Showing posts with label hospital life. Show all posts
Showing posts with label hospital life. Show all posts

April 26, 2013

Heto Na Naman Me! (Medical Escort)





Aktuwali, sa London sana ang medical escort na pinupuntirya ko this month since due na ako sa aming rotation. May pila kasi kami dito, lahat ng staff mula sa pinakasenior hanggang sa junior. Para lahat kami may chance maka byahe at kumita na din ng extra. Fair naman di ba. Minsan may mga sumisingit na kupal lalo't gusto nila pumunta sa bansang yun.

Heniweyz, nun tinawagan ako ng friend ko at sinabing kunin ko na daw itong pinoy case na ito ay medyo hesitant pa ko. Kasi Pinas ang byahe, I mean, I'm targetting Europe kaya. Nun naibaba ko na ang telepono, napag isip isip ko, hmmmm why not! I'll get to see my family and my friends and my boys. Chos!

Hopefully bago matapos ang taon ay makapag London escort ulit ako :-)

Di ba its a win-win case! Kumita na ko dahil babayaran ng company ang 4 days ko, libre pa ticket ko pauwi, tapos mae-experience ko pa ulit ang Pinas lalong lalo na ang mga food na talaga naman namiss ko ng bonggang bongga!

Kainis nga lang 2 days lang ang binigay sa aking extension! pero keri na 6 days na din yun. Pagkakasyahin ko nalang ang lahat ng pwde ko magawa in a short time hihihi. #alamNa.

Nakaka haggard nga lang mga prepare ng mga dokumento jusme. Mga permits, mga letters, mga requirements, at kelangan ay nasa tamang kondisyon ang aking Ventilator (breathing apparatus) at ang mga extra batteries nito kundi yari ako kapag nag fail ito sa eroplano.

Itong aming medical escort na ito to the Philippines ay binubuo ng tatlong tao. Ang aking mabait na Jordanian doctor, ang aking sweet na Indian nurse, at ang inyong lingkod. Kasama namin ang anak ng patient namin na si Ate Cora.

Haist, sad lang ang case ni Ate Cora. Dinala siya sa ER noon January due to acutebiliary pancreatitis. Naoperahan siya kaya nadala sa ICU. tapos nag aspiration pneumonia nun nasa ward na and then nag cardiac arrest, tapos na apektuhan na ang brain functions nya nun ma-revived at gumising kaya naman bed ridden na siya at di nakakapagsalita, tapos nagka pleural effusion pa siya, tapos ARDS. At ito ngayon naka tracheostomy tube siya at sinusuportahan ng mechanical ventilator ko dahil mahina na ang lungs niya.

Napag desisyunan na iuwi na siya sa Pinas dahil supportive na treatment nalang ang kelangan niya. Ihahatid namin siya sa isang hospital sa Pasig. wala na kasing magagawa pa ang hospital namin for her. At wish na rin ng family nya na maiuwi siya.

From the plane ibibiyahe namin si Ate Cora na sana ay stable at walang aberya sa kalagayan niya mahirap na mag code blue kami sa ere! jusme imaginin nyo nalang ang panic ng mga kasabay namin sa erpleyn nun at baka mapilitan kami mag landing sa kung saan man airport pinakamalapit, at saklap kapag sa North Korea kami inabot da vah or sa afghanistan! charot!

 Pagbaba namin sa NAIA ng around 11pm ay may naghihintay ng ambulance sa amin, hopefully ay na coordinate nun family ni Ate Cora ito ng maayos kundi nganga kami sa airport. LOL From the erfort ay ihahatid kami ng ambulance all the way to Pasig. Hmmm, sana bago mag 1am ay naiendorse na namin ng maayos at stable ang pasyente.

Magpapasundo ako sa sis ko sa hospital sa pasig tapos idadaan ko sa kung saan mang hotel magcheck-in yun dalawang kasama kong foreigner. I feel bad kasi na iiwan ko sila sa Manila. Syempre ala sila kilala diyan kahit isa diba. So im sure worried din sila. Pero sabi ko nalang mag ingat sila sa mga mandurukot at holdaper. LOL! (lalo natakot ang mga hitad hahaha)

So yun nalang consolation ko sa kanila, ang ihatid sila sa hotel nila. Sa makati daw nila gusto, nagmamayaman ang mga bruha at sa five star hotel daw. tseh.

So yun ang plano. Sa ngayon ang goal namin ay mapanatiling stable ang kalagayan ni Ate Cora sa ICU habang nag iintay kami ng sabado ng umaga para sa byahe namin pauwi ng Pinas. Kagabi kasi nag respiratory distress daw ang pasyente kalurkei. Tinakot kami. Pero ngayon ay Ok na siya. Kundi good bye to my pinas mini vacay! haha

November 5, 2012

Deadz Na

 


Dahil pare-pareho naman kaming nasa hospital at pare-pareho nalang ang ginagawa ng bawat isa sa araw araw, madalas ay nagiging casual na kami sa mga bagay bagay mapa-pinoy or ibang lahi pa.

Lalo na sa buhay ng isang tao.

Kung minsan parang ang dating ay wala ka sympathy at insensitive sa pasyente. Parang walang puso. Pero in reality ay meron naman. Kaso nga lang sa dalas mo ng ginagawa, ay nagiging normal na ito sa amin. Ito na kasi propesyon namin. Siguro mas grabe ngayon kasi nga di naman namin sila kalahi, at karamihan sa mga arabo ay rude.

Naging kultura na ito sa ospital. Iyan ang riyalidad.

Normal ka ng makakarinig sa amin lalo na kapag kapwa pinoy ng:

" tegi na ba?"

"jigok na ba siya?"

"mamamatay na yan mamaya"

"di na yan aabutin bukas"

"ihanda mo na sarili mo, toxic ka buong gabi, patayin mo na yan ha para di na abutin sa amin bukas"

"tagal mamatay ni Mama/Babbaa (matandang babae/lalake) patay-sindi lang puso nya, christmas light?" --kapag ilang beses na kami nag co-code-blue sa knila. as in yun tipong 10x na siya nag cacardiac arrest and mega cpr na kami ng maya't maya ganyan.

"hongtagal mamatay ha! pagod na ko!"

Di ba kakaloka? kapag narinig ng ibang tao lalo't hindi empleyado or mga kamag anak e baka mamura pa kami! LOL. Pero syempre yan ay pag kami kami lang sa loob ng vicinity ng hospital. at yan ay biruan lang. Hindi naman namin talaga kaya patayin ang pasyente dahill lang sa pagod na kami di ba?

Dito kasi kapag naibigay na namin ang lahat ng kelangan ng isang pasyente, medicines, mga emergency drugs to make the heart works again, mga equipments to assists sa paghinga, lahat na ng efforts at procedures ay ginawa na pero wala pa din, dito kasi kahit magbobote ka ata gagamutin ka sa hospital namin, ibibigay sau lahat ng medical needs mo. ganyan kayaman ang bansang ito. Pero after gawin lahat ng protocols na kailangan at waley pa din.

Technically: Wala na nga talaga.

Kapag hindi na magawan ng paraan ng Science ika nga.

Kapag  lampas na ng isang oras namin ginagawa ang i-revive at CPR ang isang pasyente at wala pa din signs of life. Dun na mag declare ang doctor na expired na ang isang tao.


***

Pagbalik ko sa office namin after an hour:


Colleague: O anyare? buhay pa ba?

Me: Wala na, Pinatay ko na.


sabay upo sa swivel chair at browse ng timeline sa twitter.

LOL


September 17, 2012

Prowdli-Pinoy


Nakakaproud na madaming Pinoy dito sa middle east na uber successful. May certain hierarchy kasi sa hospital. Well, kahit san naman ata, pero since buhay ospital ang alam ko, dito nalang example ko hehe.

Sanay na kong makakita ng pinoy nurses, andaming pinoy dito, para ka lang nasa pinas, pero singdami din namin ang mga Pana-dol (indian). Nakakatuwa lang na may mga kababayan tayo na ang taas ng katungkulan sa hospital. May mga sarili pa silang offices. Galing!

Yun iba sa kanila Nursing House supervisor, hinahandle nila buong hospital at sa kanila ang rereport ang mga head nurses on every department. Naiimagine ko kung magkano sahod nila! Grabe wala sigurong binatbat ang kinikita ko kompara sa kanila hahaha!

At madami din naman na head nurses na pinoy. Imagine under nila ang ibang lahi. Lalo na kapag ang gagaling nila kapag sobrang pressured ang sitwasyon and they handled it so well.

Proud na proud ako makakita ng ganun. Sa department namin, Pana-dol ang chief! well, sana soon may mag handle sa amin na pinoy naman. Para mas cool!

Ako ok na ko sa posisyon ko now! at sana tumaas ng konti sahod! hahaha e kasi naman habang tumataas ng kita mo nag iiba din ang lifestyles! hay naku! dati naman kasya na sa akin ang kita ko sa pinas nun a! bat ngayon kulang na kulang pa! LOL

Pwera biro, madami kasi akong obligations sa pinas now. Bumi-breadwinner ang peg ko ngayon e.

Pero sa ibang banda, may mga kababayan din naman tayo na nasa pinakababang lebel ng hospital. Sila yun mga nasa housekeeping. Napag alaman ko na halos nasa sampung libong piso lang sahod nila, hindi pa libre ang pagkain. Ang baba pa ng overtime pay nila!

Grabe naman!

Kaya minsan kapag naglilinis sila ng office namin, andun na abutan namin sila ng extra food or some stuffs. Sa hirap kasi ng buhay sa pinas, napilitan sila mag tiis ng kapiranggot na sahod, atleast daw dito, regular silang may kikitain at tax free naman daw.

Pero anyway, bilib ako sa kanila!