

He's nice too me.

But I'm just civil.

He asked something. I answer. Just One word.

I assessed my self. I'm not angry anymore. I just don't feel anything about him.

We can't be friends.

If he dies, maybe... I'll cry.

Maybe not.

One things is for sure.

I'll die for my Mom.


***


This is a re-post from February of 2009. Exactly three years ago. Funny, I still feel the same way about him.

January 21, 2011

Ito Ang Simula II: Pagbuo Sa Mga Piraso


Itinayo ako ng tiyahin ko mula sa pagkakasadlak ko sa sahig pagkatapos ako hilahin dun ni tatay palabas ng bahay. Ibinagsak nya ang pinto pagkatapos. Nakakatawa kapag binabalikan ko sa alaala ang mga pangyayaring ito, Oh di ba, parang isang drama lang sa telebisyon...

Wala akong tigil sa pagmumura ng pabulong sa tatay ko...Isinumpa ko siya sa galit...matagal na nasa kalooban ko yun plano na:

"Gago ka...pagtanda mo, tandaan mo to, itatapon ka naming magkapatid sa ampunan ng matatanda hanggang sa mabulok ka dun at mamatay..."

Naramdaman nyo na ba yun sobrang galit na halos sumakit ang dibdib nyo?

Nakatungo ako habang patuloy pa ding umiiyak patungo sa bahay ng tiyahin ko likod ng bahay namin. Isang compound kasi kami. Na-appreciate ko si tita nun mga time na yun. Mahal din pala nya ko, sa isip ko. Nun maisip ko nanay ko, lalo ako napaiyak...kung andito si nanay di ako gaganituhin ni tatay, may magtatanggol sakin...hikbi ko...

Kasalanan niya kung bakit napilitan mag trabaho bilang DH si nanay sa Qatar noon, kahit di siya sanay magtrabaho, ginawa nya, kahit alam kong takot na takot ang kalooban ng nanay ko, kinaya nya, kasi ayaw nya magutom kami, dahil hindi kumikilos ang tatay ko para kumita...wala na nga kami pera, hindi pa namin masakyan ang kakaibang pag uugali niya...nahihirapan kami sa knya...isa rin yun marahil kaya narindi na ang nanay ko at lakas loob na namasukan sa ibang bansa....

Huli ko nalang nalaman na ginawa pala ng nanay ko yun pag a-abroad: "Kasi mag kokolehiyo na si Mac...gusto nya magkolehiyo..." sabi niya sa isang kaibigan nya.

Ako pala ang tunay na dahilan bakit niya ginawa yung pagsasakripisyong yun...ambait ng nanay ko taena.

Taena. Yun nalang nasabi ko nun. At sinumpa ko na aalagaan at mamahalin ko nanay ko hanggang sa huling sandali ng buhay ko. Mahal na mahal ko si nanay.

Nag umpisa akong buo-in muli ang sarili ko, pulutin at idikit-dikit ang nawala kong pakatao na nagkalat sa kung saan saan...Sinubukan kong mabuhay muli...

Pagkatapos ng insidente sa bahay namin, dun ako tumuloy sa bahay ng pamilya ng Ninang ko, kapatid siya ng nanay ko, inaanak nya ako sa binyag, kaya Ninang ang tawag ko sa knya imbes na tita.

Worried man akong iwanan ang nag iisa kong kapatid na babae sa piling ng tatay ko, wala ako choice...

Paborito nila ako, magaan ang loob nila saming magkapatid kahit nun mga musmos pa kami. Nagsumbong agad ako sa kanila, galit galit sila. "Huwag ka na babalik sa inyo, dito ka nalang, walang'ya talaga yang tatay mo..."

Tumawag si nanay kinagabihan nun malaman niya nangyari sakin, ramdam kong alalang-alala siya sakin...halos isumpa niya ang tatay ko sa galit nya. Dito na rin unti unti'ng nawala ang pagmamahal niya sa tatay ko.

Pagkalipas ng ilang araw, dinalaw ako ni tatay. Civil sa kanya lahat ng tao sa bahay ng mga Ninang ko. Pero di ko siya kinausap. Bahala ka sa buhay mo, hudas ka, bulong ko sa sarili ko.

Ilang beses siyang bumalik balik, para siguro mawala galit sa knya ng nanay ko at mga kamag anak nila. Para sa sarili niyang kapakanan kaya siya dumadaan sa bahay na yun, hindi para mag sisi sa ginawa niya sakin.

Mahirap din pala makisama sa bahay ng kamag anak, isa yan sa mga napatunayan ko. Mababait sila, di kami nagugutom kasi well-off naman yun pamilya nila. Pero parang de-numero ang bawat galaw ko, bawat gawin ko. Tumutulong ako sa gawaing bahay, natuto ako magluto ng simpleng putahe gaya ng nilagang itlog at pritong hotdog LOL!

Pero parang laging kulang ang ginagawa ko, kapag pa upo-upo lang ako, parang naiinis si Ninang...lagi kang pinaghahanapan. Ano ba ko pamangkin o katulong?natanong ko sa sarili ko. Pero wala ako masasabing masama sa mga pinsan ko. Lagi silang nakasuporta sa akin.

Nag enroll ako sa isang pribadong kolehiyo sa Laguna pagkalipas ng ilang buwan, nanay ko ang magpapadala ng pang matrikula at sina Ninang sa baon ko. 50 pesos lang baon ko nun, imagine! Di ko alam pano ako nabuhay ng ganun sa college!hahaha (that's around 1996).

Pero pahirapan bago nila ako bigyan ng baon sa araw araw...parang hirap silang bigyan ako, minsan nag-tutulog-tulugan siya. Minsan, nagtitiis nalang ako di kumain sa school, kasi wala ako extra.

Nakakaawa na nakakatawa ang itsura ko nun college, pag binabalikan ko, napapa-ewwww! at yuckkkkk! nalang ako, nakamahabang buhok na hating hati sa gitna na nilalagyan ko pa ng gel, take note ang gamit ko pa nun e "michael's styling gel" LOL. Mata ko lang din ang walang taghiyawat, ewan ko ba galit na galit silang lahat kaya kung magtubuan sila parang wala lang...

Panalo din ang salamin ko sa mata! Ang lalaki ng frame at ke kapal ng grado. At kapag ngumiti ako, maglalabasan ang sobra sobra kong ngipin na patong patong na parang sa chainsaw!

Ang Cute oh!LOL

Ang outfit? Maong na binili sa palengke, Wragler pa nga tatak, imbes na Wrangler. tapos ang nag iisa kong sapatos, jologs na jologs pa na binili namin sa Footsteps nun pasko, may batik na shirt pa ata ako nun! ika nga nila: Barrio-tic!!!!!!!!! as in kakadiri talaga!

Mahirap makihalubulo sa mga mapo-porma at may mga kaya sa school namin dati. Ang lakas ng inferiority complex ko, at ang self steem ko, sing-baba ng mga parasite sa kanal.

Kumuha ako ng kursong nursing nun unang taon, pero taena di ko kinaya ang mathematics for nurses! Sumuko ako! nakakarindi ang computation. OO aaminin ko, bugok ako sa math! LOL Nag shift ako ng course sa hilera ng mga Therapist ako pumili...

Pero tiniis ko ang sangda-makmak na anatomy, biochemistry, zoology at kung anong anik anik pa bago ko makuha ang diploma!

Lumipat na rin si nanay sa Dubai para mag work, hindi na siya DH dun. Natuwa ako, kasi alam kong di nya kaya mag DH. Maayos ang naging lagay nya sa bagong trabaho nya. Nakokopya ko na rin ang mga way ng pananamit ng mga student sa school namin, na-e-exposed na ako sa mga malls at sa mga tambayan. "Sushal" na?!

Mejo jologs pa din...pero mejo-mejo nalang naman!LOL

Mas itinago ko pa ang pagiging bading ko. Pinilit kong magpakalalake, pinilit kong wag magkaroon ng rason ang mga tao na kutyain ako. Masaya ang buhay ko sa kolehiyo. Ang buhay istudyante....hay kaka-miss tuloy. Isa to sa mga masasayang parte ng buhay ko na di ko makakalimutan.