Showing posts with label gay alone. gay in the middle east. Show all posts
Showing posts with label gay alone. gay in the middle east. Show all posts

May 13, 2012

Paghabol



Naalala ko pa nun pitong taong gulang palang ako nang ihinabilin mo ko kina Ninang dahil may lakad kayo ng kaibigan mo.

Ayaw ko magpaiwan kaya iyak ako ng iyak at nagmamakaawa na isama mo ko.

Hanggang sa pumara kayo ng jeep at sumakay umiiyak pa din ako. Sigaw ng sigaw. Mama's boy na mama's boy ako sabi nina Ninang.

Nun halos paandar na ang jeep na sinasakyan nyo, kumawala ako sa pagkakahawak ni Ninang at humabol sa sasakyan na pumapalahaw pa din ng iyak. Sa bilis ng takbo ko hindi ako inabutan ni Ninang.

Sumampa ako sa entrada ng jeep habang tumatakbo ito. Nabigla ang lahat sa pagsakay ko. Natakot sila na muntik na ko mahulog sa pagsakay. Nagtitinginan na ang ibang pasahero. Pinatigil nyo ang pag andar sa driver at napilitan kang bumaba muli hawak hawak ako ng mahigpit sa braso.

Galit na galit ka. Naalala ko pa kung pano mo ko pinalo ng sinturon nun mga panahon na yun. Sa bandang huli naiwan pa din ako sa bahay ni Ninang.

Hindi nabago ng mga palo ng sinturon at mga kurot mo sa tagiliran ko ang pagtingin ko sa yo Nay. Lagi nalang akong hahabol at pipilitin makabalik sa piling mo. Kahit anong mangyari.

Nung hinahatid ka namin sa airport para mag trabaho sa gitnang silangan para matugunan ang mga pangangailangan ko sa iskwela, sabi mo para sa akin to. Para sa kinabukasan ko. Hinding hindi ko makakalimutan ang sakripisyo mo sa kin Nay. Itinago mo ang takot at pag aalinlangan na makipag sapalaran sa malayong lugar na walang kakilala.

Para akong nabalik sa edad na pitong taong gulang noon...muli kong naramdaman ang pag nanais na humabol muli sa yo. Gusto kong humabol ng iyak at pigilan ka. Ang bigat sa dibdib. Ang hirap.

Iba na ang sitwasyon ngayon, 17 na ko. Hindi na 7 years old. Pero bakit parang gusto kong humagulgol na parang nasa edad na pito akong muli?

Hindi ka namin nakitang umiyak tanda ng kakatatagan ng loob mo sa paglisan mong yun...hindi ka na din muli pang lumingon.

Marami akong dapat ipagpasalamat sa mga ginawa mo para sa aming magkapatid Nay. Walang katumbas ang mga sakripisyo at pagkalinga mo sa amin. Alam ko na kahit papano, nasuklian ka namin ng kaligayahan. Natapos ko ang kurso ko at may maayos na trabaho ngayon. May makulit kang panganay na apong lalaki at bagong bagong apo na baby girl mula sa kapatid ko.

Salamat at tanggap mo na din na di na ko mag aasawa pa. Wag ka mag alala...balang araw may maipapakilala din ako sayo na lalakeng magmamahal sa kin ng tapat. Di ko lang alam kung kelan :-)

Alam kong ito nalang ang ninanais mo para sa akin. Wag ka mag alala...malay mo sumaya na din ako soon di ba?

Tatlong taon na mula nun huli ka namin nakasama. Maraming nangyari na di natin inasahan. At sana ngayong darating na Disyembre...sana matuloy tayo...

Sama sama tayong muli.

Isang buong pamilya kahit saglit.

See you soon Nay.

Happy Mother's Day sa 'yo.


April 1, 2012

Sana Lang Ikaw Yun


Lagi siguro kita kasama every weekend, kumakain sa paborito nating restaurant...malamang hindi natin napapalampas lahat ng magagandang palabas sa sinehan at di ko bibitiwan ang mga kamay mo kapag nasa madilim nang bahagi tayo ng sine, oo korni na sa edad natin, pero I won't mind.

Paki nila? Masaya ko gawin yun e bakit ba? hehe. Alam ko papayag ka din, kasi korni ka din!

Tapos te-text kita na samahan ako mag shopping kapag mayroon sale, kahit ayaw mo dahil alam mong ang tagal tagal kong mamili! Pero mapapa-oo ka nalang kasi wala kang choice kundi samahan ako, kasi di mo ko matiis na umalis mag isa at magmukhang loser :-)

Siguro masayang masaya ka tuwing sosorpresahin kita sa uwian mo from work at makikita mong naghihintay ako sa may labasan para ihatid ka pauwi.

Siguro ang sarap sarap halikan ng mga labi mo sa tuwing may pagkakataon tayong mag make out...alam mong hinding hindi ko pagsasawaan ang matatamis mong mga labi...

Kahit wala ng sex...basta akap kita magdamag...basta lagi kong nadadampian ang mga labi mo...wala ng kapantay na kasiyahan ang maidudulot mo sa buong pagkatao ko...

Pero sige na nga, pwede din may sex kahit once lang kung mapilit ka! chos!

Iba siguro ang saya ko kapag lagi kitang kasama tuwing pasko...lagi lagi na kasi ako single at malungkot tuwing ganitong okasyon...

Siguro sa mga panahon na ito naipakilala na kita sa mga kaibigan ko, bilang siyang may hawak ng puso ko. Naks! Makata?

At kung masuwerte ka pagkalipas ng ilang buwan, naipakilala na kita sa kapatid at nanay ko...pero wag muna sa tatay ko ha? Baka di pa siya talaga ready e at atakihin sa puso! Knock on wood!

Siguro kasabay kita nagsisimba at humihiling na sana... patuloy mo akong mahalin pagkalipas ng mahabang panahon...

Siguro ang saya saya ko lagi...

Sana...sana...sana lang...

Maging totoo lang ang lahat ng mga ito...

Magkaroon ng katuparan ang lahat ng mga bagay na sa isipan ko lang tumatakbo...dahil sa mga ganitong pagkakataon na nag iisa ako sa loob ng tahimik kong silid...nag mumuni muni...naiisip kita...

Naiisip ko na nasa malapit ka lang...abot kamay ko...humuhiling na...

Sana lang may totoong ikaw ngayon...

Sana lang andiyan ako sa malapit sa yo ngayon...

Sana lang Ikaw 'yun...


***

August 22, 2011

Cover Up


I turned off the lights inside my room and shut the door.

I took the lift down to the ground floor and hailed a cab.
I'm on my way to the hospital...Its my night duty again.

When I came to our department, the afternoon shift was waiting. Its crazy inside. Ang ingay! Its the best part of the day...endorsements. We get to see each other. Colleagues I seldom see due to different schedules.

Work is fun. Though its tiring most of the time but its fun. I love my job. I've gained too many friends in this foreign land. I am contented with the kind of life I'm having. Who would predict that I will actually love working in the middle east when I first came here in the first place? I just took a gamble and leave everything to fate and to God.

Suwertihan nga lang siguro talaga. Some of my friends abroad, hindi sila masaya sa work nila. Pati sa mga pinoy na kasama.

Minsan kasi kapwa pinoy mo pa ang hihila sayo pababa...

I'm lucky to have my colleagues who supports me and cares for me. Its like a big family. So far I've never regret accepting this job...well, not yet...LOL!

I'm a jolly and goofy person. I love to laugh. Bungisngis ako. You could make me laugh with just some silly korni jokes you could throw at me. I love to talk a lot too. At mahilig din ako makipag asaran sa mga straight na kasama ko sa work.

Masarap makipag tawanan. Nakakabawas ng stress.

Then my shift are about to finish again.
I did my endorsement to the next shift. Chit chat with colleagues before heading out of the hospital. A friend usually gives me a ride home. While inside the car, more laughters and asaran na umaatikabo...

As soon as he dropped me to my building and gave my Thank you..take care... that's when the silence begins...

That's when the slow and heavy walks towards the elevator happens...till I reached my flat on the sixth floor...

I unlocked the door to my room and sat on my couch as I wait for my laptop to start...

Here I am alone again. Inside the four corners of my cold room. They said its fun being single...its fun being with your friends...yeah it is...walang iintindihin na ibang tao but yourself...Ok ang single....I've been telling that inside my head for the whole year and it worked really well...yeah nabola ko sarili ko.

But who am I kidding?

I cannot fool my heart for so long...

I am sad and lonely.

My heart is longing for someone.

Now I could honestly say it out loud.


:-(


Why am I still on my own, if there's a soul mate for everyone?





Meron nga kaya talagang soulmate??? Hay naku emotera na naman daw ako! hahaha! dyan na nga kayo at boborlogz na ko!